ดาวน์โหลดแอป
97.12% M2M SERIES / Chapter 371: Malayo Pa Ang Umaga (Part 1)

บท 371: Malayo Pa Ang Umaga (Part 1)

"Sir, dyan na lang po ako sa may kanto." ang paalam ni William sa kasakay niya sa taxi ng papalapit na ang taxi sa isang kanto sa may Cubao.

"Dito ka na lang ba William? Hindi na ba kita ihahatid sa mas malapit na sakayan papunta sa Marikina?" ang tanong ng lalaking kasama ni William sa taxi.

"Okey na po ako dito. Madami na pong dumadaan na jeep papunta sa Marikina. Pagbaba ko naman po sa jeep ay lalakarin ko na lang ang bahay namin." ang naging tugon ni William.

Bago pa bumaba si William ay inabot ng lalaking kasama nya sa taxi ang dalawang libong piso.

"Okey na ba yan?" ang tanong ng lalaki kay William.

"Sobra na nga po ito eh. Hindi naman kayo nagpa-extra service." ang tugon naman ni William.

"Medyo late na kasi eh. At solve na rin ako sa masahe mo. Muntik na nga ako makatulog sa sarap ng masahe mo. Sige next time na lang. Text na lang kita kung kailan." ang nasabi naman ng lalaki kay William.

"Sige po sir. Salamat. Ingat po sa pag-uwi." tuluyang ng bumaba ng taxi si William.

Alas-tres na ng madaling araw ng mga oras na iyon ng bumaba si William mula sa taxi. Natapos na naman ang isang gabing pagbebenta ng laman ni William sa pamamagitan ng pagmamasahe at pagbibigay ng tinatawag nilang "extra service". Nakadalawang kliyente din si William ng gabing iyon. Sa edad niyang 28 ay halos isang dekada na rin siya sa gawaing iyon. Kabisado na niya ang kalakaran sa trabaho niyang iyon. Sa tuwing matatapos ang gabing paghahanapbuhay ni William ay lagi niyang tinatanong sa kanyang sarili kung hanggang kailan siya magbebenta ng kanyang katawan.

"Boss, Marikina." ang sabi ng tsuper ng jeep na tumigil sa kanyang harapan na pumukaw sa kanyang pagmumuni-muni.

Sumakay si William sa jeep at iniabot ang kanyang bayad.

"Sa Poblacion lang po." ang sabi ni William sa driver.

Umusad ang jeep patungong Marikina. Paminsan-minsan ay humihinto ito upang tanungin ang mga nag-aabang kung sasakay sila.

Si William ay hindi rin naiiba sa driver ng jeep na kanyang sinakyan. Walang pinipiling pasahero ang tsuper ng jeep. Ang mahalaga ay may pamabayad ito ng kanyang pamasahe saan man ito tutungo. Si William ay ganoon din. Sa edad niyang iyon ay hindi na niya kailangan pang mamili ng kliyente. Ang mahalaga ay may pampayad sa kanya. Marami ng bagong sibol na masahista at callboy ang naglipana sa syudad. Mas bata at mas makisig pa kay William. Kaya naman kung may tatawag o magtetext sa kanya ay magseserbisyo agad siya sa mga nangangailang ng panandaliang ligaya.

"Mama, para na lang sa tabi." ang biglang pagpara ni William ng mapansin na niyang nasa tapat na siya ng kanto na papasok sa kanilang bahay.

Bumaba si William sa jeep at nagsimulang maglakad. Sa kanyang paglakad ay nasalubong niya ang ilang kabataan na tila kilala na siya.

"Callboy...… Callboy....." ang sigaw ng isa sa mga kabataang nasalubong ni William.

Hindi na iyon inalintana ni William. Sanay na siya sa mga ganoong tawag. Lalaking pokpok, masahista, callboy at kung anu-ano pa. Manhid na siya sa pangungutya ng karamihan sa kanyang tanging alam na trabaho. Kahit high school ay hindi nakapagtapos si William. Kahit anong pursige niyang maghanap ng ibang trabaho ay wala din itong magandang kinahahantungan. Sa paglalakad niya papauwi sa kanilang bahay ay nanumbalik sa kanya ang buhay niya sa probinsya.

"William, umaga na. Gising ka na. Isuga mo na ang mga kalabaw." ang mga salitang gumising sa kahimbingan ng tulog ni William.

"Ate naman, madilim pa ah." ang tugon ni William ng makita ang labas ng bintana na madilim pa.

"Aba! Tila ayaw mong magtrabaho ah. Gusto mo na lang ba humilata dyan ng buong maghapon. Alas kwatro na ho ng umaga. Pagkatapos mo sa mga kalabaw ay mag-igib ka na ng tubig natin." ang galit na nasabi sa kanya ng kanyang ate.

Walang nagawa si Willian kundi sundin ang kanyang ate. Bumangon si William at iniligpit ang pinaghigaan. Matapos makapagmumog at makapaghilamos ay inasikaso na niya ang pagsuga ng mga kalabaw ng kayang kuya sa madamong parte ng kabukiran. Matapos maisuga ang mga alagang kalabaw ay muli siyang bumalik sa kanilang tirahan upang sundin na naman ang isa pang ipinag-uutos ng kanyang ate.

"Maiwan ka muna dito. Ihahatid ko lang sa kabayanan itong mga sitaw na naani natin kahapon. Isasama ko na rin itong pamangkin mo para mabili ko na rin ng damit na gagamitin nya sa school. Punuin mo ang mga drum. Maglalaba ako pagdating ko." ang bilin ng ate ni William ng masalubong niya itong karay-karay ang walong taong gulang na pamangkin.

Asawa ng Kuya Wilbert ni William ang kanyang Ate Belinda. Pinakamatandang kapatid ni William si Wilbert na medyo maagang napangasawa ang kanyang Ate Belinda. Limang magkakapatid sina William at si William na ang pinaka-bunso. Halos isang taon na si William sa kanyang Kuya Wilbert na nangakong pag-aaralin siya sa high school kaya inihabilin siya ng kanyang ina dito. Sa layo kasi ng bahay nina William sa eskwelahan ay hindi na kakayanin ng kanyang ina sa pang-araw-araw nitong pamasahe papasok. Idagdag mo pa ang mga iba pang gastusin sa school kahit libre pa ang matrikula dito. Subalit hanggang sa mga araw na iyon ay hindi pa rin nakakapasok muli si William sa school.

Third year high school na sana siya. Subalit mahigit na rin tatlong taon ang nakakaraan ng matigil na siya sa pag-aaral dahil sa hirap ng kanilang buhay. Naghihintay pa rin siya sa katuparan ng pangako ng kanyang Kuya Wilbert na mabalik siya sa eskwelahan na di hamak na ilang minutong lakaran lamang at mararating na niya ito mula sa bahay ng kanyang Kuya Wilbert. Ayaw na niyang magalit pa ang kanyang Kuya Wilbert sa kanya kaya naman hindi na niya ito kinukulit kung kailan siya muli pag-aaralin. Hinihintay nya na lamang na magkusa itong magsabi sa kanya kung kailan.

Matapos niyang mapuno ng tubig ang mga drum sa kanilang palikuran ay naisipan na rin niyang maligo hindi sa loob ng kanilang palikuran kundi sa poso ng tubig na di kalayuan sa likuran ng bahay ng kanyang kuya. Malayo pa ang pinakamalapit na kapit-bahay nila. Medyo madilim pa ang kapaligiran. Kaya naman naisipan niyang maligo ng hubo't hubad.

Matapos niyang mapuno ng tubig ang dala-dala niyang balde at agad na niyang hinubad ang lahat ng kanyang saplot. Nagsimula siyang magbuhos ng tubig na tila di na alintana na may makakakita sa kanya sa ayos niyang iyon. Kinuha ang dala-dalang sabon at nagsimulang magsabon ng sarili. Sinimulan niyang sabunin ang kanyang dibdib na sa edad niya labing-pito ay kakikitaan na iyon ng kakisigan bunga ng mabibigat na trabaho na naranasan niya.

Sumunod na sinabon niya ang kanyang likuran bago binalikan ang kanyang tiyan. Sa pusod niya ay mayroon ng manipis na buhok. Ilang haplos din ng pagsabon niya sa kanyang pusod ang kanyang ginawa. Daha-dahan bumaba ang kanyang palad na may tahan ng sabon.

Hanggang sa marating ng sabon ang kanyang tarugo. Makailang ulit niyang ipinahid ang tahan-tahan niyang sabon sa kanyang pagkalalaki bago niya isinunod na sabunin ang kanyang puwet. Sumunod na kanyang sinabon ang kanyang mga paa at talampakan. Nang matapos siya sa kanyang mga paa ay binalikan niya ang kanyang mukha at buhok. Sinabon muna niya ang mga ito bago siya nagsimula muling magbuhos ng tubig. Sunud-sunod ang pagbuhos niya ng tubig na paminsan-minsan ay nakakaramdam siya ng lamig dulot na rin ng ihip ng hangin.

Upang masigurado na wala ng natitirang sabon sa kanyan katawan ay muli niyang pinagapang ang kanyang mga palad. Nang mapadaan ang kanan niyang palad sa kanyang tarugo ay nagtagal ito sa pagsalat kung may madulas pang sabon sa parteng katawan na iyon ni William. Bigla na lamang nagustuhan ni William ang pamamalagi ng palad niya doon. Nagsimulang mag-react ang kanyang tarugo. Unti-unti itong nabuhay. Simula na iyon ng pagpapaligaya sa sarili ni William. Sinalsal niya ng sinalsal ang kanyang titi hanggang sa tumigas ito ng tuluyan.

Halos pitong pulgada ang tarugo ni William kung ito'y singtigas na ng bakal. Upang mapadulas pa ang kanyang mga palad ay muli niyang hinawakan ang sabon. Naging abala ang kanyang kanang kamay sa pagsalsal ng kanyang tarugo. Samantalang ang kaliwang kamay ay panay himas at pisil sa kanyang bayag.

Makalipas ang ilang minuto ay napatingkayad si William. Biglang sumirit ang katas mula sa kayang galit na galit na tarugo. Matagal-tagal na rin ng huli siyang nagpalabas. Kaya naman napakaraming katas ang pinakawalan ni William ng umagang iyon. Matapos makapagpalabas ay napansin na ni William na lumiliwanag na ang kapaligiran. Dali-dali niyang tinapos ang paliligo. Hubo't hubad pa rin siyang humakbang patungo sa tinitirahan bahay. Sa bawat paghakbang niya ay nakikisabay ang kanyang tarugo sa pagwagayway na tila tuwang-tuwa sa nagawang pagbuga ng tinatagong katas.

Nakapaglinis na siya ng bahay at bakuran ng dumating ang kanyang Kuya Wilbert.

"Ang Ate Belinda mo?" ang tanong ng kayang kuya.

"Kasama kuya si Mariel. Dinala yung mga sitaw sa palengke. Namili na din yata sila ng damit ni Mariel para sa programa nila sa school." ang tugon ni William.

"May naluto na ba dyan?" ang sumunod na tanong ng kanyang kuya.

"Opo kuya. Nakaprito na ng isda at nakapag-saing na rin ng kanin si ate bago umalis. Nakita ko kuya yung mga talbos ng kamote dyan sa may likuran kaya niluto ko na rin kuya." ang tugon naman ni William.

"Sige maghain ka na. Kumain ka na ba?" ang utos at tanong ng kanyang kuya.

"Hindi pa kuya. Katatapos ko lang magwalis ng bakuran." ang tugon naman ni William.

"O sige sabay na tayong kumain. Heto pala ang pera mo. Medyo mataas ang kuha ng palay kanina kaya ayos naman ang benta ko. Huwag mo ng sasabihin sa ate mo na binigyan kita ng pera." ang sabi naman ng kayang kuya.

"Oo kuya. Salamat." ang tanging naisagot ni William sabay abot ng isang daang piso mula sa kanyang kuya.

Matapos makapag-almusal ang magkuya ay sya namang pagdating ng mag-ina.

"Mataas ba kuha sa mga sitaw mo?" ang tanong ni Wilbert sa kanyang asawa.

"Hindi gaano. Madami ang naglako ngayon ng sitaw. Madami yatang ani sa kabilang baryo.

Pero kinuha pa rin ni Aling Tesa, yung bagsakan ko ng mga gulay natin." ang tugon naman ng asawa ni Wilbert.

"Ano na naman ba ang binili mo sa anak mo? Sabi ko naman sa iyo na huwag mo ng pasasalihin sa mga programa dyan sa paaralan ng anak mo. Gastos lang yan." ang tanong ni Wilbert kay Belinda ng makita niya ang anak na si Mariel na tahan-tahan ang bago nitong damit.

"Ikaw naman. Minsan lang naman yan. Magagamit din naman niya sa lakaran yan." ang pagtatangol ni Belinda sa ginawang pagbili ng damit ng anak.

"Ilang buwan lang hindi na yan kasya sa anak mo. Eh kung sinusundan na ba natin iyan. Eh di may sasalo ng mga nalakihan niyang gamit." ang nabanggit naman ni Wilbert.

"Tumigil ka nga dyan. Iisa pa nga lang, hirap na tayong magpalaki." ang nabanggit naman ni Belinda.

Ganoon mag-usap ang mag-asawang Wilbert at Belinda na palaging natutunghayan ni William. Madalas ay sinisita ni Wilbert ang asawa sa mga desisyon nito. Subalit kaunting paliwag lang ni Belinda ay sumasang-ayon na ang kanyang asawa.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C371
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ