Dollar's POV
"PUPUNTA 'KO SA TREE HOUSE?! HIHINTAYIN KITA!" sigaw ko.
Inangat lang ni Rion ang unan at nang makita ako ay tinaklob na ulit iyon sa mukha at bumalik sa pagtulog. Fine.
Lumabas ako sa kwarto niya na isang oras ko ding dinistrungka ang lock. Sinipa ko sa hallway ang nakalas na doorknob. Tsk! Mapapalitan naman iyan.
December 27 ngayon. At saksi ang lahat ng brain cells ko nang yayain niya ako noong bago magpasko tapos babawiin niya!?
Kainis! Kapag nagkakamabutihan na kami, may mangyayari't mangyayari para bumalik kami sa letsugas na suyuan na 'yan! Ano bang masama sa ginawa niyang pagpapakilala? Hindi ko sana matatanggap kung sinabi niyang lalake din ang gusto niya. Hindi dahil galit ako sa same sex attraction pero dahil kapag nangyari iyon... wala akong laban! Pero ang pinakilala nga niya ay iyong 'trabaho niya'. Hindi lang naman siguro siya ang nag-iisang pumapatay ng mga masasamang loob di ba?
Napa-iling ako sa naisip ko... ganon nga ba kadaling tanggapin iyon? Pero syempre oo! Given na na mahal ko siya kaya ko siya natanggap, pero hindi lang iyon dahil doon... simpleng dahilan lang na may problema nga yata ako sa pag-iisip. Pero buti sana kung tanggapin ni Rion iyan kapag sinabi ko yan sa kanya.
Ah! Basta! Ewan! Maski ako naguluhan sa mga naisip ko. Ang alam ko lang ngayon ay malapit na 'kong mayamot sa pag-iwas niya sa'kin lalo na nang iwan niya 'ko kagabi. At pupunta ako ngayon sa tree house! Period! Dapat daw akong matakot sa kanya? Weh! Siya ang matakot sa 'kin kapag hindi siya sumipot sa tree house!
Mabilis akong nanligo at nagbihis at lumabas ng bahay. Nagpaalam na 'ko kanina kay Lolo kaya diretso na 'ko sa tree house. Pero napasubo yata ako sa suot kong gray sleeveles top na may bubble hem at kupas na short shorts dahil wala pa 'ko sa paanan ng bundok pero feeling ko mukha na 'kong gusgusin.
Hindi ko naisip na gubat nga pala ang papasukin ko. Tsk! Ang tanga ko talaga. At napatunayan kong hindi talaga pangbundok ang suot ko. Patunay na may galos na 'ko sa binti at pisngi dahil sa pagkasabit sa mga sanga.
Pero hooray! Nakarating din ako dito bago magtanghali. Umakyat agad ako sa tree house at buti na lang hindi naisipan ni Rion na i-lock ang pinto.
Malinis pa din ang tree house. At pantay-pantay na ang mga dingding. Katunayan ay may nakapintura pa sa isang gilid....
May nakapinturang kulay orange sa dingding sa kanan... Akala ko abstract painting... pero nang lapitan ko nalaman kong may nabuong simbulo sa pinaghalong kulay orange at dilaw na pintura.
Katulad ng tattoo ni Rion...?
And it was clearly not a letter S...dahil may vertical line sa gitna niyon. It's a dollar sign... A fiery dollar sign...? A dollar sign on fire!
^^^^^^^^
Bumaba ako sa kariton at nagpasalamat kay Mang Ambo na nagpasakay sa 'kin pauwi. Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Rion. Sira pa din ang doorknob kaya pumasok na 'ko. Mabuti na lang talaga na sinira ko ang pintuan niya dahil malabong pagbuksan ako ng lalakeng 'to kung kakatok ako.
Wala siya sa kama, pero halatang kababangon pa lang ng humiga doon. Narinig ko ang lagaslas ng tubig sa shower kaya lumapit ako sa pinto ng banyo. Pero parang bigla akong tinalban ng hiya...
Baka naka-birthsuit pa si Rion...Parang gusto kong mamula...
Nawala ang lagaslas ng tubig sa CR at bumukas ang pinto ng banyo... Lumabas si Rion na nagpupunas pa ng twalya sa buhok. His bare magnificient torso still glistening with water pero nakasuot na ng maong na pantalon... na hindi pa naka-zipper....
"H-Hoy!" Feeling ko pa-defensive ang pagtawag ko sa kanya at medyo pumiyok pa 'ko.
Nag-angat lang siya ng tingin sa'kin at naglakad papunta sa wardrobe niya at nakapagbihis na agad ng dark blue na T-shirt.
"Hey! Wag ka munang magbihis!" sigaw ko sa kanya at saka lumapit.
"What? You want me naked?" that was asked with dry amusement.
Hindi ako sumagot at ako na ang naghubad ng T-shirt niya. Pakiramdam ko buong katawan ko ang naginginig hindi lang mga kamay ko habang ginagawa iyon. Natapos din ako awa ng Diyos, at nakipagtitigan sa katulad na simbulo na nakita kong nakapintura sa tree house.
"May nakalimutan ka yata."
Napaangat ang tingin ko sa sinabi niya. "Ano?"
"My pants."
Hanu daw? Akala ba ng lalakeng 'to ay tatalupan ko siya ngayong tanghaling tapat na kaming dalawa lang sa kwarto at walang makakaalam at.... Well... kasama yan sa mga plano ko sa buhay pero hindi pa ngayon. May gusto akong makumpirma ngayon.
"It is a dollar sign tattoo." sabi ko, with matching pandudutdot sa dibdib niya.
"Yeah. So? Problem with that?"
"Uhm...." Ano nga bang iniisip ko nang makita ko yon sa tree house at basta na lang ako napasugod sa kwarto niya?
Well...*Kamot sa ulo. Iniisip ko lang naman na baka... baka lang naman... na... na... it simbolizes me? Ugh! Kahiya! Baka iyon din ang iniisip niya.
"Uhm... wala lang, gusto ko lang ulit makita. He-he-he." plastik ng tawa ko, grabe.
Tinitigan lang ako ni Rion, parang inaalam kung anong nasa isip ko.
Kung masyadong matalino si Rion kukunin niya tong pagkakataon na 'to para ipahiya ako, sabihing 'Wag kang umasa! Hindi ikaw to!' para iwasan ko na siya katulad ng gusto niya. At kung mangyayari iyon... talagang iiwas ako! Nakakahiya kayang malaman niya nag a-assume ako sa napakaimposileng bagay!
Ang tanga ko talaga...
Ilang lalake ba ang nagpapa-tattoo ng dollar sign? O mahilig sa dollar sign kaya pinipintura kung saan-saan? At ilang babae ba ang assume-rang palaka? Ako lang yata...?
Naglakad ako papunta sa pinto.
"Powerpuff..." He called. "It's not only a dollar sign... it means Dollar Mariella Viscos."
Lumingon ako sa kanya. "Tss! Wag ka ng bumawi, napahiya na 'ko sa sarili ko eh. Wala kang kasalanan!" at nagtatakbo ako papunta sa kwarto ko.
Bakit ko siya sinigawan? Di naman ako galit eh...hiyang-hiya lang. Aaah!
^^^^^^^^
"Checkmate na Lolo, wag ninyo ng saktan ang sarili ninyo, panglimang talo nyo na eh." Sabi ko at niligpit na ang mga chess pieces.
Tumawa lang si Don Marionello at nagpaypay ng leather cowboy hat. Habit niya na talaga iyon.
Nandito kami sa balcony, ay mali... sa isa sa mga balcony sa bahay na 'to at nagsi-siesta. Wala muna kasi akong balak magpakita kay Rion kaya si Lolo muna ang binabarka-barkada ko. Nahihiya pa din kasi ako kanina. Hindi na kinaya ng maximum level ng kakapalan ng mukha ko ang nangyari.
Pero kung kelan naman balak ko ngang magtago ay saka naman siya pagala-gala dito sa buong bahay. Nananadya yata, kainis!
"Hija, your Uncle called a while ago."
"Talaga po? Ano daw pong sabe?"
"Nagka-emergency daw sa pamilya ng asawa niya. He and his daughter flew to Manila. Hindi ka na tinawagan para di ka mag-alala. He said they'll be back the day after tomorrow."
Hmm... Ibig sabihin wala akong kasama sa bahay kapag umuwi ako mamaya.
"And I won't allow you to come home. Wala kang kasama hanggang sa isang araw."
"Sus,naman Lo, don't worry walang mangyayari sa 'kin."
"No."
The infamous 'no syndrome'. Hindi na ko umangal, pinairal na ni Lolo ang pagiging patriyarka niya kaya hindi ko na siya mapipilit. This wonderful old man always felt responsible to me.
Lumabi na lang ako at hindi mapakali. Lalo na nang mapatingala ako sa third floor. Tsk! Nakadungaw si Rion mula sa bintana. Hindi naman siya nakangiti o ano pero naaalala ko kanina kapag nakikita ko siya. Kayamot talaga.
"Eh kasi Lo..."
"Si Rion ba? Kung ayaw mo siyang makita... paalisin muna natin ng ilang araw."
"Haha! Wag naman Lo..." mami-miss ko eh.
Tumingala ulit ako. Nakatadhana talaga kong harapin ang katangahan at kahihiyan ko kanina...
PART 69: GOING STEADY
Dollar's POV
Binuksan ko ang ref sa kusina at kumuha ng baso ng tubig.
(O_O) Wide eyes ako habang umiinom. Lage kasi akong tinatakot ni Shamari na may multo daw dito. Kung bakit naman kasi kalagitnaan pa ng gabi ako nauhaw.
Kasasara ko lang ng ref nang may marinig akong sumisipol at mahihinang yabag... Surely, hindi iyon multo, lalo na nang marinig ko na mahinang kumakanta ang padating...
♫♫♫ ...Tell me what you want to hear... Something that were like those years... I'm sick of all the insincere... So I'm gonna give all my secrets away... ♫♫♫
Boses ni Rion. Tsk! Nakuha pang kumanta!
Dahan-dahan akong nagtago sa ilalim ng pabilog na lamesa sa gilid. Madilim naman kaya di niya ako makikita. Pwera na lang kung bubuksan niya ang lahat ng ilaw sa kusina.
Mula sa pinagtataguan ko, nakita ko pa ang binti niya na naglakad papunta sa ref. Binuksan niya din iyon at kumuha ng pitsel at baso at malamang, uminom na din.
Teka, ba't dumayo pa siya dito? May personal ref naman siya sa kwarto nya ah. Pero ano bang paki ko? Bahay nila 'to.
Mayamaya ay naglakad siya papunta sa pinagtataguan ko. Kala ko gugulatin niya ako pero sumandal lang pala.
"She asked me if I love her and I said yes but she only laughed at me and told me I'm a joker."
Huh? Ba't nagmo-monologue siya? O pinaparinggan niya 'ko?
"She asked me about my tattoo and I told her it meant her and she walked out of my room."
Confirmed. Pinaparinggan niya nga ako. Pero anong gusto niyang palabasin?
"That girl... mas natanggap pa kung sino ako. But when it comes to my feelings for her, she doesn't take it seriously..."
At nakita kong umalis siya sa pagkakasandal at saka lumabas sa kitchen.
Ilang segundo akong nakipagtitigan sa sahig. I was torn between confusion and disbelief.
Ang tinutukoy niya ba ay noong nasa Al's Billliards kami? Iyong ambush question ko sa kanya na kung mahal niya ko? Eh joke-joke lang naman yun... Ibig sabihin seryoso siya sa sagot niya?
And the controversial tattoo?
Kung totoo ngang in-love siya sa'kin... bakit ako daw ang ibig sabihin niyon samantalang matagal na nga iyon sa dibdib niya di ba? Hmn...
^^^^^^^^
Rion's POV
"Since when?"
I rolled over to see Dollar standing beside my bed. Di na 'ko nagtaka kung paano siya nakapasok sa kwarto ko, sinira lang naman niya ang doorknob kaninang umaga.
"What? Huhubadan mo na naman ba 'ko? Don't tempt me too much, Powerpuff, baka di ko mapigilan ang sarili ko... you're in my room, uninvited, and in the middle of the night..." I teased.
Pero ako din ang nahirapan sa sinabi ko. Images started playing in my mind. I cleared my throat. Sinabi ko lang naman iyon para umiwas sa tanong niya.
"Since when nga?" halatang iritado na siya.
Since when? She had no idea...
"Since when ang ano? Say it." I encouraged. Alam ko naman kung anong tinutukoy niya at kung saan pupunta ang usapang 'to. I just wanted to play with her first. Pinatong ko ang mga braso ko sa noo ko.
"Ang..." She blushed. Parang nahiya bigla.
"Say it."
"Ang... Ugh! Nakakainis ka!" At bigla na lang niya kong dinaluhong at niyakap nang mahigpit sa pagkagulat ko.
She buried her face against my chest and held me tight.
Ilang segundo akong walang reaksyon. Pinag-iisipan ko kung yayakapin din siya.
Finally, I found my sanity. Ginawa ko ang matagal ko ng gustong gawin. I hugged her, kissed her head and filled my senses with her scent... a scent I'm too familiar with.
I usually sleep naked. Buti na lang naisipan kong mag-T-shirt at boxer ngayong gabi. At buti na lang... makapal ang comforter na nakapagitan sa'min...
Nag-angat siya ng tingin sa'kin. "Totoo ba?"
Damn. Our lips were inches away from each other.
"Ang alin?" I whispered.
"Ugh! Stop playing games with me, alam mo naman kung ano ang tinutukoy ko eh!"
Di ko mapigilang matawa. She's way too cute to resist.
"Okay... but first... lumayo ka muna sa 'kin."
"B-Bakit? Mabaho ba 'ko?"
"Hell, no. But.....I'm the big bad wolf here and you're just a small kitten."
"H-Huh?"
Parang lalo siyang naguluhan sa sinabi ko. But whatever! Normal na lalake lang ako. And having her this near... I let out a hard sigh. Bumangon ako at nakaupong sumandal sa headboard. Ganoon din ang ginawa niya.
We're staring at each other for minutes, she, smiling, while me, controlling...
Sh*t! Don't blame me, ngayon lang may nanunggab sa'kin ng yakap sa kalagitnaan ng gabi. Of course I'm not a virgin but... yakapin ako nang hindi handa? And she's not like the other girls before... And the purpose was not to seduce me.
"What? Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" I asked her, trying to keep my cool.
"Totoo ba?" tanong niya ulit, dinaklot pa ng dalawang kamay ang T-shirt ko.
Tss! Ang hirap sawayin.
"That I love you? Yes. That I tattooed your symbol? Yes."
Her eyes widened. At akala ko yayakapin na naman ako pero nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. She seemed in doubt.
"Weh?"
Napangiti ako. Kapag may sinasabi ako sa isang tao, hindi ko sila pinipilit na maniwala sa'kin dahil baka mapikon lang ako at magalit. Pero sa babaeng 'to... kahit paulit-ulit. I don't know where I'm getting my patience.
"Hindi nga? Pero pa'no? K-Kelan?"
"We've met before. Noong araw na sumali ako sa grupo ni Uncle Al....."
Sinimulan kong ikwento sa kanya lahat-lahat mula umpisa sa araw na nakita ko siya five years ago...
^^^^^^^^
Dollar's POV
Hindi ko matandaan yung araw na iyon. Pero nasagot ko na ang tanong ko na kung sino iyong parang lageng nakatingin sa'kin sa Al's Billiards. Siya pala 'yon!?
Parang hindi ako makahinga sa saya! Hindi ko na pinatapos ang kinukwento niya. I grabbed his head towards mine and kissed him fully in the mouth.
I felt him tensed for a while but he soon responded. He played his tongue with mine and took control. Ginaya ko lang ang ginagawa niya.
So this is what a real kiss taste like? Ang saya...
Sinong may sabi na nakakablangko ng isip ang makipaghalikan? Wehehe!
No, because I really became aware of everything... our heartbeats, his moans, the solemnity of the night, the songs of crickets and bugs outside and the cute little sounds from our kissing... And when I closed my eyes, I can clearly see our future together...
He nibbled my lips before breaking away from me. Pero sumunod ako sa kanya at binigyan siya ng matunog na halik.
I've never been this bold and daring but what the heck! I'm so proud of it!
"You're really weakening my defenses, d'you know that?" bulong niya.
"Hindi."
"I'm happy Rion, we're loving each other naman pala eh. So... will you let me in your life now?"
Hmm... way ko ba iyon ng pagtatanong kung 'kami' na? Nakangiti lang ako sa kanya pero parang gusto kong kabahan nang sumeryoso lalo ang mukha niya.
"You know who I am..."
"Yes. At alam mo na kung ano ang 'say' ko about that. So... tayo na ba?"
"Not yet."
"What?!" Tigagal ako ng ilang segundo. Rejection na naman! "Damn you! Hinalikan mo ko eh! panagutan mo 'ko!"
Pinaghahampas ko siya sa dibdib. Oo! Mali ang sinabi ko dahil ako nga ang nanghalik! But dammit! Nayayamot na 'ko sa pagpapakipot ng lalakeng 'to!
"Woah! Stop that."
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at dinala sa likod ko. Para na din siyang nakayakap sa 'kin. Bigla 'kong humiga kaya nakasama siya. Nasa ibabaw ko lang naman siya.
I felt him tensed.
"Dollar..." he warned.
"Pikot 'to, Rion. Kapag tumanggi ka na maging tayo, sisigaw ako nang malakas at madadatnan tayo nila Lolo sa ganitong ayos!" pananakot ko.
Pero... Tumawa lang siya. Ng malakas. At tumawa pa.
Binitawan niya ang mga kamay kong nasa likod at hinapit ang bewang ko palapit sa kanya. He also traced my lips through his finger, still smiling...
"I don't mind, really. Pero di mo na 'ko kelangang pikutin...I gave my word to you na pakakasalan kita nang matalo mo 'ko sa billiards di ba? What I mean to not yet is..."
"A-Ano?"
"Give me a chance to court you first. Mas agresibo ka pa kesa sa'kin eh."
Court me?! Grabe, nabigla talaga ko sa nalaman ko sa kanya kanina. Ilang taon niya na 'kong pinagtataguan nang di ko alam at ilang buwan ko na siyang hinahabol tapos may ligawan eklabu pa? Gusto ko kami na agad!
"Eh we love each other na nga eh!" Panggigigil ko. Baket may ligawan pa? Ang dameng naiisip ng lalakeng 'to!
"Yeah. But I want to do this the right way."
"The traditional way, you mean." I pouted. Kayamot! Magsisibak ba siya ng kahoy? Gas range naman gamit namin. Mag-iigib? Magkukumpuni ng bubong?
Napasimangot ako... pero napangiti na din agad. Maka-luma pa din pala si Rion, wahahaha!
"So... ilang araw mo naman akong liligawan?" tanong ko na lang.
"Thirty days."
"Isang buwan yun ah! Ang tagal naman. Make it a week."
"Anong klase naman iyon? Ngayon lang ako manliligaw tapos isang linggo lang?"
"Eh ikaw lang naman dyan ang nakaisip na ligawan pa 'ko eh. Kahit ngayon, sinasagot na kita!"
"No."
"Okay... two weeks?" hirit ko pa.
"A month."
Kokontra pa sana 'ko pero nagbago ang isip ko. Kung hindi ko na mababago ang naisip niya, pasusukuin ko na lang siya. Umalis ako sa ilalim niya at umayos ng higa sa kama.
"Okay, isang buwan mo 'kong ligawan... pero dito 'ko matutulog gabi-gabi."
"No way... Dollar..." may warning na naman sa tono niya.
"Don't worry, nagpaalam na 'ko kanina kay Lolo na papasukin kita dito sa kwarto mo. May blessing na niya tayo!"
"Hindi si Lolo ang inaalala ko..."
"Eh sino?" pagmamaang-maangan ko kahit alam ko naman. Hindi naman ako masyadong inosente, nakikinig din naman ako sa subject namin sa Gender and Development.
"Myself.."
"Well goodluck to yourself, good night, Rion, I love you!" Hinalikan ko ulit siya bago ko pinikit ang mga mata ko at nagsimulang matulog..
Sandali siyang hindi kumilos pero mayamaya ay umalis sa kama. Naramdaman kong kinumutan niya 'ko hanggang leeg. He made a tsk-tsk sound.
At mayamaya, narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto niya. Hmn... Malamang sa isa sa mga guest room siya matulog. O sa kwarto ko? Tss! Pakipot!
Paanong ang isang lalakeng katulad niya na hindi natatakot makipaglaban ay natatakot naman ngayong makatabi ako sa pagtulog?
Haay...Ewan. Basta masaya 'ko. Sobra... Inabot ko ang unan ni Rion at sininghot. Ang bango... kasing bango ng may-ari...
PLEASE READ!
I unpublished the next 25 chapters of this story. Don't worry, you can read the complete story on Dreame or Yugto reading platforms/apps with the same title, I also have the same username there. The story is FREE there for a limited time only. You can also read my other stories on Dreame or Yugto. The sequel of RION is entitled BURNING HIS SUNSET SPELL. Please also check out Zilv's story ^_^
Thank you for your support!
— จบบริบูรณ์ — เขียนรีวิว