ดาวน์โหลดแอป
6.66% Alice In The Mafia World / Chapter 3: Chapter 1

บท 3: Chapter 1

Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!

••••••

Chapter 1

Nagising ako ng may yumugyog sa balikat ko.

"Ate..."rinig kong sabi ng kapatid ko kaya unti-unti kong minulat ang mga mata ko.

"Ba't diyan ka na naman natulog? Sasakit na naman yang balikat mo! At akala ko ba tatabi ka sa akin kagabi?" inis na may halong pagtatampo niyang sabi.

Ngayon ko lang napansin na nakatulog pala ako sa couch ng nakaupo.

Napangiwi ako ng biglang sumakit ang likod ko kaya pinilit kong tumuwid ng upo at ininat ang dalawang kamay ko pataas.

Tinapos ko kasi ang kagabi yung mga reports at project ko sa school. Diko namalayang nakatulog pala ako.

Tiningnan ko ang kapatid kong nakangusong nakatingin sa akin. Nakasuot na siya ng uniporme.

"Kumain ka na?" tanong ko habang nililigpit ang mga gamit na nasa center table.

"Oo, nagluto si Kuya Saber." kumunot ang noo ko sa sinagot ng kapatid ko.

Anong ginagawa ng gagong yon dito? At sinapian na naman yon ng masamang hangin?

"Nasaan siya?" tanong ko.

Itinuro niya ang pinto ng kusina. Tumango ako. "Pumasok ka na. Baka malate ka." sabi ko ng mapansing malapit na mag seven a.m. Tumango siya at dinampot ang kanyang backpack at humalik sa pisngi ko.

"Bye Ate. Kita nalang tayo sa school." kaway niya.

"Sige ingat ka." bilin ko bago siya tuluyang lumbas ng unit.

Hapon ang klase ko kung kaya't di ako malelate .

Tumayo ako at naglakad patungo sa kusina at naabutan ko ang gago na nagkakape at prenteng nakaupo sa isa sa mga upuan dito sa kusina.

Tinaasan niya ako ng kilay at sinuyod ng kanyang mga mata ang kabuoan ko ng makita niyang pumasok ako.

"Nice legs." kumento niya at sumimsim ng kape.

Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. Umagang-umaga nakaka-badtrip pagmumukha niya.

"This legs can kick your balls. Wanna try?" ngisi kong sabi at umupo sa katapat niyang upuan.

Umiling siya. "Nah. Baka mawalan tayo ng future pag ginawa mo yan. Kaya no thanks." and he winked.

Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Ito na naman siya sa future thingy niya. Kailan ba siya titigil kaka-future niya? Minsan gusto ko na siyang ihulog sa building kung di ko lang boss 'to.

"Huwag mo akong isali diyan sa future mo." inis kong sabi na ikinatawa niya.

Tumayo siya at may kinuha ng kung ano sa oven. Nilapag niya sa harapan ko ang bacon, itlog, hotdog at slice bread.

"Eat." utos niya at bumalik sa pag-upo at pinagkrus ang braso sa kanyang dibdib.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"How? Wala akong plato. Get me a plate. You dimwit." utos ko.

Padabog siyang tumayo.

"Ako ang Boss dito pero ba't ako ang inuutusan? And did she just call me dimwit? Tss. Ibang klase. And fuck bakit ako sumunod?!" inis niyang bulong sa sarili kaya napangisi ako.

Sinundan ko siya ng tingin habang kumukuha siya ng plato't kutsara. Pabagsak niyang inilagay ito.

"Dahan-dahan baka mabasag. Mahal ang plato." saway ko.

Inirapan niya lang ako at bumalik sa kanyang upuan. Inumpisahan ko na sa pagkain. Nandiri ako ngakita ko ang hotdog kaya mabilis kong inilayo iyon. Naalala ko kasi kagabi. Bwesit.

"Ayaw mo niyan?" tanong niya ng mapansin ang ginawa ko.

Umiling ako. "May naalala kasi akong tao kaya bigla akong nandiri. Gusto ko tuloyng masuka." pagpaparinig ko.

I heard him cough and curse. Tinamaan ang gago. "Tangina."

"Ano bang kailangan mo? Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Wala." pinanliitan ko siya ng mata sa sagot niya.

"Ano nga?"

Huminga siya ng malalim.

"Threat." sagot niya.

I already expecting that. Tumango lang ako at nagkibit balikat.

"Higpitan mo ang pagbabantay kay Yanna." bigla akong kinabahan sa sinabi niya sa tono ng pananalita niy. Pero agad ko tong iniwaksi.

"Alam ko. No need to remind me." kalmado kong saad at niligpit ang pinagkainan.

"Iba ang nagbabanta ngayon, Alice." may diing sabi niya sa bawat salita. "Hindi ito kagaya ng dati na sa tuwing papatay ka, may pagbabanta kinabukasan. This threat is different, we can't locate nor identify who it is. In other words, damn invisible." dagdag niya na halatang nafufrustrate.

Bigla akong naguluhan. "What do you mean?" tanong ko.

"Ang ibig kong sabihin ay hindi natin kilala ang nagbabanta sa iyo. He or she threatened you without a fucking reason! Or there it is, but we don't know what is it." he tsked after explaining.

"What!? How did you know na iba?" gulat kong tanong.

Bumaba ang tingin ko sa envelope na inilapag niya sa harap ko.

Pinagmasdan ko iyon ng maigi. Lalo na ang logo na nakadikit sa ibabang bahagi nito na hindi pamilyar sa akin. "The logo. Ngayon ko lang yan nakita. Alam ko ang logo ng lahat ng mafia dito and this one is new to me." napakuyom ang palad ko.

"Fuckers. We'll hunt them down then." umiling siya sa plano ko.

"We can't Alice. Dahil naghahanda at nagpaplano palang tayo, sila umaataki na. We'll lose. Kaya for now, mananahimik muna tayo, and wait for those fuckers to visible themselves." huminga ako ng malalim at sumang-ayon nalang sa kanyang plano.

Pagkatapos kong hugasan ang pinagkainan, dumeretso agad ako sa kwarto para matulog ulit.

Sumunod naman ang gago. Sanay na akong makatabi siya sa pagtulog. Pero nabugbog ko muna siya nung una. Akala ko kasi ginahasa na niya ako.

Akala din ni Yanna na boyfriend ko ang gago dahil lagi itong nasa condo.

Pero ang totoo binatantayan niya ako baka daw kasi tatakas ako habang hindi pa bayad sa utang ko sa kanya. Sabi niya pa pwede ring kada halik bawas isang libo sa utang ko. Syempre di ako pumayag gago siya. Ano siya sinuswerte? Siya nga 'tong halik ng halik sa akin eh.

Kung di lang ito baliw iisipin ko talagang may gusto siya sa akin. Minsan kasi napapansin kong sweet siya sa akin, minsan masungit at minsan walang pakialam. May sakit yata 'to sa pag-iisip si boss.

Siya kasi ang bumili ng condo unit na ito kaya malaya siyang nakakalabad masok dito.

Well I can say he's different. Why? Dahil lahat ng gusto ko ay binibigay niya. Like what the hell I'm just his personal reaper but once I want something he'll give it to me automatically. See? Sinong Boss na ang may matinong pag-iisip na ibibigay kaagad ang gusto ng reaper niya?

That's why some of my co-reapers got envy at me, the way I treated my Boss. Dahil kapag sila ganun sa kanilang mga Boss, malamang pinaglalamayan na sila.

Pabagsak akong dumapa sa malambot kong kama at pumikit bago ibinaling ang ulo ko sa kanan.

Just like what I've said, he's different. Despite of his moody attitude he's comfortable to be with. I thought he will be my Mad Hatter because I am Alice. But no, he's the rabbit who I've followed and let myself fall in this kind of world. I thought it's Wonderland at first but I am wrong. It's not Wonderland. It is a world full of danger. A Mafia World.

So, in this world—I am the Alice who followed him to the Mafia World that was fooled by this jerk but at the same time thankful.

Thankful dahil siya ang tumulong sa akin. Siya ang naging sandalan ko kahit hanggang ngayon ay estranghero parin siya sa paningin ko. Siya ang unang nagpangiti sa kapatid ko after namatay ang mga magulang namin at siya ang unang lalaking nagtangkang pumasok sa buhay ko. Ang Kunehong Manlilinlang.

"Anong ngingiti-ngiti mo diya?" napamulat ako ng bigla kong marinig ang kanyang boses.

Nakahiga siya sa tabi ko at nakaharap sa akin.

"Kunehong Manlilinlang." sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Kumunot ang noo niya. "Sino yan? Lalaki mo ba yan? Ha? Sagot!" may pagbabanta niyang tanong.

Lalaki?

"Si John Saber Douglas."ngisi kong sagot.

Agad napalitan ang nakakunot niyang noo sa gulat at di makapaniwalang ekspresyon sa kanyang mukha dahil sa sinagot ko.

"What the! Kailan pa ako naging isang kunehong manlilinlang?" di makapaniwala niyang tanong.

"Simula noong nilinlang mo ako at isinali sa magulo sa magulo mong mundo." inaantok kong sabi at unti-unting pumikit.

Inaantok na talaga ako. I want to rest just a little.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa beywang ko at inilapit ako sa kanya.

Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking noo. Niyakap ko siya at isiniksik ang mukha sa kanyang matigas na dibdib.

Siya ang tumulong sa amin ng mawala ang magulang namin ni Yanna. Kaya ang laki ng utang na loonb ko sa gagong 'to.

Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil tuluyan na akong nilamon ng antok.

"Yeah. At simula ding sinundan mo ako, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa magulo kong mundo."

I have a dream, no a nightmare.

"Alice, wake up. Male-late kana sa pasok mo." nagising ako sa boses ni Boss at tapik sa pisngi.

Unti-unti kong minulat ang aking mata at mukha ng gago ang bumungad sa akin. Nakatagilid paharap sa akin habang nakaunan sa braso nya.

Umupo ako at nag-inat. "Anong oras na ba?" tanong ko.

Umusog siya sa tabi ko at yumakap sa aking beywang.

"11:15 a.m na."sagot nya.

Tinapik ko ang nakapulot na braso niya sa beywang ko para alisin nya yun.

"Tabi maliligo na ako." pero imbis na alisin nya humigpit pa ang pagkakayap nya sa beywang.

Aba gago to ah! Abusar masyado porke't hinahayaan ko lang.

"Boss alisin mo yang braso mo." pilit kong inaalis ang braso niya sa beywang ko.

"Wag ka nalang pumasok." inaantok niyang sabi.

No way! Kailangan ko din mag-aral.

"Anong wag pumasok? Hoy kahit papano may plano ako para sa future ko." hinampas ko ang kanyang braso ng sobrang lakas kaya napa 'aray' siya't inalis ang kanyang braso sa beywang ko.

Umupo siya at sumimangot. Di bagay sa kanya. Mukha na ngang gago mas nagmumukha pa tuloyng gago.

"Pero nasa harap mo na ang future mo kaya wag mo nang planuhin ang kinabukasan mo dahil nandito na ako sa harapan mo." napangiwi ako sa pinagsasabi nya. Tangina ang korni.

Lakas din ng sapak ni'to sa utak. Diko talaga lubusang maisip na mafia boss 'tong gagong 'to. Isip bata minsan eh.

"Mandiri ka nga sa pinag-sasabi mo!" bulyaw ko at tumayo na para pumasok sa banyo.

Nakanguso siya habang sinusundan ako ng tingin. Tiningnan ko siya ng mabuti. Magulo ang buhok, hindi naka ayos ang butones at lukot-lukot ang damit. San ba galing ang gagong to? Kanina ayos na ayos pero ngayon akala mo ginahasa ng sampung babae.

"Anyare sa itsura mo?" kunot noo kong tanong.

Tiningna nya sarili nya at nanlilit ang matang tumingin sakin.

"Ikaw kaya ang may gawa sakin nito. Sipa, sampal, patid, tulak, hulog, hablot at sabunot! Hindi ako nakatulog! Leche." pinigilan kong hindi matawa sa sinabi nya. Sa bawat sabi nya kasi ay umaakto siya.

Tiningnan nya ako ng masama ng mapansin niyang nagpipigil ako ng tawa.

"Kahit kailan ang likot mo talagang matulog. Hindi nga ako magalusan sa barilan, bugbog naman ako sa tabi mo sa higaan." inis niyang sabi.

"Eh bakit kasi tumatabi ka sakin?" irap ko sa kanya.

"Gusto ko eh kaya wag kang magreklamo!" pagmumukha talaga ng gagong to sarap inudnod.

"Tss, lumabas ka na nga! Maliligo na ako." sabi ko.

Pero imbis bumaba sa kama at umalis sa kwarto ko, ang gago bumalik sa pag kahiga at gumulong-gulong sa higaan ko.

"Hoy! Huwag mong guluhin yang bedsheet!" saway ko.

"Wala kayong pasok ngayon." sabi niya at hindi pinansin ang sinabi ko.

Sinungaling ginising nga niya ako dahil baka raw ma-late ako. Kung una napaniwala niya ako ngayon di na. Gago yan eh.

"Ayusin mo yang higaan ko." irap ko at pumasok na sa banyo para maligo.

Paglabas ko ng banyo wala na ang gago sa higaan at nakaayos na rin ito.

Inayos ko muna ang buhok ko bago lumabas sa kwarto. Naabutan ko siyang nanonood ng t.v sa sala.

"Di ka nagluto?"tanong ko.

Sinamaan nya ako ng tingin. "Baka nakalimutan mong ako ang Boss dito at hindi katulong." seryoso niyang sabi.

Ngumisi naman ako sa bigla kong naisip. Subukan ko baka effective. Sarap kasi niyang mag-luto.

"Akala ko ba ikaw ang future ko? Pero hindi naman pala. Akala ko di ko na kailangan mag plano kasi nasa harap na kita pero----" naputol ang pag-aarte ko ng bigla siyang tumayo ng padabog.

"Fuck, you look so cute. Maghintay ka! Ipagluluto kita! Tangina yan." pilit nyang tinotonong naiinis pero alam kong nakangiti ang gago. O kinikilig?

Nice one. Mabilis siyang pumunta sa kusina kaya sumunod ako.

"E baka malate ako? Tapos parang napipilitan ka lang eh! 'Wag nalang." halong pagtatampo sa boses ko kuno. Nakatalikod siya kaya di niya makita ang pag-ngisi ko sa kanya.

Busy siya sa paghahanda ng pagkain ko. Hindi ko alam kung anong ipapakain niya saakin.

"Mabilis lang 'to." parang natatarantang niyang sabi. Napamura pa siya ng diko malaman ang dahilan baka napaso.

Tumawa ako na walang boses diko kasi mapigilan. Para siyang kinakawawa sa itsura niya.

After ng ilang minuto ay nilapag na niya ang pagkain ko sa lamesa.

Umayos ako ng upo kunwari seryoso. Sinimulan ko ng lagyan ang plato ko ng pagkain at nag-simulang sumubo.

"Di ka ba kakain?"tanong ko ng mapansing nakatitig lang siya saakin.

"Subuan mo ako, future ko."nakangisi nyang sabi na nagpa-irap sakin. Kinareer.

"Kumuha ka ng plato mo dun. Wag mo akong future futurin." utos ko pero ang dinukdok ang mukha sa lamesa.

"Subuan mo nalang kasi ako." sabi niya.

"Ayoko nga. Wala ka bang kamay?" bahala siya diyan basta ako kakain ako.

"Ako ang Boss dito pero bakit ikaw ang masusunod." madrama niyang sabi.

"Aba ewan ko sayo bakit ka rin sumusunod." pero natutuwa ako pag-sinusunod niya ang gusto ko. Nagmumukha tuloy akong Boss ng Boss ko.

May sinabi siya pero diko narinig. Dahil sa kakulitan niya napilitan akong subuan ang gago. Ang daming alam sa future eh.

Baka galing ang gagong to sa future pero tinapon dito dahil gago.

Ginamot ko muna ako napaso niyang kamay bago kami lumabas ng sabay sa unit ko.

"Ihahatid kita sa school mo. Ako nalang din ang susundo kay Yanna." sabi niya habang pababa na kami sa condo.

Tiningnan ko siya sa repleksyon niya sa salamin ng pinto ng elevator.

"Wala ka bang gagawin ngayon? Baka makaabala kami sa lakad mo." sabi ko.

Oh diba ang bait niya.

Mabilis siyang umiling. "Wala akong gagawin ngayon. At hindi kayo abala sakin. At tsaka gusto ko ring samahan si Yanna sa condo." ngumiti siya.

"Ikaw bahala. Pero salamat." kibit balikat kong sabi.

"Walang anuman. Future tayo eh." natatawa nyang sabi.

"Gago. Wag mong careerin ang future thingy na yan." irap ko.

Tumunog ang elevator hudyat na nasa parking lot na kami sa condo. Nauna akong lumabas nakasunod si gago. At alam kong nakangisi siya ngayon.

"Pamilya kaya tayo." sabay akbay saakin kaya siniko ko.

Nakakarami na ang gago to ah. Masyado ng tsanting.

"Loving can hurt." sabi niya at napahawak sa gilid niya kung saan ko siniko. Pinatunog niya ang kanyang kotse.

"Anong pamilya tayo? Nahihibang kana yata Boss." naiiling kong sabi at pumasok sa passenger seat ng kotse niya.

"Pamilya kaya tayo. Ako ang tatay tapos ikaw ang nanay at si Yanna ang anak natin." natutuwang sabi niya pagkapasok sa driver's seat.

Grabe. Saan niya nakuha ang ideyang 'yang? Baka nauntog na naman ulo niya kanina.

"Ibang klaseng imahinasyon yata yan Boss." napailing ako. Ngumisi naman siya.

"Ibang klase talaga lalo na't ikaw yun." magiliw niyang sabi at pinaandar ang kotse.

"Grabe. Inuntog mo na naman ba yang ulo mo? Grabe na ang damage eh. Nilubayan ka na yata ng katinuan." iling kong sabi at sumandal sa passenger seat at tumingin sa labas ng bintana.

"Oo, pero hindi sa pader kundi sa'yo." banat niya.

Napangiwi ako. "Tangina. Hindi ka ba kinikilabutan sa mga pinagsasabi mo?" naiinis na ako sa gagong 'to.

"Bakit naman ako kinikilabutan? Kinikilig nga ako eh. Ikaw? Kinikilig ka ba?" what the fuck with my Boss today?

Anong nakain nito? Resulta ba 'to sa pagkabitin niya kagabi?

"Oh shut the fuck up, Boss. Nasusuka ako sa pinagsasabi mo. Baka hindi ako makapagtimpi, ihuhulog kita sa sarili mong kotse." pagbabanta ko.

"No need. Nahulog na ako eh." napalingon ako sa kanya.

"Saan?" kunot noo kong tanong.

"Sayo." at tumawa ang gago.

"Fucker!" at binigyan siya ng malakas na suntok sa braso.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C3
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ