Kinabukasan, nakita ko siya sa labas ng Audio Visual Room ng College of Art and Sciences. Doon gaganapin ang quiz show. Hinihintay niya siguro 'yung mga kasama niya. Nasa loob na 'yung mga kaklase ko pero 1:30 PM pa naman ang simula ng quiz show. Tumabi ako sa kanya.
"Hey. Nakapag-review ka ba?"
"Oy, ikaw pala 'yan kuya. Yeah, salamat sa reviewer." Sagot niya habang tumitingin siya sa baba. Pinapanood niya ang mga estudyanteng busy sa baba. May lumakad sa gitna ng building ng CAS biglang nagpalakpakan ang mga estudyante.
"Bakit sila pumapalakpak?" wala sa sariling tanong niya
"Nakasanayan na kapag may dumadaan diyan pinapalakpakan. Pang-asar lang."
"Weird."
Iniwan na niya ako at pumasok na sa AVR. Sumunod na rin ako sa AVR para makipagreview sa mga kasama ko. Every college ay may representative para sa quiz show and open for everyone naman. Ang CBEA ang may pinakamaraming delegates kasi every program yata ay meron sila. Nalaman kong Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management ang course niya. Nagsimula na ang quiz show, three rounds siya. Easy, Average at difficult rounds. Dahil medyo marami kami ay elimination ang nangyari. Ang top ten sa easy round ay ang makakapasok sa average round. Ang top five naman sa average round ang makakapasok sa difficult round. Three groups ang mananalo. Nakapasok ang team ko at team nila Ailyn sa difficult round.
"Question No. 9, this multiple comparison procedure test is applicable for comparing J-1 means with a control group mean."
"Times up, raise your boards. The correct answer is Dunett Method."
"Board numbers 5 and 10 got the correct answer."
Napatingin ako sa gawi nila Ailyn, leading kami ng five points sa kanila. Kung tama nila ang last question ay tabla na ang scores namin pero kapag nakuha namin 'yun at mali sila ay kami na ang magiging champion sa quiz show na 'to.
"For the last question, it is a measure of the relative peak of its curve."
"Times up, raise your boards."
Kinakabahan na ako kasi hindi kami sure sa sagot namin. Tumingin ako sa gawi nila Ailyn at nakangiti ito na mukhang sure na sure sila sa sagot nila. Hindi kami pwedeng matalo sa mga freshmen. Competitive kaming mga taga-COE kasi simula pa lang ay ang college na namin ang palaging nakakakuha ng champion sa Statistics quiz show.
"The correct answer is kurtosis. Only board number 10 got the correct answer."
Ang grupo nila Ailyn ang nakakuha. Ang galing naman nila, never underestimate those freshmen. Natuwa ako para sa kanila.
"We have a tie for our champion. From College of Engineering and College of Business, Economics and Accountancy. Wow! Battle of the brains ha. Let's have the tie-breaker before we announce our winners."
"For the tie-breaker here is the question, what is the decision in an ANOVA problem if F-ratio is greater that the critical F?"
"Times up, raise your boards."
"The correct answer is Reject Ho"
The quiz master chuckling while reading the answer of Ailyn's group.
"ANOVAng PROBLEM"
Natawa na kaming lahat na nasa AVR. Siniko ng lalaking kasama nila si Ailyn dahil nakayuko na ito dahil siguro sa hiya, mukhang siya ang nagsulat ng kanilang sagot. Inangat niya ang kanyang tingin tsaka ngumiti at nag-peace sign. She's cute. She's fucking cute. Ang sarap ibulsa at inuwi na lang.
"Third place, CBEA-BS Accountancy, 2nd place, CBEA-BSBA MM, and our back-to-back champion COE-Civil Engineering."
Everyone congratulated us. Maraming kumausap pa sa amin kaya di ko na napansin kong umalis na ba sila Ailyn, I want to congratulate her pero bigo akong makita na sila kaya I texted her.
To: Ailyn Joyce
Congrats! Galing niyo. ANOVAng problem hahahahaha
Hinintay ko siyang magreply pero umabot na nang gabi pero wala pa rin siyang reply. Nagbabakasakaling makita ko siya sa dorm inaya kong tumambay sila Justin sa stone table sa may guard house. Nakipagkwentuhan ako sa guard pero pa-simple ko na ang mag-browse sa logbook ng girls. Nakita ko na logbook na nagpunta sila sa may Mangga. Mangga ang tawag namin sa karinderya na malapit sa dom dahil may malaking puno ng mangga doon. Twenty minutes kaming tumambay at nakipagkwentuhan sa guard house ng makita ko silang palapit na doon. Kasama niya 'yung friend niya namaliit at iyong first year din na lalaki na Electrical Engineering ang degree program nakabuhat ito nang jag na blue na lagayan ng tubig sa dorm. Pinanood ko lang silang nagtatawanan at nagkukwentuhan. Nagsulat na sila sa logbook nang magpaalam 'yung lalaki sa guard namin.
"Sir, dadalhin ko lang ko sa building ng girls 'yung tubig nila." Sabi nung lalaki.
"Sige, huwag kang magtatagal."
"Thank you, sir."
Pumasok na ako dahil na-badtrip na sa nakita. Inabala ko na lang ang sarili ko para gumawa ng plates ko. Hindi ako pwedeng ma-distract na lang dahil sa isang freshman na wala naman pakialam sa akin. Hindi pwedeng dahil lang sa konting interaction niya with other boys ay mawawala na ako sa sariling wisyo dahil sa selos. Selos? Ako magseselos, oh no, hindi pwede ito.
Hindi ako mapakali, iniisip ko pa rin 'yung ngiti niya habang kasama'yung lalaking 'yun. I don't remember seeing them together until now. Ang nakikita ko ay si Faye, iyong maingay na lagi niyang kasama, ang laging kasama 'nung John. This is very frustrating. Sa kakaisip ko naitulog ko na lang din.
Kinaumagahan, wala akong sa mood pero kailangan kong pumasok sa first subject kasi my quiz. Papunta akong canteen nang makita ko si Ailyn doon na umo-order syete-tres. Ang syete-tres sa canteen ay seven pesos na pansit at three pesos na kanin. Ang hiningi niyang toppings ng pansit niya ay dinuguan. Mag-isa siya ngayon. Dinalian ko nang pumasok at nag-order ng ten-five. Same lang din ng kanyang ten pesos lang na pansit tapos five pesos na rice. Ganito usually ang nakikita mong kinakain ng mga estudyante ng university kapag breakfast, kahit saang kaninan. Di na bago 'to. Umupo ako sa harapan niya.
"Hi, good morning."
"Morning."
Hindi na siya umimik ulit mukhang may hinihintay pa dahil hindi pa nagsisimulang kumain. Nakita kong pumasok si John at Faye. I regretted not asking her if she has company before sitting here.
"Oh, may kasama ka pala. Sorry, didn't know."
Tatayo na ako at lilipat na sana sa ibang mesa pero nagsalita siya,
"It's okay. Pang-apatan naman po 'tong table."
Nag-order na din ng pagkain 'yung dalawa at umupo na sa table namin.
"Ganda ka?" Makahulugang tanong ni Faye sa kanya.
"Oo. Kaya tigilan mo ako. Hindi nakakatuwa."
"So kuya, what do you think of my friend?", here friend Faye asked me.
Tiningnan ko siya hindi alam ang sasabihin. What does she want to hear? Hindi ako sumagot kasi di ko naman alam ang sasabihin kaya pinagpatuloy ko na lang kumain. Pinagpatuloy na din nila ang pagkain pero parang di napapagod si Faye kakasalita ang dami niyang sinasabi sa kanila 'yung dalawa naman ay nakikinig na lang at nagko-comment paminsan-minsan. Magbabayad na sana sila pero sinabi ko nang ako na ang magbabayad.
"Galante talaga ng mga nagiging boys mo 'no?"
"Pinagsasabi mo?"
"Wala, nevermind. Tara na John. Diba may 8am class ka pa? Salamat sa libre bessywap."
"Sorry about my friend. You don't have to pay for our foods naman but thanks."
"Congrats." Ngiti ko sa kanya
"Thanks. Congrats din. Wala ka pong class?" sabay tingin niya sa relo.
"10 am pa. you?"
"Same." Tipid niyang sagot.
"May pinag-iipunan ka ba?"
"Ha?"
"Habaan mo ang sagot mo sa akin, para akong nakikipag-usap sa robot e."
She chuckled, "I don't know what to say, eh."
"Say something pleasant in the ears."
"Something pleasant in the ears." Ulit niya lang sa sinabi ko.
Pilosopo ne'to a. Ibubulsa ko na talaga siya pauwi sa room namin tapos papaalisin ko na 'yung mga tao doon. Tinitigan ko na lang siya.
"Huwag kayo dito maglandian, get a room." Si Justin na nasa likuran namin na bibili din ng pagkain.
"Ulol! Sige sa room natin. Huwag muna kayong umuwi roon."
"Huwag kang magkalat doon. Kakalinis ko lang ng iba mong kalat."
Hindi ko napansin na umalis na pala si Ailyn, dinalian kong lumabas ng canteen pero nakapasok na siya sa building nila. I received a text from her.
From: Ailyn Joyce
I am not flirting with you. I am just being polite kasi nilibre mo kami. Tell your friend not to get the wrong idea kuya.