ดาวน์โหลดแอป
46.66% My Brother's Bestfriend / Chapter 14: Chapter 14❤️?

บท 14: Chapter 14❤️?

*****

Natapos kami pasado ng alas kwatro ng hapon at naka ilang libo din kami sa benta. Napagdesisyunan na namin na ayusin ang mga gamit para bukas ay malinis namin na magagamit ang pwesto namin. After mag ayos ay nagikot-ikot na kami sa ibang booth kasi naman ito lang freetime namin para makapaglibot.

"tara sa horror booth?" si deo na parang may naiisip na naman na kalokohan.

"hala! Naiihi ako! Samahan mo muna ako bes?" sabi ni she at sumenyas sakin.

"mauuna na muna kami ah?" sabay higit ni deo kay rica na nagpapapalag na ngayon " ayaw ko!" pag iinarte nito. Walang nagawa ang pagpupumiglas nito ng higitin nito si bakla at itulak sa loob mismo ng horror booth. Nagtawanan lang kami ni she sa kalokohan ni deo.

"huy! Hindi dyan papuntang CR.. Dito!" turo ko kay she na napangiti naman ito ng makahulugan. "alam ko po! Hahaha hindi talaga ako naiihi.. Kasi.. Kasi.. Pupunta tayo sa booth nina harry!" kilig na sabi nito sakin. "ayaw mo ba?" tanong nito sakin.

"ako pa ba ang tinatanong mo? Syempre gusto ko!kaya tara na!" excited kami na tinatahak ang daan kung san nakatayo ang booth nina kuya.

Pagdating namin ay nagtago muna kami sa likod ng puno malapit sa lugar kung nasaan sina kuya. " pano yan? Nandito si kuya!" sabi ko kay she. "antayin nalang natin umalis sya." habang nakasilip ito sa pwesto nina kuya.

Sumilip din ako.. Wow! Ang daming girls na nakapila. May mga lalake din pero karamihan mga babaeng haliparot ang nakapila. May kanyang pila si kuya at jesthle na halos babae ang nakapila. Nakakaasar naman puro mga babae ang nakapila,ang babaeng hinehenahan ni jesthle ay kilig na kilig kasi sa leeg sya nagpahena at hawak hawak ni jesthle ang leeg nito kaya kilig na kilig. Eh kung sakalin ko kaya ang haliparot na ito?!

Matagal kaming nakatayo sa likod ng puno para antayin ni kuya ng magsalita ito na may pupuntahan lang. Kaya pag kakataon na namin ni she na lapitan sina jesthle. "bes! Kinakabahan ako!" sabi nito sakin habang naglalakad.

"ako gusto ko manakal!" sabi ko dito habang nakatingin sa mga babae na nakapila ngayon.

Si she ay pumunta sa gawaan ng bracelet kasi nandon si harry bebe nya samantalang ako naman ay hindi pumila, dire diretso ako sa harap kung nasan si jesthle. Napatingin naman ito sakin na saktong katatapos lang nya sa paghehena.

Uupo na sana ang babae ng inunahan ko ito umupo. " ano ba? Pumila ka! Ang dami dami na naming nakapila!" mataray na sabi nung isa na sinang ayunan naman ng ibang nakapila.

"sa pagkakaalam ko kanina pa ako dito..may ginawa lang ako kaya ngayon lang ako nakabalik. Kahit itanong mo sa kanya!" sabay turo ko kay jesthle. Nagulat naman ito sa inasal ko kaya pinanlakihan ko ito ng mata na -pag takpan mo ako look-.

"a-ah.. Eh.. Pasensya na miss ah? Kanina pa kasi sya dito kaya sya muna uunahin ko ah?" sabi ni jesthle na ngumiti pa sa babae. Eh! Kung dukutin ko kaya eyeballs nito? Pangiti ngiti pa!

"ah ganon ba? Sige :)" pabebeng sabi nito kay jesthle at bago umalis ay inirapan pa ako nito bago bumalik sa kanyang pila. Aba! Sapakin ko kaya ito?! Irap- irap ka pa! "ahem! Ano ba ginagawa mo dito?" bulong nito sakin.

"mandudukot lang ako ng mga mata! E-eh este..magpapahena"sabi ko dito sabay tingin sa mga designs, ayaw ko sya tingnan baka bumilis na naman tibok ng puso ko.

"tsk! Alam na ba ito ng kuya mo?" sabi nito sakin kaya napatingin ako dito na nakakunot ang noo. "basta lagyan mo nalang ako ng hena! Ito gusto ko!" sabay turo ko sa butterfly na style. San ko kaya ito ipapalagay? Eh kung sa leeg din kaya? Hihi.. Ano kaya pakiramdam na kapag hawak na nya ang  leeg ko?

"tsk!" nagsusungit na naman ito.. "oh.. Dito sa kamay ko!" malapit sa hinlalaki ko tinuro, dyahe! naman kasi kung sa leeg diba? Maigi pa sa part ng kamay ko para hawak nya hihi

Hinawakan na nya ang kamay ko **dug**  **dug** **dug** grabe! Ang puso ko na naman!feeling ko lalabas na ngayon! Kaya tumungo ako para irelax ang nararamdaman ko at feeling ko kasi namumula ako ng sobra ngayon.

Nagsisimula na sya sa paglagay ng hena sa kamay ko ng maging okay na ako. Pinagmasdan ko ito na busy sa paglalagay, grabe! Ang perfect nya talaga tingnan lalo na sa  malapitan.. Tiningnan ko ang mga kamay namin na magkahawak ngayon at feeling ko namula na naman ako. Ang lambot din ng kamay nya mas maganda pa ang kamay nya at mga daliri  kesa sa mga kamay ko. Parang ako pa ang nahiya sa nakikita ko jusko!

Napatingin ulit ako sa mukha nya na parang gusto ko hawakan ang mga buhok nya, mata, ilong, labi at mga pisnge nya ay grabe!!! Kinikilig ako! "tsk! Wag mo nga ako titigin winnie the pooh!" sabi nito habang abala sa pag hehena sa kamay ko. Guys? Parang gusto ko ng bawiin ang mga sinabi ko ngayon lang! Walang hiya talaga to! Ano?! Winnie the pooh?! Sapakin ko ito eh!

"kay kuya mo ba natutunan ang tawag na yan?!" tanong ko dito na naasar. Tumingin sya ngayon sakin kaya magkatitigan na kami ngayon,hindi ko kinaya kaya ako ang unang nambawi ng tingin samin. "tss.. Bakit? Bagay naman sayo ah?"tapos narinig ko ito na nagpipigil ng tawa habang nakatuon na ito sa kanyang ginagawa.

"hu-huwag mo nga ako tawaging ganyan!" pabulong na sabi ko dito habang masama ang tingin. "tsk! Wag ka magulo! Baka mamaya hindi butterfly ang mahena ko sayo.. Sige ka! Baka maging si winnie the pooh ito hahaha" natawa na ito ngayon kaya sinipa ko ang paa nito at sinamaan ng tingin. "bwisit ka talaga! Parehas kayo ni kuya!" nang gigigil na sabi ko dito.

"ano ba gusto kong itawag sayo? Winnie sexy?!pfftt…" iiling- iling na sabi nito.

"bes, kuya jesthle.. Smile" napatingin naman kami kay she  na may hawak ng camera. Saan galing yun? Sa pag kakaalam ko wala naman syang dala kanina ah? Feeling ko ang panget ko sa picture…. Bwisit kasi tong lalake na'to!

"oh! Tapos na" binitawan na nito ang kamay ko. Tiningnan ko ang pagkakagawa nya na nakapag pangiti sakin kasi ang ganda nito.. Mas maganda kesa sa patern nya.. May iniba syang style. "buti nalang hindi naging si winnie the pooh yan!" tatawa tawa nitong sabi sakin. Okay na sana eh! Kaso nambwisit na naman ito sakin.

Sinamaan ko ito ng tingin habang hinahanap ko ang wallet ko "oh! Wag mo ko katitigan… SiGe ka!baka mainlove ka sakin!" sabi pa nito na natatawa! "hinding hindi ako magkakagusto sayo! Kasi bwisit ka!" singhal ko dito.. "oh? Magkano ba?" tanong ko pa dito para makapagbayad.

"huwag na.. Makita lang kita na nabibwisit eh okay na! Atsaka wag na wag ka maiinlove sakin..  Kasi hindi kita type!" sabi nito. Aray! Hindi pa nga ako nagtatapat… basted na agad ako? Help mga beshies.. Ang puso ko!!!

"hmp! Akala mo ba type kita?! Dapat nagtanong ka muna! Assuming ka!" sabay tayo ko na naiinis… pero nasasaktan. "dyan kana! Sa mga babae mo!hmp!" sinamaan ko ito ng tingin at linagpasan na ito habang papunta sa pwesto nina she.

"oh? Tapos kana?" tanong sakin ni she "tingnan mo ito oh… maganda ba?" pinakita nito ang bracelet na ginawa nya na suot na nya ngayon. "oo" habang walang ganang sagot ko dito.  "hala! Anong nangyari sayo?" tumabi ito sakin ngayon habang hawak nito ang likod ko.

"wala.. Mamaya nalang" sabi ko dito na parang naiiyak na. " alam ko na..mag gawa ka nalang din ng bracelet? Libre na kita!" sabi pa nito sakin sabay kindat.

"oh! Nandito kana pala.. Tapos na ba ikaw? Patingin nga?" pansin sakin ni kuya harry habang nagbubukas ng another pack ng mga beads. Pinakita ko sa mga ito ang pagkakahena sakin. "wow! Ang ganda!" puri ni she habang hawak ang kamay ko. "ayos ah! Wala yan sa design ni jesthle" sabi naman nito na pabulong pero rinig ko naman.

"oh.. Pili kayo ng designs tapos kuha nalang kayo ng kagamitan dito tapos tuturuan ko kayo." sabi pa nito habang nakangiti. Kami naman ni bes ay naghahanap na ng design na babagay samin pag sinuot.

"aba! Nandito lang pala kayo! Kanina pa namin kayo hinahanap!" sina deo na kadarating lang kasama si beks na magulo ang buhok na parang ginahasa.

"anong nangyari kay rica? Anong ginawa mo dyan?" tanong ni she dito. " wala lang.. Masyado lang kaming nagenjoy sa horror booth kaya nakailang balik kami" sabi nito samin. Pero sa nakikita ko hindi naman nagenjoy si bakla parang pinilit lang ng isang ito.

"okay ka lang ba talaga rica?" usisa ko dito habang nakaupo at  nakatulala. Tumingin lang sakin ito at umiling. "hahahaha… Hayaan mo na sya.. Okay lang yan!" hinigit ako ni deo para mamili ng design. "gawan mo naman ako ng ganitong style win" ngiti sakin nito "tapos gagawan naman kita okay?" dugtong pa nito.

Kumuha na kami ng gagamitin para makapagsimula na ng pag gagawa. Sinukat ko naman kay deo ang string at ganon din sya sakin para tantya namin ang sukat ng wrist.

"tapos na ako! Sukat mo na ito dali!" hinigit ni deo ang kamay ko at sinuot sakin ang bracelet. "oh! Diba bagay?" tuwang tuwa na sabi nito sakin. Oo nga noh? Bagay sakin.. Maganda ang taste nito ah! "salamat!" at pinisil ko ang pisngi nito.

**bog***

Napatingin kami sa pinang galingan ng tunog at nakita namin si jesthle na paalis na ngayon  habang natapon ang panghena nito sa sahig. Ang iba nagulat din pati ang babaeng customer nya ay tila nagulat din habang nakatingin sa hena nito na hindi tapos.

"hoy! Jesthle!"tawag ni harry dito pero hindi man lang ito lumingon. Kaya pinuntahan nito ang babaeng hindi pa natatapos ang pagkakahena at humingi ng pasensya sa iba, Sya na din ang nagpatuloy sa pagkakahena.

"anong nangyari?" yan ang panay tanong ng mga tao ngayon na nakapila at mga kasamahan nina kuya. Ano nga ba?

Habang tinatapos namin ang ginagawa namin ay iniisip ko parin si jesthle at kung ano ang nangyari dito. Nakakapagtaka kasi okay naman ito kanina at nangaasar tapos bigla nalang ganon. May topak din siguro talaga. Yun katulad ni kuya? Tsk tsk…


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C14
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ