ดาวน์โหลดแอป
32.18% Ms. Hoodie / Chapter 149: Kabanata 149

บท 149: Kabanata 149

Habang nag lilibot libot si Mrs. Santos nakita niyang may isang grupo ang nagkakatuwaan sa pag tatanim at iyon ay sila Kelly "Pffft...Mims, ano gang ginagawa mo di'yan? Bakit ka naman nag da-dive sa putek?"

"Tsk...tulungan mo na nga lang ako bakit kasi may bato dine?"

"Bakit kasi hindi ka natingin sa dinadaanan mo?"

"Nga naman Mimay." Sabi nung ibang estudyante sa grupo nila.

"Are you okay?" Ang bungad naman ni Mrs. Santos kay Mimay.

"Ah? Ye—yes." At pandalas namang tumayo si Mimay.

"Ayan, punasan mo muna yung knees mo ang dumi oh." Ang sabi ni Kelly at hindi na pansin si Mrs. Santos kaya napatingin sa kaniya ito.

"Shhh...Kelly!!!" Ang sabi ni Mimay at sinenyasan si Kelly na wari'y sinasabing andiyan yung nanay ni Patrick.

"Ano yon?"

"Paula?" Ang nasabi ni Mrs. Santos.

Paglingon ni Kelly "Eh? Na naman?" Niyakap siya ni Mrs. Santos ka agad at kinagulat naman ito ng lahat.

"Anong nangyayare?" ang mga tanong nila.

Samantala habang nagtatanim naman ang grupo nila Vince,

"So, bro nalito kang bigla nung nalaman mong nasabi mo yun nung lasing ka?"

"Oo bro, hindi ko lubos na maisip kung bakit ko nasabi ang mga salitang iyon kay Mimay."

"Pero, ano bang nararamdaman mo kasi sakaniya?"

"Hindi ko nga alam nalilito na rin talaga ko oo nung highschool tayo talagang nabighani ako sa kaniya nung naging "prom queen" ko siya tapos ngayon...."

"Tapos?"

"Hindi ko alam bro!!!"

"Ewan ko sayo basta ako naka move on na sakaniya madami pa kasi akong gawain sa buhay hindi ko na uunahin ang ganyang mga bagay bagay."

"Well..."

"Oy, tignan mo yun bakit niyayakap ni Mrs. Santos si Kelly?" Ang sabi naman nung isang babae na ka grupo nila Vince.

"Ba! Oo nga no close ba sila?" Tugon nung iba narinig naman iyon nung dalawa.

"Tsk...mukhang ngayon palang nakita ng mommy ni Patrick si Kelly." Ang sabi ni Harvey.

"Bilis, sabihin mo kay Patrick."

"O---oo sige." Pinuntahan naman ka agad ni Harvey si Patrick at sinabi iyon rito.

"Ano? Tsk...oo nga pala!" Ang sabi ni Patrick at pandalas ng hinap sila yung nanay niya.

Sa side naman nila Kelly "Ah...eh...Ma'am hindi po ako sa Paula ako po si Kelly."

Binitawan naman ka agad siya ni Mrs. Santos sa pagkakayakap sa kaniya nito "Ah---ahm...sorry I just carried away because you look alike my Paula."

"Sino si Paula?" Ang bulong bulungan nung mga estudyante.

"Shhh..."Ang reaksyon naman ni Mimay sa mga tsismoso at tsismosa niyang mga kapwa estudyante.

"Ahh...opo alam ko na po iyan nabanggit po sakin ni Patrick."

"You know my son?"

"Mommy!!!" Ang bungad naman ni Patrick.

"Son!"

"Sigh...ano bang ginagawa niyo?"

"Nothing, I'm just talking to Kelly."

"Tsk...tara na nga po! Doon na kayo kay daddy!"

"But I want to talk to Kelly, magkaklase ba kayo? Bakit hindi mo siya iniimbitahan sa bahay?"

"Sigh...nandoon po sya satin nung isang araw hindi naman kasi kayo lumabas! Tsk...tara na nga po nakakahiya dito na iinvade niyo na ang privacy ni Kelly ihahatid ko na kayo sa sasakyan niyo."

"No it's okay! Ma'am we can talk some other time promise I will visit you and Mr. Santos to your house."

"Really? Can I hug you again?"

"Ahm...okay?" At niyakap naman siya ulit ni Mrs. Santos at wala ng nagawa si Patrick kung hindi tignan sila.

"I will wait that time comes soon Kelly."

"Yes Ma'am soon. He---he..."

"Okay, and you can call me tita."

"Eh?"

"Sigh...Mommy!!! Tara na nga po."

"Bye Kelly bye everyone."

"B---bye Mrs. Santos." Anila habang nahihiya namang sumagot si Kelly.

At pagkaalis nila Mrs. Santos "Ayieee...tita raw." Ang sabi ni Mimay na animo'y niloloko si Kelly.

"Heh!"

"Pero, mabait naman pala yung mommy ni Patrick no? Mukhang magiging mabait na biyenan...ayieee...pffft..."

"Mimay!!!"

"Ahahahaha...bakit ba?"

"Tumahimik ka na lang diyan!"

"Hahahaha...ayieee..."

"Ewan ko sayo."

Makalipas ang ilang oras,

Katatapos lang nila Kelly at ng mga kaklase niya na mag exam "Sigh...nakakapagod naman ang araw na ito nung umaga nag tanim ngayon naman puro tayo exam." Ang sabi ni Dave.

"Yeah..." Ang reaksyon ni Patrick.

"Anyways, ano nga pala sabi mo kanina pumayag si Master na makipagkita kila tita at tito?"

"Oo hindi ko alam kung anong binabalak ni Kelly pero sa tingin ko ayos lang sa kaniya na makipag kwentuhan sa mga magulang ko."

"Bakit parang ayaw mo?"

"Hindi naman sa ayaw ko inaalala ko si Mommy."

"Ha? Bakit?"

"Kung makikita mo lang si Mommy kung gaano siya ka saya nung nakita niya si Kelly kakabahan ka."

"Eh?"

"Alam mo namang nag bago si Mommy nung nawala si Paula eh ngayong nakita at nayakap niya si Kelly hindi ko na alam kung anong iniisip ng nanay ko dahil kamukha ito ng anak niya.."

"Whoa...masyado ka naman atang nag oover react dude para namang pinapalabas mong ang psycho ng nanay mo."

Bineltukan siya ni Patrick "Baliw! Hindi ko naman sinasabing ganon ang nanay ko ang akin lang baka hindi na niya tantanan si Kelly."

"Sus...hindi yan eh ano naman kung hindi niya tantanan si Master ayaw mo nun botong boto siya sa babaeng mahal mo. Ayieee..."

"Heh! Hindi mo ko maintindihan eh nakikita ni Mommy si Kelly as my younger sister na si Paula hindi as Kelly kung sino sya!"

"Ohhh...yun ba? Sorry dude medyo nag loading ako dun."

"Tsss...lagi naman talagang loading yang utak mo!"

"Wow ha? Pero on that note parang hindi naman ako naniniwalang nakikita ni tita si Kelly as Paula kasi sabi mo kanina niyakap niya lang si Master, right?"

"Um..."

"Oh, eh hindi naman niya kinidnap si Master eh kaya ayos lang yon."

Bineltukan siya ulit ni Patrick "Anong tingin mo sa nanay ko kriminal?"

"Hindi naman dude...ang akin lang...pffft...ahahahaha..."

Piningot siya ni Patrick "Awww...dude!!!"

Narinig sila ni Vince habang busy nman si Kelly na maglaro sa cp niya. "Anong gingawa ng dalawang yon don?"

"Sino?"

"Sila Patrick at Dave ang kukulit."

"Ahhh...kebs."

"Magkaaway na naman ba kayo ni Patrick?"

"Care?"

"Tsss...I knew it! Ano na naman ang pinag awayan niyo?"

"Wala...tsumitsismis ka lang eh kayo mag ka away diyan ni Dave at Mimay eh yun ang problemahin mo wag ako."

"Sus...Ewan ko sayo pero may nasabi ba sayo si Mimay?"

"Tsss...ewan ko rin sayo!" Tumayo si Kelly at wari'y lalabas sa kanilang classroom.

"Oy, saan ka pupunta?"

"Nagugutom ako tara sa cafeteria?"

"Ano? May klase pa tayo!"

"Tsss...mamaya pa yon si Prof. Mina di ga? Ayos lang yan tara!! Libre ko."

"Tara..."

"Yan...diyan ka talaga magaleng sa libre."

"Syempre kawsin eh."

"Bungol ka!"

Sa Cafeteria,

Nandoon sila Kevin at Mina at kumakain "Darling, kamusta pala si Kellang?"

"Ha? Si Kelly? Ayos lang naman yung bata bakit?"

"Ah....eh...I mean wala ba syang nakukwento sayo?"

"Hmmm? Wala naman hindi rin naman kasi open si Kelly sakin mahihiya yun syempre."

"Well..."

"Bakit may problema ba si Kelly?"

"Ahm...wala naman kasi narinig namin siya kagabi kausap si ate Faith about sa crush niya."

"Pffft...ahahahaha..."

"Eh? Bakit ka na tawa? May nakakatawa ba dun sa sinabi ko?"

"Pffft...wala naman kala ko ko kasi kung ano na ang problema ni Kelly yun lang pala. Nakakaloka ka! Hahahaha..."

"Aba, syempre nakakabahala yon baka mamaya kung sino nalang ang poncio pilatong magustuhan ng kapatid namin mabuti ng safety first."

"Ahhhh...how sweet, pero syempre alam naman ni Kelly ang ginagawa niya matalinong bata ang kapatid niyo kaya wag kayo masyadong mag alala sa kaniya chillax lang."

"Pero hindi nga kami maka pag relax dahil hindi naman niya kami kinakausap about sa ganyang bagay. Laging si ate Faith kausap niya parang ibang tao na kami sa kaniya."

"Pffft...ahahahaha...don't tell me nag seselos kayong mag kakapatid kay ate Faith? Syempre kahit naman ako hindi ko gugustuhing kausapin ang mga kuya ko about sa ganyang bagay."

"Pero bakit? Kapatid niya naman kami ah? Mga kuya nya kami bakit parang nahihiya siya?"

"Sigh...alam mo minsan nakakahiya talaga mag kwento lalo na kung ang kukwentuhan eh lalaki kahit naman ako ganun din kahit pa close may kuya rin naman ako di ba? Kaya feel ko ang nararamdaman ni babysis pero wag na kayo mag tampo minsan kasi girls lang ang nag kakaintindihan kaya nga "it's a girl thing" may ganun linyahan."

"Well, yun nga rin sabi ni kuya Kim pero kasi hindi ako sanay na hindi open si Kelly sa gayan bagay samin kasing mga kuya niya laging ako una niyang sinasabihan ng mga secrets niya. Pero nung dumating sa bahay si ate Faith halos hindi niya na ako kinakausap sa mga "girly thingy."

"Nag tatampo ka sakin kuya?" Ang bungad ni Kelly at na gulat naman sila Kevin at Mina nung bigla nalang itong sumulpot kasama si Vince.

"Ba---by sis?"

"So, kaya pala nagluto kayo ng agahan nila kuya para kausapin talaga ako? About saan?"

"Ah...eh...a---ano kasi eh."

"Sigh...okay sige maiwan na muna namin kayo ni Vince para makapag usap kayong mag kuya. Vince halika lilibre kita."

"Po?" At hinila na siya ni Mina papunta sa may counter para umorder.

Naupo naman si Kelly at kinausap ang kuya Kevin niya "Kuya?"

"Ha?"

"Ano bang problema?"

"Ah? Nako, wala naman hindi naman ako galit sayo."

"Eh ano yung narinig ko kani-kanila lang?"

"Ah---ah...ano kasi sigh...sige na nga oo medyo nag tatampo si kuya sayo kasi hindi mo na ako kinakausap eh lagi nalang si ate Faith ang sinasabihan mo ng secrets hindi gaya ng dati ako ang lagi mong hinihingan ng payo tapos sakin ka rin nag sasabi ng mga secrets mo. Hindi ko naman sinasabi kila kuya Kian ang secrets mo ah bakit hindi mo na sinasabi sakin ngayon? Galit ka ba sakin?"

"Luh! Pinagsasabi mo diyan kuya? Hindi ako galit sayo o kahit kila kuya Kian ang akin lang eh...mas okay kausap si ate Faith I mean don't get me wrong pero kasi kuya mas maiintindihan niya ko kasi babae siya tsaka mas makakapag open ako ng mga hihinaing ko sa buhay kasi nga babae siya."

"Okay, sorry ha? Kasi lalaki ang mga kuya mo."

"Hayssss....sabi na ngang don't get me wrong asar! Pero kuya wala naman akong ginagawang kung ano gusto ko lang muna ng space ganon."

"Tara sa outer space gusto mo?"

"Kuya naman!!!!"


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C149
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ