ดาวน์โหลดแอป
65.62% Behind the Devil's Mask / Chapter 21: The Deal

บท 21: The Deal

(Third Person's POV)

Nakarating kay Misty ang balitang dumating ang babaeng mapapangasawa ni Gabriel. Bigla siyang nakaramdam ng pagkamuhi sa babae. Bukod sa kadahilanang siya ang mapapangasawa ni Gabriel, siya rin ang unang taong nakapasok sa kanilang lugar at hindi lang kung saan-saan na lugar kung hindi sa mismong kastilyo pa na pagmamay-ari ni Gabriel. Nagmamadaling tinahak niya ang daan papunta sa kastilyo para makita ang babae at makausap si Gabriel. Wala si Gabriel at hindi siya pinayagan ni Frost na makita ang babae dahil nagpapahinga daw ito.

Nabalitaan din niya ang nangyari kanina dahil sa pag-uusap ng tatlong katulong ni Gabriel. Naiinis na nilisan niya ang kastilyo.

"Unang araw pa lang ng babaeng yon at nagdala na ito ng kaguluhan...Tsk ano pa ang kaya niyang gawin?!"

Nakalabas na si Misty ng matanaw niya si Gabriel na mukhang malalim ang iniisip. Lumapit siya dito at nakita niyang nakangiti ito. Nagtatakang pinagmasdan niya ang lalaki. Matagal-tagal na rin mula nang huli niya itong nakitang nakangiti. Ang huli ay noong magkasama pa sila ng kambal niyang nagtaksil din sa kanya. Magkasangga ang dalawang lalaki sa pagpapanatili ng kapayaapan sa kanilang lugar pero ang isa ay labis na nasilaw sa kapangyarihan kung kaya't nakipagkasundo ito sa demonyo. Ipinagpalit ni Constantine ang kanyang puso't kaluluwa sa walang hanggang buhay o imortalidad. Mula noon, magkasalungat na ang pananaw nila sa kung ano ang tama at mali para sa nakararami. Napilitang umalis si Constantine sa lugar dahil nakagawa ito ng malaking kasalanan. Pumatay ito ng kauri nila na naging dahilan upang tuluyang masira ang relasyon ng magkapatid. Pinagtangkaan din nito ang buhay ni Gabriel ngunit hindi ito nagtagumpay dahil na rin sa husay ng kapatid nito sa pakikipaglaban.

Nagkasagupaan ang magkapatid at nagkasundong ang matatalo ay aalis at hindi na pwedeng bumalik kailan pa man. Natalo si Constantine at umalis nga ito tulad ng napakasunduan nila pero nangako ito sa sarili na gaganti sa kapatid dahil sa kahihiyan na tinamo.

"Gabriel?Saan ang punta mo?"bungad ng babae sa nakatalikod na si Gabriel. Napalingon ang lalaki sa pinanggalingan ng boses.

"What brings you here?"malamig na boses ni Gabriel ang sumagot sa babae. Hindi pinansin ng babae ang malamig na trato sa kanya ng lalaki. Noon pa man ay may gusto na siya rito.

Matagal na niyang kilala ang lalaki dahil simula nang magkamalay siya ay lagi na niya itong nakikita kasama ang namayapa na nitong ama sa paglilibot at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang lugar. Martir na siya kung tawagin pero kahit anong pagtutulak ni Gabriel sa kanya palayo ay hindi na niya pinapansin dahil sa pagkagusto niya rito. Magandang kaanyuan at kapangyarihan ang nasa lalaki na pareho niyang hinahanap sa isang lalaki. Naniniwala siya na magbabago pa rin ang lalaki at darating ang isang araw kung saan babagsak ito sa kanyang mga kamay.

"Nabalitaan kong may dinala kang tao dito, babae...sink siya? You're putting everyone's life in danger"kuyom ang mga kamay na naghintay ng sagot si Misty pero imbes na sumagot ay naglakad ang lalaki patungo sa hardin. Agad namang sumunod si Misty kay Gabriel.

"What's gotten in your mind, Gabriel?"

"The sun has rise...it is a beautiful morning, isn't it?"sagot ng lalaki na nakaharap sa sinag ng araw. Nahigit ni Misty ang hininga dahil sa lalaking kaharap na perpektong nilikha ng kanilang bathala. Tumikhim muna ang babae bago nagsalita ulit.

"Bakit siya Gabriel? we can be a power couple if you only choose me...Bakit sa isang hamak na tao pa?"

"Don't act like you know something about love and family, you can fool anyone but not me"malamig na sagot ni Gabriel sa kanya. Naikuyom ni Misty ang mga kamay at marahas na nilapitan si Gabriel.

"Well, you're right. There's no chance for me to fool you...but what about your human bride?"nakangiting sabi niya kay Gabriel.

"Not her Misty...I nearly killed you last time---

"But you didn't"putol ni Misty sa iba pang sasabihin ni Gabriel.

"Don't make me do it. I won't hesitate"

Tinitigan ni Misty ang mata ng kaharap. Seryoso ito at base sa pagkakakilala niya kay Gabriel, hindi ito magdadalawang-isip kapag nasagad na ang kanyang pasensiya. Pasensyoso si Gabriel pero nag-iiba ito kapag nagagalit. Nakaramdam ng takot si Misty at nag-iwas ng tingin sa kausap.

"Ohhh Gabriel...You don't have to worry that much, I only want you. If she won't get in my way which of course she would, then I have no choice"naglakad palayo ang babae at nginitian ng nakakaloko si Gabriel.

"I'll get rid of her"

Mabilis na sinunggaban ni Gabriel ang babae pero bago pa man niya ito tuluyang mahawakan ay mabilis itong nakatakbo at nawala sa kanyang harapan.

Sa kabilang banda, nagising na si Cassandra. Agad niyang nasapo ang sumasakit na ulo. Iginala niya ang tingin sa buong silid, may kasama ito pero hindi niya maaninag ang mukha. Papungas-pungas siya ng mata at tumambad sa kanyang harapan si Berry. Napatingin siya sa sarili at nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa kasama.

"Mabuti't gising na ang Binibini, kumusta ang inyong pakiramdam?"lumapit si Berry kay Cassandra at nag-abot ng isang basong tubig. Malugod naman niya itong tinanggap at uminom ng konti.

"Salamat"nakangiting sabi ni Cassandra. Tumango si Berry at kinuha ang baso at inilagay sa mesa.

"Sino ang...nagbihis sa akin?"nahihiyang tanong ni Cassandra.

"Ako ho ang nagbihis sa inyo. Umalis saglit si Master at mukhang babalik din bago magtanghali"pagpapaliwanag ni Berry.

Lihim na nagpasalamat si Cassandra. Naalala niya bigla ang nangyari sa kanila ni Alexander kanina. Nakaramdam siya ng pag-iinit ng mukha. Pinagpapawisan ang kanyang noo. Gusto niyang kainin na siya ng lupa mula sa kinalalagyan niya ngayon.

How can I face him? No, I can't face him!!! Not after all this mess!!!

"Binibini okay lang kayo? Ang pula ng mukha niyo, mainit po ba?"tanong ni Berry kay Cassandra na ngayon ay pulang-pula ang mukha. Kumuha ng malaking pamaypay ang katulong at mabilis na ipinagpaypay si Cassandra.

"O-okay lang ako Berry. Salamat sa pag-asikaso sa akin. Napakabuti mo"inabot ni Cassandra ang kamay ng kasama. Nagulat si Berry sa gesture na iyon ni Cassandra.

"Walang anuman Binibini. Utos ni Master na pagsilbihan ko kayo ng mabuti at ginawa ko lang ang aking trabaho"nakangiting sagot ni Berry.

"Ah! May naalala lang ako bigla, may kukunin lang ako saglit sa aking kwarto"paalam ni Cassandra kay Berry. Umalis siya sa kama at lumabas ng kwarto. Nanatiling nakasunod sa kanya ang babaeng katulong. Hindi pa man niya nararating ang kanyang kwarto ay nakarinig na siya ng ingay mula sa loob nito. Nagmamadaling pumasok siya sa kwarto at nadatnang may hawak na pamalo sina Sunny at Lily. May pinaghahampas ang mga ito sa sahig.

"Anong nangyayari dito?"mabilis na lumapit si Cassandra sa dalawang babae. Halos mapaluha siya nang makitang pinaghahampas nila ang cellphone niya. Wasak na ang screen nito at mukhang hindi na pwedeng gamitin dahil iniluwa na nito ang sariling bituka.

"Oh God!!!Anong ginawa niyo?"nasapo niya ang mukha at isa-isang pinulot sa sahig ang nakakalat na mga parte ng cellphone niya.

"Binibini lumayo kayo sa bagay na iyan"nagpapanic na saway sa kanya ni Sunny. Napalingon si Cassandra sa dalawang katulong.

"Mapanganib iyan Binibini!!! Kanina lang ay nagsalita iyan ng hindi namin alam kung anong klaseng linggwahe. Sinusumpa kami ng bagay na iyan!!!"dagdag naman ni Lily. Tumango si Sunny bilang pagsang-ayon. Mas hinigpitan ng dalawa ang pagkakahawak sa mga dalang pamalo. Napabuntong hininga na hinarap ni Cassandra ang dalawang babae. Naisip niya na baka ay ang ringtone ng cellphone ang tinutukoy ng mga ito. Ang paborito niyang "Banana song" ng minions ang kanyang ringtone.

"Hindi ito mapanganib, cellphone lang ito"pagpapaliwanag niya sa dalawa.

"Se-selpon? Anong klaseng mahika iyan, Binibini? Iyan ba ang mahikang ginagamit sa mundo niyo?"naguguluhang tanong ni Lily.

"Parang ganon na nga, eto ang ginagamit kapag gusto naming makausap ang mga mahal namin kahit na sa malayo pa silang lugar."

Naglakad si Cassandra patungo sa mesa at isa-isang inilatag ang mga sirang parte ng kanyang cellphone. Sumunod sina Sunny at Lily at mataman na pinagmasdan ang ginagawa niya.

(Anna's POV)

Gusto kong matawa at mainis sa kanila. Hindi ko pa natatawagan si Mama upang ipaalam dito na okay lang ako. Lumapit sina Sunny at Lily sa aking likod at mataman na pinagmasdan ang wasak kong cellphone.

"Bi-binibini...iyan ba-bang seplon na sinasabi mo, talaga bang hindi iyan mapanganib?"utal-utal na sabi ni Berry. Muntik ko ng makalimutan na kasama ko pala siya pagpasok dito. Mukha rin itong takot. Naiiling na hinarap ko sila at binigyan ng malapad na ngiti.

"Cellphone ang tawag dito Berry...Kung mapanganib ito edi sana ay kanina pa ako kinagat nito o di kaya naman ay sumabog na ito at bakit naman ako magsisinungaling sa inyo?"

Nagkatinginan ang tatlo at isa-isang nagsitango. Ibinaba ni Sunny ang kanyang pamalo at sumunod na rin si Lily. Kumalma ang mga ito at nagsorry.

"Pasensiya na kayo Binibini, di namin sinasadyang sirain ang kagamitan niyo"nakayukong sabi ni Lily.

"Tama po si Lily...pasensiya na po. Alam ko pong naging padalos dalos kami sa aming ginawa. Pakiusap wag niyo pong sasabihin kay Master"ani Sunny. Mukha silang takot kay Alexander.

"Hindi mo na ba matatawagan ang mga mahal mo, Binibini?"Berry

"Hindi na pero di bale na bibili na lang ako ng bago...wag kayong mag-alala, wala akong sasabihin sa Master niyo"

Nagtaas ng tingin sina Sunny at Lily at masayang yumuko ng paulit-ulit sa akin. Natatawang tumayo ako at binigyan sila ng fist bump.

"Fist bump"sabi ko kay Sunny. Napakamot ito sa kanyang ulo at tiningnan ang mga kasama na sabay na umiling sa kanya. Yumuko siya at idinikit ang ulo sa aking kamao. Naiiling na kinuha ko ang kanyang kamay at idinikit sa akin.

"Ayan, fist bump!!"masaya kong sabi. Natuwa rin si Sunny. Excited na lumapit sina Lily at Berry at ginaya ang ginawa namin ni Sunny kanina.

"Fist bumpppp"ani Lily

"Maraming salamat. Ang bait niyo sa amin"nahihiyang sabi ni Lily. Nagblush ito at nahihiyang yumuko ulit.

"Walang anuman"sagot ko sa kanila ng biglang tumunog ang aking tiyan at sabay-sabay silang napatingin sa akin.

"Gutom na ang Binibini"ani Sunny.

"Hehe parang ganon na nga"

"Tara sa baba at may inihanda kaming masarap na pagkain para sayo Binibini"Berry

Nasa harapan ko ngayon ang iba't ibang klase ng putahe, lalo tuloy akong nakaramdam ng pagkagutom. Hindi pa ako nakakapagsimula nang biglang dumating si Alexander. Umupo ito sa pinakadulo na kaharap ng kinauupuan ko ngayon. Bale pang 12 seats ang mesa.

"Master--

Di pa natatapos ni Berry ang iba pa niyang sasabihin ay sumenyas na si Alexander. Tumahimik si Berry at nagsialisan silang tatlo.

Kinakabahan ako. Hindi ko kayang tingnan si Alexander dahil sa nangyari kanina. Ano kayang iniisip niya?

Mayamaya ay nagsimula na itong kumain. Lihim akong nagpasalamat nang hindi niya ako pinapansin. Mukhang nakalimutan na niya ang nangyari kanina. Kumain na rin ako.

Ang sarap ng pagkain...Kanina pa ako nagugutom...Oh my! mukhang masarap din yon...Ano kaya to?

Tinikman ko ang isang putahe na mukhang karne ng baka. Napapikit na lang ako sa sobrang sarap.

"Hmmm..."pikit mata kong ninanamnam ang pagkaing nasa bibig ko.

This is soooo good!

Sinulyapan ko si Alexander na nakatingin sa akin ngayon at muntik na akong mabulunan. Mabuti't mabilis kong naabot ang tubig at uminom.

Don't tell me...Please wag sana...Is he going to confront me now?

Nabigla ako nang bigla ito tumayo at tumingin sa akin. Eto na ba ang tinatawag nilang "Moment of Truth"?Hope not.

"Pagkatapos mong kumain, pumunta ka sa silid-aklatan"seryoso nitong pagkakasabi. Ayyy!!! Mali. Utos ata ang dating niyon sa akin.

Anyare kaya sa kanya? Bakit ang suplado ni Manong? Did something happen? or was it because of what happened kanina?

"Hindi ko alam kung saan ang sinasabi mong silid-aklatan"ako

"Si Frost na ang bahala sa iyo"

"Bakit kasi--

"I'm going to wait for you"tumalikod na ito at umalis.

"Aba't, anong problema niya? Hindi man lang niya ako pinatapos sa pagsasalita"naiinis na ibinalik ko ang atensiyon sa pagkaing nasa harapan ko.

"Kung hindi lang ako gutom"isinubo ko ang isang piraso ng karne sa aking bibig.

Pagkatapos kong kumain ay dumating si Frost at pinangunahan niya ang paglakad papunta sa silid-aklatan ni Alexander.

"Kumusta ang pakiramdam ng Binibini?"nakangiting tanong ni Frost sa akin.

"Maayos na, salamat"

"Mabuti naman kung ganon Binibini, alam niyo po bang labis na nag-alala si Master sa inyo?"

"Weh talaga?"hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tumango ito at huminto sa harapan ng napakalaking pintuan.

"Nandito na po tayo"

"Ang laki naman nito"hindi makapaniwalang wika ko.

"Mahilig magbasa ang Master kung kaya't napakalaki ng kanyang silid-aklatan"nangingiting hinaplos ni Frost ang pintuan ng silid-aklatan.

"Okay"

"Sige po, maiwan ko na kayo"

"Te-teka..."

Natigilan si Frost sa paghakbang at tinitigan ako ng nagtatanong niyang mga mata.

"Hindi ka ba sasama sa loob?"nagpuppy eyes ako sa kanya.

Please sumama ka...

"Pasensiya na Binibini pero hindi ako pwedeng pumasok, hanggang dito na lamang po kita pwedeng ihatid"

Bagsak ang mga balikat na tumango ako sa kanya.

"May problema po ba?"tanong niya nang siguro ay napansin niyang saglit akong natigilan.

"Wa-wala naman, sige maraming salamat"pagkakaila ko.

Nakaalis na si Frost ay nasa labas pa rin ako at nagdadalawang-isip kung papasok ba o aalis na lang.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

"Gora---hindi ko ata kaya"napaatras ako pabalik sa kinatatayuan ko kanina.

"I just can't...

Tumalikod na ako nang biglang nagbukas ang pinto. Dahan-dahan akong napalingon at sunod-sunod na napalunok, parang nasa horror film lang.

"Oooookay, papasok na"

Tumambad sa akin ang mahabang pasilyo.

"Ang creepy naman nito, ginogood time mo ba ako Alexander?No way... I'm not scared---

Blabagg!!!

"Ayyy!!!Diyos ko po!!!"napasigaw ako sa gulat nang bigla na lang nagsara ang pinto sa aking likuran.

Nakakainis!!!Ginogood time talaga ako ni Alexander!!!Makakaisa rin ako sayo. Just wait.

Tinahak ko ang daan papasok hanggang sa marating ko ang naglalakihang book shelves.

I remembered the movie 'Beauty and the Beast' sa lugar na ito.

"Wowww...This is so amazing"manghang inilibot ko ang tingin. Maraming libro ang nakadisplay at may isang table na nasa dulo. Nakaupo si Alexander at mukhang may pinagkakaabalahan. Lumapit ako sa kanyang mesa at nakita kong abala nga ito sa pagbabasa. Nag-angat ito ng tingin at sumenyas na maupo ako sa silyang kaharap lang din ng kanyang mesa.

"Bakit mo ako pinapunta dito?"sinilip ko ang librong kanyang binabasa pero mabilis nitong naitiklop at itinago sa kanyang drawer. May iniabot itong papel na kulay puti sa akin. Nag-aatubiling tinanggap ko ito at tiningnan siya with my "confused" look.

"What is this?"tanong ko sa kanya.

"Paper?"pilosopo nitong sagot. I rolled my eyes at him.

"Of course I know it's a paper but what I meant was, what is this for?"

"It's a contract...We're going to have a deal Wife"sagot niya na labis kong ikinabigla.

"Deal?about what?"naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Please have time to read that contract in your hands"sumandal ito sa kanyang upuan at hinintay na basahin ko ang kontratang sinasabi niya.

Huminga ako ng malalim at sa huli ay sinimulan ko na ring basahin ang laman ng papel.

Three months...

Marry me...

Freedom...

"What?!!"ang tangi kong nasabi pagkatapos basahin ang nakasulat sa papel.

He must be kidding me!!!


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C21
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ