Nasa mall ako, kailangan ko ng bagong sapatos dahil magbabakasyon ako sa Japan. Alam ko kasi bawal ang fake don kaya bibili ako ng original. Arot lang
May nakita ako ng nakadisplay kaya tinignan ko kung anong size. Size 38 hindi kasya sa akin kaya agad kong tinanong ito sa saleslady kung may size 39.
"May size 39 po kayo?" I asked
"Last size na po yan eh." She said
Hindi na ako nagtanong kaya agad na akong umalis. Nakikita naman ako ng dalawang sapatos na gusto ko din, pero mas gusto ko talaga yung design na nakita ko nung una kaya binalikan ko ulit.
"Miss kunin ko na yung sapatos na isa na yun, yung tinanong ko kanina."
"Ma'am maliit po sa inyo yun baka kasi masakit sa paa pag sinuot nyo po."
"Okay lang yun hindi naman ikaw ang masasaktan ako naman eh."
"Ssssige po."
Iniisip siguro ng saleslady that time na napaka feeling ko. Hindi na nga kasi kasya pinagpipilitan pa.
Naupo ako at sinukat ito. Medyo masikip pero sakto lang sakin hindi na nga lang lalagyan ng medyas, pero okay na to.
"Diba okay lang sakin?" I said. Hindi ako naglahalatang medyo nasasaktan ako.
"Opo sabi nyo po eh."
Then binitbit ko na sa counter lahat ng nabili ko. Hindi ko na nakita ang mga presyo ng binili ko, pero okay lang may pambayad naman ako eh. Bihira lang naman ako magsuot ng mga ganito paki ba nila diba?
Hindi naman masama na ipilit ang gusto kahit na alam mong masasaktan ka saka wag dapat sumuko. Kapag gusto mo ipaglaban mo kahit na alam mong masasaktan ka pero dapat sa bagay lang ha hindi sa tao.