ดาวน์โหลดแอป
21.56% Online It Is / Chapter 21: Chapter 11.0

บท 21: Chapter 11.0

Chapter 11:

Abby's POV:

"Rigel?"

"Rigel?"

"Rigel? YOHOOOO!"

"Nasaan ka Rigel? ANO BA, TAGO TAGO KA PA AH!" Eksena nanaman 'tong si Rigel. Pagkatapos ba naman naming tumalon mula bubong hanggang dito sa pool eh hindi ko na siya nakita nang makaahon ako. 

Lumangoy ako papunta sa side ng pool at umupo. Marahan kong pinalo ang magkabilang parte ng gilid ng ulo ko dahil may nakapasok ata na tubig sa aking tenga.

Nang masiguro kong wala ng tubig ay sinipat ko ang bandang dibdib ko, namumula ito gawa siguro ng maling pagbagsak ko kanina. Hilain daw ba naman ako ni Rigel nang hindi prepared, ang duga talaga niya. Ang sakit tuloy ng buong katawan ko, pakiramdam ko ay nakalas ang mga buto ko at humiwalay sa balat.

Charot! Masakit lang talaga pagsemplang ko sa tubig, una dibdib ba naman.

Teka, may dibdib nga ba ako? 

Syempre oo! Duh, hindi man kalakihan ang aking future ay pinagmamalaki ko naman 'to.  

Malupet kaya ang mga kagaya kong maliit ang dibdib pagdating sa habulan. Tsaka marami pang ibang perks ang pagkakaroon ng maliit na dibdib gaya ng tipid sa bra, hindi lapitin ng mga manyakis, makakadapa ka pa sa higaan nang hindi gano'n nahihirapan, tsaka maraming modelo ang may mga maliliit na dibdib, who knows, you could be one of them someday etc., etc. O'diba, malupit?

Kaya girls, 'wag niyong ikakahiya na maliit ang dibdib niyo. Hindi tayo tayo flat okay? Uulitin ko, hindi tayo flat.

May dibdib tayo, sadyang hindi lang kalakihan. 

Aish, enough with the dibdib thoughts, nasaan na ba ang maeksenang lalaki na 'yon?

Tatayo na sana ako at papasok sa loob ng resort nang may naaninag akong kulay itim sa ilalim ng pool.

F*ck! Don't tell me...

Dali-dali akong tumalon sa pool at lumangoy sa pinakailalim nito. At doon ay natagpuan ko ang kanina ko pa hinahanap with his black swim trunks.

Kahit nasa ilalim ako ng tubig ay ramdam ko ang malakas na kalabog ng aking dibdib lalo na nang makita kong nakapikit lamang siya at hindi gumagalaw.

Nagmadali akong lumangoy papunta sa kaniya at nang hindi ako nakatanggap ng response matapos ko siyang yugyugin sa ilalim ng pool ay agad ko siyang iniahon.

Hindi ko alam kung paano ko siya agad na naiahon sa pool. Basta ang alam ko lang ay ang paglapat ng labi ko sa kaniyang bunganga at ang pagbibigay ko ng hangin sa kaniya.

I gave him a CPR kahit nanginginig ang kamay ko.

"Please Rigel, wake up."

*Pump*

"Don't be like this naman oh."

*Pump*

"Huwag mo ako akong eksenahan Rigel dahil nilalamig na ako letse ka."

*Pump*

"Kapag ikaw, hindi gumising malilintikan ka sa'kin.*

*Pump*

"T*ng*n@ mo Rigel! Gumising ka!"

*Pump*

"Hindi ka man lang nahihiya sa akin, may paboyfriend-girlfriend ka pang nalalaman tapos gaganituhin mo ako. 'Pag ako nabyuda sa Peak-A, I swear haharangin ka ni San Pedro at 'di ka niya papapasukin sa langit."

Ayaw mo pa rin ha.

*PAK!*

Sa sobrang inis ko ay sinampal ko siya.

*PAK!*

At sinampal ko ulit siya sa kabilang pisngi nang makita kong umubo siya at napabuga ng tubig.

"Ouch!" Napahawak siya sa kaniyang pisngi at napaupo.

Pero bago pa niya maiusal ang susunod na salita ay agad ko na siyang niyakap at pinagsusuntok ang likod niya with all my power and strength.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulhol na lang ng malakas. Talagang nilakasan ko ang pag-iyak ko para mailabas ang frustration na naramdaman ko kanina.

"Shhh. Don't cry... I'm okay. Shhh..." Hindi umubra ang pag-alo niya sa'kin dahil mas nilakasan ko pa ang pag-iyak.

"UWAAAAAAH! *hik* AKALA KO KASI *hik* WALA KA NA *hik* TAPOS *hik* AKALA KO MALI YUNG CPR KO *hik* KASI FIRST TIME KO GAWIN 'YON *hik* T-TAPOS AKALA KO MAKUKULONG *hik* NA AKO KASI NAPATAY KITA  KASI AYAW MONG MAGISING UWAAAAAAAH!" My gosh! Bahala na kung ano'ng sasabihin niya, ang mahalaga ay ligtas siya. 'Yon ang mahalaga.

"Silly girl, haha. Sino'ng hindi magigising eh napakalakas mong manampal. Para nga akong sinuntok eh imbis na sinampal." At tinap niya ang ulo ko nang marahan at dahan-dahan.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kaniya at aakma ng mag-walk out.

Pero bago pa man ako makatayo ay siya namang pag-eksena ng floor at ako naman ay sumemplang ulit.

"Abby!"

My gosh, masakit pa nga katawan ko sa pagbagsak ko sa pool kanina, ngayon naman ay sa floor, damn.

~

"How are you feeling? Does it still hurts?" Tanong ni Rigel habang nakaupo kami sa isang banig dito sa may bakuran. Ang tinutukoy niya ay ang pagbagsak ko sa pool at sa sahig na nagdulot upang hindi ako makalakad ng maayos ng halos dalawang linggo.

It's almost midnight and hindi pa rin ako makatulog kaya kinatok ko ang kwarto ni Rigel. Luckily, hindi din pala siya makatulog kaya agad siyang pumayag na mag-stargazing dito sa labas.

Tanging liwanag ng buwan at ang liwanag ng ilaw na nanggagaling sa rest house ang dahilan kung bakit malinaw ko paring  nakikita ang mukha ni Rigel na nakangiti habang nakatingin sa buwan at mga bituin.

"Hmm, okay naman na. Medyo kumikirot pa ibang parte mg katawan ko pero as you can see, nakakalakad na ako ng maayos. Siguro bukas ay makakagawa na ako ng gawaing bahay."

"That's good. It was exhausting to clean the whole resthouse and resort by myself. I also had a hard time taking care of you, napaka-arte mo pa naman at ang dami mong utos." Then he chuckled. Napairap na lang ako sa kawalan.

"Edi thank you." Ani ko na wari'y ay nahihiya pero deep inside ay Kung wala lang akong utang na loob sa kaniya ay binatukan ko na siya.

"No prob. Basta ikaw." Pakiramdam ko ay lumukso ang puso ko pagkatapos niyang kumindat sa akin at agad ibinalik ang tingin sa langit. 

Ilang minuto rin ang lumipas nang napag-desisyunan ko ulit magsalita.

"Uy Rigel, tungkol nga pala noong nakaraang araw..." Napayuko ako at nilaro-laro ang dulo ng buhok ko.

"Hmm? Saan?" Ani niya atsaka tumingin sa'kin.

"Yung sa pool, s-sorry ha kasi hindi ko naman alam na may Catapedaphobia ka pala."

"Oh about that, don't worry it's nothing. Besides, it was a great experience though." Saka siya ngumiti pero kita ko sa mga mata niya ang lungkot. Humiga sa banig at inilagay ang dalawang kamay niya sa kaniyang batok. Ginaya ko siya, humiga rin ako sa banig at tinabihan siya. Nangangalay na rin kasi batok ko kakatingala kanina pa.

"Sa'n mo pala nakuha ang phobia mong 'yan? If you don't mind me asking."

Bumuntong hininga muna siya bago sagutin ang tanong ko. 

"My father died because of me." 


ความคิดของผู้สร้าง
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C21
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ