(( Cristoff ))
"Congrats kuya!" sigaw ng kapatid kong si Criswyn habang papalapit ito sa akin kasama si mama at papa.
Yeeeheey! Gagraduate na ako sa wakas!!
Kita ko sa mga mata ng magulang ko kung gaano sila ka proud sa akin.
"Congrats anak" ani ni mama na may namumuong luha sa mga mata nya..Si papa naman niyakap ako at niyakap ko rin sya pabalik..
Sobrang saya ko.Ito na yung pinakahihintay ko kasi gusto ko na talagang mag trabaho kaso hindi ako pinayagan ni papa..Dapat daw makagraduate kaming lahat..Makakahanap naman daw kami ng mabuting trabaho pag nakagraduate na kami.Kaya nagsumikap akong mag aral kahit hindi kaya ng utak ko..
Kaso lang kailangan muna mag apprentice ako sa isang shipping lines bago makapag trabaho.Isang taon din yun.Malayo ito sa lugar namin kaya kailangan kong mag adjust kasi sanay ako na nandyan palagi si mama sa tabi ko.
Nasa tapat ako ng isang barko na tinatawag nilang roro.Monteclaro shipping lines ang nagmamay ari ng mga rorong ginagamit saan man sa pilipinas.
"Dito ako titira ng isang taon" sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang barko.
"Ikaw ba yung bago?Tara pasok" yaya sa akin ng isang lalaki na parang isang beses lang kung kumain sa isang linggo kasi naman ang payat nya.Siguro apprentice din sya dito.
Sumunod naman ako sa kanya dala ang isang bag pack na dala ko.Ang plano ko kasi dito na lang mamili ng mga damit para hindi ako mahirapan sa byahe.Kasi meron kaming 15days vacation sa loob ng isang taon.
Pumasok kami sa isang silid na may apat na double decks.May mga nakahiga dun at nagvivideo call siguro sa kanilang pamilya or jowa🤭. Nang mapansin nila kami ng kasama ko na pumasok binati nila kami.
"Ako nga pala si Kenneth"pagpapakilala ng lalaking payat kanina."Sya naman si Gab"nagwave ito sa akin bilang bati."At si Carlo"turo nya dun sa lalaking nasa taas ng double deck na may kausap sa video call.Sumenyas lang ito sa akin na ikinangiti ko.
"Dun tayo sa isang double deck, ako sa taas ikaw naman sa baba"
"Sige salamat, ayusin ko lang mga gamit ko"sabi ko kay kenneth.
"Hintayin kita sa labas, itotour kita dito" sagot nya.
Nang matapos akong mag ayos ng mga damit ko lumabas ako ng silid.Nandun lahat ng aapprentice ng barko.
"Welcome aboard!!" at nagpalak pakan sila..Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko sa sobrang saya ko.Dahil alam kong welcome ako dito. At alam kong malilibang ako dito kahit malayo sa pamilya ko.
At yun,hindi na nga natuloy ang pag tour sa akin ni Kenneth.
Nung gabing yun,nag inuman kami pa welcome party daw kasi may bago na naman silang utusan.Haha galing eh! Tinawagan mo si mama na maayos naman ako dito at welcome na welcome ako dito ng mga kasamahan ko.
Kaya naman may hang over ako hanggang ngayon.At buti na lang din wala kaming byahe isang linggo kasi inaayos ang pyesa ng barko.Good tyming talaga ako 🤭
"Oh kamusta tropa?" tanong ni kenneth nang makababa ito ng higaan nya.
"Medyo may hang over pa rin pero kaya naman"sabi ko habang hinahawakan ang ulo ko.
"Mawawala din yan mamaya,gagala tayo ng mall"
"Sige pwede, mamimili din naman kasi ako ng mg damit.Konti lang kasi dinala ko"
(( Vanellope ))
"Bes gising!" gising sa akin ni kring.
Kahit parang antok pa talaga ako sinubukan kong imulat ang mga mata ko.
"Ano ba,ang aga aga pa kaya"pabusangot kong sabi.
"Nagtext na sayo si Sir boss,magsisimula ka na daw mamaya" nasasabik nyang sabi.
I almost rolled my eyes.
"Fine.Maliligo na ako" sabay tayo ko at pumasok ng banyo..
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin..Kaya ko ba talaga to?Tanong ko sa sarili ko.
Nagbihis ako ng black na polo,jeans at pinares ko sa sneakers.Naglagay ako ng konting make up para naman magmukha tayong tao.
"Kita na lang tayo mamaya bes, Goodluck sa first day"naglilinis ito ng kwarto nya.
Nginitian ko lang sya bago lumabas ng apartment.
At napabuntong hininga ako.
Yes fresh na fresh na naman po ang storya natin kaya pls. rate,vote and comment :) tysm' mwaa :')
_JMP