ดาวน์โหลดแอป
60.31% M2M SERIES / Chapter 230: Jin (Chapter 75)

บท 230: Jin (Chapter 75)

ISANG gabi ay pinuntahan siya ni Roy sa bahay. Niyaya na naman siya nitong makipag-inoman. Gaya ng dati ay tinanggihan na naman niya ito. Pero naging mapilit talaga si Roy dahil birthday daw ng tito nito ang kanilang pupuntahan. Kinalaunan ay pumayag na rin siya sa kondisyong kunti lamang ang kanyang iinomin. Laking tuwa naman ni Roy sa kanyang pagpayag.

Kaagad siyang naligo sa banyo ng sariling kwarto. Hubo't hubad siyang lumabas ng banyo pagkatapos. Bago pa niya natakpan ang kayang pagkalalaki ay nakita na iyon ni Roy.

"Sorry, dude. Nainip kasi ako sa sala, e, kaya naisipan kong pumasok dito sa kwarto mo. Hindi ko naman inaakalang lalabas ka ng walang saplot sa katawan," nakangiting sabi ni Roy.

Umismid lamang siya rito at itinapi ang tuwalya. "Sinadya mo lang yata, e, para mabosohan ako," himutok niya rito. Tumungo siya sa lalagyan ng kanyang mga damit.

"Hindi, ah!" pagtatanggol naman ni Roy sa sarili. "Pero, dude, ang laki ng burat mo ah kahit tulog pa," nakangising sabi nito.

"Ewan ko sa 'yo. Buti pang lumabas ka na para makapagbihis na ako."

"Nakita ko na naman, e. Magbihis ka na lang, dude. Isipin mo na lang na wala ako rito."

Napabuntong-hininga na lamang si Jin at hindi niya alam kung bakit tuluyan na niyang pinakita ang kanyang pagkalalaki kay Roy. Humarap pa siya rito habang pinupunasan niya iyon ng hawak na tuwalya.

"Ang sarap mo talaga, dude," sabi ni Roy.

Hindi niya ito pinansin. Habang pinupunasan niya ang kanyang pagkalalaki ay tuluyan iyong nagising. Tumigas nang husto at tirik na tirik.

"Shit! Ang laki naman niyan, dude. Parang pang-american size na 'yan, ah. Patikim naman," namimilog ang mga matang sabi ni Roy.

Ngumisi lamang siya at nagsuot na ng panloob. Mabilis din niyang isinuot ang pantalon at isang itim na polo shirt na hapit sa katawan. Lumitaw ang kanyang kamachohan.

"Huwag ka namang masyadong magpapogi, dude. May mga bakla doon at baka ma-gang-rape ka."

Napangiti siya sa sinabi nito. Naglalagay na siya noon ng gel sa buhok. Nakita niya ang powder ni Marian kaya naglagay rin siya sa mukha. Hindi na rin niya napigilang maglagay ng manipis na lipstick sa mga labi.

Tawa nang tawa si Roy sa kanyang ginagawa. "Bakla ka yata, dude. Ako nga walang hilig sa ganyan, e."

Tumawa na rin siya at nagbakla-baklaan pa. Unang beses niyang malagyan ng powder sa mukha at lipstick sa mga labi. Noon lang niya nasabi sa sariling sobrang pogi pala niya kapag nag-ayos pa. Daig pa yata niya ang mga artista sa kakisigan.

"Oh... tama na 'yan, dude. Sobrang pogi mo na, e. Baka lalo pa akong ma-inlove niyan sa 'yo."

"Tarantado! Kapag totoong na-inlove ka sa akin, magkalimutan na tayo, dude," sabi niyang may tono ng pagbabanta.

"Bawal ba?"

"Sinabi mo pa. Ayoko sa gano'n." Bigla niyang naalala si Din nang mga sandaling iyon. Nang dahil sa pagibig nito para sa kanya ay para na itong nabaliw at nagawa pang kumitil ng buhay.

Tumahimik na lamang si Roy.

"Dude, may mga bakla do'n. Ang bilin ko sa 'yo, ha," sabi ni Roy. Nasa sasakyan na sila noon.

"Ano ba, dude? Paulit-ulit na lang 'yang bilin mo, e. Pakihatid na nga lang ako ulit sa bahay," inis niyang turan dito.

Natahimik naman ito at itinuon na lamang ang pansin sa pagmamaneho.

Nang dumating sila ay nakatuon agad sa kanya ang mga mata nang halos lahat. Tama nga si Roy napansin agad ni Jin ang mga baklang naroon.

"Roy, salamat sa ulam na pasalubong mo para sa amin," sabi ng isang bakla na hindi naman gaanong halata sa hitsura nito.

"Loko-loko kayo, huwag ang kaibigan ko," natatawa namang sabi ni Roy.

"Don't tell us, ipagdadamot mo sa amin si," napatingin sa kanya ang isa pang bakla, " ano nga ang pangalan mo, pogi?" tanong nito.

"Jin," tipid nyang tugon dito.

"Awww... Pangalan pa lang ang yummy na,"sabi nito.

Labis siyang naasiwa nang mga sandaling iyon. Alam niyang pinagnanasaan na siya ng mga baklang naroon.

"Basta, huwag ang kaibigan ko!" mariing sabi ni Roy pero tumawa agad para hindi mahalatang seryoso na ito nang mga oras na iyon.

Inakbayan siya ni Roy at iniwan ang mga tao sa beranda. Pumasok sila sa bahay. Medyo marami rin ang bisita sa loob.

"Tito, kaibigan ko, si Jin," pagpapakilala ni Roy sa kanya.

Nakipagkamay ito sa kanya. "Tawagin mo na lang akong tito Abner," nakangiting turan nito sa kanya.

Ngumiti rin siya rito at nahihiyang magsalita, "Okay, tito Abner," magalang niyang sabi.

Sinamahan sila ni Abner sa isang table at ipinakilala sa asawa't nag-iisang anak nito. Napansin niyang kakaiba ang mga titig ng anak nitong babae na si Armin sa kanya. Inaamin naman niya sa sariling napakaganda nito pero kaagad niyang sinaway ang sarili. Naisip niya si Marian nang mga sandaling iyon.

Pagkatapos nilang kumain ay nakipag-inuman na silang dalawa. Pinili nilang doon makihalubilo sa mga kaibigan ni Roy sa beranda. Tahimik lang si Jin at nakikinig sa usapan ng mga nandoon. Siyempre, dikit na dikit si Roy sa kanya. Ayaw talaga nitong may ibang baklang makalapit sa kanya. Sa totoo lang ay naiisip niyang mas mabuti na rin iyon para malayo sa pangtsatsansing ng mga bakla. Hindi naman ginagawa iyon ni Roy sa kanya. Hakbang akbay lang ito.

Marami na silang naubos at naramdaman na ni Jin ang tama ng alak sa katawan. Napansin niya ring ganoon din si Roy. Naging sobrang madaldal na ito at pulang-pula na ang hitsura. Hanggang sa sumuko na nga ito at nagsuka. Malalim na ang gabi noon at napansin niyang kunti na lamang pala sila roon. Umuwi na ang karamihan sa mga bisita. Tulog na rin pala si Abner at ang pamilya nito. Walo na lamang silang nag-iinoman. Kung iisipin ay tatlo na lamang silang lalaki na naroon. Isinali na niya si Roy sa mga bakla.

"Pagpahingain na natin si Roy sa kwarto," mungkahi ni Rain. Isang bakla na katulad ni Roy ay discreet din.

"Buti pa nga," sabi naman ng isa na halata talaga ang taglay na kabaklaan. Kilay pa lang ay sobrang taray na.

Iyon nga ang kanilang ginawa. Silang dalawa ni Rain ang umalalay kay Roy papasok. Sumama lang ang isang bakla dahil wala naman daw itong kapareho kaya ayaw magpaiwan. Pansin niya kasing maharot na ang ibang bakla sa kakatsansing sa dalawang lalaki.

"Ang bango mo naman, Jin."

Nabigla siya sa sinabi ng bakla. Hindi niya napansing nasa likuran niya pala ito at panakaw siyang inamoy.

"Ano nga ang pangalan mo ulit?" tanong niya rito.

"Call me, Rica," tugon nito.

Nginitian lamang niya ito. Tuloy-tuloy lamang sila sa isang guestroom at kaagad nga nilang pinahiga sa malaking kama si Roy. Lasing na lasing na nga talaga ito.

"Asan si, Jin?" tanong ni Roy.

"Nandito ako," sabi niya at nilapitan ito sa kama. Umupo siya sa tabi nito. Ngumiti ito sa kanya.

"Huwag mo akong iwanan dito, dude," sabi nito.

"Okay," tipid niyang tugon. Nakaramdam siya nang pamimigat ng pantog kaya nagpaalam na magsi-CR sandali. Itinuro naman sa kanya ni Rica kung nasaan ang CR sa loob ng kwartong iyon.

"Gusto mong samahan na kita?" malanding tanong ni Rica sa kanya.

Napangiti lamang siya. Tumingin siya kay Roy. Tulog na ito. Naisip niya ang sinabi nitong huwag magpadala sa mga bakla.

"Huwag na," sabi niya kay Rica at iniwan na nga niya ang mga ito.

Pagpasok niya sa CR ay nagmadali siyang inilabas ang pagkalalaki at kaagad na umihi. Nang matapos ay sinipat niya ang sarili sa salamin. Napangiti siya at kinindatan ang sariling repleksiyon.

"Bakit ba kasi ang pogi mo? Ang dami tuloy nababaliw sa 'yo!"

Natawa siya sa kanyang kayabangan. Naghugas siya ng mga kamay. Paglabas niya ng CR ay napanganga siya sa kanyang nakita.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C230
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ