ดาวน์โหลดแอป
45.03% No More Promises / Chapter 127: Chapter 16: Takot

บท 127: Chapter 16: Takot

Bumangon ako kinabukasan na mabigat na ang pakiramdam ko. Para bang may kung ano sakin ang wala sa tamang ayos o lagay. Pinakiramdaman ko ang sarili ko bago tuluyang bumaba, wala naman masakit sakin. Lahat naman nasa tamang ayos. Nagsabi ako na wala lang tong kakaibang pakiramdam ko. Na walang ibang mangyayari ngayon kundi maganda at wala nang iba pa.

Bakit ganito?. Anong mali sakin at nangyayari to sakin?. Kinakabahan ako na di ko maintindihan. Kakaiba. Di ko maipaliwanag.

After ko kasing maligo at mag-ayos. Bumaba na ako. Agad akong pinaghandaan ni Manang Sely ng agahan. Kumain naman ako. Normal ang lahat sakin pero nagbago iyon nang makatanggap ako ng hindi inaasahang mensahe.

"Lance, where are you?.." yan ang laman ng text galing kay Ryle. Di ko to inaasahan at mas lalong nagulat ako sa kasunod ng kanyang mensahe. "Rozen, called me.. di sya makakapunta ng ospital ngayon at ako ang pinapapunta don.. you wanna come?.."

Naiwan sa ere ang hawak kong kutsara na may lamang kanin at itlog. Isusubo ko na sana iyon nang matigilan dahil sa nabasa.

In just a span of time. Nagvibrate na ang cellphone ko. Hudyat na may tumatawag. Binaba ko muna ang hawak na kutsara. Di ko na iyon naisubo pa. Mas pinagtuunan ko nang pansin ang kung sino ang nasa linya. Tinignan ko ang pangalan. It's Ryle!

Umupo ako ng tuwid bago ko sinagot ang kanyang tawag. "Bro?.." di ko malaman kung saan galing ang panginginig ng dila't labi ko. Naihilamos ko pa ang palad sa bibig ko upang mapigilan ang panginginig nito.

"Hello?.." sagot ng nasa kabilang linya. Hindi to kalmado pero ramdam ko ang pagiging istrikto nito. Di pa rin ba sya nagbabago?.

Nagtanong ka pa Lance. Malamang, ugali na nya iyon. Ang pagiging istrikto kagaya mo. Masanay ka nalang!

"Ryle?." nagdalawang isip pa ako.

Mahina syang humalakhak. Tuloy, bigla akong natigilan. Kabaklaan mo Lance! Bibihira ko kasi itong marinig na tumawa nang mahina. Madalas malakas, nakakabingi!

"Yes bro.. I'm on my way to your house.. andyan ka na ba?. Uh.. sorry.. Rozen told me na umuwi ka pala..sasama ka ba ngayon?.."

Mag-iisip pa ba ako?. Syempre! Sasama ako!! Ito nga ang dahilan bat ako umuwi e.

"Ah yeah.. it's okay.. dumiretso ka nalang dito sa bahay.. I'll come.." sagot ko agad. Sumang-ayon sya't binaba na ang linya nya.

Mabilis kong tinapos ang pagkain. Mahirap magsayang ng pagkain. Number one rule nina papa at mama. Pagkatapos, pumanhik muli akong itaas para kunin yung wallet ko. Ibinulsa ko iyon saka bumaba muli.

"Mabuti hindi umiyak si Bamby nung umalis ka hijo?.." tanong ni Manang sakin habang ako'y naghihintay sa pagdating ni Ryle. Pinaupo nya ako sa sofa at pinagsilbihan kahit di ko naman kailangan. Inilapag nya ang isang baso ng tubig sa kaharap kong mesa bago sya umupo sa gilid na upuan.

Pasimple ko munang tinanaw ang screen ng phone ko kung may message na si Ryle pero wala pa. Kaya sumandal ako sa malapad na sofa saka ko sya sinagot. "Umiiyak nga po Manang e.. gustong sumama.."

"Di pinayagan?.." hula nya.

"Opo.." may lungkot na naman akong naramdaman para sa naiwan kong kapatid.

"Hay.. Ewan ko ba sa papa mo hijo.. sobrang higpit sa babae nyo.. sana lang di sya magrebelde.." anya. Tukoy nya kay Bamby. Kung paano nila ito pagbawalan sa lahat. Umiiling pa sya Dismayado rin sa desisyon nila.

Sana nga po.

Pero.

Ginagawa lang naman namin iyon para sa kanya. Dahil nga, nag-iisa syang babae na kapatid namin. Ayaw naming may mangyaring di maganda sa kanya at sa future nya. Ayos lang naman sakin ang paghihigpit ni papa. Gusto ko rin iyon sapagkat sa paraang iyon, mapoprotektahan namin sya. Subalit, minsan rin. Nakokonsensya ako. Lahat kasi bawal. At pakiramdam ko. Nasasakal na namin sya. Sana lang. Hindi nga sya mawalan nang respeto sa desisyon naming iyon dahil para sa kanya rin naman ito.

Maya maya. May bumusina na sa labas. Agad na rin akong nagpaalam kay Manang. "Mag-iingat ka hijo, bilin ng papa mo tawagan mo raw sya tsaka umuwi ka ng maaga.." habol nito sakin habang ako ay palabas na nang bahay. Patungong gate.

"Opo Manang.. Mauna na po kami.." paalam ko kahit di pa kinausap nang maayos ang taong naghihintay sakin sa labas.

Sumakay ako ng aking sasakyan saka ko nakita si Ryle na nakasandal sa may tabi ng magara nyang sasakyan. Huminto ako sa gilid ng aming bakuran saka sya nilapitan. "Bro, kamusta?.." bati ko. Naiilang. Di talaga ako komportable sa kanya. Noon pa! Nang makita ako. Tumayo sya ng tuwid saka sya humarap nang nakangiti sakin. "Long time no see bro.. gumwapo ah.." tudyo pa nya sakin. Nginitian ko lang sya't tinanguan. Nang tuluyan akong makalapit sa kanya. Sa mismong harapan nya. Lihim akong lumunok sa kaba. Eto na nga! Alam ko na ang kasunod nang sasabihin nya. It's his sister.

"Akala ko, di ka na darating pa.."

He expected me?. Bakit?. Gusto ko itong itanong pero mas pinili ko nalang na isantabi ito at makinig sa kanya. "Hindi ko na inaasahan ang pag-uwi mo.." dagdag pa nya.

Ano raw?. Foul na yan bro!! So anong gusto nyang iparating?. Na ayaw nya ako rito?. E anong ginagawa nya dito kung ganun?. Gago!

"Wag mo sanang mamasamain yung sinabi ko.. sadyang di ko lang inaasahan talaga ang pagdating mo.." ngumiti sya pero alam kong pilit iyon.

Usapang lalaki nga bro! Sabihin mo nalang para matapos na!

"Di ko kasi aakalain na magpapakita ka pa sa kabila nang pang-iiwan mo sa kanya.."

Di ko iyon ginusto!!!

At, napipi talaga ako!!!

Damn it! Akala ko ba sasamahan nya ako sa kung saan ang kapatid nya?. What is he doing right now?. Sinusumbatan ako sa mga bagay na wala akong nagawa?. Kingina! Bakit ba sya nagpakita pa!?

Kinuyom ko ang dalawang palad sa ilalim ng bulsa ng pantalon ko. Maaga palang pero ito na ang bumungad sakin. Ano pang kasunod ha?.

"Gusto mo pa bang makita ang kalagayan ng taong pinangakuan mo?.." sarkastiko na ang kanyang himig. Di na ito tunog biro o nagbibiro.

Damn it! Sapul ako duon! Sapak ang puso ko. Dinaig pa nito ang pinompyang sa magkabilang semento sa sakit na naidulot nang katotohanang sinabi nya.

Kahit nagpupuyos ng galit at inis ang puso't isip ko. Tumango pa rin ako na para bang madali lang ang lahat at ang gagawin ko. But deep inside. Nagdurugo na ito at gusto nang magtago sa hiya! Nahihiya sa kawalang hiyang nagawa ko.

Pinanood nya akong nakatayo lang.Tahimik. Walang masabi sa mga banat nya. "Tara na.." biglang anyaya nya. Syempre. Nagulat ako. Di ko na inasahan na yayayain pa nya ako. Kumurap pa muna ako. Natitigilan. "Para masilayan nang dalawa mong mata ang itsura nya."

Wala pa man akong nakikita na mukha nang taong kinababaliwan ko. Nasasaktan na ako. The way his brother acted at me right now?. Parang gusto ko nang umurong o di kaya ay, magtawag ng mga kaibigan, and worst, umuwi na pabalik nang Australia. Natatakot talaga ako.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C127
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ