Hindi pa man nakakapag-desisyon si Kyel kung maniniwala kay Kervy ay agad bumukas ang pinto ng suite ni Caroline at iniluwa nito sa Michael ksma ang lima pang armadong agents.
"Bring her in the lab. And you, Agent 1, we need to talk." Matigas na wika ni Michael saka wala siyang nagawa kundi panuorin lang ang limang agents sa pagbuhat sa walang malay na dalaga.
"I saw what you did at the gym, Kyel. You kissed her? Why?" Galit na tanong ni Michael sa kanya pagpasok niya sa opisina nito.
"I've gained some part of my memory, Michael. And she's my fiance."Pag-amin niya dito.
Natigilan naman ito at tila pagal na naupo sa swivel chair. Huminga muna ito nang malalim at mapait na ngumiti sa harapan niya.
"So you remembered, huh?" Naiiling nitong wika.
"Why you did not tell, Michael. At the very beginning, you knew!" Singhal niya dito.
Tila nag-isip naman ito ng malalim at muling napabuntong-hininga.
"Is that all you've remembered Agent 1?" Bagkus ay tanong nito.
Napabuga naman sa hangin si Kyel.
"Ano ang gusto mong sabihin ko, Michael?" Balik na tanong niya dahil gusto niyang ang lalake ang magpaliwanag sa kanya.
Nakipaglaban muna ito nang titigan sa kanya.
"The file that the former Agent 1 had is on her head. It's part of her system now." Pagsisimula nito.
"I know. But that's not what I want to hear, Michael. What happened five years ago? Bakit wala akong naaalala?" Seryoso niyang tanong dito.
"Well, five years ago..we had a mission to retrieve the file from former Agent 1. It's then nalaman natin na bumuo rin siya ng sarili niyang organization. It's called Revocare. It's legal but they have an underground market where they're experimenting on people to train them as spies that includes Caroline. When you found out that Caroline was a spy, you helped us in setting up our target. We did but it costed your life. But we managed to save you 'yun lang malaki ang damage ng ulo mo & that resulted to your memory loss." Paliwanag nito.
"And the file?" Usisa niya.
"We lost it five years ago. We aborted the mission the dahil maraming nalagas sa mga agents natin. Then kung matatandaan mo, when I called a meeting about looking for the former Agent 1, it's because matagal na naming tinitrace ang movement ng Revocare. At ang file natin, na hawak ng former Agent 1 ay may encryption na naka-connect sa ating server na na-detect namin sa Mendes, which in fact is inside Caroline's head." Muling paliwanag nang lalake.
"And the former Agent 1?" Tanong ulit niya dito.
"We couldn't find his body after the explosion so until now hindi ko masabi na patay na siya."Sagot naman nito.
"So what's your plan about Agent 34?" Muling usisa niya.
"Kailangan nating pag-aralan paano mare-retrieve ang file sa ulo niya. Hangga't may kontrol ang Revocare sa file, nanganganib ang buhay nating lahat, Agent 1." Ani nito.
"Why don't we just destroy the file?" Suhestyon niya.
"Yan ang plano pero dahil nasa systema na siya ni Caroline, ibig sabihin, tiyak na may mga bagong data nang dagdag doon. At iyon ang dapat natin malaman. So we have to first check the file before totally destroying it." Muling paliwanag ni Michael.
Napatango naman siya at napabuntong-hininga.
"Can I talk to Caroline once she wakes up?" Ani niya nang may langkap na pakiusap. Sa mga narinig kasi mula kay Michael, tila nakaramdam siya ng kirot sa puso.
"I am Caroline. And yes, I became your fiance. But that was 5 years ago! We're over! And correction- hindi pa bumalik ang alaala mo. Dahil if you really did, you will not kiss me!" Naaalala niyang singhal ng dalaga sa kanya nung kausap pa niya ito sa loob ng suite nito. Maaring dahil sa mga sinabi ni Michael ang dahilan.
At ang katotohanan na isang spy pala ang babae ay bakit gusto siya nitong tulungan na malaman kung alin sa mga impormasyong nasa file ang pinakaiingatan nang Greater Heights? Mayroon pa bang hindi sinasabi sa kanya si Michael? At bakit alam ni Kervy ang number niya at tila walang pag-aalinlangan ang tinig nito ng tawagan siya na para bang tiwala ito na madadala niya ang dalaga?
"No, Agent 1. The operation is now going on." Matigas na wika nito.
"What operation?" Takang tanong niya.
"We are now removing the file from Caroline's head. We have to retrieve it at all cost kahit magresulta man iyon sa buhay ni Caroline. One life to sacrifice, Agent 1." Sagot nito ngunit hindi niya malaman kung bakit nakaramdam siya ng sakit sa narinig- ang katotohanang maaaring tuluyan nang mawala ang babaeng minsan niyang minahal.
"Do whatever you can Michael to let her live." Tila wala sa sariling ani niya.
Napatawa naman ang lalake at napapantiskuhang napatitig sa kanya.
"That was the exact line you asked me five years ago.."to let her live". We did but look who she is now, Agent 1, because we let her live. Maybe you still love her, but she betrayed the Greater Heights. She betrayed you. Remember that." Matigas na wika nito sa tumayo at tuluyan siyang iniwan sa loob nang opisina nito.
Kuyom ang kamaong napatitig siya sa kawalan.