Hinatid nya rin ako sa amin mga alas nuwebe na. After breakfast. Sinabi kong ayos lang ako't wag nang mag-almusal pero hinila pa rin ako nila tita at Bamby kaya wala na akong nagawa kundi sabayan sila. Pagkatapos rin naman. Nagpaalam na ako sa kanila at nagpasalamat. Bamby talked to me
"Balik ka rito ah.." she said while we were both hugging each other. Nasa pagitan na kami ng sala at ng kusina. Palabas na sana ako, dahil kanina pa si Lance doon naghihintay pero hinila nya ako.
"Ayokong mangako pero babalik ako rito.." sagot ko.
"Basta babalik ka okay?. I'll wait for you.." she said habang hinihigpitan ang yakap sakin. I hugged her tightly bago ako nagpaalam sa kanya.
Kahit taon na ang lumipas, dala dala ko pa rin yung pagkakamali ko noong nakaraan. Pakiramdam ko, parang kailan lang yung panahong sinaktan ko sya't pinaiyak. I did apologized to her way back but until now, nahihiya pa rin ako sa kanya kahit pinatawad na nya ako. Sinabi ko sa kanya ang dahilan kung bakit ko nagawa iyon sa kanya. Labag Naman sa loob kong gawin iyon. Wala lang akong ibang pagpipilian.
Maya maya. Hinatid nya na ako sa kanilang garahe kung saan nakaandar na ang sasakyang gagamitin ni Lance.
"Drive safely kuya.." Bamby waved at us. Sa gilid ng gawing bintana. Kung saan ako nakapwesto.
Hindi sya sinagot ni Lance. Basta tinanguan nya lang ito't pinausad na ang sasakyan.
"Okay na kayo?.." tanong nya nang medyo makalayo na kami.
Hindi ko alam ang isasagot. Maayos naman na ang tungo sakin ni Bamby subalit di ko pa rin maiwasan ang mailang. Siguro. Wala na sa kanya ang problema. Ako na itong malalim ang iniisip kaya hanggang ngayon di ko pa rin magawang ibalik ang dati sa amin. Ako itong maraming iniisip. Malalim at iba iba kaya minsan nalilito ako sa nararamdaman ko. But I know her. Napatawad na nya ako't bumalik na sa dati ang turing nya sakin. I feel it at nagpapasalamat ako doon. Ako lang itong parang ewan. Naguguluhan.
Isang ugali na rin yata ito ng tao. Na kapag nagkamali o nakagawa ng pagkakamali sa iba lalo na sa kakilala. Normal na sa atin ang mailang sa kanila. Na para bang may agwat na ang dating magdikit. Na nagkaroon na ng puwang ang dating walang pagitan. Na para bang kahit ano nang gawin mo ay hindi na mabubura pa ang nagawa mo. Kahit napatawad ka na. O pinatawad ka pa.
Ang hirap sumain ang bagay na kayhirap timbangin. Hindi mo alam kung ano nga ba sa kanila ang tama o mali. Kung saan ba dapat lumugar.
."Ayos na kami.." puso ko na rin yata ang nagsalita para sa kanya. Kay gulo ng utak ko kung kaya't kailangan pang kabigin ng puso ko ang aking dila upang makapagsalita.
Aminin ko man o hinde. Mahirap man o madali. Hindi na maibabalik ang dating ako.. noong mga panahong masaya pa ako. I really miss those days. Si mommy.. Gosh! Nag-angat ako ng tingin upang sugpuin agad ang nagbabadyang luha na kumawala. How I miss her. Her smile and her warmth care. Not that hindi ganun si mama. Sadyang miss na miss ko lang si mommy na syang yakap nya lang ang makakapag-init sa lumalamig kong puso. Si Daddy. Kahit sabihin kong ayaw ko syang makita. May parte pa rin sakin na sabik sa yakap nya. I miss them both. I really missed them na kulang nalang ipagpalit ko ang kung anuman para lang maibalik ang dati. How I wish I can bring back those days again.
Kakaisip. Hindi ko na napansin na nasa loob na pala ako ng bahay. Ni hindi ko man lang alam kung paano akong nagpalaam sa kanya o paano ako nakarating ng bahay na wala sa sarili.
Iwinasiwas ko ang aking ulo sa kalituhan.
Luminga ako't hinanap ang mga tao sa bahay subalit walang kahit anong ingay. Tuloy nabuhay ang interes ko't basta nalang naglakad papuntang ikalawang palapag. Doon sa dulo ng hagdanan. Naabutan ko si kuya Rozen na nakatungo. Hindi ko makita ang mukha nya dahilan para dungawin ko sya.
"Kuya.."
Matagal bago sya nag-angat ng tingin sakin. Nang magtagpo ang aming mata. Nakita ko kung gaano na iyon kamugto. Pulang pula ang kanyang ilong at mukha na para bang ang bigat ng kanyang problema. "Bakit ka umiiyak?. May nangyari ba?. Anong nangyari?.." kulang pa yata ang tanong na sinambit ko para masabi ang sinisigaw ng damdamin ko. Yumuko ako't napaluhod sa harapan nya. Hinaplos ko ang balikat nya. "Anong nangyari?." garalgal ko na ring tanong. Kinagat nya ng mariin ang labi saka umiling.
"Kuya. " pilit ko pa pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. He just said lang na umakyat na ako't magpahinga sa sariling silid. Tinanggihan ko sya. Nagtanong muli sa kung anong problema subalit lalo lamang syang nagalit sakin dahilan para sapilitan akong pumanhik sa aking silid.
I have this guts na tungkol ito kila mama at papa pero ayokong maniwala hanggang wala akong naririnig mula sa kanila. Kailangan ko ng kumpirmasyon.
Inisip kong hanapin si Ali pero nabigo lamang ako. Wala sya sa kanilang silid. Kung saan silid din nina mama. Tumunghay ako sa kwarto ni Denise pero malinis iyon na para bang hindi inuwian kagabi. I walked through my kuya's room para hanapin si kuya Ryle pero bigo lang rin ako.
Nasaan silang lahat?. Why did kuya Rozen cried?. Did I miss something?. Mama, where are you?. Are you with Ali?. Papa, are you okay?. Kuya Ryle!. I need your help!