ดาวน์โหลดแอป
97.87% No More Promises / Chapter 276: Chapter 4: Lose her

บท 276: Chapter 4: Lose her

Ang akala ko. Kapag natulog ako ng mahimbing. Kumain at gumalaw ng normal. Babalik ang lahat sa dati. Ang buong akala ko. Nagbibiro lamang si Mommy at ayaw lang akong payagan na lumabas. Ang akala ko pa. Ang I'm sorry nyang sinambit kanina ay para sa hindi nya paghain ng agahan. All the thought I'm thinking is so useless. Pakiramdam ko. Wala akong kwenta sa mga oras na ito. Pakiramdam ko. Hindi ako buhay. Nakalutang lang sa ere at tumitingin sa paligid. I'm more than a lazy one asshole na walang gana sa mundo!

"I'm sorry daw?. Psh!." Tumawa pa ako sa narinig mula sa magulang. Walang kwentang anak na ba ako dahil pinagtawanan ko sila?. If yes?. Don't just judge. It was not easy to stay firm while you know it to yourself that you're slowly breaking. Ayoko mang aminin na ang ego ko ang sumasapaw para taas noo akong maglakad at tumayo. But it is! This is the battery for me to function. Walang iba kundi my pride. Because if you're asking if I'm okay?. You don't have to ask. You'll definitely know the answer even if you don't ask me that lame question. I am not okay. Na kahit magdrive at magreceive ng tawag ay muntik ko ng makalimutan.

"Bro, where are you?." Mababakas sa boses ni Kuya ang pagod at pag-aalala. I didn't know that he's this who I'm talking.

Luminga ako sa paligid. Walang gana sa mga nakikita. Panay abo! "I think. I'm...on my way...to hell.."

"What the heck Lance!. Will you wake up!." Galit na nya akong pinagalitan. It's his usual tone kapag ganitong nagbibiro ako. Ng walang kwentang bagay.

I smirk na para bang nasa harapan ko sya't anumang oras ay babatukan na nya ako.

"Seriously?. I'm wide awake bruh."

"Huwag ka ngang magbiro ng kung anu-ano! Pinapakaba mo ako. Gago!."

"Ang seryoso mo naman. May problema ka ba?." I sounded like a psychopath here now. Tsk!

"Lance Eugenio! Can you please keep your sanity in line. Hindi na ako natutuwa sa mga lumalabas dyan sa labi mo."

"I can think straight pa Kuya. Hindi na sana kita kinakausap ngayon kung hinde." Natahimik sya. I heard his heavy sigh.

Akala ko. Ibababa na nya ang tawag. But no.

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho hanggang sa ospital kung saan kami galing kaninang madaling araw. He didn't hang up the phone until he sees me. Bakas talaga ang takot sa mukha nya ng makita nya akong pumasok ng silid nila. Bamby is still sleeping on the couch. Kasama si Jaden na nakahilig pa ang ulo sa balikat ng kapatid ko. Dad is not yet here kasama si Mom na parehong abala sa kung ano.

Saka lamang pinatay ni Kuya ang linya ng tawag ng nakalapit na ako sa kanya. He's too obviously worried about me. "How are you feeling?." Sinipat ko ang benda sa kanyang ulo. "Anong sabi ng Doctor sa'yo?." I stood up beside his bed. But his stare that gives me shiver is making me uncomfortable. Ang lalim ng titig. He's like talking while keeping his mouth shut.

"Did you already eat?." Anya. Nag-aalala.

"Don't mind me okay?. I'm fine. Look?." Iminuwestra ko ang kabuuan ko. "I'm perfectly fine bruh."

Hindi sya saglit nagsalita. Eksakto namang nagising na si Jaden.."Lance?." May pagtataka at pag-aalala ang himig nya. Inayos nya si Bamby ng higa. Kinumutan din. Bago nya ako nilapitan. Sinipat din ang buong ako na para bang may kulang o may hinahanap syang hindi makita. It sucks to know that!

"Ssshhhh! Wag kang maingay. Natutulog pa si Bamby." Suway ko dito.

"Really Lance!?." Si Kuya ito. Nagtataka sa inaasta ko.

Tinaasan ko sya ng isang kilay. "Bakit?." I asked because I'm too lost.

"Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?. You're not okay and yet you acted like you're okay?." Hindi ko alam kung bakit agad nyang nalaman ang lahat sa galaw ko. Siguro dahil sa kapatid nya ako't Kuya ko sya. He knew me better than anyone else. "Pinipilit mong ngumiti kahit halatang hindi mo kaya.." it hurts to know the truth. Pero bakit mas masakit kapag narinig mo pa ito sa iba?. Bakit kaya ganun?. "You already know the truth but you keep on insisting that you don't know anything." I just look at him. Blankly. "Hindi ka nag-iisa. Alam mo ba yun?." I know that there are people around me. Supporting me. Sympathetic about me. But damn! Wala sa kanila ang hinahanap ko. Wala kailanman sa kanila ang taong gusto ko. "Please, if you want to cry. Cry on me. I'm your Kuya. If you need someone to talk to. Just tell me. My ears are always open for you. And if you need–.." I cut him off.

"I don't need anyone, Kuya." I don't know how I utter those words na alam kong masasaktan ko sya. I'm hurting at ayokong manakit ng damdamin pa ng iba. Pero bakit kahit anong gawin ko sa ngayon. Hindi ko maikakaila na nasasaktan ko na sila?.

"I..." I paused because I heard Bamby's moan. Nakita kong nakatingin si Jaden sakin. Waiting for my words. Ganun din si Kuya na hindi nawala ang mata sakin simula noong pumasok ako dito sa silid nya. "I...want to be alone."

Katahimikan ang bumalot samin kalaunan. Until Bamby wakes up. She called me by name. At tinignan ko lang sya. Cold. Tumakbo sya palapit sakin at niyakap ng mahigpit.

"Kuya Lance.." she started crying. I hate this! Not her but I hate what she is doing right now!. "Kuya Lance.." she keeps on calling me na para bang anumang oras. Aalis ako ng hindi nagpapaalam sa kanila. "Kuya Lance ko.." she cries loudly. Dahilan para mag-iwas ng tingin si Jaden samin at palihim na nagpunas ng mukha. Si Kuya naman ay yumuko lang. Silently crying.

I remain as cold as the breezing ice in Antarctica. Ngunit niyakap ko sya upang tumahan ito. Hinagod ko rin ang likod nya.

"I thought, I lose you.." bahagya syang kumalma. Kumalas din ng yakap sakin saka ako tiningala. Sa pagkakaalala ko. Ngayon nya lang ulit ako niyakap ng ganito. I miss her mischievousness. Her clumsiness lalo na pag nasisita ko sya dahil sa pagkagusto nya kay Jaden. "I'm grateful, you're here." Lumamlam ang mga mata nya.

"Kuya..." Gusto pa nyang magsalita pero parang may pumipigil sa kanya.

"I'm grateful that Kuya is here.. Si Aron pa ang inaalala ko.."

"Tama na yan Lance." Pigil sakin ni Kuya. I don't get why. Dahil ba sa pag-aalala ko sa iba na hindi sa sarili o sa susunod na sasabihin ko. Either of the two. Or even not. Wala akong ideya.

"I'm fine Kuya. Trust me." I look at him. Doon ko lamang napatunayan na tahimik nga syang lumuluha kanina pa.

"You lose her. How can I trust you that you're fine huh?. Lance fucking Eugenio!!." His voice echoed. Like a murderous thunder in our room. Napaayos ng tayo si Bamby at si Kuya ang tinapunan nya ng tingin habang nagpupunas ng luha. "Wala na sya! Wala na ang asawa mo! Hanggang kailan mo ba dapat paniwalaan ang sarili mo, huh!?.." lumalabas ang mga litid ng ugat sa kanyang leeg. He's fucking mad! And I don't care!

Who the hell he is na sabihing madaling tanggapin ang lahat?. Sino sila para utusan ako na tanggapin nalang basta ang bagay na hindi malunok ng pagkatao ko?. Sila ba ako para ituro kung saan ang madali at mahirap? Hindi ba nila nakikita?.

Nahihirapan ako!

"I know..." Yung words na yun ang syang susi para manigas sya. Sila. "Kaya nga ang sabi ko. I'm fine. That, I'm okay. Trust me. I don't need anyone."

I already know that I already lose her! Alam ko iyon! Kailangan bang ulit-ulitin para matanggap ko kaagad? Hinde! Kailanman. Hindi ko matatanggap na wala na sya! Hinde!


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C276
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ