ดาวน์โหลดแอป
53.33% Ruined Heart / Chapter 32: Kabanata 31

บท 32: Kabanata 31

Kabanata 31

Minsan kapag walang ginagawa dito sa bakery, napapatunganga na lang ako sa mga tao sa daan. Dahil malapit sa palengke, hindi nawawalan ng mga tao dito. 'Yung iba parang palaging abala o nagmamadali. 'Yung iba naman ay namamasyal lang.

Sa pagtingin ko sa mga tao ay natuon ang atensyon ko sa dalawang taong kaka-park lang ng motor sa malapit. Bumaba doon ang isang babaeng payat at may mahabang buhok at isang lalaking kasingputi rin niya. Nagtatawanan sila at sa paraan pa lang ng paghaplos nila sa isa't isa, alam ko nang may iba sa kanila.

Siguro magkasintahan.

"Nami-miss mo si Zeus ano?"

Mula sa kanila ay napatingin naman ako kay Yngrid na kakaupo lang sa tabi ko. Kakatapos lang niya kasing magbenta sa isang customer.

Napangiti na lang ako nang mapait.

Hindi ko alam kung pa'no sasagutin ang tanong niya. Alam ko sa sarili kong nangungulila ang puso ko sa kanya, pero ang totoo kasi, nawawalan na rin ako ng pag-asa sa kanya. Oo nga't sabi ko ay maghihintay ako sa kanya, pero sa tingin ko wala na rin talaga kaming magagawa pa.

Sa tingin ko, hindi niya matatakasan si Ma'am Helen. Ayon nga kay Danica, may bantay na siya na nakabuntot sa kanya sa kung sa'n man siya magpunta. Kung pupunta naman ako do'n, katakot-takot na kahihiyan lang ang aabutin ko. At kung hihingi naman ako ng tulong sa iba, baka pati sila ay mapahamak pa.

"Ayaw mo siyang pag-usapan?" Mayamaya ay nagsalita pa siyang muli. "Sige, hayaan na lang muna kita."

Napangiti na lamang ulit ako sa kanya. Ilang sandali pa'y parehas kaming napatingin sa cellphone niya dahil tumunog iyon.

"Sandali, tumatawag si Junard," sambit niya at kaagad na tumayo. "Ikaw na muna bahala dito ah?"

"Sige," sabi ko na lang at tumingin-tingin na lang muli sa paligid. Umaasang baka maalis ang lahat ng bagay na tumatakbo sa isip ko. Pero kahit anong pilit kong iwaksi 'yon sa isipan ko ay 'di ko magawa.

Mayamaya ay napatayo akong bigla nang makita ang isang pamilyar na pigura sa harapan ng panaderya—si Apollo. Papalapit pa lang siya ay nakangiti na siya sa akin at mas lalo pang lumawak iyon nang tuluyan na siyang makalapit.

"A-Ano'ng bibilhin mo?" tanong ko na lamang sa kanya, dahil 'di ko naman gustong isipin na ako ang sadya niya dito.

"Yung binili ko no'ng nakaraan. Dalawa uli," sagot naman niya.

Tumango-tango naman ako at madaling kumilos. Naiilang din kasi akong harapin siya sa ganitong sitwasyon. Ewan ko ba, pero parang nakakailang pakisamahan ang mga taong konektado kay Zeus. Kaya hangga't maaari ay binilisan ko rin ang kilos ko at nang maibigay ko agad sa kanya 'yon.

"Oh, heto ang sukli mo," sabi ko at inilapag sa harapan niya ang pera.

Nang makuha niya 'yon, akala ko ay aalis na siya, pero hindi pa pala.

"Maureen, ikaw na talaga ang pinunta ko dito," sambit niya, na bagaman inasahan ko na, ay bahagyang ikinagulat ko pa rin.

"Hindi ka ba natatakot na may makakita rin sa'yo na pinupuntahan mo 'ko dito? Apollo, ayoko na sana ng gulo," may bahid na inis na sabi ko sa kanya.

"Makinig ka muna sa'kin, Maureen," pakiusap niya.

Napabuntong-hininga ako at mataman ko siyang tinignan. Mukha namang mahalaga talaga ang sasabihin niya, kaya't 'di na ako nagsalita pa. Hinintay ko na lang ang anomang sasabihin niya.

"Kinausap ko si Zeus at sinabi kong nakita kita dito. Na dito ka na nagtatrabaho," pagpapatuloy niya. Sa sandaling 'yon ay naging interesado ako sa kuwento niya.

"A-Ano'ng sabi niya?" kaagad kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko ay para bang nabuhayan ako ng pag-asa dahil sa sinabi niyang 'yon.

"Gusto ka raw niyang makita!" masayang sagot niya sa'kin.

Napangiti rin naman ako dahil doon. "T-Talaga?"

"Oo! Actually, gumawa kaming dalawa ng plano para sa pagkikita niyo," sagot niya na mas lalo ko pang ikinagulat.

"T-Totoo ba 'yan?"

Totoo kaya ang sinasabi niya sa'kin? Oo, natutuwa akong malaman na baka magkita na nga kaming dalawa ni Zeus, pero may mga agam-agam pa rin ako. Paano kapag mabulilyaso ang binabalak nilang plano? Paano kung sa muling pagtatagpo namin, may makakita na naman sa amin at magsumbong kay Ma'am Helen.

"Oo, Maureen! Pwede ba, magtiwala ka naman sa'kin kahit ngayon lang?" may bahid nang inis na sabi niya sa akin.

"Pero inaalala ko lang kasi na baka—"

"Wala kang dapat alalahanin pa. Kami ni Zeus ang bahala dito," pagputol niya sa sasabihin ko.

Napaikom ako ng bibig ko at napatango-tango nalang. Siguro nga kailangan kong magtiwala kay Apollo. Dapat nga siguro ay maniwala akong magagawan nila ito ng paraan at muli kaming magkikita ni Zeus. Sana nga!

"Sige, ano'ng kailangan kong gawin?" tanong ko sa kanya.

"Ganito, Maureen. Alam mo ba kung sa'n ang park dito sa San Marcos?" tanong niya sa'kin.

"Oo! Nakapunta na 'ko do'n," kaagad kong sagot.

"Good! Uh, ano'ng oras ang uwi mo?" tanong pa niya.

"Alas kuwatro ng hapon," sagot ko pa naman ulit.

"Sige. Bukas, pagkauwi mo, dumiretso ka agad do'n, a? Ako na'ng bahalang magsabi kay Zeus," bilin naman niya sa'kin. Seryosong-seryoso ang mukha niya at mukhang hindi talaga siya nagbibiro.

Tumango-tango naman ako. Determinado na rin akong sundin ang sinasabi niya dahil gustong-gusto ko nang makita si Zeus.

"Aasahan ko 'yan, a?" sabi pa niya. "Sige, mauna na 'ko."

"Teka, sandali!" pagpigil ko bago pa siya makaalis nang tuluyan.

"P-Pa'no mo siya maitatakas kay Ma'am Helen?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Bahagya naman siyang natawa. "Sabi ko sa'yo, 'di ba, ako na'ng bahala? Basta, bukas, magpunta ka do'n."

Napatango-tango na lang ako. "S-Sige. . ."

Matapos noon ay tuluyan na siyang umalis dala ang binili niyang special ensaymada. Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa malayo na siya. Hanggang sa mga sandaling 'yon ay 'di pa rin ako makapaniwala sa ibinalita niya sa akin. Buong akala ko talaga ay wala nang tsansa na makita ko ulit si Zeus. Pero heto't mukhang sinasabi sa'kin ng tadhana na magtiwala lang ako.

* * *

Kinabukasan, nagulat ako dahil pagkatapos kong maligo at magbihis ay nadatnan ko pa rin si Itay sa papag namin. Pero ganoon pa rin ang hitsura niya: nakasuot pa rin ng jacket at ng sumbrero niya.

"Oh, Tay, hindi ka pa umaalis?" tanong ko habang sinusuklay ang buhok ko.

"Hindi, Anak, hinihintay kita," nakangiting sagot niya sa akin.

"H-Huh?" Hindi naman masyadong rumehistro sa isip ko ang sagot niyang 'yon. Siguro ay dahil masyadong okupado ang utak ko ng iniisip kong pagkikita namin ni Zeus.

"Naisip ko kasi, simula ngayon, dapat siguro, e, ihatid-sundo na kita sa bakery," sagot naman niya sa akin. Matapos ay tumayo pa siya mula sa pagkakaupo niya sa papag at lumapit sa akin.

"Hindi mo naman na po kailangang gawin 'yon, Tay," nahihiyang sabi ko naman.

"Tsk. Hayaan mo na lang ako," pamimilit naman niya sa'kin.

Napabuntong-hininga ako at ngumiti. "Sige na nga, Tay! At least, malilibre ako sa pamasahe." Tumawa pa ako sa sarili kong biro.

"Oh, halika na't baka ma-late ka pa't makagalitan ka pa ng amo mo," sabi namna niya, kaya dali-dali ko nang kinuha ang bag ko at isinabit sa isa kong balikat.

Nauna na rin si Itay na magtungo sa tricycle niya, kaya ako naman ang nagsarado ng pintuan namin. Wala naman talagang kandado ang bahay namin. May pako lang kaming ikinakawit para maisara 'yon.

Nang matapos ako doon ay kaagad na rin akong sumakay sa tricycle ni Itay, na kaagad naman niyang pinaandar.

Habang naroon ako sa loob at tinatahak namin ang daan patungo sa San Marcos ay hindi ko maiwasang isipin ang espesyal na magaganap sa araw na ito. Makikita at makakausap ko nang muli si Zeus! Ito na ang araw na pinakahihintay at ipinagdarasal ko.

"Heto na ba 'yon?" tanong ni Itay nang makarating kami sa bakery na pinapasukan ko.

"Opo, Tay," sagot ko at saka inayos ang pagkakasukbit ng bag ko bago bumaba. Kaagad akong nagpunta sa unahan ng tricycle para makaharap siya. "Tay, 'wag mo na lang po muna akong sunduin mamaya."

"Huh? Bakit naman?" nagtatakang tanong naman niya sa'kin. "E, baka mapano ka pa."

"Naku, Tay. 'Wag mo na 'kong intindihin. Ano lang po. . . Uh, m-may papasyalan lang ho kami ni Yngrid." Halos hindi ako makatingin nang diretso sa kanya dahil sa nakokonsensya ako sa pagsisinungaling ko sa kanya.

"G-Ganoon ba? Ay, siya, sige. Mag-iingat kayo," bilin na lang niya.

"Sige, Tay! Ingat ka po!" sabi ko at dali-dali nang naglakad papunta sa bakery.

"Maureen, Anak!" sigaw naman ni Itay na dahilan kaya't napatigil ako at muling napalingon sa kanya.

"Bakit po, Tay?" tanong ko.

"Halika nga lang muna dito. . ."

Napakunot naman ang noo ko. Bakit parang may kakaiba yata kay Itay ngayon? Bakit parang naglalambing yata siya sa akin?

"Ano po ba 'yon, Tay?" natatawa pang tanong ko sa kanya, pero nagulat na lang ako nang yakapin niya ako.

"Mag-iingat ka, Anak. Mahal na mahal ka ni Itay," sabi pa niya habang yakap-yakap ako.

"T-Tay. . ." pilit akong tumawa. Hindi ko alam pero para bang may kabang bumalot sa puso ko. "Ano ka ba naman po? M-Magtatrabaho lang po ako oh! 'Di pa po ako mag-aasawa!"

Humiwalay naman siya sa akin at napangiti. "Pagpasensyahan mo na si Itay. . ."

"Kayo naman, Tay. Mahal din po kita, pero ba-bye na po muna. Magkikita pa naman po tayo mamaya, e!" sagot ko naman.

Tumango naman siya. "Mag-iingat ka."

"Opo!" sagot ko at noon lang siya tuluyang umalis.

Hinabol ko naman siya ng tingin hanggang sa malayo na siya. Naiwan naman ako doong nagtataka pa rin. Bakit kaya ganoon ang ikinikilos ni Itay? Pero pinilit ko na lang na isawalang-bahala iyon. Gano'n lang siguro minsan ang mga matatanda.

Buong araw ay inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtitinda at sa pakikipagkuwentuhan kay Yngrid. Nang minsan din ay tumulong ako doon sa gawaan, pero saglit lang iyon. Pero ang buong isip at diwa ko talaga ay nakatuon sa oras. Sabik na sabik na akong mag-alas kuwatro na ng hapon, para makapunta na ako sa park ng San Marcos.

Pero sa totoo lang, kinakabahan din ko. Oo nga't masaya ako na makikita ko na uli si Zeus, pero nandoon pa rin ang kaba dahil 'di ko alam kung paano siya kakausapin. Sa dami ng nangyari, hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko sa kanya at kung ano rin ang sasabihin niya sa akin.

Kung ipagpapatuloy namin ang namamagitan sa amin o hindi ay wala akong ideya.

"Oh, hindi ka pa uuwi?" tanong ni Yngrid sa akin.

"Huh? Heto, uuwi na. . ."

Natawa naman siya sa sagot ko. "E, hindi naman 'yan papunta sa sakayan, 'di ba? May dadaanan ka pa ba?"

"Ah, oo! Ano kasi. . . basta! May pupuntahan lang ako," sabi ko at pilit na ngumiti. Nahihirapan na akong magsinungaling, pero ayokong ipaalam sa kanya ang totoo. Mahirap na. Dapat kaming tatlo lang nina Apollo ang makaalam nito.

"Gano'n? Hmm. . . Oh, sige. Ingat ka na lang, ha?" sabi naman niya, kaya nakahinga ako nang maluwag.

"Oo!" tumango-tango naman ako at kaagad siyang tinalikuran. Mahirap na, baka magtanong-tanong na naman siya.

Sumakay ako ng tricycle papunta sa park ng San Marcos. Nakapunta na kami noong minsan dito nila Danica at Jacob, kasama ang papa ni Danica, kaya naman alam ko pa kung saan 'yon.

Kumpara sa park ng Doña Blanca, mas malaki ang espasyo nito kaya maraming lugar na pwedeng pagtambayan. Sa katunayan nga, marami akong naabutan doon na mga namamasyal. Karamihan sa mga 'yon ay mga kabataan na parang nagkakatuwaan.

Pinili ko na lang na maupo sa isang gilid, malapit sa bandang unahan ng park. Siguro naman ay makikita nila ako kaagad dito. Hindi ko alam kung ano'ng oras sila darating, pero maghihintay na lang ako. Handa akong maghintay para kay Zeus. . .

* * *

"Halika na. Ihahatid na kita pauwi."

"Hindi na."

"Tsk. Dali na."

Lumipas ang minuto at oras at unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko. Ang kaninang matingkad pang sikat ng araw ay unti-unting napalitan ng malamlam na kulay ng kalangitan. Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatanaw sa motor ng lalaking umalis. Sakay niya ang babaeng kausap niya kanina.

Nasaan na ba si Zeus? Pupunta pa ba siya?

"M-Miss. . ." tawag ko sa babaeng malapit sa akin.

"Ahm, ako po?" tanong nito sa akin.

Tumango-tango naman ako. "Anong oras na po?"

"Ah." Tumingin muna ito sa cellphone niya. "Magsi-six na po, Ate."

Muli akong tumango at ngumiti nang tipid. "Salamat."

Mag-a-alas sais na ng gabi? Dalawang oras na pala ang lumipas simula nang maghintay ako dito. Hindi ko alam kung maghihintay pa ba ako sa kanya. Nahirapan lang ba siyang makahanap ng tiyempo o 'di na talaga siya pupunta?

Sa huli ay napagpasyahan kong tumayo na lamang sa kinauupuan ko. Sakto namang pagtayo ko ay naramdaman ko ang bahagyang pagpatak ng tubig sa balat ko. Umaambon ba?

Tumingala ako at itinaas ang kamay ko para damahin ang mga patak noon. Hanggang sa ang patak niyon ay unti-unting lumakas. Umuulan na!

Dali-dali akong tumakbo at inilagay ang bag ko sa ulo ko bilang pananggalang sa ulan. Dahil may kalakasan ang patak niyon ay nabasa pa rin ang damit ko. At habang tumatakbo ako ay hindi na napigilan ng mga mata kong sumabay sa ulan. Nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na kayang pigilan ang sakit ng damdamin ko sa mga sandaling 'to.

Ang daya mo, Zeus! Naghintay ako sa wala!

Mayamaya pa ay nakarating ako sa paradahan ng mga tricycle na nasa labas lang ng park.

"Sakay ka?" tanong ng isang mamang nandoon.

"Sa Doña Blanca ho sana. . ." sagot ko naman at ibinaba ang bag na nasa ulo ko. May silong naman kasi dito para sa mga tricycle driver, kaya 'di na ako nababasa ng ulan dito.

"Mag-isa ka lang?" tanong pa nito.

Marahan akong tumango.

"Bale 75 'yon, Miss," sabi pa nito.

"Ayos lang po," sagot ko naman at dali-daling sumakay sa loob ng tricycle. Wala na akong pakialam kung gaano pa kamahal 'yang pamasahe na 'yan. Gusto ko nang makauwi.

Pagod na ako. . .

To be continued. . .


ความคิดของผู้สร้าง
elysha_jane elysha_jane

May nagtanong po sa akin kung bakit walang POV 'yung ibang character. Ganoon ko po kasi dinesign ang story ko na naka-focus lang sa main character. Tsaka may sariling story po 'yung ibang characters dito (dahil series po ito). At 'yung mga bagay na sadyang nakatago ay ire-reveal ko rin sa tamang panahon. : )

Your suggestions/opinions are highly appreciated pa rin po ^^ salamat!

sorry po kung ang tagal ko nawalan ng update. Marami pong nangyari hehe.

Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C32
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ