NANG sumunod na araw ay nagising akong alas diyes na ng umaga. Nag-aalburoto ang tiyan ko sa sobrang gutom.
Ala una pa ng hapon ang pasok ko nang araw na 'yon ng sabado. Okay lang na hindi ako maagang nagising.
Bumangon ako at tumayo sa kama. Dumiretso ako sa bintana. Nagtaka ako kung bakit tahimik sa likod. Dapat nagtatrabaho na nang mga oras na 'yon si Brad.
Pero wala akong nakitang Brad sa bahay-kubo nang mga sandaling iyon. Noon ko lang napansing tapos na pala iyong ayusin.
Bakit hindi man lang niya sinabi sa 'kin? Pati sina nanay Lea at tatay Rey ay wala ring nabanggit.
Lumabas ako ng kwarto. Nanunood ng variety show sa isang TV network si nanay Lea.
"Nak, kumain ka na, ang tagal mo nagising, ah. Hindi na kita dinisturbo kasi ang himbing ng tulog mo, e."
Lumapit ako kay nanay at hinalikan ko siya sa noo. "Okay po, nay," sabi ko. "Ahm, nay, tapos na ba ang kubo natin?" tanong ko kahit alam ko ng tapos na 'yon.
"Ah... oo, nak, kahapon pa," tugon niyang nasa TV lang ang mga mata.
Tsss... bakit ba hindi man lang sinabi sa 'kin ni Brad? Naghihimutok ang kalooban ko no'n.
Napangiti akong bigla nang maalala ang nangyari sa amin no'ng nakaraang gabi. Hatinggabi na ako umuwi.
No'ng nagising kasi si Brad ay muli ko na naman siyang sinamba. Gusto niyang gamitin ako sa puwet pero todo-tanggi talaga ako. Hindi ko pa kaya ang bagay na 'yon.
Pakiramdam ko nga ay nagtampo si Brad sa akin. Hindi lang niya sinabi. Pero hindi ko pa naman kasi talaga kaya, e.
Sinubukan ko ngang ipasok ang isang daliri pero hindi ko magawang ituloy. Ang sakit talaga.
Paano pa kaya kung ang kargada ni Brad ang ipapasok doon? Iniisip ko pa lang ay parang mahihimatay na ako.
Paano pa kaya kapag nangyari na nga? Sa totoo lang, nakakalungkot din isipin. Mahal ko nga siya pero may bagay namang hindi ko maibigay sa kanya.
Paano kung sa iba niya hilingin iyon? Hindi malayong mapagbibigyan siya ng mga ito.
"Diyos ko! H'wag naman sana niyang gawin 'yon!" dasal ko.
Biglang kumalam ang aking sikmura kaya tumungo ako sa hapag-kainan at kumain.
Buti na lang at adobong manok ang ulam namin nang mga sandaling iyon. Ganadong-ganado talaga ako sa pagkain.
Dinig na dinig ko ang malulutong na halakhak ni nanay sa sala. Napangiti na lang ako. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag masaya ang ating mga magulang.
"Lea! Lea!" Narinig kong tawag ng isang pamilyar na boses sa labas.
Napatingin ako sa bintana. Kita kasi mula roon ang gate. I wasn't wrong after all. Si mang Rodel nga iyon.
Ilang sandali lang ay nakita ko namang lumabas si nanay Lea at lumapit sa malanding bakla.
Hindi ko narinig ang pinag-usapan nila no'n basta ang napansin ko lang ay parang galit si mang Rodel.
Napakunot ang noo ko. Bakit naman kaya?
Nakita ko si nanay na papasok na ng bahay. Umalis na rin si mang Rodel. Laylay ang mga balikat ni nanay no'n.
Labis talaga akong nagtaka. Malungkot rin siya. Kailangan ko talagang malaman kung bakit.
Napansin ko ang dyaryo sa mesa. Naintrega ako sa headline news. Isang batang lalaki ang natagpuang patay sa likod mismo ng kanilang bahay.
Nanlaki ang mga mata ko. Pamilyar kasi sa 'kin ang naturang bahay at ang gate niyon.
Bigla kong naalala ang batang bakla na pinagbigyan ko noong dumalaw kami ni tatay Rey kina ninong Albert. Kinabahan ako.
Hindi ko na tinapos ang pagkain. Patakbo akong tumungo sa kwarto. Kapagkuwa'y dinampot ko kaagad ang cellphone sa bedside table. I called ninong Albert.
"Hello, ninong," bati ko.
"Oh, Daniel, napatawag ka," he replied.
"Ninong, may nakita kasi akong balita sa dyaryo. May patay na bata po bang nakita riyan sa lugar ninyo?" I asked.
"Ah oo, kawawa nga, e. Kapitbahay pa namin, Daniel. Iniimbistigahan pa hanggang ngayon. Bigla kasing nangamoy sa likod ng bahay nila ang bangkay. Hinulog sa lumang balon," sabi ni ninong.
Napanganga ako sa mga narinig mula sa kanya. Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit namatay ang mga baklang nakatalik ko?
Tatlo na ang biktima. Nanlumo ako sa isiping baka ako nga ang killer. Shit! What should I do? Ako nga ba ang killer? Pero bakit wala man lang akong natatandaan?
"Daniel?"
Para akong nauntog sa pader nang marinig ko ang pagtawag ni ninong. "Sorry, ninong, may pinapanood lang kasi ako rito," naisatinig ko.
"Bakit ka nga pala napatanong tungkol doon sa batang namatay?"
Kinabahan pa ako lalo sa tanong na iyon. "Gaya nga nang sabi ko kanina ninong nakita ko sa dyaryo 'yong balita tapos parang familiar sa 'kin ang bahay at gate. Kaya napatawag ako para masiguro kong diyan nga nangyari sa lugar ninyo ang balita," paliwanag kong pinilit ang sariling kumalma at hindi mautal.
"Okay, Daniel. Siyanga pala, kailan kayo bibisita rito ng tatay mo?"
Napabuntong-hininga ako. "Ewan ko po kay tatay, ninong. Alam mo namang sunod-sunuran lang ako kay tatay, e. Hindi naman ako puwedeng gumala riyan na ako lang mag-isa," tugon ko.
Tumawa si ninong Albert. "Sige, Daniel, pakikumusta na lang ako sa tatay at nanay mo, ha. Salamat sa tawag, may aasikasuhin pa ako rito, e."
"Okay po, ninong. Ingat po kayo riyan," magalang kong turan.
Pagkababa ko ng cellphone ay muli akong lumabas ng kwarto.
"Nak, hindi mo tinapos ang pagkain mo, ah," sabi ni nanay.
"Sorry, nay, kaya nga ako bumalik e para tapusin. May tinawagan lang ako sandali, nay."
Nagngitian lang kami ni nanay Lea at dumiretso na ako sa hapag-kainan. Tinapos ko nga ang aking pagkain.
Pero hindi pa rin talaga ako mapalagay sa mga nangyayari no'n. Ang daming tanong sa utak ko nang mga sandaling iyon.
Nag-isip akong mabuti para may matandaan kahit kunti kung posibleng ako nga ang killer ng mga baklang namatay. Pero wala talaga akong natatandaan. Sumakit ang ulo ko sa kakaisip.
May nabuo sa isipan ko. Hinding-hindi na ako papatol sa mga bakla. Imposible naman kasing nagkataon lang ang mga nangyari.
Tatlong bakla ang nabiktima. At ang tatlong bakla na 'yon ay nakatalik ko. Na-mental block din ako at walang matandaan pagkatapos kung magparaos sa kanila.
Shit! Ano ba talaga ang nangyayari? Gulong-gulo talaga ang isipan ko no'n. Pinipilit ko ang sarili na isiping nagkataon lang ang lahat.
Pero ultimo sarili ko ay hindi ko kayang pilitin na ganoon nga. Alam kong may misteryo sa likod ng mga patayang naganap. Putang ina ano'ng misteryo naman 'yon?
Gusto ko na talagang iuntog ang ulo ko noon sa mesa.
Pagkatapos kong kumain at hugasan ang pinagkanan ay tumungo ako sa sala. Naalala ko kasi ang tungkol sa pakay ni mang Rodel kay nanay Lea.
Umupo ako sa tabi niya. Nanunood pa rin siya ng TV pero parang wala na roon ang kanyang atensiyon.
"Nay, ano po ang sadya ni mang Rodel kanina?" tanong ko.
Malungkot pa rin siya nang mga sandaling iyon. Tumingin lamang siya saglit sa 'kin at muling natuon ang pansin sa TV.
Mukhang wala siyang plano na ipaalam sa akin ang tungkol doon. Hindi ito puwede. Kailangan kong malaman kung ano 'yon!
"Nay, sagutin mo naman ako," I demanded.
Humugot nang malalim na hininga si nanay Lea. Napatingin siya sa 'kin. "Naniningil na kasi si Rodel sa pagkakautang namin ng tatay mo sa kanya," sabi niya.
Napakunot-noo ako. Wala kasi akong alam tungkol sa pagkakautang nila sa baklang tindero.
"Utang? Kay mang Rodel?" maang kong tanong sa kanya.
"Oo, nak. May utang kami ng tatay mo sa kanya dahil sa pagkakasakit ng lola Andrea mo noon."
Naalala ko si lola. Naospital nga ito dalawang taon na ang nakalipas pero binawian din naman ng buhay. Inatake kasi sa puso at malubha ang kondisyon.
"Magkano naman, nay?" tanong ko.
Bumuntong-hininga si nanay Lea. "H'wag mo nang alamin, nak. Problema namin ng tatay mo 'to," tugon ni nanay.
"Nay, naman, e. Parang hindi ako parte ng pamilyang 'to, ah. Dami kong hindi alam," pagmamaktol ko.
"One hundred thousand," biglang sabi ni nanay.
"Ho?" gulat kong tanong sa kanya. Hindi talaga ako nakapaniwalang ganoon pala kalaki ang utang namin kay mang Rodel.
"Isang daang libo ang utang natin kay Rodel nak at naniningil na siya dahil gagamitin na niya ang pera para puhunan sa tindahan. Nalulugi na yata siya ngayon. Wala pa kaming savings ng tatay mo, e," naiiyak na sabi ni nanay Lea.
Niyakap ko siya nang mahigpit. Ang laki naman kasi ng halagang iyon. Napaiyak na rin ako. Ano nga ba ang maitutulong ko sa kanila?