"Ibaba mo nga ako," bulong ni Ailyn sa akin dahil madami na kaming nakuhang atensyon.
"Hindi lang pala puso ang kaya mong nakawin no, pati jersey shirt ko."
"Excuse me? Hindi ko ninakaw 'yan. Kusang napunta sa akin."
"Oo nga e, hindi mo na kailangang mag-effort para makuha ako samantalang 'yung iba sa volleyball nag-enroll this sem para sa akin."
"Share mo lang?" mataray niyang tanong sa akin
Ngumisi ako, "Bagay pala sayo ang Laxamana na last name e. Lalong-lalo na kung sa akin mo kukunin."
"Sana okay lang ang utak niyong magkakaibigan."
Naglakad na siya palabas ng volleyball court, marami pa ring nakatingin sa amin nang biglang bumalik si Ailyn sa akin. Tinatanggal niya 'yung jersey shirt ko na nakapatong sa college tshirt niya.
"Huwag ka nga dito maghubad, hindi pa ako ready sa mature roles. Bata pa ako.Masyadong ka namang ad—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil binato niya sa akin 'yung damit ko.
"Magsasama kayong magkakaibigan sa mga kalokohan niya, sana next time huwag niyo na akong idamay. Wala akong time makipaglaro sa'yo."
Doon ako nakagulat bigla na naman siyang hindi maganda ang timpla ng pakikipag-usap sa akin, maasyos pa naman kami kaninang nanonood ng laro ni Paul. Hinabol ko si Ailyn, iniwan ko na 'yung mga team mates ko dun para kausapin siya. Tumakbo na ako para mahabol siya kasi pati si Faye ay iniwan niya na dun sa court.
"Ailyn, ano na naman bang problema natin? Okay pa naman tayo kanina a."
"Alam mo namang ayaw na ayaw ng sobrang attention, pwede naman akong manood lang tsaka mag-cheer ng hindi pinapasuot ng jersey shirt diba?"
"Huh? Hindi ko nga alam na nasayo 'yung jersey ko, hanap ako ng hanap before magsimula ang game namin sabi pa ni Justin baka daw naiwan ko sa dorm kay hinayaan ko na lang."
Natahimik siya.
"Mapapatay ko na talaga si kuya Justin!" bigla niyang sambit
"Bakit?"
"Sabi ni Faye sinabi mo raw na tutulungan niyo kaming tapusin 'yung org activity kaninang umaga basta sa manood kami ng game niyo tsaka susuotin ko 'yung jersey mo pero si kuya Justin daw nag-abot ng damit mo sa kanya. Mga gusto din makawala sa org activity 'yung mga kaklase ko kaya pumayag agad."
"Tangina talagang Yadao na 'yan."
Pagkasabi ko 'nun bigla namang nagsalita sa likod ko si Justin.
"Sorry na lovebirds, gusto lang talagang palayagin ang ship ko." Nag-peace sign pa ang gago.
"Okay-ninam, Yadao! sana hindi ka tuluyang maging ganap na Engr," sagot ko sa kanya sabay pakita ng middle finger sa kanya.
"Pasmado talaga 'yang bibig mo boss," tawa niya.
"Kuya Justin sana makatulog ka ng maayos, sana managinip ka ng maganda,"sarkastikong sigaw ni Ailyn sa kanya."
Pasmado couple pala ang ship ko," unbothered paring sagot ni Justin
"Hoy tigilan niyo na 'yan, may game pa ako, nood kayo. NTA kami maglalaro mga ungas. Gumalaw-galaw na kayo," sigaw ni Macky sa amin.
"Pwede pass muna ako? Babawi lang ako dito dahil sa kagaguhan niyo."
"Wala na, ipagpapalit na talaga tayo ni fafa Nigel," si Paul na inakbayan pa si Ailyn para asarin.
"May coverage kami sa NTA kuya Macky pupunta si kuya Nigel, no worries."
"Huwag kayong mag-PDA doon mga hayop, ayaw kong matalo dahil sa pandidiri sa inyong dalawa."
"Nampucha Nigel, kuyazoned ka pa rin hanggang ngayon. Sana okay ka lang," si Justin na sapaw kahit kailan, wala na ngang pumansin sa pag-kuya ni Ailyn sa akin.
"Eksena kayong dalawa ha, university games 'to hindi Valentine's Day," si Andrew na kadadating lang galing court.
"Bat magkasama si Faye at Karl?" baling ni Justin kay Andrew.
"Anong alam ko, napakachismoso mo talaga. Tanungin mo sa kanila, di ka naman mamasahe," sagot ni Andrew sa kanya.
"Sumasakit ulo ko sa inyo. Bakit ba ako nadawit sa grupo niyo," sambit ni Ailyn habang nakatingin sa amin.
"Mas masakit kapag walang ulo bebegirl," gagong sagot na naman ni Justin.
"Faye, uwi ka na bang dorm?" baling na lang niya kay Faye.
"Hihintayin ko na lang sila Aira at Ace sa terminal 1 tsaka kami uuwi. Ikaw?"
"May coverage pa kami sa badminton game sa NTA e, sama ka?"
"Pwede naman, sunod na lang kami nila Aira at Ace. Di pa tapos group nila sa org activity e. Tsaka follow-up ko pa 'yung letter natin for Entrep Week, Pres."
"Faye, sunod kayo sa NTA tapos meryenda tayo sa Sabel's after ne'tong game nila Macky, sagot ni Justin."
"Oo ako na bahala, marami kayong pam-blackmail sa akin e, hindi ako makaka-hindi sa harap ng mga bebe girls baka masira ang dignidad at reputasyon ko ng wala sa oras."
Tinawanan na lang ang pagda-drama ni Justin. Si Justin ang pinakamayaman sa amin, kayang-kaya niyang bilhin ang dorm kung gugustuhin niya. Sikat ang daddy niya sa field ng civil law, may law at accounting firm ang mga magulang niya pero hindi mo makikita sa kanya dahil lowkey lang siya. Pwedeng sa university hostel siya kumuha ng tutuluyan pero mas pinili niya ang COED's dahil makakatipid daw siya.
"Sasama ka na ba sa amin o sa mga kasama mo sa Sirmata ka sasama?" bulong ko kay Ailyn na kinakalikot ang phone ngayon.
"Sa inyo na lang, nandun na sila e."
Sumakay kami ng tricycle papuntang NTA para sa laro ni Macky.
"Iba ka talaga Laxamana, jersey shirt pa ang suot a. Kailan lang 'nung nag-confess ka a, kayo na?" si Coach Henry na kasabay namin papasok ng NTA.
"Parang mahirap, sir. Medyo mailap e, thankful na lang ako minsan sa kagaguhan ni Justin."
"Estudyante ko siya last sem, matalino siya pero parang mailap nga siya kasi pati si Lloyd, 'yung irregular student na from BS Math na nagpapansin sa kanya last sem, iniirapan niya lang e. O baka naman binakuran mo na noon pa kaya ganun?"
"Hindi naman po."
"Good luck Laxamana, sana tamang tao na siya ngayon."
Ngumiti lang ako kay Coach Henry. Marami sa mga coaches ng university namin ang nakakaalam nang mga naging past relationships ko dahil mga naghahabol sa akin pero kapag naging jowa na ako, parang ginagawa akong trophy dahil sa kasikatan ko sa university. Kaya 'nung second year, second semester pinili ko na lang maging single muna at hindi na pinapansin ang mga nagpapapansin sa akin.
Lumapit ako sa pwesto ni Ailyn na kumukuha ng pictures ng mga naglalaro.
"Iniwan mo ako."
"Trabaho ang pinunta ko dito hindi para bantayan ka kuya."
"Can you drop the kuya already?"
"Yeah, sure. Can you leave now? I need to concentrate."
"Yes, boss! Sa COE side lang ako."
I am watching her intently, she's too focused getting photos for the university's publication. I see how passionate Ailyn in everything she does, one of the many reasons why fell for her. Ngayon ay hindi ko alam kung paano aahon sa pagkakahulog sa kanya, I hope she will be ready to accept and reciprocate the feelings I have for here as soon as possible. I don't how she manages to be in the President's Lister when she is a member of the university publication and she is also the President of her program's organization.
"Baka matunaw Laxamana, lagkit ng tingin e, halatang pinagnanasahan mo e," komento ni Justin na nasa likuran ko.
"Huwag mo akong igaya sayo, Yadao na lahat ng nakapalda pinagnanasahan."
"Aguy! Nahu-hurt na ako sa mga sinasabi mo ha, di na ako gagawa ng way para palayagin ang ship ko."
"Hindi mo bagay. Huwag kang maarte."
Tumawa lang siya tsaka pinagpatuloy ang pag-cheer kay Macky.