Rose.
Finally, natapos din 'yong shoot. Hindi ko naman naramdaman na nakakapagod dahil para lang kaming naglalaro. Nakaka enjoy. Mas na enjoy ko nga itong pinuntahan namin kaysa n'ong nag bakasyon ako sa cruise ship.
Pumasok na ako sa room namin ni Yeri.
Nadatnan ko siyang nakadukmo sa kama na parang umiiyak.
"What happend?" I asked.
Bahagya niyang inangat ang ulo at nilingon ako. She didn't utter a word, instead she just looked at me while still crying. Agad ko siyang nilapitan at napalipasay na rin ako sa sahig.
"Am I ugly Ate Rose?" Tanong niya.
I was a bit shocked with her question.
"Of course not, bakit mo naman nasabi 'yan?"
Hinaplos ko ang buhok niya at isinabit iyon sa tainga niya. "You are beautiful inside out Yeri." Totoo naman, kahit ngayon lang kami nagkasama, masasabi kong mabait at humble si Yeri.
"Then why can't he love me?" Tanong niya uli na umiiyak.
"Si Sean ba?"
She nodded while still crying. Kanina kasi nahahalata ko talaga sa mga tingin niya na talagang gusto niya si Sean. Pero kabaliktaran naman ito sa binata.
Hinaplos ko ang likuran niya.
"Nothing is wrong with you Yeri. Just that--" hirap akong sabihin sa kanya. Medyo masakit kasi ang kasunod na sasabihin ko.
Napasinghap ako bago ituloy ang sasabihin.
"Maybe kaibigan lang talaga ang tingin niya sa'yo."
She continued to cry.
"You deserve better beh. You're still young, may makikilala ka pang mas higit sa kanya, I know it will hurt you for a period of time, but believe me. You'll get over it eventually, at darating na lang ang isang araw, tatawanan mo na lang ang alaala ng nangyari sa'yo." I told her.
She nodded, smiled and wiped her tears.
Somehow, I think ay naibsan din ang sakit na nararamdaman niya.
I must say, I am good at comforting people.
Yeri decided to sleep habang ako naman ay bumalik sa labas para magpahangin sa pampang.
Nilipad yata ng hangin ang antok ko.
Naisipan kong umupo sa buhangin at sinamyo ko ang malamig na hangin na nangagaling sa dagat.
Tinitigan ko lamang ang madilim na dagat na iniwan ng liwanang ng araw.
Ano ba 'yan nalulungkot tuloy ako.
"Gising ka pa?"
Medyo nagulat ako nag kaunti nang marinig ko ang may pagka malat pero magandang boses ni Loey.
He was walking towards me habang may dala dalang gitara.
Naupo rin siya sa buhanginan kapantay ko. Umihip bigla ang hangin at naramdaman ko ang lamig n'on.
Mas lalo kong inihigpit ang blazer na suot ko.
Ibinaling kong muli sa dagat ang aking tingin. Habang si Loey naman ay nagsimulang magpatugtog sa gitara niya.
Na pamilyar ko ang musikang iyon.
Make it with you.
Ang ganda ng message ng kantang 'yon.
I started to sang the first line.
We were jamming already. I was singing then he was playing the guitar.
Life can be short or long,
Love can be right or wrong,
And if I chose the one I'd like to help me through.
I'd like to make it with you.
The song ended and Loey stopped strumming.
Tumingin siya sa dagat na tila nag-iisip ng malalim.
"Alam mo, n'ong bata ako. Lagi akong nawiwish sa harap ng dagat. Tapos naghahagis ako ng barya," kwento niya.
"Nagkatotoo naman ba?" Tanong kong nanunudyo.
He smiled while still looking at the sea.
"I can't say. Pero, minsan ko na ring hiniling na maging isang sikat na singer." He laughed and shook his head.
Mayamaya pa ay binaling niya ang tingin sa akin. "Ikaw? Ano bang wish mo?"
"Hmmm..." I closed my eyes at talagang sinubukan kong mag wish.
Pagkatapos ay nagbukas akong muli ng mga mata. "Wala namang mawawala kung susubukan diba?" Sabi ko.
He smiled and nodded.
"What was you wish?"
Tumawa ako. "Pag sinabi ko, baka hindi tuloy magkatotoo."
"Malay mo ako 'yong tumupad sa wish mo," pagbibiro niya.
Ngiti lamang ang naitugon ko sa kanya.
How I wish Loey.
How I wish na humaba pa ang buhay ko at makasama pa kita ng matagal.