"Win, may balita ka na ba?.." tanong ko sa kasama ko nang sabay kaming pumasok ng bahay. Kakausapin raw kasi sila ni Bamby habang ako ay kailangan muling maglabas ng mga alak at pulutan. Paubos na kasi yung nasa mesa ng iba.
"Huh?. Balita saan?.." nagtataka nitong sagot. Napahinto pa dahil mukha itong napaisip. Kinamot ko ang ulo bago yumuko sa mga paa. Tumitig ako sa sahig na para bang duon ako makakakuha ng lakas ng loob para banggitin ang taong wala rito. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing naiisip kong, maaaring magkita muli kami rito. Nasa iisang bansa na kami't iisang hangin na ang nilalanghap namin.
Hayan ka na naman Lance! Umaasa dyan sa iniisip mo.
Why not?. E di ko maiwasan eh!.
"Ah. alam ko na.." ito palang ang sinabi ni Karen pero lalo pang dumoble ang kaba sa dibdib ko.
Nakakahiya naman tong ginagawa ko! Kailangan ko ba itong itanong sa mga kaibigan nya?. Tsk! Think harder Lance! Ano ba!?
Eksaktong pag-angat ko ng tingin sa kanila ay binubulungan na ni Karen si Winly na di pa rin maialis ang mata sa akin. Simpleng ngiti lang ang iginawad ko sa kanya dahil baka pagtakhan nito ang pagtatanong ko.
After bumulong ni Karen. Sumilay na ang isang nakakalokang ngisi sa labi nito. Sa pamamagitan nito, ako tinutukso.
"Sino nga ulit yung tinatanong mo pogi?.." malandi na nitong saad. Humakbang palapit sa akin. Napaatras tuloy ako. Mabuti nalang nasa kusina kami't hindi dinig ang ingay na mula sa labas.
"Wa-la.." daamnnit Lance! Bakit ka pa nautal ha?!...
Yung simpleng ngisi ni Winly kanina. Lumaki na iyon. Aabot hanggang tainga nya. Tumataas taas pa ang dalawa nitong kilay na nagsasabing, masaya sya ngayon.
"Ano bang ginagawa mo?.." pinapaatras ko pa sya palayo sa akin.
"Naiilang ka ba sakin?. Naku pogi! Baka lalo akong mafall sa'yo nyan ha.." ngiwi nya.
"Hahahaha.. ASA!.." halakhak ni Karen sa gilid nya.
"Shut up gurl! Panira ka ng moment eh! Hanapin mo kaya jowa mo.. Baka malingat yun at itangay bigla ng iba.."
"Tse!! Bitter!.."
"Mas bitter ka gurl.. Tse!!."
Lumayo ako't dumiretso ng freezer kung saan nakalagay ang mga pinabili naming alak ni kuya.
"Kung gusto mo ng balita tungkol sa kanya.. date muna tayo.." alok pa nya.
"Hay naku gurl!!. " singit na naman ni Karen.
"Pwede ba!?.." hinarap nito si Karen. Nakapamaywang!.
"What!!?.." namaywang rin ang isa.
Ano ba to?. Isa lang sinabi ko, ang layo na ng tinakbo ng usapan. Tsk! Makaalis na nga rito!
"Sumakay ka nalang kasi.. ano ba?.." maarteng ingit nito sa kaibigan. Umikot lang ang mata nitong kaibigan habang sya'y kumindat sakin.
"Alam mo kasi gurl.. mahirap sumakay sa jeep na alam naman nating puno na at mabigat na ang karga. Baka pumutok bigla yung gulong at mahulog tayo sa imburnal.."
"Ano bang pinagsasabi mo?.." tinulak nito si Karen. Lihim kong itinago ang tawa sa ilalim ng pagkagat ng labi. Gusto kong humagalpak pero baka mabasag ang trip ng dalawang ito. Sa ngayon, kailangan kong magtimpi para mapakinggan pa sila.
"Ang slow.. Gaga! Sayang yung ganda gurl!.."
"Atleast sinabi mong maganda ako.."
"Maganda ka nga pero nakuha mo ba yung punto ko?.." taas noong ani Karen sa kanya. Nagkibit balikat lamang si Winly. "Kasi, dapat ianalize mo yung bawat salita bago ka umungot dyan. " dagdag pa nya sa isa.
"E ano nga?. Pwede bang sabihin mo nalang. Pinapahiya mo naman ako dito eh.."
"O Lance! Andyan ka pa pala hahahaha.." tawa ni Karen. Nagpeace sign pa. Tinanguan ko lang sya bago nginitian ng buo.
"Ang ibig kong sabihin Win. Wag nang umasa pa. Baka masaktan ka lang. "
Natahimik ako. Lalo na ang pinagsabihan nya nito. Sa sobrang katahimikan. Naging awkward tuloy ang paligid.
"Don't get me wrong my friend. I know you wanted to be loved. You wanted to know what love is, how does it feel, but girl. Tama na ang isang kaibigan natin ang nawala dahil sa pag-ibig."
Napanganga ako. What the heck! Para kay Winly ba yun o para sakin? Kung sakin man. Man! Where's your big ass here! Bago mo hanapin mahal mo, harapin mo muna consequences. Her friends!
"And about our friend.." dagdag ni Karen na ikinagulat ko talaga. Humarap sya sakin. Seryoso na. I thought nakalimutan na nila yung tanong ko kanina. Di pala.
Napatitig ako sa mukha nya. Hinihintay or should I rephrase my thought, na umaasa ako sa magandang sasabihan nya. It makes me really wonder kung anong iniisip nya at this moment while watching me, waiting for her to utter some words of encouragement for me.
Ehck! Words of encouragement or painful words for your wrongful mistakes! Ah! Sana, wag naman syang ganun. Eto nga yung pilit kong iniiwasan lalo na pag nainvolve na si Bamblebie sa kanila. Tiyak na magiging magulo ang utak ko pag nagkataon. That's why pinili ko pa ring wag sabihin sa kanya. And really am thankful also sa kanila dahil di pa rin nila ito pinapaalam sa kanilang kaibigan. My little baby sister.
"All I can say is... she's happy right now.." napabuga ako ng hangin sa isip ko lamang dahil alam kong tulad nga ng inakala ko. Masaya na sya ngayon. And I swear. Masaya akong marinig ito sa ngayon. But also. A part of me ay malungkot. At hindi tanggap ang narinig. May kung ano sakin na hindi dapat ako masaya dahil masaya na sya, lalo na kapag hindi ako na ang nagpapasaya sa kanya but, I'm not the Lance four years ago na immature mag-isip. I go now for what is right even if it hurts me or not. I go for how does that happen even if I'm not her side. I understand! I absolutely understand how she should be happy at this moment of her life. I let her go but still she's mine in my heart and soul! No one can replace her in me!.
"She's more happier... without you.." yung ngiti na di ko alam paano ko nagawa kanina ay agad nabalutan iyon ng lungkot at pighati.
Damn! Just fuck the damn up!!!
Ang akala ko, ayos lang sakin na masaya na sya kahit na di na ako ang dahilan nya but fuck!! HINDI PALA AYOS! HINDI PALA OKAY AT LALONG HINDI KO PALA MAINTINDIHAN ANG LAHAT!
Napakalabo at hindi ako makahanap ng tamang dahilan para maging masaya sya nang hindi na ako ang nagpapangiti sa kanya.
What the hell!! Kumislot ng bahagya ang puso ko sa katotohanang, wala na nga akong pag-asa pa! Katapusan na ba ito? Tell me more please!!
"Karen, stop it!.." pigil sa kanya ni Winly.
"No Win.. kailangan nya itong malaman.."
"Wag naman dito gurl.. Wag ngayon.."
"Kailan kung ganun?.." natameme nalang si Winly sa galit nang himig ni Karen.
"You know what.. Sorry, but I'm not sorry for making you feel this way now.. di ko intensyon na saktan ka o paiyakin kung yun ang nasa isip mo.. di rin ako masamang kaibigan dahil alam mo na.. kung masama ako noon pa, baka hanggang ngayon di ka pa rin kinakausap ni Bamblebie. hinayaan ka namin sa gusto mo.. I mean. Sa gusto nyong gawin.. pero nang malaman ko ang lahat.. lahat lahat sa pinagdadaanan nya.. wala akong ibang maisip kundi magalit sa'yo.. galit ako sa'yo dahil una, niloloko mo si Bamby. Come to think of it. Hanggang kailan mo planong ilihim ito sa kanya?. Alam mo bang sya dapat ang unang makaalam tungkol sa inyong dalawa?." umiling sya. Dismayado sa mga sinasambit. "Pinagmukha mo syang mangmang.."
"That's not my point. " naiinis ko nang sagot. Paano nya nasasabi ang ganyan about me and my sister. That's not my intention. Di ko ugaling magpahiya ng tao. Lalo na ang kapatid ko.
"Second, alam mo na ngang kumplikado ang pamilyang kinabibilangan ng mahal mo, dinagdagan mo pa.. Ano ba Lance?. Maging responsable ka naman.."
"I am responsible for all my actions Karen, if you knew. Wala akong bagay na di pinagsisihan sa mga ginawa ko.."
Sya naman ngayon ang natahimik.
"Wala sa intensyon ko ang maglihim sa kapatid ko. Kung alam mo lang kung gaanong kahirap magtago at malunod sa sarili kong konsensya just to hide us.. baka di mo yan masasabi ngayon.."
"Mahirap palang magtago eh. bakit pinili mo pa rin ito?.."
"Because she wanted it that way.." mahinahon at mariin kong sabe. Pumikit pa ako dahil talagang ramdam ko ito. "Akala mo ba, madali lang yun?. Na kahit gusto mong ipagsigawan sa lahat na kayo na pero di mo pwedeng gawin dahil hiniling nya?. Ang hirap! Mahirap sa parte ko iyon. At dahil nga mahal ko sya. Higit pa sa sarili ko. Pinili kong sumunod sa daan nya. Pinili ko ang maging pribado pero hindi ko kailanman dineny ito sa ibang may nalalaman na.. at alam mo bang isa sa mga taong hiniling nyang wag kong pagsabihan ay ang kapatid ko?. hinde diba?. So, anong pipiliin ko kung ikaw ang nasa posisyon ko?.."
Natahimik sya't napayuko. Nag-iwas sya ng tingin at di na nagsalita muli hanggang sa dumating si Kian at inakay na sila palabas ng bahay. Pasalamat nalang ako dahil di sumulpot si mama sa kung saan. Baka ako ang malintikan kung nagkataon.