ดาวน์โหลดแอป
50.61% THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 41: CHAPTER FORTY

บท 41: CHAPTER FORTY

(Kensington High School, after one week) 

(Kath Rence's POV) 

NAGLALAKAD ako papuntang classroom nung napansin kong may tatlong babaing nakatayo sa daanan ko. Binati nila ako pero hindi ko sila pinansin. Napansin ko papunta na rin si Gianna sa classroom namin pero natigil ako sa paglalakad nang hinarang ng tatlong yun si Gia. 

"Hoy, saan ka pupunta?" - Girl 1. 

"Uhm...pupunta na ako sa classroom. Bakit?" sabi naman ni Gianna. 

"May kailangan kaming sabihin sayo." - Girl 2. 

"A-ano naman yun?" 

"Prince Joshua is my boyfriend. Kaya layuan mo siya." - Girl 3. 

Natahimik si Gianna habang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. 

Boyfriend?! 

As in boyfriend?! 

Eh ni hindi nga kilala ni Joshua yung feeler na babaing yan! 

Famewhore.

"Not really." 

Napalingon ang tatlong papansing yun pati si Gianna at parang natanggalan sila ng panga sa sobrang pagkagulat pagkakita nila kay Joshua. 

"P-prince Joshua..." nanginginig sa gulat na sabi ng tatlong famewhores na yun.Lumapit si Joshua sabay hawak niya sa kamay ni Gianna. 

"The girl you bullying is my GIRLFRIEND." mariing sabi ni Joshua.Mas napanganga sa sobrang gulat yung tatlong famewhore na yun, lalo na yung assumerang Girl 3 na yun. 

Hah. Manigas kayo ngayon sa kahihiyan. 

Mga feeler. 

Pero kung sino man ang pinaka-nagulat sa lahat ay walang iba kundi si Gianna. Hindi man halata sa mukha niya pero ramdam kong gulat na gulat siya. 

"Now, let my girlfriend go." utos ni Josh sa kanila. 

Tumagilid yung tatlong epal. 

"Okay ka lang ba, Gia? Sinaktan ka ba nila? May masakit ba sayo?" ang nag-aalalang tanong ni Josh sa dyosang P.A ko. 

"O-okay lang ako." sabi naman ni Gia. 

Napansin kong kakaripas na sana ng takbo yung mga kawawang famewhores na yun kung kaya naman hinarang ko sila. Mas nanigas silang tatlo sa sobrang takot. 

"Where do you think you're going?" I asked sarcastically at them. 

"W-wala..." takut na takot na sabi ni Girl 1. 

"Dito lang kami, P-princess K-Kath..." takot na takot na sabi ng mga famewhores na yun. 

Haay. Nakakaaliw talaga silang pagtripan.

Nung makita ko sina Riri na naglalakad sa gilid namin ay tinawag ko sila. Agad naman silang lumapit sa akin. 

"Anong kailangan mo sa amin, Princess Kath Rence?" tanong ni Riri. 

Lumapit ako kay Girl 3 at nanggigigil ko siyang hinablot palapit kina Riri. "Sinabi lang kani-kanina ng babaing ito na siya daw ang girlfriend ni Joshua Khan." 

Mula sa maaliwalas na mukha nila ay napalitan iyon ng matinding pagkagulat na nauwi sa galit. 

"What?! That bitch?!" at gigil na hinablot ni Riri ang takut na takot na famewhore na hawak ko. 

"Yes. Ano, papayagan nyo bang basta-basta na lang makapagpasikat ang papansin na ito?" 

"NOOOO!" at gigil na sinabunutan ni Riri si Girl 3. Sa takot nung dalawang kasama niya ay kumaripas na ang mga ito ng takbo palayo. At the end, bugbug-sarado at iika-ikang tumakbo palayo yung babaing yun. Agad ding umalis sina Riri matapos nilang makipagbugbugan. 

Pathetics. Mga utu-uto talaga kahit kailan. 

Nung mawala na sa paningin namin ang mga utu-utong iyon ay nauna na akong maglakad palayo. 

Haay Joshua, ikaw na ang bahalang magpaliwanag dyan kay Gianna. You can do it. 

(School Corridor) 

(Gianna's POV) 

"The girl you bullying is my GIRLFRIEND." 

"The girl you bullying is my GIRLFRIEND." 

"The girl you bullying is my GIRLFRIEND." 

Iyon ang paulit-ulit na nag-fa-flashback sa utak ko.Habang naglalakad kami ni Joshua ay pareho kaming tahimik at naghahanap ng tiyempo para makapagsalita, pero sa tuwing tititigan ko siya ay mas lalo akong naiilang.Hanggang... 

"G-Gianna...I-I'm sorry..." 

Napatingin ako kay Joshua. 

"Bakit ka naman nag-so-sorry?" tanong ko sa kanya. 

"Kasi sinabi kong girlfriend kita. Na-offend ba kita?" 

I blushed. 

"H-hindi naman. Pero bakit mo pa sinabi iyon?" 

"Kasi ayokong binu-bully ka nila. Ayokong makitang nasasaktan ka at ayokong makitang umiiyak ka, kung kaya naman ginawa ko yun." sabi niya. 

Napangiti ako. "Salamat at may concern ka para sa akin. Na-a-appreciate ko iyon." 

"You're welcome, Gianna. Kaya lang naman ako ganito sayo kasi..." at huminga ng malalim si Joshua bago siya nagsalita. "Kasi...gusto kita. Mahal kita, Gianna." 

That unexpectedly shocks me. 

"A-ano? P-pakiulit mo nga yung sinabi mo...Joshua..." I nervously said. 

"Mahal kita, Gianna." he said while seriously staring at me. 

Hindi ako kaagad nakaimik sa sobrang pagkagulat habang nakatitig lang sa akin si Joshua. Hanggang sa nagsalita siya ulit. 

"I'm sorry, Gianna, kung binigla kita, pero hindi ko na kasi kaya pang magtago eh. Nung una kitang makita sa gym, I admit, na-love at first sight ako sayo. Nung kinausap kita sa mismong araw na yun ay mas lalong nahulog ang loob ko sayo. Maraming katangian mo ang nagustuhan ko sayo. And now, I'm so in love with you. Patawarin mo sana ako kung nagkaganito ako...pero sana...bigyan mo ako ng chance para patunayan ko ang sarili ko sayo." he said sincerely. 

"Josh, hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin. Hindi naman ako galit sayo. Pero ang sa akin lang, hindi mo pa ako lubusang kilala. Kung willing ka talagang mahalin ako, pagbibigyan kita...basta't magawa mong tanggapin ang tunay na ako." and I sighed. "Josh, ampon lang ako ng naging pamilya ko. Inabandona ako ng sarili kong ama at ipinamigay niya ako kay Tita Jane. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung sino ang tunay kong mga magulang at kung bakit nila nagawang ipamigay ako sa ibang tao. Ngayong alam mo na ang mga sikreto ko, paninindigan mo pa rin ba ako?" 

He smiled and cupped my chin. 

"Yes. Mamahalin kita, kahit na sino ka pa. Kahit na ano pa ang pinanggalingan mo. Hinding-hindi ako magdadalawang-isip na panindigan ka kasi nga mahal kita." and he kissed my forehead. "Mahal na mahal kita." 

Napatingin ako sa kanya, and I saw sincerity in his eyes. Hindi ko maiwasang ma-flattered sa sinabi niya. 

"Josh...hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon...pero pagbibigyan ko ang pag-ibig na inaalok mo sa akin. Just give me a chance to decide." 

"Makakapaghintay naman ako eh. Basta ba, wag kang aalis sa tabi ko ha. Sana'y manatili pa ring maganda ang ugnayan natin sa isa't isa." and he smiled at me. "Isang tanong na lang. Can I court you?" 

"Sige. Okay lang sa akin." 

"Salamat. Maraming-maraming salamat dahil binigyan mo ako ng chance, Gianna. I love you." and unexpectedly... 

He kissed my lips. 

Sandali man niyang hinagkan ang mga labi ko ay gulat pa rin ako, and the same time, super flattered... 

Because he's my first kiss. 

My first kiss.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C41
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ