ดาวน์โหลดแอป
88.25% M2M SERIES / Chapter 337: Ang Bastos Sa Kanto I (Part 26)

บท 337: Ang Bastos Sa Kanto I (Part 26)

Monday morning,nakatanggap ako ng text mula kay Ohm na kailangan daw namin magkita before o after ng Prom. Pero sabi ko hindi ko siya maisingit kasi puno ang schedule ko para sa araw na ito,at sabi niya bukas na lang daw.

Nandito pa ako sa kwarto ko at binabasa ng paulit ulit ang sulat ko para kay Chance. Huminga ako ng malamim,bahala na si Queen Elsa sa akin.

"Kiji! Bilisan mo dyan at aalis na din kami ng papa mo,kukunin na namin ang gown mo." ang katok ni Mama sa pinto kaya tumayo na ako at inayos ang uniform ko.

"Ma?! Siguraduhin niyo lang na magugustuhan ko iyon!" sagot ko saka binuksan ang pinto.

"Enjoy lang sa Prom,nak. O siya,una na kaming umalis nasa labas na ang Papa mo."

"Sige po." sagot ko at sinukbit na sa balikat ang aking bag.

Pagdating sa RHS ay nagkalat na ang mga estudyante,sa Gymnasium gaganapin ang prom,gusto ko sanang silipin ang loob kaso male-late na ako sa first subject.

Pagdating ko sa room para lang nasa palengke sa sobrang ingay. Buti na lang kasunod ko yung first subject teacher namin kaya natahimik din ang lahat.

Wala akong inisip buong araw kundi kung anong pag uusapan namin ni Ohm at kung anong magiging reaksyon ni Chance sa sulat.

Nang sumapit ang subject kung saan pinagawa kami ng sulat ay natetensiyon na ako. Daig ko pa ang constipated at may LBM.

"Now class,are you ready na ibigay ang mga sulat niyo sa inyong seatmate?" nakangising sabi ni Maam. How dare her? Nagagawa pa niyang ngumisi samantalang ako parang tatae na ng halowblock! My gowd.

"Yes maam!!" sabay sabay na sigaw ng mga kaklase ko. Napatingin ako kay Chance,parang wala lang sa kanya.

"Okay,kung ganon. Magpalitan na kayo ng sulat." sabi ni Maam kaya nanginginig ang mga kamay ko na kinuha ang sulat sa bag at nilapag sa armchair ni Chance.

"Oh ayan na ang sulat ko." sabi ni Chance at ngumisi. Gago talaga! Pagkatapos nung nangyari at sinabi niya nung Valentines day ngingisihan lang niya ako? Ang lakas makainis.

"Ayan na din ang akin. Mamaya mo na basahin pag uwi." sagot ko naman. Pinulot nya ang sulat at tinupi saka nilagay sa bulsa ng polo niya.

"Yung sa akin pwede mo na basahin ngayon." sabi ni Chance. Tinaasan ko siya ng kilay at nilibot ko ang paningin ko sa buong classroom,busy ang lahat sa bulungan at pagbabasa ng mga sulat na natanggap nila.

"Now,sino ang gusto magpunta sa harapan at basahin ang sulat na natanggap niya?!" ang tanong ni Maam kaya duausdos ako ng upo dahil baka ako ang makita.

"Si Kiji maam! Panigurado kakaiba ang natanggap niyang sulat!" sigaw ni Teban kaya napadiretso ako ng upo.

"Oh Kiji. Halika sa harapan at basahin ang sulat ni Chance para sayo." ang pagpansin sa akin ni Maam. Halos malusaw na si Teban sa kakatingin ko sa kanya ng masama.

Binaling ko ang tingin ko kay Chance na napa ayos din ng upo at parang natensyon.

Bakit kaya?

"Sige na Kiji. Kaya mo yan." ang bulong ni Khaim sa likuran ko. Huminga ako ng malalim at tumayo saka tiningnan ulit si Chance na ang bigat na ng pagkakatingin sa akin. Parang nagkagulo tuloy ang mga hayop sa tyan ko at ang puso ko ay nag cartwheel na naman ng paulit ulit,parang gusto.ko sumuka ng golden pot!

"Come here Kiji at basahin mo ang sulat ni Chance." ulit ni Maam at ang mga classmates namin halatang nagpipigil.ng tawa. We know Chance,paniguradong hindi matino ang laman ng sulat na ito.

Pagpunta ko sa harapam ay sumesenyas pa sina Karissa at Aiko ng Aja! Parang gusto ko tuloy silang sabunutan. Sinusuportahan nila ang nalalapit kong pagkapahiya,kaibigan ko ba talaga sila?

"Uhm.." ang panimula ko habang kinukuha sa bulsa ang sulat ni Chance.

"Bago ka magsimula Kiji. I just want to know kung anong ginawa mo at gumanda ka na? Huwag ka sanang ma offend." ang pag interrupt ni Maam na ikinagulat ko.

"Po? Ano po inaalagaan ko na po ang mukha ko hindi gaya dati na wala akong pakialam. At saka may ginagamit po akong mga produkto na bigay ng kaibigan namin ni Chance na si Adz." ang sagot ko n ikinangiti ni Maam. Bakit siya ngumingiti?

"I see. Are you inlove? Halata sa mga mata mo eh." napaka tsismosa ni Maam pati yun alam.

"Opo. Unrequited love." lakas loob kong sagot at nagsigawan ang mga kaklase ko. Parang gusto ko silang tirahin isa isa ng flying kick!

"Quiet class!!" saway ni Maam sa mga ito. "Kiji,you may start."

Tumango lang ako. Binuksan ko ang papel at napanganga ako,saka ko tingnan si Chance na nag iwas ng tingin.

"Maam huwag na lang kaya?" ang baling ko kay Maam.

"No Kiji. Basahin mk. Madami kaming gustong makarinig."

Bwisit! Walang kwenta napaka ikli ng sulat. Sinasabi ko na nga ba eh! Si Chance ay si Chance at hindi siya normal na tao!

Tumikhim ako at binasa ang nakakahiyang sulat.

"Kiji,tinatamad talaga ako na gawan ka ng sulat. Tandaan mo kahit sinasabi nila na gumanda ka na ay mananatili kang pangit para sa akin." ang basa ko sa maikling sulat at nagtawanan ang lahat.

"Yun lang!?" ani Maam at bumaling kay Chance. "Ano ba ito Chance? Ang haba ng panahon para gumawa ng sulat tas yan lang at nilait mo pa si Kiji?"

"Sabi ko sa inyo Maam huwag na lang eh." gusto ko ng maiyak. Wala talaga akong halaga kay Chance,yung mga sinasabi niya na halos pumatay sa akin sa kilig ay balewala lang sa kanya.

"Class,hindi magandang pagtawanan ang tao dahil nilait siya. I cant believe this--"

"Bakit ba nagre-react agad kayo? May PS pa yan!" ang pagputol ni Chance sa sasabihin ni Maam. Napanganga ako at tiningnan ulit ang sulat.

"PS,pero nagbago ang lahat. Mag usap tayo mamaya sa Prom. Tayong dalawa lang." ang pagbasa ko. Kumalabog na naman ang dibdib ko at nag sigawan na naman ang lahat na parang mga kinililig.

Gusto kong maiyak na ewan,naghalo na ang emosyon ko. Pagtingin ko kay Chance ay nakatitig lang siya sa akin kaya ako na ang unang nagbawi ng tingin.

Pagdating sa bahay ay para na akong high na high. Wala sina Mama at Papa nagpunta sa OB-gyne at ako lang ang mag a-ayos sa sarili ko.

Nagfoundation lang ako at sinuot ko na ang pink na tuxedo na binili nina Mama at Papa. Gusto kong mainis dahil kulay pink,but then again dapat nagpapasalamat na lang ako,buti.nga meron kesa sa wala.

Alas siete ang simula ng Prom,hindi ko alam kung magta-taxi ba ako papunta aa RHS o magta-trycicle? Sa bandang huli ay nag taxi n lang ako,aa may harap ako ng One Mercedez plaza sumakay.

Pagdating sa RHS ay namangha ako,lumabas ang mga kagwapuhan at kagandahan ng mga estudyante,parang a-attend ng awards night. Fifth year at kaming mga 6th year ang aattend sa Prom,bukas ang para sa mga 3rd and 4th year.

Palingon lingon pa ako dahil hinahanap ko ang tropa,pinagtitinginan din ako dahil sa pink kong tuxedo,ang lakas kasi maka bading haha!

Ang liwanag ng buong RHS hindi mo iisipin na maraming multo pagkagat ng dilim.

Nagpunta na ako sa Gymnasium at pumirma sa log book. San kaya naka pwesto ang section namin?

Pagpasok ko ay namangha ako lalo,nag iba ang gym! Nagmukhang hotel dahil sa malalaki at magagandang kurtina na ginamit,idagdag pa ang dalawang magandang chandellier kaya nagmukha talagang cozy ang gym.

Napaka haba ng mesa kung nasan ang mga pagkain. Kulay red lahat ang design,buti na lang pink ang tuxedo ko hindi ako nagmukhang kurtina.

Nakita ko agad sina Karissa at Aiko na kumakaway kaway pa kaya lumapit agad ako. Ang ganda ng mga gown nila,si Karissa ay lavander at backless samantalang si Aiko ay itim na silk at napaka seductive ng dating. Si Teban.naman ay gwapong gwapo sa suit nyang kulay grey at si Khaim ay parang artista sa suit niyanh Beige ang kulay.

Pero teka? Nasan si Chance?

"Group selfie tayo!" ani Karissa na may bitbit na palang DLSR cam.

"Mamaya na girl pag nandito na si Chance." ang pagpigil ni Aiko dito.

"Oo nga hintayon natin."dagdag ni Teban.

"I remember hindi pa ayos ang problema niya sa kanila. Maupo muna tayo at maghintay." ani pa ni Khaim.

Kaya kahit naka upo na kami at pinupuri nila ako ay si Chance ang iniisip ko.

Makaka rating kaya siya? Ano ba kasi ang desisyon niyang hindi nagustuhan ng pamilya niya? At umabot na ng ganito katagal? Hindi pwedeng hindi siya dumating,last prom na namin ito at sayang kung hindi niya mararanasan.

Nagsimula na ang prom at nagkakainan na ang lahat pero wala pa ding Chance na dumating. Nagsimula ng magsayaw ang lahat pero wala pa ding Chance kaya hindi na ako mapakali.

"Saglit. Cr lang ako." ang paalam ko sa tropa at lumabas ng gym. Sakto tumunog ang phone ko,tiningnan ko,text galing kay Ohm at nasa may bench siya sa Main building.

Huminga ako ng malalim at tumingala,bilog na bilog ang buwan at nagkalat ang mga bituin,perfect night para sa mga lovers. Pero iba talaga,kailangan ko din talagang maka usap na si Ohm.

Pagpunta ko ay agad kong nakita si Ohm,naka pamulsa at nakatingin sa Oval.

"Ohm." pagtawag ko dito. Lumingon siya at ngumiti,ewan ko ba pero iba ang nararamdaman ko. Gayunpaman ay agad pa dim akong lumapit.

"Akala ko hindi mo mababasa ang text ko." aniya.

"Nabasa ko. Ano ba yung una mong text na dapat ay mag usap na tayo?" ang kinakabahan kong tanong.

"Alam mo at ramdam mo.kung gaano kita kamahal diba?" seryoso niyang tanong. I was caught offguard, hindi agad ako nakasagot. "Minahal mo din ba ako?"

I dont know,pero naiiyak na ako. Ito ang kinakatakutan ko talaga,ang dumating ang panahon na magtanong siya.

"Oo naman. Mahal kita Ohm,bakit ba ito ang pinag uusapan natin?" ani ko at hinawakan ang mga kamay niya,nanginginig siya. Suminghap siya at tumingala.

"Mahal mo ako pero hindi kasing tindi ng pagmamahal mo para kay Chance diba?" tumingin siya sa akin. Nanikip anh dibdib ko ng tumulo ang mga luha niya,ang hirap noyang tingnan at ako ang dahilan ng paghihirap niya.

"Ohm.."

"Its okay. Tanggap ko na,ayaw ko na din pahirapan pa ang sarili ko. Masaya ako na ikaw ang minahal ko at kahit papaano ay minahal mo din ako." aniya. Hindi ko na napigilan ang paghikbi,parang pinupunit ang puso ko sa isiping nakasakit ako ng taong sobrang mahal na mahal ako. Pero hindi ko naman pwedeng lokohin ang sarili ko.

"Sorry Ohm. Minahal naman talaga kita. Pero kasi,kasi lintik na Chance yan eh!" ang sagot ko at napayuko na ako. Iniangat niya ang ulo ko,pinunasan ang mga luha ko at mabilisam akong hinalikan sa labi.

"Please dont cry,atleast naging totoo ka. Maraming salamat sa maikling panahom Kiji. Kahit gaano kita kamahal at kung hindi naman ako ang Mr.right ay wala pa ding mangyayari,nakatadhana siguro na maging saglit na part lang ako ng buhay mo,Im not Mr.right at all." titig na titig na sabi niya sa akin,namumula na ang kanyang mga mata,pinunasan niya ang luha niya at ngumiti.

"Sorry talaga. Pero kahit wala akong pag asa kay Chance,susubok pa din ako." sabi ko sa kanya. "Ikaw? Bakit sinuko mo ako?"

"Hindi kita sinuko. Hindi porket pinalaya na kita ay sumuko na ako. Mas gugustuhin kong sumaya ka sa tunay mong mahal kesa pilitin ko ang sarili mo na mahalin ako kahit ayaw ng puso mo." aniya at ngumiti ulit saka timingala.

"Napaka bait at napaka unawain mo Ohm. Sana makita mo agad yung nararapat para sayo." ang sabi ko at pinigil ang mapahikbi ulit.

"Sana nga." nilingon niya ako. "You know what? Its funny when you can find some place to live but its impossible to stay."

"Ohm."

"I wish you happiness Kiji. Goodbye and I love you."

Hanggang makabalik ako sa loob ng gym ay iniisip ko ang mga sinabi ni Ohm. Sana lang makahanap na siya o makita na niya ang nakatadhana para sa kanya.

"Ano ba yan? Malapit na ang last dance at announcement ng Prom King and Queen wala pa din si Chance!" ang reklamo ni Aiko. At dun ko lang ulit naisip si Chance.

"Baka pwede pa siyang humabol? Taga kapasigan lang naman siya diba? Pupuntahan ko." ani ko at tumayo.

"Rizalians,we have an intermission number. Please give him a big round of applause!" sabi ng emcee kaya pero nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Ang kantang ito ay para sa taong sobrang mahal na mahal ko. Huwag kang lumabas,dyan ka lang dahil may last dance pa tayo."

Nang marinig ko ang boses.na iyon ay na estatwa ako nanginig ang mga kalamnan ko. Parang sasabog ang dibdib ko at hindi na ako makahinga ng maayos.

Niloloko ba ako ng pandinig ko? O baka hindi ako yun?

Kaya ang ginawa ko ay humakbang ako.

"Huwag kang tutuloy sa oag hakbang Kiji!" sigaw nito sa mic kaya napatigil na talaga ako.

Lumingon ako,may tumutok sa aking spot light. Halos masilaw ako,hanggang sa nakita kong may papalapit sa akin. Nagrigodon na lalo ang puso ko,para na siyang lalabas sa dibdib ko.

"C-chance.." parang gusto ko.ng maiyak,hindi ko na maintindihan ang nangyayari.

Nagsimula na ang instrumental ng kanta at napasinghap ako.

"Kiji Santos. Would you be my last dance?" ani Chance sa mic. Napatango na lang ako at lumingon sa paligid,nagsitayuan na ang mga tao at nag sweet dance.

"Who would have thought,this is how the pieces fit." simula ni Chance sa kanta. Nanlalambot na ang tuhod ko.

Niyakap niya ako at yumakap din ako at sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya na sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso. Pinipigilan kong maiyak.

"You and I shouldnt even try making sense of it.

I forgot how we ever came this far.."

Hindi ko alam na pwede palang lalaki ang kumanta nitong kantang to? At ang lalaking mahal na mahal ko pa. Para akong nananaginip.

"Love moves,in mysterious ways.

Its always so surprising when.love appears ovee the horizon.

I love you,for the rest of my days,but still its a mystery of how you ever came to me.

Which only proves,love moves in mysterious ways."

Tumigil sa pagkanta si Chance,pero kahit instrumental na lang ang tumutugtog ay patuloy pa din ang lahat sa sweet dance.

"Kiji. Tingnan mo ako." ani Chance habang magkayakap pa din kami at sumasayaw. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Ayoko! Pangit ako sabi mo!". Sabi ko at mas sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Gusto ko ng umupo,sobrang nanlalambot na talaga ang mga tuhod ko.

"Kahit pangit ka. Mahal naman kita." sabi niya kaya nag angat na ako ng tingin.

"Ha? Mahal mo ako? Nagtitrip ka na naman." sabi ko at yumuko ulit.

"Ang hirap makipag usap sa taong naka yuko. Ano b tinitingnan mo dyan? Mamaya na yan! Oo mahal kita. Mahal na mahal at nahirapan pa akong aminin at tanggapin yun sa sarili ko." aniya kaya napa angat ako ng tingin. "Nabasa ko ang sulat mo kaya hindi na ako mapakali. Totoo.ba yung mga nakalagay dun?"

Napalunok ako,kung siya umamin ay aamin na din ako.

"Oo,mahal na mahal kita at para ng sasabog ang dibdib ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko." ang pag amin ko,ngimiti siya ng napaka tamis at parang bigla akong lumutang at nabingi.

"Mahal na mahal kita Kiji. Naghintay lang ako ng ganitong pagkakataon." aniya,kinuha sa bulsa niya ang mic at lumuhod. Napanganga ako at napatingin sa paligid. "Kiji Santos,ang pinaka pangit na nakilala ko,would you be my boyfriend? My other half?"

Sinabi niya iyan ng naka mic! Napatingin sa amin ang lahat. Nakita ko ang tropa na panay pa ang tango.

Tumulo na ang mga luha ko,hindi ko akalain na ang taong mahal na mahal ko ay mahal din ako.

"Oo." sagot ko at pinunasan ko ang mga luha ko. "Oo Chance. Pinaka bastos sa lahat,ang bastos sa kanto na nakilala ko nung pasukan. I will be your boyfriend and other half."

Nagpalakpakan ang mga tao at nagsigawan. Para akong nabingi lalo na ng yakapin ako ni Chance ng mahigpit.

"Maraming salamat Kiji! Patawarin mo ako sa lahat ng kagaguhan ko."

"Mahal kita kahit anong gawin mo. Kahit hindi ka prince charming tulad ng sinasabi mo,mahal kita bilang ikaw." sagot ko.

Tinitigan niya ako. Napigil ko ang hininga ko ng lumapit ang mukha niya. At ng maglapat ang aming mga labi ay sumabog na ang fireworks sa dibdib ko.

The next thing I knew ay magkatabi na kaming hubad sa kama ko.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C337
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ