KASALUKUYANG nasa canteen sina Moon at Adrian.
"Moon, anong gusto mo? Ako na bibili," alok ni Adrian sa kaibigan.
"Sandwich and softdrink lang akin,"
"Ayun lang kakainin mo?" tumango naman si Moon sa kaniya.
"Gago, ako na nga bahala. Baka mamaya magkasakit ka pa, napaka-tipid mo. Libre ko na," wika naman ni Adrian. Napahawak nalang sa batok si Moon at ngumiti habang tumatango-tango. Umalis na ang binata upang bumili ng makakakain.
"Dalawang rice and dalawang sinigang po, ate," sabi ni Adrian. "Tapos dalawang sprite na rin, ate," dagdag niya pa.
"Akin, isang sandwich and sprite rin," napalingon na lang siya sa kaniyang gilid ng may magsalita.
"Fei?" tawag nito sa babae.
"O, Adrian ikaw pala 'yan, akala ko kung sino na ang tumawag sa napakaganda kong pangalan," sabay flip hair. Natawa na lang ang binata sa inasta nito.
"Ito na, hijo," mabilis niyang inilapag ang bayad at inabot ang pagkain.
"Thank you po," wika naman niya.
"Hintayin mo na ako, Adrian," sabi niya. "Here's my bayad," wika naman nito sa canteener at mabilis na kinuha ang binili at lumakad kasama ng binata.
"OMG! Daddy Moon!" kinikilig na tawag nito. Mabilis na lumakad ito at tumabi kay Moon.
"Thank you, man," kinuha nito ang dala nitong mga plato at inilapag sa mesa.
"Wait, wait, wait, wait," pigil nito sa dalawa nang akmang kakain na ang mga 'to. "Nasaan si Pear at Warren?" pagtutuloy nito.
"Nasa room pa 'ata, sabi namin mauuna na kami e," sagot naman ni Moon sa tanong ni Fei. Tumango tango naman ang dalaga. "O, ayan na pala 'yung dalawa e," ngumuso ito upang senyas na tumingin sa gawing iyon na agad rin naman na ginawa ng dalawa.
"Bakit ngayon lang kayo?" nakaangat ang ulo habang nakataas ang kilay na tanong nito sa dalawa na bagong rating.
"Ang tagal kasi si Pear sa CR," sisi ni Warren.
"Hoy, ang kapal mo, hindi ba puwedeng puno lang ang mga cubicle," depensa naman nito.
"Tama na nga 'yan, bumili na kayo ng makakain niyo para sabay-sabay na tayong mag-lunch," pigil ni Adrian bago pa magsimula ang digmaan ng dalawa.
"Hindi ako kakain, busog pa ako," wika naman ni Warren at umupo na sa tabi ni Adrian at Si Pear naman ay tumabi kay Fei.
"Fei, napaka-ganda mo talaga ngayon. Wait, pigmented ba 'yang gamit mong foundation?" iniabot ni Fei ang sandwich and drinks niya kay Pear.
"Sabihin mo lang kung mangu-nguto ka, hindi 'yung kung ano-ano ang sinasabi mo. Kaloka ka," ngumiti ito ng lagpas tenga sa kaniya at kinuha ang alok nitong pagkain.
"O, bakit ang tahimik niyong dalawa riyan?" sabi pa ni Fei ng mapansin ito. Pero hindi na ito sumagot pa kaya kinuha na lang niya 'yung cellphone niya sa kaniyang mukhang lunch box na bag at kung may kung ano-anong pinindot. Napatingin nalang ang mga studyante nasa canteen ng marinig ang malakas na tili ni Fei.
"Bakit, Fei? Napa'no ka?" nag-aalalang tanong Adrian, maging ang tatlo rin ay tinanong siya kung napaano siya.
"O my gosh! Is real?" pinakita niya ang screen ng cellphone niya.
"Anong meron diyan sa IG mo?" tanong ni Warren.
"Ni-Like ni Jak Roberto ang picture ko," kinikilig na sabi niya pa.
"Ni-like lang tapos kung maka-tili ka dinaig mo pa 'yung nanalo sa Pera o Kahon sa Wowowin," wika pa ni Pear dahilan upang magtawanan ang tatlo.
"Gaga! Panira ka ng mood, babush na nga, may klase pa ako, mauna na ako sa inyo bago pa masira ni Pear ang napakaganda kong mood," hindi na nito hinintay ang sasabihin ng apat at dali-daling nag-martsa ito. Nagkibit balikat nalang si Pear habang ang tatlo ay nangiti na lang at tinuloy ang pagakain.
Saktong tapos na silang kumain ng tumunog ang bell ng kaya tumayo na ang mga 'to at pumunta na sa kanilang silid aralan.
KAKATAPOS lang ng klase nila kaya napagdesisyonan na nilang mauna na lang umuwi.
"Free ka ba mamayang gabi, Adrian?" tanong nito habang nagalalakad sa hallway ng school.
"Oo naman, bakit?"
"Inuman tayo mamayang gabi sa dorm ko, sabado naman bukas e."
"Sige, wala naman akong gagawin mamaya e," aniya.
"Teka, matanong ko lang, uuwi ka ba sa inyo bukas?" tanong naman ni Adrian kay Moon. Hindi kalayuan ang dorm nila sa school. Umakiyat na ang dalawa sa loob ng dorm.
"Mamaya na lang natin pag-usapan. Ngayon, gusto ko muna i-relax ang katawan ko," umunat-unat pa si Moon habang nakatigil sa harap ng pinto ng dorm niya.
"Sige na pumasok ka na. Basta mamaya text na lang kita kapag pupunta na ako," tinapik pa ni Adrian ang balikat ni Moon. "Una na ako," sabi niya. Tumango-tango lang ito sa kaibigan at pumasok na sa loob.
Sa kalagitnaan ng paglalakad ni Adrian ay nalaglag ang wallet niya. Agad niya itong pinulot. Nang makaayos na ito sa pagkakatayo ay akmang lalakad na sana siya subalit, isang pamilyar na lalaki ang humarang sa kaniyang daanan.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya rito.
"Sorry kung ngayon lang ako bumalik," wika naman ng lalaki.
"Leo, puwede ba tigilan mo na ako. Wala na tayo, at kung nandito ka para kuhain ulit ang loob ko, nagkakamali ka dahil hindi na ulit ako magpapa-uto sa 'yo. Kaya kung ako sa 'yo umalis ka sa dinadaanan ko bago pa ako tuluyan na magalit sa 'yo." si Leo ang ex-boyfriend ni Adrian.
Noong araw ng kanilang third monthsary e hindi sumipot si Leo sa kanilang date. Ang buong akala ni Adrian ay na-late lang ito dahil sa traffic. Lumipas ang limang oras na paghihintay e walang Leo na sumipot sa kanilang date kaya napag-desisyonan na ng binata na umuwi na lang. Sa paglabas niya sa restaurant, nakita niya ang kaniyang pinakamamahal na lalaki na nakikipag halikan sa ibang babae.
Akmang lalapitan niya ang dalawang 'yun ng bigla silang sumakay sa taxi. Gumuho ang mundo niya no'ng gabing 'yun. Luhaang umuwi ito sa kaniyang dorm hanggang sa magkita sila ay tuluyan na niyang pinutol ang ugnayang mayroon sila.
"Mahal na mahal pa rin kita, Adrian," akmang lalapit pa ito sa kaniya pero agad niyang itinukod ang kamay niya sa dibdib nito dahilan upang mapatigil ito sa balak niya.
"But I don't love you anymore. Please, lubayan mo na ako. Masaya na ako ng hindi na kita nakita. Ako na nagmamakaawa. Ito na ang una't huli nating pagkikita, ayoko na makita pa ang pagmumukha ng isang manlolokong kagaya mo," gusto man niyang sapakin ang lalaking nasa harapan niya e minabuti na lang niyang banggain balikat nito at lumakad papasok sa pangatlong pintuan.
Nang makapasok na siya sa loob ay dali-dali niyang inilapag ang bag niya, hinubad ang sapatos at pagkatapos ay humiga na ito sa kaniyang kama hanggang sa hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya.
NOTE:
Hope you'll like this chapter.
Facebook Account: Moon De Leviou
Wattpad Account: Nobleclaude