Madaling araw na nang magising ako, at dahil nga hindi na ako nakapaghapunan kagabi, kaya naman ngayon ay gutom na gutom na rin ako. Pumunta agad ako nang kusina para tingnan kung may makakain ba ako. Sabi naman ni Kuya Karl, yung caretaker nang bahay, eh nakapag-grocery na daw sya kahapon bago pa ako dumating ayon na rin sa bilin ni pinsan. Hindi naman kasi ako mahilig mag-grocery eh.
Nang makababa na ako ay parang akong binalot nang kalungkutan bigla. Ang tahimik nang bahay at tanging ang mga yabag ng aking mga paa at ang aking buntong-hininga lang ang tanging maririnig sa buong bahay.
Naalala ko naman bigla ang pangyayaring nagpaguho nang masaya kong mundo, ang gabi kung kailan natagpuan kong wala nang buhay ang aking mga magulang. Ganito rin yun katahimik nang makauwi ako sa bahay. It was Friday Night at 10 P.M. na nang magsiuwian kaming magkakaibigan, gumala kami at nagkainoman nang kaunti. Nakagawian narin kasi naming magkakabarkada na gumala at tsaka uminom nang kaunti tuwing Friday night. It was for us to unwind.
Nang makarating ako nang bahay ay medyo tipsy na ako, medyo lang kasi hindi naman kasi marami ang naubos naming alak, dalawang bote lang. Kasi biglang hinanap nang mga magulang yung isa sa kaibigan naming babae, dalawa kasi silang babae, kaya nagsiuwian narin kami.
Pagdating ko nang bahay ay hindi na ako nagtaka kung bakit tahimik na ang bahay, siguro nasanay narin kasi ako na kapag ganitong oras either tulog na sina Mom at Dad or di kaya'y nasa study room sila at may tinatapos.
Ngunit parang kakaiba ngayon mas tahimik ang bahay, ngunit hindi ko rin ito pinansin pa. Dumiretso na ako paakyat sa ikalawang palapg nang bahay kung nasaan ang mga kwarto namin at gayun din ang study room nang may marinig akong parang nabasag rito. Kaya dali-dali na akong nagtungo sa study room. Pagbukas ko nang study room ay ikinagulantang nang buo kong pagkatao ang aking nasaksihan. Si Mom ay naliligo na sa sarili nyang dugo at nagkalat pa iyon sa ibaba nang couch. Iginawi ko naman sa table kung nasaan si Dad ngunit katulad ni Mom ay wala na rin itong buhay at wak-wak na ang kanyang leeg marami naring dugo ang buong table. Bigla ko naman naituon ang paningin sa may bintana at napansin kong may tao dito kaya dali-dali ko nang hinugot ang baril na lagi kong tangan.At itinutok ito sa kanya. Dala ko to palagi kahit saan ako magpunta para sa aking proteksyon dahil narin sa pagtatangkang nangyari nung makaraang taon.
"Sino ka? at bakit mo to ginawa? anong kasalanan nang pamilya ko sayo?"
Ngunit hindi sya sumagot at akmang kikilos ito, kaya't pinaputokan ko na. Natamaan ko sya sa may kaliwang bahagi ng balikat nya. Nakasout sya nang maskara na hindi ko mawari kung anung desinyo nito ngunit alam kung nakadesinyo ito ayon sa mukha ng dalawang klase ng hayop na pinagsama. At naka-cloak na itim din ito kaya nahihirapan akong malaman kung sino siya.
"Sino ka? at wag na wag kang magtatangkang kumilos kundi sabog yang utak mo?"
Ngunit bigla na itong tumalon sa basag nang bintana nang study room, ito pala yung nabasag na narinig ko. Dali-dali narin akong nagpaputok ulit ngunit hindi ko na ito na tamaan. Lumapit naman agad ako sa may bintana para tingnan ngunit bago ako makarating sa bintana ay pina-tunog ko muna ang alarm nang bahay na nasa gilid na table ni Dad ang button para maalerto ang gwardya nang villa.
Nakita kung tumatakbo ang salarin papunta sa likod kaya nagpaputok pa ulit ako nang isa pang beses ngunit hindi ko ito na tamaan, "shit" at pagku'ay nawala na ito sa aking paningin dahil narin sa pumunta ito sa may mini forest nang villa.
Nang hindi ko na talaga makita at makita ko ang mga guards na papunta na sa gawing iyon ay hindi na ako nagtangkang sundan pa ito alam ko rin naman na hindi ko na ito mahahanap pa umiikot na rin ang paningin ko ngunit pinipilit ko parin at lumapit ako kay Dad nagbabakasakaling buhay pa ito ngunit patay na talaga si Dad, at lumapit ako kay Mom ngunit katulad ni Dad wala naring buhay si Mom, patay na talaga sila at hindi ko na talaga napigilan pa ang aking sarili na lumuha. Umiiyak ako habang hawak si Mom.
"Mom gising, wag nyo naman akong iwan oh. Mom, Mom!" nasa ganoon akong tagpo nang dumating ang mga gwardya at maya-maya pa dumating din ang mga pulis.
Ngunit hindi ko na kinaya pa at bigla nalang umikot ang aking paningin at biglang namayani ang katahimikan at dilim nang paligid.
Nagbalik naman ako sa aking ulirat nang marinig ko ang alarm nang microwave toaster. Bigla ko namang naramdaman na may tumulong likido sa pisngi ko. Hindi ko pala namalayan na umiiyak na pala ako.
'Ah naalala ko na naman iyon, Bakit ba inalala ko na naman yun ang aga-aga nageemote ako hindi bagay sa pagkalalaki ko'.
Tiningnan ko naman ang niluto kong instant noodles kung luto na. Nagluto narin ako nang hotdog at tsaka egg, diretso na kasi to breakfast nang hindi ko na kailangan pang magluto mamaya ulit. Anyways 5 o'clock na rin kaya breakfadt na talaga to.
Pagkatapos kung kumain ay nagayos na ako nang mga gamit ko na hindi ko rin nagalaw kahapon.Quarter 7 na rin ako natapos sa pag-aayos.
Mabilis na akong naligo at nag-ayos sa sarili. Pupunta nga pala ako nang Uiversity ngayon. Naka-enroll narin naman ako through online bago pa ako pumunta sa lugar nato, kaya't this is also my first day. At dapat 7 palang ay nakarating na ako doon , kukunin ko pa kasi ang studyload ko. At ayokong malate sana sa first class ko which is 7:30. But anyway it's already 7 A.M. so bahala na.
Bago ako lumabas nang bahay ay chineck ko muna ang emails ko sa laptop baka may importanting mensahe ngunit wala naman. Sinunod ko namang i-chenick yung phone ko hindi ko pala na sabihan sila Mark at Tito Gilbert kahapon na dumating naako rito sa La Paz, kaya I expect na marami talaga akong messages from them, not just messages also missed calls. At tama nga ako 25 missed calls and 56 messages from both of them. hindi ko na muna inopen ang mga messages at di narin muna ako nagmessages. Tatawagan ko nalang sila mamaya pagkatapos nang first class ko at kinuha ko na yung susi nang motor ko at susi nang bahay at inilagay sa bulsa ko. Hindi na ako nag-atubiling magdala nang bag its my first day anyway. Hindi rin ako nag-uniform kasi nagpapagawa pa ako, kaya't casual lang ang suot ko ngayon. A white shirt with a black leather jacket on top kasi ayokong magmaneho nang motor nang hindi naka jacket sobra kayang mahangin at madali akong ginawin. Then a Black jeans and a Black rubber shoes.
Lumabas naako nang bahay at inilock ito bago pumunta sa garahe at pinaandar ang motor.