Umabot pa hanggang kalsada ang suntukan nilang dalawa. Natatakot na akong lumapit sapagkat ilang beses na akong nabalewala. Pagod na rin ako't nanghihina dahil sa walang tigil na pagpatak ng aking luha. I cried hard kahit kulang nalang maglupasay ako sa semento. I called them both pero ayaw pa rin nilang paawat. Then I crawled towards them just to stop them but I'm too weak and they're so blinded by their anger on each other kaya di nila ko marinig. Mabuti nalang, may dumating na mga tumulong at duon lamang sila napaghiwalay. Someone gave me a glass of water for me to calm down. At salamat sa taong iyon na di ko kilala dahil kumalma nga ako.
"Miss, okay ka lang?.." duon ko lang natanto na lalaki pala yung may ari ng kamay ng nag-abot ng baso ko pagkatapos kong uminom. Isang tango lang ang isinagot ko sa kanya. Nakakahiya man sabihin pero nahihiya ako ngayon. Sobrang nilalamon ako ng hiya. Di ko tuloy alam kung anong gagawin. Kung susundan yung dalawa na dala na ng barangay officials o hahayaan nalang silang aregluhin ang mga sarili. I'm now torn between what to think and what should I do. Damn life! Fuck life!
Tumitig ako sa kalsadang dinaanan nila kahit malakas pa rin ang pagsinok. Kahit nakaupo pa rin ako sa medyo mainit na semento. Kahit nilalamok na ako. Hinayaan ko ang sarili kong maramdaman ang lahat ng ito.
"Halika. Idadala kita sa clinic.." sa gitna ng pag-iisip ko. May nagsalita bigla sa tabi. Noong una, medyo natakot pa ako dahil di ko alam kung bakit may kasama ako. Kaso nang bahagyang bumalik sa ulirat ang isip ko. Naalala ko palang, sya yung nagbigay ng tubig kanina. Pero teka. Ano pang ginagawa nya rito? Akala ko ba iniwan na nya ako?.
Inalis ko ang tingin sa kalsada saka ko sya tinignan. At laking gulat ko. He's smiling widely.
"Long time no see.." lumitaw ang kanyang bi-lo sa kanang pisngi nang sya'y ngumiti. "Namiss kita Joyce.." lumaki pa ang kanyang ngiti saka nya ginulo ang buhok ko.
"I didn't expect to see you here.." patuloy pa rin nya. "Ang sabi kasi ni Carl, sobrang ilap mo na ngayon. Kahit magreply sa gc natin, wala. hahaha.."
I'm just like. What the hell Zeki! Ikaw! Anong ginagawa mo rin dito?. Tanong ng isip ko na di ko na nagawang sambitin dahil nagpatuloy ang pag-aayos nya sa buhok ko. Nakaupo ako sa semento habang sya'y nakaluhod ang isang paa at ang isa ay pang suporta habang ako'y kaharap nya. Nasa lilim kami ng poste kaya malinaw sa paningin ko kung gaano sya nag-aalala para sakin.
"Zek.." tawag ko sa kanya. He just smiled sweetly at me.
"I know. Don't bother to speak. Sorry about you know. Di ko alam na sya pala iyon.." his pertaining to Lance.
If you're asking. Yes. Isa po sya sa nagtaka noon na ligawan ako. Sinabi kong di ko kaya at ayokong isugal ang pagkakaibigan namin para lang sa panandaliang saya. I know what I really want back then. At masasaktan ko lang sya pag pumayag ako sa gusto nya. Kaya kahit masakit sabihin na hanggang duon lang ang kaya kong ibigay sa kanya, sinabi ko ang totoo.
That time, I froze!
It's the truth that can set us free. That pain is inevitable kahit ayaw mo pa. Now I get it.
I smiled like some crazy.
"Thank you Zek!.." doon sya nagulat. Binitawan ang buhok ko saka umayos ng upo.
"Bakit?. What are you thanking for?. Hey Joyce!.." niyugyog nya pa ako.
"Basta. I need to go. Susundan ko yung dalawa." madali akong tumayo saka pinagpag ang damit.
"Saan?.." he asked. Nag-aalala. Kaya nya siguro hinawakan ang braso ko. Para pigilan sa kung anumang balak ko.
"Kila kuya. Baka napano na sila.." patakbo na sana ako nang sabihin nyang sasama raw sya sakin. Pasalamat ulit ako dahil may kasama akong aayos ng gulo. Nung nasa probinsya pa kami. Kuya knows him na. Madalas sila sa bahay pag weekend o summer. Kaya naging kaibigan na rin nila ni Carl si kuya.
Pagkarating ng barangay hall. Pareho nang nasa labas ang dalawa. Nakaupo sa hagdanan at parehong nakatingin sa malayo. Mukhang lutang pa lalo na si Lance.
"Kuya, Lance!.." di ko napigilan ang paggaralgal ng boses ko.
They both stand nang matanaw ako. Si kuya, yung matigas na mukha nga kanina ay ganun pa rin. Bahagya lang lumambot nang taasan sya ng kamay ni Zek. Kuya, walked through us. Nilagpasan ang isa na kung sasalubungin mo ang mata nya ngayon, sunog ka na.
Lance face is full of anger. Nag-aapoy ng galit ang mata nya lalo na ng matanaw ang taong nasa likuran ko.
Kuya and Zek already talked nang lapitan ko sya. I scanned her face down to his body para tignan kung may halos sya. Then I found his bruises under his chin. His left arm at yung dalawang kamao. May dugo pa yung isa. Agad nanlabo ang paningin ko saka kinuha ang kamay. Tinitigan ko iyon ng matagal hanggang sa nabasa na ng luha ang kamay nya.
"Damn it!.." isang mura ang pinakawalan nya bago nito ako dahan dahang niyakap. Doon ako umiyak sa balikat nya. "Damn baby! I'm so sorry.. I'm sorry.." lalong lumakas ang hikbi ko't napahigpit ang kapit ko sa damit nya. He tightened also his arms around me. No matter what. Ito lang ang bagay na hinahanap ko. Ang mainit nyang yakap. Yakap na walang bahid na kahit anong bagay kundi masagabong pagmamahal lang.
"What can I do to keep you?.." he murmured. Ibinaon ko lalo ang mukha ko sa balikat nya kaya nanuot sa lalamunan ko ang pabango nya. Hindi ko yata ito makakalimutan kahit magunaw pa ang mundo.
"Rozen, wants me to get rid of you.." kwento nya. "He wants me to stay away from you.. but fuck!.. paano ko gagawin iyon?.."
Hinigpitan ko pa ang hawak ko sa damit nya. Maging ang yakap ng isang kamay ko sa likod nya ay kulang nalang bumaon papasok sa katawan nya.
"No Lance.." para hindi sakin galing ang katagang iyon. Para hindi ako ang nagsalita kundi ang puso ko.
"Anong gagawin natin kung ayaw ng mundo sa atin?.."
"Let's fight please.. Lance no!."
"Anong gagawin natin kung pilit tayong inilalayo ng tadhana sa isa't isa?.."
"Kumapit tayo Lance.." kumalas ako ng yakap sa kanya saka ko sya tiningala. "Are you giving me up?. Ganun ka nalang ba kadaling sumuko?.. Walang magagawa sa atin ang tadhana kung patuloy tayong lalaban na dalawa. We can do this baby.."
Di ko alam bakit ganun ang mga sinasambit nya. Di ko alam kung na brainwash ba sya o ano. Di ko alam bat ganun kadali nalang sa kanya ang sukuan ang lahat gayong nag-uumpisa palang ulit kami.
"I won't give you up baby. Kahit bugbugin pa ako ng mga kuya mo o ni tito. Di ako susuko.."
"Bakit mo ba nasabi ang mga yun?. Nalilito ako.."
"Dahil nalilito na rin ako." he looked away. "May oras na makakaisip ako ng paraan para makalaya tayo tapos may oras rin na natatakot ako sa lahat. Call me a coward. A big fat coward. Tatanggapin ko iyon kasi totoo naman. Ni hindi ko mapanindigan ang mga pangako ko sa'yo. Ni hindi ko masabi ang totoo sa kapatid ko at sa iba. Napakalaki kong torpe."
Niyakap ko muli sya para pakalmahin. Nanginginig kasi sya sa galit o sa halo halong emosyon na meron sya. "Don't worry. You are not alone. Andito lang ako lagi. Kaya natin to.."
"Kaya ba natin to?.." he asked with a hesitation. Tumango ako sa dibdib nya.
"Kakayanin natin to.." I said whole heartedly.
We don't know what tommorow will bring us but I want to risk it all right now. It's now or never!