-Athena Brix Alexandro-
"Dalhin nyo na 'ko sa dorm. " walang-emosyong sambit ni Jerix. Inalalayan naman sya nila Funky at Harry kaya kami-kami na lang nila Zef, Gray, Khal, at Kean ang naiwan dito sa underground chuchu na 'to.
"Ayos brad! Ang lupet mo! Petmalu! HAHAHAHA! " sabi sakin ni Kean.
"Oo nga, Brix. How did you do that? Napakaangas! Ikaw na! " sabi naman ni Gray.
"Lodi ka na namin! HAHAHA! " wika ni Khal.
"Pero, ang galing mo talaga mang-headbang eh 'no? Matatag 'to! " natatawa-tawa pang dagdag ni Zef.
"Ano ba naman kayo haha. Baka lumaki ang ulo ko nyan ha? " biro ko pa sa kanila. Nagulat ako ng akbayan ako ni Gray.
"Okay lang na lumaki ang ulo mo, dahil hari ka na rin naman eh. Congrats pre! " sabi nya sakin.
"Oo nga, kabilang ka na sa grupong hindi matalo-talo ng ibang grupo kahit subukan pa nila. " nakangising pag-ayon naman ni Khal.
"Bakit nga ba "THE KINGS" ang pangalan ng grupo nyo? " tanong ko out of curiousity.
"From the english word 'king', it means, we are the kings here in DGA. Kami kasi ang naghahari sa rankings. " sagot ni Zef.
"That's why we gave ourselves a title. " dugtong pa ni Kean.
Wait, rankings? Posible kaya na sila 'yung tinutukoy na grupo sa DGA?
"O sya, tara na at kamustahin na natin ang tunay na hari. " natatawang aya ni Zef samin. Ngumiti na lang ako ng tipid.
Kung sila nga 'yung tinutukoy dun sa internet edi mas mapapadali ang paghahanap ko kung sino ang pumatay sa kuya ko.
Hindi naman pala magiging mahirap ang pagtukoy ko sa pumatay sayo, kuya. Maipaghihiganti din kita.