Kinagabihan hinatid ako ni Bamby, through his papa. Papunta namn raw sila ng mall kaya sumabay na ako. Gusto nila akong isama sa gala nila pero ayokong makaistorbo. Bonding nila iyon at talagang nahihiya pa ako. Mas pinili long umuwi nalang sa amin.
Matapos kaminh maglaro kanina. Di na nya muli kami ginambala. Nang bumaba pa kami. Palabas para sa pupuntahan ngayon. Kinatok ni Bamby ang pintuan saka kumaripas ng takbo, dala ako. Muntik pa kaminh matalisod kung di ako kumapit sa hawakan ng hagdanan.
"Siguro ka hija?.. Sandali lang naman tayo.." pilit ni tito na sumama na ako. Pero buo na ang desisyon kong hindi sumama. Saka nalang siguro kapag nagkataon. Kasama sya! Hay! Ewan sa'yo Joyce!
"Salamat po tito pero naghihintay na po sakin sina mommy.." pagsisinungaling ko. Kahit naman kasi gabi ako umuwi, walang mag-aalala sakin. Maliban nalang kay Manang Selya.
"Ganun ba?. saglit lang naman tayo.. kakain lang tayo ng ice cream tas uwi na.." umiling pa rin ako. Baka mamaya sabihin nyang maarte ako o choosy. Di naman. Talagang nahihiya ako sa kanya. First ko kasi silang mameet ni tita kaya naiilang pa ako.
"Okay.. di na kita pipilitin heheh.. pero dalaw ka ulit sa bahay ha.. para may kalaro itong si Bamblebie.."
"Opo tito.. thank you.." nagpaalam na ako after nila akong idaan sa aming barangay. Malapit sa school. Harap mismo.
Malapad pa ang ngiti ko habang kinakawayan ang papalayo nilang sasakyan. Hindi ko maintindihan kung bakit may dumaan na lungkot saking dibdib. Sana rin, ganyan din si daddy. Uuwi galing trabaho, tas magtatanong kung anong gusto ko tapos idadala nya agad ako sa mall para lang bilhin ang request ko. Nakakainggit sa totoo lang. Ganunpaman, kontento naman ako tuwing gabi dahil umuuwi sya samin. May dala laging bulaklak ni mommy at chocolates para naman sakin.
"Hey, anong ginagawa mo dyan?." nagitla ako ng nasa likuran ko na pala sya. Kakababa nya ng kotse at pinuntahan ako. Sabay halik sa noo ko. "Gabi na. pumasok ka na.." anya saka akbay at akay sakin sa loob ng bahay. Masaya akong dumating sya ng maaga ngayon. Nakita ko rin iyon kay mommy.
Masaya kaming kumain ng dinner.
"How's school hija?.." tanong nya sakin ng nasa sala na kami. Nakahiga ako sa mahabang sofa. Ginawang unan ang kanyang binti.
"Ayos naman po.."
"Hmm.. that's good.. how about your friends?.." di ko alam kung nasabi ko an ba sa kanya ang tungkol kila Bamby, at Winly. Parang di pa yata. Di nya binanggit pangalan nila eh.
"Maayos naman po.. galing po ako sa bahay ng best friend kong Bamby ang pangalan.."
"Kaya ka ba, nasa labas kanina?.." Anya, na nadinig ni mama. "Bakit di mo sya pinapasok hija?.."
"Kasama nya po papa nya mommy.. papunta po silang mall.. gusto nga po nila akong isama kaso tumanggi ako dahil alam kong andito na si daddy.." kinurot ni daddy ang pisngi ko. "Babawi ang daddy hija.. promise that.."
"Talaga po?.." masaya kong tanong. Excited na ako!
Tinanguan nya ako. Kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata. Nang ihatid nya ako sa silid. Sinabi ko ang kanina ko pang iniisip.
"Dad.." agaw pansin ko sa ginagawa nyang pag-aayos sa kumot ko.
"Hmm?.."
"Pwede po bang magrequest ng Barbie doll?.." tinapos nya muna ang ginagawa bago tumayo sa gilid ko. Namaywang.
"Yes of course hija.. tommorow. I'll buy some.." pangako nya iyon. Pangakong, sana lang hindi lang hanggang pangako.