Tristan POV:
Naaalala ko pa noong una kitang nakita,sa entablado ng ating paaralan.
May hawak kang gitara,nakatayo sa gitna,ang kasama mong banda ay nasa iyong likuran.Pinagmamasdan kita.Nakatayo ako sa pinaka gitnang bahagi ng covered court na kinalalagyan ng entablado na iyong kinatatayuan.Hindi ko alam kung bakit napukaw ang paningin ko sa entabladong iyon,Yun pala makikita ko duon ang babaeng pinapangarap ko.
Nag umpisang tumugtog ang kasama mong banda,nakita rin kitang kinakalabit na ang hawak mong gitara.kahit nakapikit ang mga mata mo ng mga oras na iyon,Hindi ko pa rin maialis ang atensyon ko sayo,napaka ganda mo ,Love at first sight ata ang tawag dun.
Hindi pa man nagtatagal ng mag simula sa pagtugtog ang banda ,narinig ko ang mala anghel at malambing mong boses,natatandaan ko pa nga ang unang salitang binigkas mo "Somewhere along,those wild endless roads ,I'm walking alone don't know which way To go one day the one will lead me home in another world I call my own".Napahanga ako sa talento mo sa pag kanta,nakakainlove.Sana dumating yung Araw na makilala kita ng personal,gusto kong malaman ang lahat lahat sayo,nakuha mo na kasi ang puso ko sa mga oras na ito. Bakit ba kasi nasa magkaibang taon tayo sa high school ?nasa ika Apat ako samantalang ikaw nasa ikatlo pa lamang.
Wala akong kakurap kurap sa pagtitig sayo,may kasintahAn kana kaya ?magka edad ba tayo?pwede ba kitang ligawan?pwede bang angkinin kita at ipagdamot sa ibang tao ?pwede bang Akin ka lang at akoy sayo lang ?hmmp teka ang dami ko nang naiisip,e Hindi naman tayo magkakilala,ngayon lamang kita nakita ,pero bakit parang ayaw ko nang umalis sa kinatatayuan ko ?pwede bang mag slowmo muna ang paligid at bumagal ang Segundo ng orasan para mas matagal pa kitang mapagmasdan ?NASA kalagitnaan ka na ng iyong pag awit ng bigla mong idilat ang iyong mata,nagulat ako ,napatigil ka sa pag awit ,nakatitig ka sa akin ay ?Hindi ata ?lumingon ako sa aking likuran ,maraming tao ?sa akin kaba nakatingin?ibinalik ko ang paningin ko sayo ,at sa pagkakataong ito,napangite ako sabay kamot ng ulo ?kakapalan ko na ang mukha ko,nagbabakasakali na sa akin ka nakatingin ,nang bigla kang ...
(End of Tristan's POV )