ดาวน์โหลดแอป
53.26% M2M SERIES / Chapter 203: Jin (Chapter 48)

บท 203: Jin (Chapter 48)

NANG SUMUNOD na araw ay naisipan niyang linisin ang mga harden ng rosas. Sabi ng kanyang tita Lea ay minsan lang daw ito magkaroon ng panahon para maglinis sa mga harden kaya iyon naman ang pinagtuunan niya ng pansin no'n.

Nasa harap siya ng bahay at tanging boxer lamang ang kanyang saplot. Naliligo na naman siya noon sa pawis. Marami siyang napansin na mga kababaehan at kabaklaang napapatingin sa kanya. Hinahayaan na lamang niya ang mga ito at hindi na pinansin pa.

May mga sumisipol pa sa kanya at gustong magpakilala pero nagkunwari siyang hindi niya naririnig ang mga ito. Wala talaga siya sa mood nang mga sandaling iyon na mamansin. Wala siyang pakialam kung maisip ng mga ito na suplado siya. Pakiramdam tuloy niya no'n ay isa siyang hayop sa zoo na pinagmamasdan ng mga tao.

Siya na lamang mag-isa sa bahay nang mga oras na iyon. Parehong nasa duty sina Rey at Lea. Nasa paaralan naman si Daniel. Nakakaramdam siya nang kaunting kalungkutan no'n sa tuwing maiisip ang away na nangyari sa mag-asawa. Palaisipan pa rin sa kanya kung ano ang dahilan pero hindi naman niya nagawang magtanong sa mga ito.

Maaga siyang nagising nang araw na iyon kaya siya na mismo ang naghanda ng agahan. Tulog pa noon ang lahat kaya hindi niya alam kung nagkabati na ba ang mag-asawa o hindi pa. Hindi rin siya nakasabay sa almusal kasi muli siyang nakatulog pagkatapos maghanda ng agahan. Malalim ang kanyang tulog kaya hindi niya alam kung may gumising ba sa kanya no'n para mag-agahan o wala.

Ibinuhos talaga niya ang kanyang araw sa paglilinis. Sa tuwing nakakaramdam ng pagod ay humihiga siya sa upuang kawayan at doon nagpapahinga. Iniisip na lamang niya no'n si Marian. Napapangiti siya sa mga planong kanyang ginawa para sa kanilang relasyon.

Sabik na siyang bumuo ng pamilya kapiling ang nobya. Gusto niyang magkaroon ng anim na mga supling. Tatlong babae at tatlong lalaki. Nagdadasal din siya noon na sana ay magkaroon ng katuparan ang lahat.

Nang gabing iyon ay hindi lang si Marian ang kanyang tinawagan kundi tinawagan din niya ang kanilang kapitbahay sa probinsiya. Hindi pa rin siya puweding gamitin ni mang Rodel noon gaya ng usapan nilang tatlong tawag niya ang walang kapalit na chupa.

Natatawa na lamang siya dahil alam niyang nahihirapan na si mang Rodel. Gustong-gusto na talaga nitong muli siyang tikman. Hindi sapat dito ang ibinigay niyang katas. Sabik itong muli siyang romansahin.

Apat lamang sa mga kapitbahay nila sa probinsiya ang may telepono at ang kapitbahay nilang si Wilfredo ang madalas na hinihingan ng pabor ng kanyang mga magulang para makitawag.

Isang bakla si Wilfredo na kaedad lang ng kanyang tatay Ryan. Malapit na kaibigan ito ng kanyang ama simula pa pagkabata. Natatawa nga siya noon kasi minsan ay pinagseselosan ng kanyang nanay Adela si Wilfredo.

May mga nakakapagsabi kasing nakikipagtalik ang kanyang ama kay Wilfredo paminsan-minsan. Pumupunta raw si Ryan sa bahay nito at nagpapagamit. Naiisip nga niyang baka katulad din siya ng kanyang ama na namamakla rin para sa isang kapalit na pabor. Hindi rin naman siya nag-uusisa sa kanyang ama kung totoo ba o hindi ang mga bali-balita tungkol rito sa lugar nila.

Natawa siya sa isiping baka kapag tumatawag din ang kanyang tatay Rey gamit ang telepono ni Wilfredo ay chupa ang kapalit. May pinagmanahan talaga siya kung ganoon nga. Ma-appeal pa rin kasi ang kanyang ama kahit medyo may edad na. Dito niya namana ang natural na kamachuhan at pagiging balbon. Alam din niyang malaki ang kargada ng kanyang ama dahil sa palagi iyong bakat.

Noong minsang nakainoman niya ang kanyang ama kasama ang matalik nitong kaibigan na si mang Leon ay nagtuksuan ang dalawa tungkol sa mga kalokohan nila noong kabataan. Habulin daw talaga ang kanyang ama ng mga babae at bakla. Marami raw na nabirginang babae ang kanyang ama. Dahil nga rin sa kahirapan ay pumapatol din ito sa mga bakla at madalas ay tagay lang ang kapalit.

Nakikitawa na lamang siya no'n. Nagbigay pa ng advice ang kanyang ama na h'wag na h'wag siyang gagaya rito. Kung alam lang ng ama niya ang lahat na matagal na rin niya iyong ginagawa.

Bigla siyang nalungkot sa isiping baka namana ni Din ang kabaklaan kay Rey. Napailing-iling siya ng ulo at napadasal na sana naman hindi totoo ang kanyang hinala na pati si Daniel ay bakla rin. Ayaw niya talagang maging bakla ang nakakabatang pinsan. Takot siyang baka pati ito ay magkagusto rin sa kanya.

Kung bakit ba kasi pati ang mga kadugo niya ay nahuhumaling din sa kanya. Hindi talaga niya lubos maisip kung bakit nangyayari iyon sa kanyang buhay.

"Tay, namimiss ko na kayong lahat diyan," maluha-luha niyang sabi. Nakita niyang umalis si mang Rodel. Siguro naaasiwa itong pagnasaan siya sa sitwasyong iyon na umiiyak siya.

Laking pasalamat niya kay Wilfredo dahil pinuntahan nga nito ang kanyang ama para magkausap sila. Wala raw ang kanyang ina dahil hindi pa umuuwi. May pagtitipong nagaganap sa kanilang barangay para sa nalalapit na pista. Si Din naman ay abala raw sa pag-aaral at ayaw magpaistorbo.

"Miss ka na rin namin dito, Jin. Pakabait ka palagi diyan, ha."

"Oo naman, tay. Nagpapakabait naman ako palagi, e. Kumusta na nga pala si Din?"

Sa totoo lang ay nangangamba pa rin siya sa mga posibleng nangyayari kay Din nang mga panahong iyon kahit malayo na siya rito.

"H'wag mo na isipin ang kapatid mo rito, Jin. Okay lang siya," medyo matamlay na tugon naman ng kanyang tatay.

Napakunot siya ng noo dahil parang malungkot ang kanyang ama. Nakaramdam siya na may itinatago ito sa kanya. Bumigat ang kanyang kalooban no'n pero hindi na lamang siya nag-usisa pa. Takot din siyang malaman kung ano nga ang totoong kalagayan ni Din.

Nagdasal na lamang siya na matiwasay na ang buhay nito. Gusto niyang tanungin ang ama kung may patayan pa bang nangyayari sa kanilang lugar pero pinigilan na lamang niya ang sarili. Naisip niyang mas mabuti na ring wala siyang alam sa mga nangyayari.

"Ang tito Rey mo, Jin. Wala ka bang napapansing kakaiba sa kanya?"

Namilog ang kanyang mga mata sa katanungan nito. "Ano ang ibig mong sabihin, tay?" maang niyang tanong dito.

"Huh? A... e... wala, Jin," nauutal nitong tugon.

Mas lalo tuloy siyang naguluhan. Napatanong siya sa isipan kung posibleng alam ng kanyang tatay ang totoong pagkatao ng kapatid nito.

Magtatanong pa sana siya nang biglang napaungol ang kanyang tatay Rey sa kabilang linya. Nangunot ang kanyang noo dahil doon. Pinutol din ng kanyang tatay ang tawag. Nang idayal niya muli ang numero ay wala ng sumasagot.

Kinilabutan si Jin sa naiisip na baka nga nagpagamit ang kanyang ama kay baklang Wilfredo nang mga sandaling iyon.

Tatayo na sana siya nang biglang nag-ring ang telepono. Sinagot niya agad iyon.

"Pasensiya, na, 'nak. Biglang naputol ang linya," sabi ng kanyang tatay Ryan.

"Okay lang po 'yon, tay. Baka singilin ka ni mang Wilfredo, ha, sa tawag na 'to."

"H'wag kang mag-alala, 'nak, malakas ako kay Wilfredo," sabi nitong tumatawa pa.

Napabuntong-hininga si Jin. Alam niyang may ginagawang kababalaghan ang ama niya at ang baklang kapitbahay. Ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon. Wala na siyang magagawa.

*****

MARAMING araw ang lumipas at napapansin ni Jin na malamig pa rin ang turingan ng mag-asawa pero hindi na lamang siya nakialam. Medyo naging malapit naman sa kanya si Daniel pero madalas ay napapansin pa rin niyang hindi ito ganoon kakomportable sa kanya. Nahihiya pa rin ito at kailangan pang siya ang unang pumansin bago siya pansinin nito.

Natutuwa naman siya dahil madalas na pinupuri ni Daniel ang kanyang mga nilulutong ulam. Nasasarapan talaga ito at ganadong kumain. Inuunahan na kasi niya palagi si Lea sa pagluluto. Maayos naman ang pakikitungo sa kanya ng kanyang tita.

Normal pa rin ang turingan nilang dalawa. Nakakasundo niya ito sa pagluluto at maging sa pag-aayos ng harden lalo na ang mga tanim nitong rosas at orchids. Naaalala niya ang kanyang ina. Madalas kasi ay tinuturuan siya ni Adela nang tamang pagluluto. Nakakasundo niya rin ito sa pagpapaganda ng kanilang bakuran.

Si Rey naman ay medyo asiwa sa kanyang presensiya. Hindi na sila masyadong nagkakausap pa at hindi na rin naman ito gumawa ng aksiyon para ipahiwatig sa kanyang gusto siya nitong tikman.

Madalas ay siya ang unang namamansin dito pero naging kaswal na talaga ang pakikitungo nito sa kanya. Naiisip niyang mas mabuti na rin iyon para malayo sila sa pagkakasala. Pero nalulungkot pa rin siya kahit papaano. Siyempre, gusto niyang maging malapit sila sa isa't isa ng kanyang tiyuhin.

Naging madalas na rin ang pagpapagamit niya kay mang Rodel para lang makausap si Marian. Wala namang problema sa kanya iyon dahil mahilig din naman siyang magsalsal. Inaamin din naman niya sa sariling sobrang galing magserbisyo ni mang Rodel kaya abot naman niya palagi ang langit sa piling nito.

Paminsan-minsan ay nakakaramdam siya ng hiya sa kanyang tito Rey. Madalas kasi siya nitong nakikita kapag umuuwi galing sa bahay ni mang Rodel. Halos dalawang oras kasi siyang nakikipag-usap kay Marian gabi-gabi. Patay-malisya na lamang siya kahit pakiramdam niya ay alam na ni Rey ang mga nangyayari kapag nasa bahay siya ng baklang tindero.

Naging ganoon lamang ang takbo ng kanyang buhay nang mga nagdaang araw.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C203
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ