Naging mas close na kami ni Ailyn matapos ang lobby encounter namin. Mas madalas na din ang labas namin na magkasama pero syempre with my friends or her friends. Hindi pa rin siya comfortable na lumalabas kami na kaming dalawa lang gaya ngayon, inaya ko siyang magsimba. Every Wednesday kasi ay may mass sa hapon sa Catholic church dito sa Batac.
"Bakit ba ang layo mo?" tanong ko sa kanya kasi parang hindi kami magkakilala sa layo niya kahit nasa iisang upuan lang naman kami
"Ang dami kasing nakatingin, gaano ka ba kasikat sa university?"
"Well, tanungin mo si Justin. Hindi pa ba niya nakukwento sayo 'yang bagay na 'yan."
"Hindi siya matinong kausap, ang ingay niya."
Natapos ang mass na ang layo niya sa akin kasi may dalawang high school students ang naupo sa gitna namin. Inaya ko pa siyang kumain sa Jollibee pero sinabing niyang umuwi na lang daw kami ng dorm dahil may pagkain naman siya doon.
Naging busy kami pareho sa acads kaya kapag nagkikita kami ay sa dorm na lang. Naging madalang ang enounters namin.
"Alam mo bang pumasa si Ailyn sa qualifying exam ng Sirmata?" tanong ni Justin sa akin.
Umiling ako, "Saan mo nalaman? Wala pa namang post ang Sirmata sa mga nakapasa a. Nag-take siya ng exam? Bakit hindi ko alam?"
"I have ways. Uso kasi gamitin ang charms. Hays, palibhasa wala ka 'nun."
"Ulo mo, charms! Kanino mo nga nalaman?"
"Secret, walang clue. Hanap ka ng reliable source."
Dahil wala akong makuhang sagot na matino kay Justin, tinext ko na lang siya.
To: Ailyn
Nakapasa ka raw sa qualifying exam ng Sirmata. Wow, congrats. Feature mo ako minsan sa mga isusulat mo.
From: Ailyn
Weh? Totoo? Kanino mo nalaman?
HOY! HUWAG MO AKONG PINAGTITRIPAN BAKA UMASA AKO.
MASAKIT KAYANG UMASA SA ISANG BAGAY NA AKALA MO SAYO NA PERO PARA NAMAN PALA SA IBA
To: Ailyn
Ang lalim ng hugot a. May problema ka ba?
From: Ailyn
Wala naman, baka ikaw ang may problema?
So, saan mo nga nalaman?
Or kanino?
Ah baka doon sa isang member ng Sirmata na babae mo.
To: Ailyn
Pinagsasabi mong babae ko?
Kay Justin ko nalaman
From: Ailyn
Thanks
Luh! Anong babaeng member ng Sirmata? Ni hindi ko nga alam kung sino members ng Sirmata ngayon.
"Oh, problema mo? Bat parang isang kalabit lang sayo ibabato mo na 'yang cellphone mo?" tanong ni Macky na may dalang pagkain na ngayon. Nasa carinderia kami malapit sa twin gate para kumain ng lunch.
"Nagawi na ba tayo sa Sirmata office ngayong sem?" tanong ko sa kanila
"Hindi, ano namang gagawin natin doon? E diba wala naman na si Justin at 'yung babae niya doon last sem pa."
"Nadamay na naman ako dyan. Sino kaya sa atin ang may picture naka-akbay sa kausap na Sirmata member 'nung second year tayo."
"'Yun nga e, second year pa tayo last na nagawi doon." Takang sinabi ko.
"Bakit ba?"
"Si Ailyn kasi may kaninang tinext ko ng congrats kasi pumasa siya sa qualifying exam ng Sirmata tinanong niya kung kanino ko nalaman tapos sinabi niyang na sa babae ko daw ba na Sirmata member ko nalaman."
Biglang tumawa si Justin, tapos dumating si Andrew tapos binulungan siya ni Justin tsaka sila nag-high five na para bang may misyon silang na-accomplish.
"Share niyo naman 'yan." si Paul na naguguluhan din sa dalawa.
"Effective ba, Laxamana?" si Andrew na tumatawa pa rin.
Dahil wala akong makuhang matinong sagot sa dalawa, tiniligan ko na lang ang mangulit sa kanila. Dahil may one hour vacant kami nag-phone na lang ako. Nag-notif sa akin na may chat si Ailyn sa messenger. Nagtaka ako dahil nag-send siya ng like, ang huli naman naming chat ay 'nung nakaraan pa. Binuksan ko ang chat namin nang makita kong may naka-send doon na picture namin 'nung Sirmata member 'nung second year pa kami.
"Hoy Yadao! Putangina mo." Lumapit na ako kay Justin na ngayon ay tumakbo na dahil alam niyang nakita ko na ang kagaguhang ginawa niya
"Wala akong kinalaman dyan." Defensive na sabi ni Andrew na ngayon ay tumakbo na rin palayo sa aking tumatawa din.
"Mga gunggung, walang mangongopya sa quiz mamaya ha. Bahala kayo sa buhay niyo."
"Ay huwag ganun, Laxamana. Tinulungan ka lang naman namin i-test kung magseselos ba 'yung crush mo." Lumapit na si Justin na naka-peace sign pa.
Inakbayan naman ako ni Andrew, "Hindi naman kasi pwedeng ikaw lang ang nagseselos. Walang seloso sa pamilyang 'to, Laxamana." Nag-high five pa silang dalawa.
"Kapag ako hindi pinansin 'nun, mapapatay ko kayong dalawa."
Umuwi kami ng dorm ni Justin pagkatapos ng last class namin. Nakasalubong pa namin si Ailyn at Faye kung minamalas ka nga naman.
"Hi Ailyn, kumusta?" nakangising saad ni Justin.
"Okay lang." sagot naman neto.
"Laxamana, okay lang daw siya."
"Okay-ninam, Yadao." Sagot ko sa kanya.
Tumawa si Faye at nag-chant pa ng, "Something fishy. Smells fishy."
"Ano Laxamana, anong masasabi mo?
"Wala akong sasabihin dahil wala akong kasalanan, tantanan mo ako Yadao!"
Tumawa lang si Justin, "Yes, boss. See you around Ailyn. Congrats pala. Pa-miki ka naman dyan."
"Kapag sure nang pasado ako. Wala pang official announcement e. Saan mo ba nalaman kuya?"
"Sa girl na friend ni Nigel, taga-CAS 'yun, AB Comm, share ko lang." tumawa pa si Justin pero tumakbo na papasok ng building namin.
"Pasensiya na." 'yun na lang ang sinabi ko. Tumango lang siya at hinila na niya si Faye paalis ng dorm.
Hindi ako mapakali dahil feeling ko ang laki ng kasalanan ko kay Ailyn. Buong linggo niya akong hindi pinansin kahit mga texts at chats ko ay hindi rin niya nirereplyan. Saturday ngayon, nakita ko sila Faye, John at iba pang friends nila pero wala si Ailyn doon.
"Hi Faye, saan punta niyo?" si Justin na naman, oo siya na naman ang kasama ko. Bwisit na 'yan, bakit ba palaging umuuwi ang iba naming roommates tuwing weekends?
"Mag-jowa ba kayo ha? Lagi kayong magkasama e kaya siguro ayaw na kayong makita ni Ailyn kasi gulo daw kayo sa buhay niya." Playful na sambit ni Faye.
"Saan siya?" your man is lowkey fishing for information about her whereabouts.
"Room, nag-bail siya last minute e. Sabi niya tinatamad daw siya."
"Kahit ano ngang pilit ko kuya ayaw pa rin niya. Sinabihan ko na nga na ako na magbabayad ng ambag niya tsaka pamasahe sa pupuntahan namin pero ayaw pa rin niya." Si John na malungkot ang itsura.
I have bad feeling about this kiddo, karibal ko pa yata. Iba rin ang tinginan niya kay Ailyn e. Alam ko ang mga ganung tingin kasi ginagawa ko din naman sa kanya 'yung mga malagkit na titig.
"Saan ba kayo pupunta? Sama kami, wala naman kaming gagawin dito sa dorm." Si Justin pa rin na nangungulit.
"Ikaw lang walang gagawin, busy ako."
"Sa dagat lang kuya sa may Currimao." Si Faye.
"Hindi ka sasama? Final answer?" si Justin pa rin na kinukulit ako.
"Hindi nga, ang kulit naman e. Madami nga akong gagawin."
"Ay oo nga pala, kailangan mo pang trabahuhin ang pagpapapansin mo sa iyong bebe girl. Good luck, pre. Ipagdadasal ko ang pagbagsak mo sa kanya." Ang sama talaga ng mga lumlabas sa bunganga ni Justin. Gusto ko na siyang i-kick out sa room namin. Maghanap siya ng bagong mabibiktima sa ugali niya.
At talagang sumama si Justin sa mga bata. Dahil wala naman akong gagawin sa araw na 'yun tumambay na lang ako sa may guard house para may kasama naman ang guard, kawawa naman siya na lagi na lang mag-isa. Parang siya yung friend kong loyal pero parang hangin lang na dumadaan sa kanya 'yung mga taong gusto niya.
Hindi man lang ba maisipang kahit sumilip man lang ng babaeng 'yun dito, ang naman ang manhid niya talaga. Miss ko na.
"Sir, may thermometer po ba kayo dyan?" Nagmamadaling at kinakabahang tanong ni Marineth sa guard namin.
"Wala anak e, bakit?"
"Si Ailyn?" singit ko sa usapan nila.
"Tangina Laxamana, mamaya mo na nga isipin 'yang kalandian mo may sakit na nga 'yung tao e." Galit niyang sagot sa akin.
Nagtatanong lang naman ako. Bakit parang kasalanan ko? Kasalanan ko ba kung may sakit si--- oh shit!
"May sakit siya? Nasaan siya? Teka kukunin ko 'yung thermometer sa room namin meron yata si Justin nun." Natatarantang takbo ko papunta sa room namin. Kinakabahan ako habang naghahanap nang gamut at thermometer sa mga gamit ni Justin.
"Here." abot ko kay Marineth 'nung mga gamot at thermometer.
"Uh Laxamana, may gagawin ka ba ngayon?" nahihiyang tanong niya sa akin.
"Wala naman. Bakit?"
"Pwede bang ikaw ang mag-bantay muna sa kanya? May group project kasi kaming gagawin today. Di ako pwedeng lumiban dun." Sagot niya sa akin, "Ayaw naman niyang tawagan magulang niya kasi hindi naman daw malala yung sakit niya pero nag-aalala pa rin kasi ako baka di niya kayanin e wala namang ibang tao sa room namin dahil lumabas din sila."
Hindi na ako nagdalawang isip pa, pumayag ako agad sa sinabi ni Marineth. Dahil isa sa rules sa dorm ang bawal pumasok sa mga room ng girls, nakiusap na lang ako sa guard kung pwedeng bigyan kami ng consideration dahil emergency naman 'yun.
"Behave ka Laxamana ha." Paalala ni manong guard sa akin
"Opo, di naman po ako gagawa ng kagaguhan kasi may sakit naman 'yung tao."
Pumasok na kami sa room nila, nakita ko siya natutulog na ngayon pero balot na balot siya sa kumot niya. Nilagay ko ang kamay ko sa noo niya at ang init nga niya. Dahil hindi ko naman alam kung nasaan ang mga gamit niya nanghiram na lang ako kay Marineth ng towel. Tinanong ko na rin sa kanya kung nasaan ang lutuan nila sa kitchen para lutuan ko na lang siya ng noodles pagkagising niya para may makain siya. Marineth instructed me what to do, sinulat pa niya 'yung ibang gagawin kapag may nangyari kay Ailyn. Ginawa ko lahat ng sinabi ni Marineth, every hour ko din chinicheck ang temperature niya para makita ang progress ng kanyang lagnat. Hapon na 'nung nagising siya.
Tumili siya na parang wala siyang sakit, "Help!"
Agad kong tinakpan ang bibig niya baka sabihin ng ibang nasa dorm na gumagawa ako ng katarantaduhan. Buhay nga naman oo, ikaw na nga tumulong parang kasalanan mo dahil para niya akong papatayin dahil sa tingin niya. Parang hindi siya fragile tingnan kanina.
"Huwag ka ngang sumigaw, okay ka na ba?" tanong ko sa kanya
"Oo. Thank you. Sorry sa abala." Sabi niyang tumayo na sa bed niya.
Palabas na siya ng room nila ng mapansin kong may red sa shorts niya. Kinabahan ako bigla, hindi alam ang gagawin at sasabihin kaya hinila ko siya tsaka sinara ulit ang pinto ng room nila.
"Hoy! Anong ginagawa mo? Maawa ka sa akin, please." Kinakabahang sabi niya sa akin, naramdaman ko pa ang pagbilis ng tibok ng puso niya tapos takot niyang binabawi ang kamay niya sa akin.
"Luh! Wala akong gagawing masama sayo. Ano kasi, uhmm, ano...kasi..."
Lumayo siya sa akin, "Bakit ba?"
"Uhmmm.... May dugo yata sa shorts mo."
Tumawa siya na parang joke 'yung sinabi ko. Totoo kaya 'yun!
"Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng tinagusan ha?"
Hindi na lang ako sumagot kasi hindi naman first time pero kinabahan kasi ako sa nakita ko, kumuha siya ng gamit niya para maligo siguro kasi kumuha siya ng damit, underwears tsaka napkin sa lagayan ng damit niya. Magkakaroon na nga lang siya aapuyin pa siya ng lagnat muna. Kung ganito lagi ang scenario niya, nakakatakot siyang magka-period. Parang hindi normal. Tatlong babae ang kapatid ko pero hindi naman sila ganito kapag dinadatnan ng kanilang monthly period. Mas maganda na lang na magtaray sila kaysa sa magkasakit muna sila bago sila magkaroon. Sa sobrang tagal niyang maligo muntik mo na siyang puntahan sa banyo nila dahil baka ano na ang nangyari sa kanya.
"Oh, nandito ka pa rin?"
"Wow ha! Ganyan ba ang pa-thank you mo sa nag-alaga sayo ha."
Nairita na ako sa inaasta niya kaya iniwan ko na siya sa room nila. Ang ungrateful naman niya. Bahala siya sa buhay niya.
To: Marineth
Iniwan ko na si Ailyn sa room niyo. Dinatnan siya ng period niya pero okay na siya.
Dahil sa badtrip dahil sa inasta niya, natulog na lang ako. Nagising ako alas otso na ng gabi. Ang daming text ang galing kay Ailyn.
From: Ailyn
Hey
Hi
Uy!
I'm sorry na.
I'm really sorry. Baka isipin mong hindi ko na-appreciate yung pag-alaga mo sa akin.
Thank you.
Hays, I don't know what to say.
Natakot kasi akong kauspin ka kanina.
Feeling ko, I will outburst
Baka bigla ko na lang masabi na galit ako dahil doon sa picture.
Can we talk?
I know you don't want to talk to me anymore dahil ang attitude ko kanina. I just really don't know how to deal with you dahil baka may magalit or something
Basta sorry and thank you
---
"Huwag mo muna replyan o kausapin, huwag kang marupok! Walang marupok sa pamilyang 'to." Nagulat ako nang magsalita si Justin sa likod ko.
"Tanga! Bwisit. Tabi nga." Sabi ko sa kanya.
"Tanga ka din, curfew na. Close na 'yung door ng building nila."
Oo nga no? Why I am too available for her? Is this crush lang?