ดาวน์โหลดแอป
89.39% The Mythic God / Chapter 59: Chapter XVI

บท 59: Chapter XVI

CHAPTER XVI. Dragon Flash Technique

BANG!!!! BANG!!!! BANG!!!! Tatlong sunod sunod na atake ang mabilis na tumama kay Zuki. Nang masaksihan ito ng magkakapatid na beastman ay napanganga sila. May nakalagpas na atake sa kanilang master. Hindi sila maka paniwala sa kanilang nasaksihan.

Natuwa naman sa kanilang nasaksihan ang tatlong kumandante na nakasaksi ng isang magandang pangyayari. Nagawang tamaan ni Binibining Chrisha ng kaniyang mga palaso ang misteryosong binata. Sa kinatatayuan naman ni Zuki ay makikita ang napaka kapal na usok na nilikha ng pagtama ng mga malalaking palaso.

Napa alisto ang tatlong kumandante ng maramdaman nila ang enerhiya ng binata. Sa gitna ng makapal na usok ay nagliwanag ang pulang aura. Nagkaroon ng imahe ng dragon sa itaas ng binata. Naging alerto si Zellon ng Maramdaman niya ang isang malakas na enerhiya na bumabalot sa katawan nito.

Dragon Flash Technique: 1st skill: Dragon Hammer Flash!!! 2nd Phrase "Disaster!!!!!". Sigaw ng binata na ikinabigla ng tatlong kumandante. Isang malaking ulo ng pulang dragon ang biglang lumitaw at mula sa bibig ng dragon ay lumabas ang limang sunod sunod na pahiwang enerhiya.

Ang atakeng ito ng binata ay iba sa unang atake na kaniyang binitawan kanina lamang. Mas matindi ito at talagang makapaminsala.

Nang Makita iyun ni Zellon at Keros ay mabilis silang gumawa magkaibang barrier. Pumalibot iyun sa kanilang tatlo. Ang Asul na likido ay unang bumalot sa palibot nilang tatlo. Ang asul na likidong ito ay ang water Barrier na likha ni Zellon.

Ang barrier na ito ay kabilang sa kaniyang mahika. Kaya nitong sanggahin ang mga makapaminsalang atake ng mga kalaban. Si Keros naman ay dinagdagan ng suportang pang harang ang barrier ni Zellon.

Sa pamamagitan ng kaniyang Aura ay gumawa siya ng isang malaking Shield na kasinlaki ng pulang Dragon. Doon nga ay nagkaroon muli ng mga malalakas na pagsabog. Nagkaroon ng malakas na pagyanig sa buong palapag.

Naramdaman iyun nila Estevan na kasalukuyang binabagtas ang lagusan paakyat sa ikatlong palapag. Yumanig ang kanilang paligid na tila ba guguho na ang pader. Ngunit alam ng lahat na isang mahiwanag pasilidad ang tower of doom.

Sapagkat ang gusaling ito ay ginawa ng mga tanyag na blacksmith sa kasaysayan. Sa isang silid naman kung saan naroroon si grim. Ay makikita ang pigura ng isang dalaga na kasalukuyang nababalutan ng itim na aura.

Ang dalagang ito ay si Reiss Hovier. Si Reiss ay nababalutan ng itim na aura na nagmumula kay Grim Blackburn. Mararamdaman sa loob ng silid ang napakabigat na presensya. At dahil ito sa itim na aura na inilalabas ng heneral ng ikatlong palapag.

Ang itim na aura na nagmumula kay Grim ay dahan dahan na pumapasok sa katawan ni Reiss. Unti unting dumadaloy sa kaniyang mga ugat ang itim na enerhiya na dulot ng aura ni Grim. Makikita ang pagtagaktak ng pawis ni Reiss.

Ang Dilaw nitong buhok na abot hanggang bewang at ang asul nitong mga mata na may bakas parin ng kaniyang pagluha. Ngunit sa likod ng mga bakas ng luha sa kaniyang mga mata ay makikita rito ang galit. Galit ng isang nawalan ng minamahal sa buhay.

Gusto niyang mag higanti sa sinapit ng kaniyang kaibigan. Nagagalit siya sa kaniyang sarili sapagkat wala siyang sapat na kakayahan para lumaban. Subalit ngayon tila nag-iba ang ihip ng hangin sapagkat ang Reiss Hovier na kilala ng lahat bilang "weakest commander" ay ngayon ay nagtataglay na nang Aura ng isang 8th level angel rank.

Ang kaniyang enerhiya ay mabilis na umaakyat dahil sa tulong ng enerhiya ni Grim. Ang prosesong ginagawa ni Grim ay isa sa mga kakila kilabot niyang technique. Ang technique na ito ay Forbidden Technique ng kanilang angkan.

Ang Black Soul Boosting Technique. Ang technique na ito ay may kakayahan mapabilis ang pagsasanay ng isang adventurer. Ang mga kalimitang gumagamit ng ganitong technique ay kabilang sa Main Branch at ang mga maaari nilang pag gamitan ng technique na ito ay sampung agwat ng lakas ang kailangan upang magamit ang technique na ito.

At ang kasalukuyang antas ng kakayahan ni Grim at Reiss ay sampung agwat ang pagitan. Sa madaling salita si Grim ay hindi isang angel rank. Kundi isang aktwal na demon rank. At ang ganitong uri ng kakayahan ay balewala kung ang gagamitan ng ganitong kakayahan ay isa nang aktwal na demon rank.

Mabisa itong gamitin sa mga adventurer na ganap na angel ranker. Sapagkat kapag ginamit ito sa isang ceslestial rank ay magkakaroon ng problema sa pagdaloy ng enerhiya sa soulforce nito at magsasanhi ito ng pag putok ng mga ugat na magiging sanhi ng kamatayan.

Ang epekto ng technique na ito ay natatapos kapag ang ginamitan nito ay naabot na ang sukdulan ng isang angel ranker. Makikita naman sa labi ni Grim ang pananabik. Sapagkat ito ang unang beses na ginamit niya ang technique na ito.

At nakita niya kay Reiss ang potensyal para malagpasan ang kaniyang technique. Napaka perpekto ng pag pasok ng kaniyang aura sa katawan ni Reiss na dahilan kung bakit ang sariling enerhiya ni Reiss ay mabilis na dumadaloy sa kaniyang mga ugat at mabilis na naiipon sa kaniyang soulforce coil na ngayon ay mapupuno na naman ng enerhiya.

Maya maya nga ay mararamdaman nga ang pagbigat ng aura sa paligid. Mararamdaman ang napaka kapal na enerhiya na inilalabas ni Reiss. Sa wakas umangat na muli ang ranggo ni Binibining Reiss. Ang kaniyang ranggo ay tumapak na bilang isang 9th level angel rank.

Samantala sa isang silid naman kung saan huminto si Clemson makikita siya na nakatayo sa sulok ng pader. Sa labas ng silid ay makikita si Freda kasama ang kaniyang mga tauhan. Nakasuot ng pandigmang kasuotan si Freda makikita sa kaniyang mga tauhan ang labis na pag galang kay Freda Arkenearae.

Si Freda ay isa ring Elves katulad ni Chrisha. Mayroon siyang Dilaw na buhok at berdeng mga mata. Ngunit ang kaniyang kakayahan ay iba kay Chrisha. Ang kaniyang Aura ay mas malakas kesa kay Chrisha. Siya lang naman ang superior ng Azad at siya ang nagtataglay ng elemento ng liwanag. Magaling siya sa paraan ng pakikipaglaban gamit ang dalawang espada.

Tara na mga kasama! Oras na upang sumalakay! Maotoridad na utos ni Freda sa kaniyang mga mandirigma. Sumaludo naman ang kaniyang mga mandirigma.

Nauna siyang naglakad habang ang kaniya namang mga kasamahan ay sumunod sa kaniya. Nakahinga naman ng maluwag si Clemson ng makalagpas na ang hukbo na pinangungunahan ng babaeng kumandante.

Lumipas ang ilang sigundo ng makaalis ang kumandante at mga kasama nito ay naglakad na siya palabas ng silid. Pagkatapak niya sa labas ng silid ay nabigla siya ng Makita niya ang babaeng kumandante na aatakihin na siya gamit ang matatalim nitong espada.

Nagulat siya sa nangyari at isinangga niya nalang ang kaniyang sariling braso. Bumagsak sa sahig ang naputol niyang mga braso. Makikita naman sa labi ng babae ang panghahamak.

Ang akala mo ba ay maitatago mo saakin ang iyong presensya. Isa kang hangal! Sigaw ni Freda at ang kaniyang puting Aura ay kumalat sa kanilang paligid. Sa kaniyang mga espada ay dumaloy ang puting liwanag.

Nang maramdaman naman ni Clemson ang taglay na enerhiya ng babae ay napaseryoso siya ng tingin. Ang kaniyang mga naputol na braso ay nabalutan ng itim na aura. Ang kaniyang mga braso ay mabilis na bumalik sa kaniyang katawan.

Mabilis na naghilom ang kaniyang mga sugat. Nang Makita naman ni Freda ang mabilis na pag hilom ng mga sugat ng lalake ay napangisi siya. "Ang pamamaraan ng iyong pagpapagaling ay perpekto! Wala akong nakita na bakas ng aking atake. Subalit batid ko na Malaki ang nakunsumo mong enerhiya kanina ng kinalaban mo ang dalawa naming kasamahang kumandante at pagkakapaslang mo kay Razor. Ay tiyak na hindi kana tatagal sa pakikipag laban".

Mahabang lintanya ni Freda na ikina ngisi naman ng binata. Hindi niya akalain na mababalit ng babaeng ito ang kaniyang kalagayan. Tama ang sinabi nito. Ang kaniyang kakayahan na mag pahilom ng mga sugat ay malakas kumonsumo ng natural na enerhiya.

At kasalukuyan ay hindi siya pwedeng mapinsala pa sapagkat mapipilitan siyang gamitin muli ang pag papagaling ng kaniyang sarili at masisiid na ang kaniyang lakas. Kailangan niyang makatakas sa babaeng ito. Sapagkat ang babaeng ito ay isang 10th level Angel Rank.

Sa lugar naman kung nasaan si Zuki ay patuloy parin ang sunod sunod na pag papalitan ng mga atake. Nag kalat sa buong paligid ang makapal na usok dahil sa walang humpay na pagsabog sa paligid. Ang tatlong kumandante na sina Chrisha, Zellon at Keros ay nananatili paring nakatayo at lumalaban ng sabayan.

Inilalabas nila ang kanilang mga aura at mararamdaman ang presensya nila sa paligid. Punong puno ng enerhiya ang taglay ng tatlong adventurer. Makikita sa tatlo ang ngiti sa kanilang mga labi. Ngayon lamang sila nanamik sa pakikipag-laban. Sa tagal ng panahon na sila ay na kulong sa lugar na ito ay ngayon lamang sila may nakaharap na ganito kalakas ang taglay na kapangyarihan.

Ang pulang enerhiya na ginagamit nito. Hindi iyun basta bastang elemento. Ang enerhiyang iyun ay nang gagaling sa technique ng misteryosong binata. Ito ay walang iba kundi ang Dragon Flash Technique. Sa kasalukuyan ay nasaksihan na nila ang una hanggang tatlong skill na nakapaloob sa technique na ito.

Ang una ay ang Dragon Hammer Flash sumunod naman ay ang Dragon Coil Flash at ang pangatlo naman ay ang Dragon Soar Flash. At ang ikinagulat ng tatlong kumandante ay ang tatlong skill na ito ay may ibat ibang pamamaraan ng atake.

Ang Dragon Hammer Flash na noong una ay isa lamang mabilis na pahiwang atake ngunit ng gamitin ng binata ang 2nd phrase nito na kung tawagin ay disaster ay lumabas ang pulang dragon at nagpakawala ito ng sunod sunod na pahiwang enerhiya.

Sunod naman ay ang 2nd skill na kung tawagin ay Dragon Coil Flash at kahalintulad nga nito sa pangalan ng atake ay ang mismong pamamaraan nito sa paggamit ng nag lalagablab na enerhiya. Mayroong tatlong ibat ibang atake at ang lahat ng iyun ay sadyang kahanga hanga. Lalong lalo na ang ikatlong pamamaraan. Ang pag gamit sa elemento ng apoy at hangin sa magkaparehong oras.

Ang 2nd skill Dragon Coil Flash 3rd phrase "Storm Tempest". Na nagagawang pabilisin ang pag kilos ng gumagamit. Walang makaka tama na kahit anong atake kahit na mismo ang mga nag lalakihang palaso na gawa ni Chrisha.

At ang ikatlo naman na skill ng technique nito ay tinatawag na Dragon Soar Flash at mayroon itong isang pamamaraan na mismong kinakaharap nilang tatlo ngayon.

Ito ay ang 3rd skill Dragon Sour Flash 2nd Phrase "Sour Hammer". Ang skill na ito ay may kakayahan na palibutan ng pulang aura ang sandata ng binata at lumaki ito ng doble base sa lakas na naiipon nito. Ngayon nga ang sandata ni Zuki ay mas lumaki at mas humaba kesa ng una niya itong gamitin. Ang pulang enerhiya ay mas nagliwanag at mararamdaman sa buong silid ang tinataglay nitong lakas.

Isang malakas na pag yanig ang gumimbal sa Tatlong kumandante na lumalaban sa magkakapatid na beastman. Naramdaman nila ang malakas na pag yanig. Napalingon sila sa lugar kung saan naroroon sila Chrisha. Hindi sila makapaniwala na ang kalaban ng tatlo nilang kasama ay magaling makipag laban.

Afila!!! Kailangan natin mag hiwa hiwalay. Dapat natin silang labanan isa isa!!. Sigaw ng kasama nilang lalake na si Damian. Si Damian ay isang tao ngunit ang kakayahan nito ay maihahambing sa mga mandirigmang pinagpala ng katalinuhan.

Sige! Sagot naman ni Afila na ngayon ay inihampas ang kaniyang Latigo na gawa sa Whip Vine. Si Afila ay isa ring Wizard tulad ni Zellon ngunit ang kaniyang kakayahan ay hindi maitutulad sa lalakeng iyun. Ang kaniyang berdeng aura ay bumalot sa kaniyang paligid.

Sa kaniya namang tabi ay lumulutang ang kaniyang aklat na kung tawagin ay Grimoire ay mabilis na lumilipat ng pahina. Huminto iyun sa isang pahina na may nakasulat na spell na mismong ang may ari lang nito ang may kakayahan na mabasa.

Biar Creation Magic: Rose Vine Of Destruction!!!! Sigaw ni Afila at ang kaniyang latigo ay may tumubong ugat ng pulang rosas mabilis itong tumubo at inasinta ang babaeng beastman. Nang Makita naman ni Alena ang atake na gagawin ng babaeng nag lalabas ni berdeng aura ay inihanda niya ang kaniyang sarili.

Ang kaniyang mga sinulid ay mabilis na inilalabas ng kaniyang sandata. Ang kaniyang sandata ay may kakayahan na gumawa ng walang hanggang sinulit at sa pamamagitan ng sandatang ito ay nagagawa nitong umatake at dumipensa.

Ang sandata ni Alena ay nabalutan ng puting enerhiya. Ang puting enerhiya ay mabilis na kumalat sa mga sinulid nito. Nang maramdaman naman nila Recon at Ophir ang binabalak gawin ng kaniyang kapatid ay napangisi nalang sila.

Ang atakeng iyun! Walang makakatalo sa atake ng aking nakatatandang kapatid! Sigaw ni munting Ophir at tumingin sa kaniyang ate. Kaya mo yan!!! Ate!!! Sigaw ni Ophir. At doon nga ang puting enerhiya na iniipon ni Alena ay kumpleto na.

Heaven's Thread Art: Murderous Million Blades!!!! Sigaw ni Alena at ang kaniyang mga sinulid ay mabilis na bumuo ng korte. Nagkaroon ng puting liwanag sa harapan ni Alena. Ang paparating na atake ni Afila ay malakas na tumama sa harang na ginawa ni Alena.

Hindi na nabigla sa nangyari si Afila. Sapagkat kanina pa niya napapansin na puro depensa lamang ang ginagawa ng kaniyang kalaban. Nang Makita naman iyun ng magkapatid na beastman ay mababakas ang ngiti ng mga ito.

Isang malupit na katapusan! Para kalaban ng kanilang kapatid na si Alena. Si Alena naman ay kalmadong nakatingin sa harang na mga sinulid. Dahan dahan niyang ini-angat ang kaniyang mga kamay. Ang kaniyang mga kamay ay nabalutan ng puting mga sinulid.

Mula sa pag palibot ng mga sinulid sa mga kamay ni alena ay siya namang pag babago nang porma ng mga sinulid na nakaharang sa atake ni Afila. Mararamdaman ang mabigat na presensya sa palibot ni alena.

Ang mga asul na mata ni Alena ay kumislap. At ang matinding presensya na kanina pa niyang inilalabas ay mas lumakas pa. nang maramdaman iyun ni Afila ay halos yakapin siya ng napaka lakas na murderous intent. Napatingin siya sa batang beastman at nakita niya ang nakakatakot nitong ngiti.

Isang Halimaw!!! Sigaw ni Afila na Afila na nagpadagdag ng tensyon na sa dalawang nag lalaban. Ang mga sinulid ay napalitan ng matatalim na bahagi. Ang Rose Vine's na likha ng mahika ni Afila ay nawasak sa isang iglap.

Mapanganga si afila sa kaniyang nakita. Balewalang winasak ng batang beastman ang kaniyang atake. Pumalibot sa kaniya ang mga sinulid ni Alena. Mabilis ang mga pangyayari. Napanganga nalang si Damian at ang isa pa nilang kasama ng Makita ang putol putol ng katawan ni afila.

Sa labanan naman sa pagitan ni Zuki at ng tatlong kumandante ay nakakaramdam nan g pagkapagot ang mga ito. Hindi nila akalain na aabot sila sa ganitong sitwasyon. Si Zellon ay humihina na ang kaniyang ginagamit na mahika, dahil sa sobra sobrang pag konsumo ng kaniyang mana.

Si Keros naman ay puno na ng mga sugat sa kaniyang katawan ang karamihan sa mga ito ay mga galos lamang ngunit nakakaramdam narin siya ng pag kapagod. Si Chrisha naman ay hindi pa gaano napapagod. Marami pa siyang enerhiya na natitira.

Ang mana sa kaniyang katawan ay marami at perpekto ang kaniyang pag konsumo rito. Sa pamamagitan ng kaunting mana ay nakakagawa siya ng mga malalakas na atake. Sa kanilang tatlo siya nalang ang may kakayahang makipaglaban ng matagalan.

Si Zuki naman ay nakatayo sa harapan ng tatlo. Hindi rin siya makapaniwala na magagawa siyang sabayan ng tatlong ito. Ang kaniyang totoong lakas ay hindi niya inilalabas. Gumamit siya ng mataas na uri ng Concealing Armament.

Itinatago nito ang aura ng isang 10th Level Heavenly Angelic Mythical Rank at pinalitan ito ng aura ng isang 1st level Demon rank na alam ng lahat ng mandirigma na nakaharap niya sa ikatlong palapag. Nagagalak siya na makalaban ang tatlong ito.

At salamat sa System ay nagawa nang ianalyze kung anong buong kakayahan ng mga Wizard, Elves at beastman. Sa tulong ng mga impormasyon na nakalap ng system at sa hinaharap ay kakailanganin niya ang ganitong mga nilalang upang idadagdag sa kaniyang hukbo.

Ang kaniyang technique na ginagamitan niya ng kaniyang mana. Ang Dragon Flash Technique. Ang isa sa apat na samurai skill na iniregalo sa kaniya ng diyosa ng buwan. Ang technique na hindi pa niya nagagamit ang buong putensyal.

Hinigpitan niya ang hawak sa kaniyang espada. Ang kaniyang susunod na atake ay kaniya nang inihahanda. Una niya itong ginamit noong siya ay nakipag laban sa mga Elite beast rank. Noong kasama niyang makipag laban si Torah laban sa isang Epic beast rank at maabot niya ang Celestial rank sa tulong ng system.

Pero ngayon ay napag isip isip niya na dapat lahat ay mayroong proseso. Dapat ay humarap sa matinding pagsubok ang lahat at pagtagumpayan ang mga ito. Dahil ito ang dahilan kung bakit tinatawag silang adventurer. Dahil ito ang kanilang kapalaran.

Ang maglakbay at makipagsapalaran. Ang kaniyang Pulang enerhiya ay kumalat sa kaniyang paligid ang kaniyang aura ay nagkaroon ng siyam na ulo ng dragon. Nang Makita naman iyun ng tatlo ay nakaramdam sila ng kakaibang presensya.

Ang Siyam na ulo ng dragon ay hinigop ng espada ni Zuki. Ngayon ipapakita ko sa inyo ang ika-anim kung skill!. Sabi ni Zuki at ang kaniyang paghawak sa kaniyang espada ay nag iba. Hawak hawak niya ito paitaas. Ngayon ay napaseryoso ang tatlo sa kanilang nakikita.

Ang atakeng iyun ng binata. Hindi nila tiyak kung makakaligtas sila sa atake ng binata. Si keros ay napa kuyom nalang ang kamao. Ngayon lamang siya nakaramdam ng ganito kalakas na mana. Namamangha siya sapagkat nakalaban niya ang ganito kalakas na kalaban.

Sa tagal ng panahon na siya ay nakulong sa lugar na ito ang lahat sa kaniya ay nagbago. Nakasama niya ang kaniyang mga itiruring na pamilya at kaibigan. Napatingin siya kila Chrisha at Zellon. Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang makipag tulungan sa mga ito. Nakaramdam siya ng kasiyahan sa labang ito. Masaya siya dahil nakasama niyang lumaban ang kaniyang kaibigan.

Ito na!!! Dragon Flash Technique 6th skill: Nine Headed Dragon Flash!!!! Sigaw ni binatilyo na kanilang kalaban. Ang pulang enerhiya nito ay bumalot sa ikatlong palapag. Mabilis na kumilos si Keros, ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan. Ang violet na aura ni keros ay bumalot sa kaniyang mga kasama.

BAAAANG!!!!! Isang malakas na pagsabog ang naganap sa ikatlong palapag. Nagkaroon ng makakapal na usok sa paligid. Lumipas ang ilang minuto ay makikita ang violet na aura na nakapalibot sa tatlo. Makikita sa kanila ang pagkabigla ng Makita nila Chrisha at Zellon ang nangyari.

Si Keros. Prinotektahan sila nito sa tiyak na kamatayan. Si Chrisha ay napatingin sa nakatayong si Keros. Nakatayo lamang ito at hindi kumikibo. Nawala ang aura nito na bumabalot sa kanilang katawan at kasabay nito ay ang pag bagsak ni keros….


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C59
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ