"Oh ba't kanina ka pa hindi mapakali diyan girl? Parang napakabigat ng dalahin mo sa buhay."
"Ano kasi baks eh."
"Ano?" Halata sa itsura ni Jackie at Joyce ang kyuryosidad sa ikinikilos ko. Humigop muna ako ng McFloat at saka huminga nang malalim bago magsalita.
"DumatingKasiKagabiSiRigelTaposNasaBahayNaminSiyaNgayon." Mabilis na sabi ko.
"Ha? Linawin mo kasi girl, wala ka sa fliptop competition kaya maghunusdili ka okay?"
"Aish! Ang sabi ko, dumating kagabi si Rigel sa bahay namin, tapos nasa bahay siya ngayon."
"Ahh--HAAAAAAAA?!" Sabay sila na napamulagat sa akin nang sabihin ko iyon.
"Shhh. 'Wag kayong maingay, masyado naman kayong eksena." Bulong ko habang nakalagay ang hintuturo ko sa tapat ng aking mga labi.
"Weh? Baka naman ineechos-echos mo nanaman kami."
"Tama ka diyan Joyce. Sus! 'Wag tayong magpapaniwala sa mga pinagsasabi ng baklang 'yan. Baka ang ibig niyang sabihin ay napanaginipan niyang nagpunta sa bahay nila kagabi si Rigel. Alam mo naman 'diba, ilang araw na silang walang commmunication ng kaniyang online boyfie." Pang-aasar ni baklang Jackie na siya namang nagpairap sa akin sa kaniya.
"Tsk. Hindi nga kasi ako nag-eechos. Totoo yung sinasabi ko, natural na natural at walang halong kemikal. Ito oh, para maniwala kayo, may pruweba ako dito." At saka ko kinuha ang cellphone ko sa bag.
"Naku 'pag ito, walang kwenta, sasabunutan ka namin nang bongga girl." Banta ni Jackie bago siya tumingin sa screen ng cellphone ko. Agad din siyang dinaluhan ni Joyce at sabay nila itong pinanuod.
Right in front of them is the video that was taken last night.
"Oh ano na? Nakanganga na kayo diyan? Sabi ko naman sa inyo nagsasabi ako ng totoo eh, ayaw niyo pang maniwala--HOY MGA BAKLA SAAN KAYO PUPUNTA?" Bigla ba naman silang kumaripas ng takbo palayo sa pwesto namin.
Huminto muna silang dalawa bago sumigaw pabalik si Jackie. "MAKIKICHISMIS LANG KAMI! BASTA SUMUNOD KA NA LANG!" Ha? Ano daw?
Don't tell me...
~
Jusko! Pinaglihi nga ata talaga sa kabayo ang dalawang 'yon! Hindi ko na sila naabutan sa gate ng school kaya agad na rin akong sumakay ng jeep pauwi. Well, ano pa nga ba ang ieexpect ko sa dalawang 'yon. Pati yung planong magpapapirma kami sa dalawang subject ngayong araw ay wala na! Napurnada na. Hays.
As expected, pagkauwi ko ng bahay ay naabutan kong nag-uusap sa sala ang tatlo. Si Joyce na nilalantakan ang Lays habang may napakalawak na ngiti, at siyempre, Si Jackie na parang unggoy kung makalambitin sa braso ni Rigel. Sa ganda ng usapan nila ay hindi man lang nila ako napansing napasok na ng bahay.
Saka lamang nabaling sa akin ang atensyon nila lahat nang tumikhim ako at ngumiti nang malawak, pero sa isip ko ay gustong gusto ko nang sabunutan ang dalawang bakla dahil sa pang-iiwan nila sa akin. Mga hinayupak sila, iniwan nila ako dahil lang sa lalaki. Aba matindi!
"Nandito ka na pala girl! Long time no see." Bati ni Jackie sa akin at saka ibinalik ang atensyon kay Rigel. Pinupunasan ni Jackie ang butil ng pawis sa sentido ni Rigel at mukhang enjoy na enjoy pa ang lalaki! Mga malalandi!
(Selos ka lang eh.)
Shut up mind, hindi ako nagseselos. Duh, ba't naman ako magseselos.
"Ah yes! Hi Abby, napaaga ata ang uwi mo?" Nakangiting tanong ni Rigel. Bakit, masama ba'ng umuwi nang maaga ha? Porket nag-eenjoy ka lang sa mga kaibigan ko eh.
Siyempre, sa utak ko lang 'yon sinabi.
"Wala kasi yung prof na magpipirma ng clearance namin kaya umuwi na lang ako kaysa tumambay sa school." Pagsisinungaling ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na umuwi ako dahil baka gahasain siya ni Jackie. Charot!
"Oh I see. Wait here, may kukunin lang ako." Tumayo siya at dumiretso sa kusina. I wonder kung ano'ng kukunin niya.
Habang nasa kusina si Rigel ay agad kong hinampas sa braso ang dalawa.
"Mga hinayupak kayo! Iniwan niyo ako sa school dahil lang kay Rigel. Sarap niyo ring sabunutan ano?"
"Eh hehe, peace baks. Naexcite lang kaming makita ang iyong Hashtag online boyfriend." Saka siya nag flying kiss sa akin. Umakto naman akong sinalo ang kiss at saka ito itinapat sa aking pwet. "Ew, kadiri ka talaga girl." Nangangasim na sabi ni Jackie at saka umakto na wari'y ay nasusuka.
"Haynako, sa totoo lang, si Jackie lang ang naexcite talaga na makita si fafa Rigel. Bigla na lang niya akong hinila kanina kaya nagpatianod na lang ako. Siyempre, anong laban ko sa kabayong tulad niya." Panlalaglag ni Joyce. Pero sus, kung makapagsabi na kabayo daw si Jackie, eh siya rin naman ay napakabilis kung tumakbo kanina.
"Hoy bakla, ano'ng ako lang? Ikaw rin naman--" Bago pa matapos ni Jackie ang kaniyang sasabihin ay dumating na si Rigel habang may hawak na tray na may tubig at sandwich.
"Here, have some meryenda. You seem so exhausted, you need to refresh." Ipinatong ni Rigel sa lamesang nasa harapan ko ang malamig na tubig at sandwich. Kita ko naman ang makahulugang ngiti ng dalawa kung kaya'y inirapan ko na lamang sila.
"Ahh, 'di mo naman na kailangang gawin 'to pero salamat!" Nahihiyang sabi ko at saka ko nilantakan ang sandwich. Dang. Sino ba namang hindi magugutom at magmumukhang exhausted sa marathon naming tatlo papunta dito sa bahay!
"Ay iba ka rin girl! Palaban! May auto tubig at sandwich!"
"Korek ka diyan bakla! Samantalang tayo ay bumili pa ng chichirya at juice bago pumunta dito."
"Ay wow! Kasalanan ko? Bahay ko 'to 'diba? Malamang may pagkain dito, kaya ba't pa ako bibili aber?" Pagtataray ko. Jusko, umeeksena nanaman ang mga bakla! Natigil na lang kami sa pagbabangayan nang tumikhim si Rigel. Mukhang naguguluhan sa kung ano'ng pinag-uusapan namin.
"Anyway Abby, your friends are great! They are so funny, right? Jack and Joyce?" Halata nga, ang saya niyo kanina nung dumating ako eh.
"Aww, grabe ka naman Rigel, hindi naman masyado. Sakto lang." Pabebeng sabi ni Joyce habang inilalagay sa likod ng tainga ang kanyamg invisible takas na buhok.
"Ok na sana Rigel eh, kaso tinawag mo akong Jack. It should be Jackie okay?" Nakangusong sabi naman ni Jack. Sus ito talagang baklang 'to, napakalandi! Kung gaano kaliit ang boses niya, gano'n naman ang ikina-daks niya. Pa'no ko alam? Haha secret!
Napatawa na lang si Rigel sa sinabi ni Jackie at pinagpatuloy na sila ang kwentuhan. Minsan ay nasasama ako sa usapan, pero madalas ay tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Sila na ang nasa center stage. Mga eksena!
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.