ดาวน์โหลดแอป
63.15% The Island Between Us / Chapter 12: Chapter 12

บท 12: Chapter 12

Simula nung dumating si Kring na may dalang bulaklak ramdam kong wala sa mood si Cristoff at hindi nya rin ako masyadong pinapansin,nakaupo lang ito sa couch hawak ang kanyang phone.Si Kring naman nag order ng makakain namin kasi konti pa lang ang stock ng pagkain dito sa condo ko.

Umupo ako sa kaharap nyang couch at hindi pa rin nya ako pinapansin.

"Bakit ka pala bumalik? Wala na naman kayong byahe?"tanong ko dito.Pero hindi pa rin ako pinapansin ng unggoy na 'to.

Bahala ka! Kung ayaw mo akong pansinin edi wag!

Tumayo ako at pumunta sa mesa kung saan nakalagay mga notebooks ko.Sa notebooks ko kasi sinusulat ang mga story na gusto kong isulat para pag wala akong magawa minsan may mababasa ako.

May bago kasi akong sinusulat sa ngayon pero hindi ko pa alam kong ano ang ilalagay kong title kasi first page pa lang naman ito.

"May manliligaw ka pala?" masungit na tanong nya na ikinagulat ko.Bumaling naman ako sa kanya at sinamaan nya ako ng tingin.

"Ha?! Manliligaw?"parang nagulat naman ako sa tanong nito,ako nga hindi ko alam na may manliligaw pala ako.

Iniripan ako nito at tumingin kay Kring na papalapit sa 'min.May dala itong pizza na inorder nya.

"Babae nagbigay nun"sabi ni Kring sa kanya.Inilagay nito ang pizza sa sahig at kumuha ng juice sa ref.Nang makabalik ito niyaya nya na kami ni Cristoff na kumain.

Sa sahig kami kumain at kahit gusto kong magpaka patay gutom kaso nga lang hindi ko magawa kasi alam kong may mga matang nakatitig sa akin.

"Taga saan ka pala Cris?" tanong ni Kring sa kanya.Uminom muna ito ng juice bago nagsalita.

"Taga Mindoro talaga ako,dito kasi ako na assign"sagot naman nito.

"Talaga? Balita ko maganda daw mga resort nyo dun"nakangiting sabi ni Kring.Kumuha ulit ito ng slice ng pizza.

"Bakit "yun"? Eh hindi naman sa kanila yun"Nakisawsaw na rin ako.OP na ang lola nyo eh🤭

"I mean dun sa lugar nila bes"sagot naman ni Kring.

~~~

Nang matapos kaming kumain naglinis na si Cristoff ng salas kasi dun sya matutulog.Si Kring naman nagshower na at ako nagsulat muna ng konti sa bago kong story.

Nagwawalis si Cristoff ng sahig nang mapunta sya sa pwesto ko,pati paa ko may balak pa yatang walisin.Pero hindi ko ito pinapansin at patuloy pa rin ito sa pagwawalis ng paa ko.

"May problema ka yata sa paa ko?"tanong ko dito.

Tumayo naman ito ng maayos at nagkatinginan kami.

"Naiinis lang ako"Inis na sabi nya tsaka inihagis ang walis.

"Sa paa ko?"

"Hindi! Sa nagbigay sayo ng bulaklak"

Ayun naman pala.Selos pala ang dahilan.

Umalis ito sa harap ko at inayos ang kanyang foam na ilalatag sa sahig.Nakatingin lang ako sa ginagawa nya.

Sa gilid kasi ng salas ang writing space ko,ayoko naman na ilagay ito sa kwarto kasi maliit lang naman tong condo at tsaka ayokong nagkukulong sa kwarto.May dalawa din itong banyo,sa kwarto ko at sa gilid ng kusina.

Matapos itong mag ayos ng kanyang matutulugan nag iisip ito ng kanyang sasabihin sa 'kin.Patingin tingin kasi sya sa 'kin.

Lumapit naman ako sa kanya at nag crossed arm.Alam ko ang gusto nya,gusto nyang mag shower kaso lang wala syang extrang damit🤭

Dumiretso na ako sa kwarto para maghanap ng panglalaking shirt at hindi nga ako nahirapan kasi may mga damit akong malalaki.Mas prefer ko kasi minsan ang mga baggy tshirt pag nasa bahay lang.

Binalikan ko ito sa salas dahil alam kong naghihintay ito.Iniabot ko sa kanya ang t-shirt na napili ko at sinukat nga nya sa kanya.At yun,nagkasya nga.

"Tuwalya na lang muna gamitin mo sa pang ibaba"pagbibiro ko dito.Pero hindi nya pinansin ang sinabi ko.

May pangiti ngiti pa ito ng dumaan sya sa gilid ko papuntang banyo.

Alam kong ilang sandali pa at tatawagin mo din ang pangalan ko.Sabi ko sa sarili ko at umupo na nga muna ako sa couch.Hihintayin natin ang sigaw nya🤭

"Vanellopeeeeee!" sigaw nanga nito.See? hahaha

Lumapit nanga ako sa banyo na malapit sa kusina at inilapit ko ang tenga ko sa pinto ng banyo.

Inaasar ko muna ito na sa banyo na lang sya matulog kasi wala akong extrang tuwalya.Alam kong naasar na ito kaya iniwan ko na muna sya dun at dumiretso na ako sa kwarto.

Pagpasok ko nandun na si Kring naka harap sa salamin.Skincare is life.Dumiretso naman ako sa cabinet at hinanap ko ang tuwalya na kulay pink.Pink kasi favorite color ko🤭

"Eh kung dito mo na lang kaya patulugin si Cristoff,magpapakwento tayo sa kanya"sabi bigla ni Kring.Kumunot naman noo ko sa sinabi nya.

Bumaling ako sa kanya.

"Magpapakwento saan?"tanong ko naman dito.Nakaharap pa rin sya sa salamin at may kung anong inilalagay sa mukha nya.

"Kwento tungkol sa buhay nya,chance mo na rin para mas makilala mo pa sya"

Nag isip mo na ako,hmmm...May tama naman si Kring.Chance ko na rin ito para mas makilala ko syang mabuti.Malay nyo holdaper pala sya sa kanila hahaha joke lang.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto dala ang pink na tuwalya.Nasa banyo pa rin ito.

Tumatok ako sa pintuan ng banyo at binuksan nya ng konti at inilabas nya ang kanyang kamay.Iniabot ko sa kamay nya ang tuwalya.

Bumalik na ako sa kwarto kasi ako naman ang magshoshower.Pagpasok ko si Kring nakahiga na sa kama at nagbabasa ito ng siguro wattpad na naman.Adik kasi to sa wattpad.May pangiti ngiti pa ito habang nagbabasa kaya hindi nya ako napansin na pumasok.

(( ©®istoff ))

Ano ba yan! Nakakahiya pa naman magtuwalya sa pang ibaba..Sana hindi na lang ako naghalfbath kaso lang hindi naman ako makakatulog ng maayos pag hindi ako naglinis ng katawan.Haynako.Okay sana kung kulay puti or ibang kulay ang tuwalya kaso kulay pink pa talaga.Edi nagmukha akong bakla sa harap nila.Tskk'..Buti na lang may kasyang damit si Van sa 'kin kundi matutog talaga ako na nakatapis lang.Pero wala akong choice kundi ang sundin ang laman ng utak ko ngayon,ito ay ang magtapis ng tuwalya🙄

Nang makalabas ako ng banyo,dumiretso ako ng salas at walang tao dun.Kaya umupo na lang muna ako sa couch at nagmessage ako kay kenneth na wag nyang kalilimutan na iupdate ako sa pag ayos ng pyesa.Baka maiwan na naman ako,nakakahiya na.

Ilang minuto pa at bumukas ang pinto ng kwarto ni Vanellope,kala ko sya ang lumabas pero si Kring pala.Nakangiti ito ng nakakaloko sa 'kin.

"Hahaha bagay sayo Cris"at tiningnan nya ang suot kong pang ibaba.

Nginitian ko lang ito ng pilit.Pumunta naman ito ng kusina at ilang sandali pa at bumalik na rin ito sa harap ko na may dalang juice at pizza.

"Sa kwarto ka na matulog Cristoff"at umalis ito sa harap ko diretso sa kwarto ni Van.Hindi naman ako nag aksaya ng oras at kinuha ko na ang mga gamit ko pati unan at dumiretso na ako sa kwarto.

(( vanellope ))

Nasa banyo ako ng may narinig akong nagkukwentuhan sa kwarto." May kausap yata si Kring"nasambit ko sa sarili.

Nagmadali akong mag shower at nag bath rob lang ako palabas ng banyo.Nagulat ako ng makita si Cristoff na nakipagkwentuhan kay Kring,nagtatawanan ang dalawa habang kumakain ng pizza.

Bumaling naman sila sa akin na nakatayo sa harap ng pinto ng banyo.Si Cristoff na nasa sahig tiningnan ako mula ulo hanggang paa.Hindi ko pinahalata na naiilang ako sa suot kong rob.

Naglakad ako papalapit sa kanila at umupo sa gilid ng kama.

"Ang cute mo dyan sa suot mo"tukso ko kay Cristoff.Tumawa naman si Kring.

"Kaya nga bes eh,bagay sa kanya ang pink"ani ni Kring.

"Okay lang ba kung dito na lang ako matulog Van?"tanong nya.

"Oo naman, sa sahig na katabi ni Vanellope"si Kring na ang sumagot.

Iniwan ko muna sila at kumuha ako ng damit sa cabinet at pumasok ulit sa banyo.

Paglabas ko si Kring may headset na sa tenga at si Cristoff nakahiga na rin sa sahig.Pumunta na ako sa side ko para makahiga na rin.

Nang maramdaman ako ni Cristoff tiningala ako nito at ngumiti.

"Goodnight"sabi nito.


ความคิดของผู้สร้าง
JMP_beauty JMP_beauty

Sobrang tagal kong mag update kasi sobrang busy ako.As in Busy

PLs.Rate this chapter if you enjoyed it.Thankyou:')

*You may encounter errors*

--JMP

Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C12
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ