ดาวน์โหลดแอป
43.33% THE RAPIST SON / Chapter 13: Chapter 13

บท 13: Chapter 13

Chapter 13

Alas-dose palang ng tanghali ay napag-pasyahan na namin ayusin ang mga gamit na dadalhin naming sa pag-uwi habang si Aizen ay inaayos ang mga bills sa baba para maka-uwi na kami. Tulala pa rin si Preets pero kahit paano ay kumikilos na siya hindi katulad ng nakaraang araw nan aka-upo lang siya at nakahiga minsan ay umiiyak nalang bigla.

Hindi ko alam kung anong na sa isip niya at kung anong balak niya gawin pero isa lang ang alam ko sa kanya ngayon, kailangan niya ng suporta ko pati na rin ng isang kaibigan sa tabi niya. Wala na siyang ibang makaka-pitan at ako nalang ang nag iisang meron siya.

"Gurl, ayos lang ba na sa Condo nalang tayo ni Aizen tutuloy?" tanong ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin.

"Mas safe tayo don, don't worry tayo lang naman dalawa dahil sa lumang condo niya tayo papatuluyin." Paliwanag ko sa kanya. "Nakakahiya naman tanggihan tsaka alam ko kahit papaano'y magiging safe tayo don." Muli naman siyang tumango, mabilis na niligpit ko na ang mga gamit namin dalawa bago pa dumating si Aizen.

Habang na sa byahe ay tahimik lang kaming lahat, katabi ko si Aizen na nag drive at na sa likod naman si Preets na nakatingin lang sa labas. Nang lumabas kami kanina ay nahirapan pa kami dahil si Kurt ay ayaw pag pigil na iuwi naming si Preets buti na lamang ay huminto siya ng bigla siyang hatakin ni aizen para mag usap.

"Ayos ka lang ba?" tumingin ako sa salamin para tignan si Preets na nasa likod, tumango lang siya bago pilit na ngumiti. Halata naman na malalim ang iniisip niya pero sana maging okay na siya, kita ko naman na nilalabanan niya ang emosyon niya maliban na lang sa gabi na patuloy niyang napapanaginipan ang ginawang kahayupan sa kanya.

Naalala ko na naman tuloy si Raven, ang kwento lang sa akin ni Preets ay pinagkalat ni Raven na pineperhan niya si Kurt pati na rin ang paninira ng mga kaibigan niya sa kanya pero bukod doon wala na akong alam kaya anong sinasabi ni Raven na nilandi ni Preets si Kurt.

"Tumawag kayo sa akin pag may problema dito, mag papadala na rin ako ng mga grocery para may stock kayo. Wag kayo mag papalipas ng gutom mas lalo ka na Preets, kailangan mo ng lakas paa gumaling ka agad." Paalala ni Aizen bago binuksan ang pinto.

Maliit lang ang condo niya, may maliit na sala pati kusina at may isang kwarto pero malaki ang higaan na kakasya kaming dalawa ni Preets, may mga gamit na rin sa loob at malinis na rin lahat ng mga sapin.

"Salamat" sabi ni Preets.

"Salamat sa inyong dalawa, hindi ko alam gagawin ko sa ganitong kalagayan." Nag umpisa naman ang pag tulo ng luha niya na mabilis niya rin pinunasan. "Makaka-bawi din ako sa lahat ng kabutihan niyo."

"Ano ka gurl, wag ka na umiyak. Kaibigan kita tsaka kaibigan ka na rin ni Aizen kaya wag mong alalahanin kung paano ka makakabawi samin. Gumaling ka lang maayos na 'yon, masaya na kami at bawing-bawi ka na sa lahat. Kaya mag palakas ka at sabay tayong papasok sa trabaho." Tumango naman siya na panay pa rin punas sa mga mata niya. Tinignan ko naman si Aizen at tinanguan, sumenyas naman siya na lalabas na siya kaya ngumiti na ako bago muling inalalayan si Preets papasok ng kwarto.

"Kukuha ako ng mga gamit mo sa condo ni Kurt, gusto mo ba sumama?" tanong ko sa kanya. Umiling naman siya sa akin bago ngumiti.

"Ikaw nalang, ayaw ko muna siya Makita sa ngayon." Diretso niyang sabi bago umiwas ng tingin.

"Ikaw ang bahala, na iintindihan ko. Preets pag ayos ka na mag-usap kayong dalawa, wag mong patuloy na takasan ang mga nangyari." Payo ko sa kanya, tumango naman siya ulit. Tumayo ako at lalabas nan g kwarto para ayusin ang salas pati na rin ayusin ang mga gamit naming.

"Leah?" tawag niya sa pangalan ko.

"Bakit?"

"Kung lalabas ka, bili mo ako Chocolate overload. May nakita akong Milktea shop kanina bago tayo pumasok, nandon ang card ko sa bag. Ayun nalang gamitin mo" napangiti naman ako, kaya pala hindi siya mapakali kanina sa daaan nag hahanap pala ng Milktea shop.

Tumango nalang ako sa kanya bago tuluyan na lumabas, alam ko naman na milktea and something sweets nalang ang nagiging stress reliever nya ngayon. Inayos ko muna ang mga gamit naming samantala sya ay nag aayos ng mga gamit naming sa kwarto ngn una ay ayaw ko siya pagalawin masyado dahil sa sitwasyon niya pero siya ang nag pupumilit at nangungunsensya.

"Labas na ako, wag ka na mag luto. Bibili nalang ako sa labas ng dinner natin." Paalam ko sa kanya.

"'yong milktea ko wag mo kalimutan."

"Oo na, mag pahinga ka muna dyan. Saglit lang ako." Sabay sarado ng pinto.

Diretso labas na akong pumunta sa labas, maaga pa naman at hindi namna ata ako aabutin ng alas-nwube ng gabi sa pag kuha ng mga gamit niya. Nakausap ko na rin si Kurt tungkol sa pag tuloy naming ni Preets sa condo ni Aizen. Nang un ay ayaw niya pa pumayag pero ng maka-usap niya ang doctor ay hindi bukal sa loob niya na sumang-ayon.

"Papunta na ako." Text ko sa kanya, wala naman akong natanggap na reply mula sa kanya kaya tumingin nalang ako sa daan.

Isa sa mga naging kasunduan naming ni Kurt na sa amin si Preets titira pero ang sabi niya ay siya ang gagastos ng lahat, siya rin ang nag bayad ng buong bills ni Preets kahit ayaw na tanggapin ni Aizen ay pinag pilitan niya pa rin pati na rin ang mga grocery na ipapadala ni Aizen ay galing din kay Kurt.

Alam ko na magagalit o mag tatampo si Preets pag nalaman niya ito pero ito nalang ang pwede maging way para hindi pag pilitan ni Kurt ang srili niya sa tabi ni Preets.

Halata na rink ay Kurt na hindi siya nag aayos ng sarili niya, mahaba na ang balbas at gusot ang mga damit, medyo na mayat din ito dahil halata sa mga mata niya na walang sapat na tulog at halos hindi na umuuwi ng bahay.

Isang oras din bago ako makarating sa condo niya, marahan akong kumatok ng mapansin ko ang awing na pinto niya.

"Kurt?" tawag ko pero walang sumasagot. Pumasok ako mula sa loob, magulo at may isang bag akong napansin mukhang mga damit ni Preets ng tignan ko ang laman.

Nilibot ko ang paningin ko ng isang ungol ang nakaagaw ng pansin ko.

"Uhmm" marahan akong pumunta sa kusina, halos manlaki ang mata ko nang Makita si Raven.

Tangina.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C13
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ