"You are my life."
"Are you really okay, love?" Alalang tanong ni Sean saakin ng inihatid na niya ako sa bahay.
"Ok, lang ako. Siguro pagod lang toh." Sagot ko.
Sean kissed me, I kissed back. Pero hindi gaya ng kay Deneb. Hindi ko nararamdaman ang nararamdaman ko kay Deneb ng hinalikan niya ko kanina. What's wrong with me?
***
Heather Sancia's POV
Sigurado naba ako? Sasabihin ko na ba kay Sean ang totoo? Pero paano kung hiwalayan niya ko? Ah bahala na si Batman.
"Yes, miss. What can I help you?" Nandito kasi ako para aminin na kay Sean ang totoo. Habang maaga pa.
"Nandiyan ba si Sean?"
"What's your name, ma'am? Tanong nito.
"Heather Sancia Falguera." Sagot ko. May kinalikot naman siyang kung ano.
"Sorry maam, pero wala po kayo sa schedule niya. Magpasched nalang kayo ma'am" Casual nitong sabi.
"Ah, ganun ba. Ms. Pakisabi nalang na si Heather yung gusto siyang makita." Pilit ko.
"Ma'am sorry talaga, pero hindi pwede. You have to set your appointment with Mr. Cubian." Naiinis na nitong sagot.
"It's important, miss." Pilit ko pa. May pinindot siyang kung-ano
"Guard, please guide Ms. Falguera. Palabas." Utos nito ng dumating ang isang guard.
"What? I'm his fiancee. Ms. Gusto ko lang namang makausap siya."
"Anong nangyayari dito." A baritone voice, of Sean.
"Eh kasi sir, masyadong mapilit tong babae. Hindi naman siya nag pa set ng appointment." Sumbong ng babae.
"It's ok, Ms. Magno. She's my fiancee." Napahiyang napatango nalang ang babae.
•••
"Heather, dapat tinext mo nalang ako O kaya tumawag ka na pupunta ka." Sabi ni Sean.
"I'm sorry." Sagot ko.
"Ano pa lang pinunta mo dito, Heather?" Nagsimula na akong kabahan.
"Sean, may gusto akong sabihin saiyo kasi." Seryoso ko ng sabi.
"What is it?" Tanong nito.
"Sean..." Nahinto ako sa pagsasalita dahil sa tunog ng ringtone ni Sean.
"Wait here, Love. I'll answer this." Sabay lakad palabas.
Sign na ba to? Sign na, hindi pa ngayon ang tamang panahon para aminin kay Sean ang totoo.
"I'm sorry for that. So, Love anong gusto mong sabihin."
"Ah... Gusto kong sabihin na... Graduation na ni Clint ngayong Saturday. I hope you'll come." Palusot ko nalang. Clint is my brother at totoong gagraduate na siya sa high school ngayong Saturday.
"Of course, pupunta ako." Ngiti pa niya.
Malalaman mo rin Sean, pero hindi pa ngayon. Hindi pa.
***
"Good morning ma'am, Heather." Bati saakin ng Isa sa mga workers ko, si Celine.
"Good morning din, Celine."
Nandito ako ngayon sa Erelah. I owned this restaurant, for two years now. Pagkatapos kong makagraduate ng kursong Bussiness Ad. Ay nagtrabaho muna ako bilang isang Secretary sa Cubian Group of Companies, and Sean is the acting CEO that time. After almost one year ko sa CGC ay napagdesisyonan kong magpatayo ng sariling negosyo, gamit ang savings ko. At ito na yon ang Erelah.
"Ma'am Heather, ako na po diyan." Awat saakin ni Kaye. Nang makitang inaayos ko ang isa sa mga pinagkainan ng costumer.
"No, Kaye. Okay lang. Wala rin naman akong magawa eh. Kaya tutulong nalang ako. Tango nalang ang isinagot niya.
Nakita ko namang may lalaking nakaupo patalikod sa akin mga dalawang lamesa ang pagitan namin. Nang makita kong busy sa pagseserve ang mga waiter ay ako na ang lumapit.
"Can I take your order, sir." Sabay abot ng menu. Nang nagtaas ito ng ulo ay nakita ko ang ngiting-ngiting mukha ni Deneb. I frowned.
"Hi, wife."
"What are you doing here?" Nakasimangot kong tanong.
"Obviously, Wife. Kakain ako, diba restaurant toh." Sarkastikong sagot naman nito.
"Then, What's your order, sir." I fake a smile.
"Cut the formalities, wife." Iniabante niya ang isa sa mga upuan.
"Here, sit. Join me, wife." I rolled my eyes.
"Abigail." Tawag ko sa isa sa mga waitress.
"Yes, ma'am?" Lapit nito.
"Join, Mr. Cubian. Kailangan niya ng kasamang kumain." Sagot ko. Nakita ko namang nawala ang ngiti sa mukha ni Deneb.
"Ma-ma'am?" Nag-aalinlangan ito.
"Just sit, here." Turo ko sa upuan. Umupo naman ito. Lumapit naman ako kay Kaye.
"Kaye, can you take the order on that table." Sabi ko kay Kaye. agad naman itong lumapit sa inuupuan ni Deneb. Naglakad na ako papasok sa kitchen. Tutulong nalang ako sa pagluluto.
"Chef. Patricia anong maitutulong ko?"
"Just slice the onion, ma'am." Pormal na sabi nito.
Binabad ko muna, para hindi nakakaiyak hiwain.
"Ma'am Heather. Sabi po nung lalaki tawagin ka daw po. Tawagin ko daw po asawa niya. Totoo po ba?" Napalingon ako kay Kaye dahil sa sinabi niya.
"Of co-course n-not." Tanggi ko. Shit! Yung mokong Kung ano-ano sinasabi eh!
Nakita ko ang paglapad ng ngiti niya ng makita ako. Wala na doon si Abigail.
"What's your problem, Deneb?" Napipuyos na ako sa inis.
"I just want to be with my wife. What's wrong with that?" Painosente nitong sagot. Grr!!
"Shut up!"
"Shut up!" Mahina kong singhal. Ayoko naman na makakuha ng atensiyon mula sa ibang costumer.
"You're a cutie, wife whenever you get pissed." He pinched my cheeks. Argh!
"Deneb! Stop it, ih. Ano ba talagang kailangan mo ha?" Sabay waksi ng kamay niyang namimisil ng pisngi ko.
"You, ikaw, Heather." Seryoso nitong sagot. Napairap naman ako.
"If that so, then I'm sorry not so sorry to disappoint you, Deneb. But you can't have me."
"You're my wife, so I owned you, Heather." He said As-A -Matter-of-fact. Tss.
"Sa papel, baka naman nakakalimutan mo, Mister na aksidente lang ang pagpapakasal natin."
"Pero, kahit na. Asawa parin Kita." Pamimilit niya pa.
"Then, let's file annulment then." Sagot ko.
"As if, I will cooperate." Ngisi nito. Ihh, nang-iinis talaga ang mokong.
"Bahala ka sa buhay mo." Sabay talikod. At lakad papuntang kitchen
"But you are my life." Sigaw nito. Nakarinig naman ako ng mga singhapan at parang kinilig pa ang iba.
"Whatever." Nahihiyang sabi ko. Kailan ba ko mananalosa kaniya?!
Napakamalas na araw.