Kinabukasan nga ay maagang nagpunta ang lahat sa bukid. Natawa si Wonhi ng makita ang reaksiyon ni Martina ng masilayan ang bukirin ni mang Liam. Manghang- mangha ito sa lawak at sa dami ng mga alagang hayop at halaman.
"Oh my god! Look at those horses! And oh, you have pigs and turkeys, too. Wow! This is NOT a humble farm, tito!" hindi makapaniwalang sabi ni Martina sa matanda.
"Do you like it?" tanong ni Jei sa wala pa ring humpay sa pangsinghap na dalaga.
"Like it? That's an understatement! I love... love... love it here! It's so peaceful and relaxing," parang batang sagot ni Martina.
Napangiti ng maluwang si Wonhi bago nagsalita, "That's exactly how I felt when I came here for the first time. As soon as I laid my eyes on this hidden gem, I was blown away!"
"I even tried fishing and picking fruits and swimming in the hidden stream nearby," pagyayabang ni Wonhi sa dalaga. Natawa si mang Liam sa sinabi ng binata.
"I wanna try them, too. I bet, it would be so much fun!" masiglang sabi ni Martina.
"Save that for later Martina coz I wanna show you something more special," saad ni Rain sa excited na dalaga.
"What it is?" nakangiting tanong nito habang itinutupi ang manggas ng kanyang long sleeve.
"Let me," sabi ni Rain bago tinulungan ang dalaga sa kanyang manggas. "Are you ready?"
Tumango ito. Tinakpan ni Rain ang mga mata ni Martina gamit ang kanyang mga kamay saka niya ito inalalayang maglakad patungo sa likod-bahay.
Tawang- tawa ang lahat ng walang humpay sa pagtili si Martina ng makitang linelechon nina Bhral at ng kanyang kapatid ang isang baboy.
"Oh my god! This is so cruel!" maluha-luha niyang sabi.
"Relax," natatawang sabi ni Rain habang nakatingin sa dalaga. "Wait until you taste it!"
"You're so mean, Rain! How could you do this to me?" mangiyak- ngiyak na sabi ni Martina sa binata.
Napa- oooooooooooh ang magkapatid at si Wonhi habang nanlaki ang mga mata ni Jei ng di inaasahang yakapin ni Rain ang umiiyak na dalaga. Pati si Rain ay nagbigla sa kanyang ginawa kaya hindi siya agad nakapagsalita ng titigan siya ng nagtatanong na mata ni Martina.
"Bhral, hindi pa ba tapos yan?" biglang tanong ni Rain sa kaibigan ng makabawi ito sa pagkabigla. Napangiti ng pilyo si Bhral sa inasal niya pero tinanguhan lang niya ito.
"I think, your brother is in love!" bulong ni Wonhi kay Jei na napasinghap ng maramdaman ang mainit na hininga ni Wonhi sa kanyang tainga.
"Hmmm... I dunno," tanging nasambit niya.
"How 'bout you?" mahinang bulong ng binata kaya hindi agad nakapagsalita ang dalaga dahil sa pagkabigla. Ang ilang sandaling nagkatinginan ang dalawa ay nagmistulang walang katapusan.
Napabuga ng hangin si Wonhi saka bumaling uli sa dalaga. "Jei, can we talk? Uhm... in private?"
"Oh my god! Aaaaaaaaaa!" nagulat ang lahat sa nakakabinging tili nina Khassandra at Kara. Muntik pang mabitawan ni Khassandra ang hawak na market bag na naglalaman ng sari- saring condiments na gagamitin sa pagluluto habang inaalog siya ni Kara.
"Eh, ano bang nangyari sa yo, ate at kung makatili ka ay wagas?" tanong ni Jei.
"No- no- no! Not what, but who," sagot naman ni Kara.
Kumunot ang noo ni Jei saka nanlaki ang mga matang tumingala kay Wonhi.
"What? Me?" maang na tanong ni Wonhi.
"Oh! I am so happy to see you, sweetheart but we weren't expecting to see another celebrity here," nakalabing sagot ni Khassandra na umabrisiyete pa sa binata bago tumingin sa kinaroroonan nina Rain at Martina.
Sinundan ni Jie ng tingin ang bawat galaw ng kamay ng kikay niyang pinsan--- ang bawat tapik at haplos nito sa katawan ng ngiting- ngiti na binata.
"Puntahan ko muna ang aking lovelife sa likod. Hintayin niyo ako para sabay tayong makipag- usap sa kanya," sabi ni Kara saka kumindat kay Khassandra. "Go girl!"
Nanlaki ang mga mata ni Jei ng marinig ang tanong ng pinsan kay Wonhi na halatang tuwang- tuwa sa mga nangyayari.
"Did you miss me, sweetheart?" malanding tanong ni Khassandra kay Wonhi habang ang mga kamay ay nakapulupot sa batok nito.
"Uhm... yeah. How can I forget someone like you?" natatawang sagot ni Wonhi kay Khassandra.
Ewan ni Jei ngunit sa mga oras na iyon ay nanggagalaiti siya sa kanyang pinsan. Kilala naman niya ito. Hindi ito tipong malandi o "easy girl", sa katunayan ay hinahangaan niya ito sa pagiging loyal niya sa kanyang mga naging nobyo.
Kumulo ang dugo niya sa inis kaya bigla niyang naitulak ang kanyang pinsan kasabay ng paghiyaw saka pinagpapadyak ang kanyang paa.
Pero bigla siyang nagsisi sa ginawa niyang pagtulak dahil humigpit ang yakapan ng dalawa. Sumubsob kasi si Khassandra sa dibdib ni Wonhi na napaatras pa dahil sa lakas ng impact.
"Anong nangyari?" maya- maya ay tanong ng kanyang pinsan.
"Are you okay?" tanong din ni Wonhi na binitawan si Khassandra at sinusuri siya.
"Oo ate, okay lang po ako. Nabigla lang po ako sa langgam na gumapang sa binti ko," pagsisinungaling niya sa kanyang pinsan. Napabungtong- hininga ito at nawala ang pag- aalala.
"Maiwan ko po muna kayo, ate at kailangan kong tulungan sina kuya Rain sa pagpitas ng mga prutas na panghimagas mamaya," nakangiting saad ni Jei. Tumango si Khassandra saka mabilis na naglakad si Jei palayo.
Naiwan si Wonhi na puno ng pagtataka sa biglang panlalamig ng pakikitungo ng dalaga sa kanya habang si Jei ay naglalakad na puno ng inis sa binata.
"Player! Casanova! Womanizer! E, ano pa nga bang aasahan mo sa kanya?" nanggagalaiting bulong niya sa sarili habang naglalakad. Bigla siyang napahinto ng mapagtanto kung ano ang nangyayari sa kanya.
"Bakit ba ako naiinis eh hindi ko naman siya boyfriend? So, paki ko kung makipagyakapan siya sa lahat ng mga babae. Kahit makipaghalikan pa siya, I don't care!" dipensa niya sa kanyang sarili.
Napalakas yata ang boses niya dahil bigla siyang sinigawan ng kanyang kuya na nakatayo sa lilim ng puno ng mangga na hitik pa rin sa bunga.
"Ano bang binubulong mo diyan? Pag biglang may sumagot, lagot ka," pananakot ni Rain sa kanya. Pati si Martina ay natatawa sa ginawa niya kahit hindi niya maintindihan ang mga pinagsasabi ni Jei.
Sasagot na sana siya ng biglang sumulpot sina Kara at Khassandra na hinihingal pa dahil sa pagtakbo.
"Oh my gosh! Oh my gosh!" panay ang sabi ng dalawa ng makita si Martina.
"Ate, bakit ba?" nagtatakang tanong ni Jei sa dalawa.
"No way! Don't tell me na hindi mo kilala si Martina?" lalong hindi makapaniwalang tanong ni Kara.
"Kilala ko siya. Kaibigan siya ni kuya," sabi ni Jei.
"Rain, anong klase kang kaibigan at pinsan? Ba't mo inilihim na may mga kaibigan ka palang mga artista at mga idol pa namin," talak ni Khassandra sa pinsan.
Napangiwi si Martina sa lakas ng boses ni Khassandra saka tumingin kay Jei na nagtatanong ang mga mata.
"Ah, she's asking kuya Rain why he kept your relationship a secret," pilyang sagot ni Jei sa dalaga na agad pinamulahan ng mukha.
"Jei!" sigaw ni Rain na hindi makapaniwala sa sinabi ng kapatid. Ngumisi lang si Jei sa kanyang kuya.
"What?!" sabay pang tanong nina Kara at Khassandra na nanlalaki ang mga mata.
Hindi makapagsalita si Rain sa mga sandaling iyon dahil masyado siyang pressured lalo na't nakatingin ang lahat sa kanya.
Si Jei na may ala-demonyitang ngiti sa labi. Sina Khassandra at Kara na parang nagulantang ang mga kaluluwa at naghihintay ng paliwanag. At si Martina na kumikislap ang mga mata sa tuwa.
"Uhm... anyway Martina, I want you to meet my cousin, Khassandra and our friend, Kara. I didn't know that they know and adore you," pakilala ni Rain pagkatapos ng awkward moment.
"Hi, nice to meet you," masayang bati ni Martina sa dalawa na parang matutunaw sa kagalakan.
"Oh my gosh! This is surreal!" tili ni Kara na hindi pa rin makapaniwala sa mga pangyayari.
"We literally follow all your vlogs, fashion shows, and photoshoots online!" pagmamayabang pa ni Khassandra.
"Wow! That's... that's crazy," nakangiting sagot ni Martina.
"That's why we also know a lot about you..."
"...and we've never heard of you being in a relationship!"
Tumawa lang si Martina saka bumaling kay Rain na abala sa pag-aayos ng pinitas nilang mangga.
"Jei, tulungan mo nga ako dito," sabi ni Rain sa kapatid na agad namang lumapit. "Saan nga pala si Wonhi?"
"Si ate ang tanungin mo," malamig na sagot ni Jei.
"Khass, saan mo ibinaon si Wonhi?" tanong ni Rain sa pinsan.
"Grabe ka! Ano ako, killer? Kasama niya sina Bhral na naglelechon," singhal ni Khassandra sa pinsan. "Tsaka, wag kang istorbo at may interview kami dito." Bumaling ulit siya kay Martina.
"How did you two meet?" curious na tanong ni Kara kay Martina.
"What do you love about my cousin?" biglang tanong ni Khassandra.