ดาวน์โหลดแอป
21.05% Reaching My Dream / Chapter 4: Chapter 3

บท 4: Chapter 3

Simula noong canteen encounter namin ni Ailyn hindi na nagtagpo ulit ang landas namin sa dorm. Nakikita ko siya minsan pero iniwasan ko na din siya. I was hurt, okay? I don't know. Feeling ko napilitan lang siyang makipag-usap sa akin noon dahil nilibre ko sila. Palabas ako ng dorm para kumain sa may Mangga ng lunch nang makita kong padating siya ng dorm na parang walang buhay. Laylay ang balikat at parang walang ganang lumalakad. Ngumiti pa ako sa kanya pero nilagpasan niya lang ako parang di ako nakita. Nahu-hurt na talaga ako sa ginagawa niya sa akin. Hindi niya ba alam na maraming gusto ng attention ko? Hindi ko na talaga matiis na nakikita kong parang problemado siya kaya nang matapos siyang magsulat sa logbook ay hinarang ko siya.

"Hi." Malawak na ngiti ko siya kanya.

"Wala akong time makipaglaro sa'yo kuya." Mangiyak-ngiyak niyang sagot sa akin.

"May problem ba?" seryoso ko nang tanong sa kanya

"Nothing." Sagot niya pinipigilan na ang pag-iyak ngayon, "Excuse me, I have to go inside—"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya, hinila ko na siya.

"Bitawan mo ako. Saan mo ako dadalhin? Sir, kinikidnap ako ni kuya Nigel." Sigaw niya pa

Tumawa na lang ako, pinagtitinginan na kami ng mga nasa canteen pero pinagpatuloy ko pa rin siyang hilain.

"Laxamana, phone mo. Tumatawag mommy mo." Sigaw ni Justin na nagulat sa nakitang ayos namin ni Ailyn, "Sabihin ko na lang kay mommy na may date ka. Enjoy." Tumakbo na siya pabalik ng men's building.

"Bitawan mo na kasi ako. People might get the wrong idea. Ang dami ko nang problema kuya. Huwag mo nang dagdagan pa." Umiiyak na niyang sinabi sa akin.

Natulala ako kasi hindi ko napansin na umiiyak na siya, "Hey. I' m sorry. Ano bang nangyari?"

"Nothing."

"Promise di ko dadagdagan problema mo, samahan mo lang ako kumain." Sagot ko sa kanya.

Hesitant pa siya pero kalaunan tumango din siya, "Okay, Ilalagay ko lang sa room namin 'tong mga gamit ko."

"Sure." Bumalik kaming guard house, doon ko na siya hinitay sa may stone table.

"Ay iba! May pagkalakad ang Engr. Nigel, first time kong makitang di ikaw ang kinakaladkad ng girls mo a." Nakangising komento ni Marineth sa akin, "Roommate ko 'yun a. Matalino 'yun. Di mo makukuha 'yun. Tsaka bata pa yun. Kaya sinasabihan ang taga-Engineering na child abuse e."

Natanaw ko na siyang palabas ng building nila kaya tumayo na ako at tinapik si Marineth. Nauna siyang naglakad paalis ng dorm, nakasunod na lang ako. Napansin ko na parang ang lalim ng iniisip niya. Parang malaki talaga ang problema niya. Nakarating na kami sa Mangga pero ang daming mga dorm mates namin doon kaya hinawakan ko na siya at hinila.

"Tara sa Comp shop."

"Akala ko ba kakain ka?"

"Yeah."

"Bakit sa Comp shop?"

I chuckled, "May nagtitinda din doon ng meryenda, 'yung kapatid nung may-ari ng computer shop. Hindi mo alam?"

"Hindi. Di ko nga alam kung nasaan 'yun. Are kidnapping me? Wala kaming pera pang-ransom."

I chuckled again, "No. I will not kidnap you. Do I look like a goon to you?"

"Di ko sure." She answered flatly.

"You should know the necessary in this place. Para alam mo kung saan ka susulpot kapag may kailangan ka na wala sa canteen sa dorm. And you should make more friends. Huwag kang puro John ang kasama."

She just smiled at di na sumagot pero sumunod pa rin naman siya sa akin. Nakarating kami sa Comp shop saktong nandun si John at Faye.

"Diba hanggang 4:30 pa klase mo? Nag-cut ka? Bakit mo siya kasama?" Sunod-sunod na tanong ng kaibigan niya.

"Galing akong ITC, nagpa-reasses ako." Sagot niya, "Ikaw bat nandito ka? Wala ka nang class?"

"May 4-5 pa ako." Sagot ni Faye sa kanya.

"Alis na kami. Magco-comp ka?" Si Justin naman ngayon ang nagsalita.

"Nope. Meryenda lang. Ingat kayo." She waved goodbye to them.

"Anong sayo?"

"I'm good, sinamahan lang po kita."

Ang hirap namang kunin ng loob niya. I just ordered fishball, kikiams, fries and fried siomai for us.

"Here." Nilagay ko na mesa ang mga inorder ko pero pinanood niya lang ang mga 'yun. She's zoning out, nagulat pa siya ng nag-ring ang phone niya.

["Hello ma."]

[Hindi na pa, dito na lang ako. Sayang din naman 'yung scholarship. Same subjects lang din 'yung course ko sa lilipatan ko na course kaya pwedeng remain na lang ako sa classes ko. Next sem lilipat na ako.]

Naguluhan ako sa mga sinasabi niya pero pinagpatuloy ko na lang ang kumain pero nakikinig pa rin ako sa sinasabi niya.

[Okay lang pa, at least makakapag-aral pa rin ako. Okay naman dito.]

[Sige pa. Opo, thank you. Love you too.]

She's really cute. Ang respectful din niya sa pagsagot sa parents niya.

"Anong meron?"

Nahihiya siyang tumingin sa akin hindi pa rin nagsasalita, "I won't judge. Tell me. I am willing to listen."

"I have to shift."

"Why? Di pa naman tapos ang semester a. Nasa kalagitnaan pa lang tayo ng semester e."

"Di priority course ang Marketing Management sa scholarship ko e."

"Anong lilipatan mong course?"

"Entrepreneurship. Same subjects lang sa Marketing ngayong sem e."

"First priority course mo Marketing Management?"

"Nope. Accountancy but I failed passing the CFAT cut-off e."

"Ilan ba CFAT score mo?"

CFAT is the university entrance examination. You have to take that to see were college you belong or for you to know if your priority courses are for you.

"96."

"Pucha! Taas na nun a pero di pa rin abot sa Accountancy?"

"105 ang cut-off ng Accountancy."

"Anong plano mo ngayon? Next sem lilipat ka na school?"

"Hindi. Tatapusin ko ang college dito by hook and by crook. Kahit hindi na sa mga priority courses ko. Basta makapagtapos lang ako. Hindi kami mayaman kaya wala akong karapatang mag-inarte ngayon lalo na't pinapa-aral ako ng taong-bayan."

I don't know but I felt sorry for her.

"Ano bang priority courses mo?"

"Accountancy, BS Mathematics, Marketing Management."

"May BS Math naman dito a. Sa CAS. Why don't you try it?"

"Okay na ako sa CBEA. Ayaw kong iwan ang Accountancy subjects." Ngumiti siya.

"Or try mo Engineering, nandun ako may bonus pang maraming pogi doon." Suggestion ko sa kanya and just to lighten up the mood.

"Wala akong time sa mga pogi. Gusto ko lang ngayon ay maayos ang grades ko at makapagtapos ng college ng matiwasay."

"So wala ka ring time para magustuhan ako?" diretsong tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Silence means yes, parang mahirap niya talaga akong magustuhan.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C4
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ