ดาวน์โหลดแอป
29.57% Broken Trust | Completed / Chapter 21: Chapter 19

บท 21: Chapter 19

Chapter 19: Chocolate Candies

Pagkapasok ko sa Classroom namin, there's a something took my attention, may maraming chocolate candies na nakapatong sa aking 'mesa. Nagtataka ko itong pinagdadampot at tiningnan mabuti. There's no a card or what, maybe this is not for me. I guess there's a someone put these on my table at kukunin rin mamaya. Nakikipatong lang for awhile.

Nilipat ko 'yong mga chocolates sa table naman ni Oliver kasi kailangan ko nang umupo at ayoko naman na may sagabal.

Hindi ko maiwasan na hindi mailaglag 'yong iba dahil sa rami nito. Itong mga chocolates na ito parang katulad sa tindahan na tig-pipiso, kaso imported at mukhang mas mahal pa sa kisses. Siguro naman hindi bilang no'n naglagay nito dito kasi kung bibilangin ay siguro mga nasa 80 pieces. Sino ba naglagay nito rito? Hindi manlang nilagay sa lagayan, eh. Nakakabwiset.

Mas pinapaniwalaan ko na hindi bilang no'n naglagay nito dito. Hmm.. I like to get one chocolate candy pero mukhang hindi naman aabot sa lalamunan ko, maybe just two. Eek! Stop Jamilla. Masama magnakaw nang hindi sa iyo.

"Jamilla! Uy! Sa 'yo 'yan!" Rinig kong tawag sa akin ng classmate kong babae kaya kunot noo ko itong tiningnan.

"Sa akin?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya habang tinuturo ko pa ang aking sarili.

"Yes." Nakangiti niyang saad.

"Kanino galing?" Naguguluhan pa rin ako. Gusto kong malaman kung sino nagbigay nito sa akin para maibalik muli sa kanya, kahit kanina pa ako natatakam, ayoko pa rin tanggapin.

"He wasn't want to tell his name to us, but he's so gwapo and ang laki-laki ng katawan. Siguro taga senior-high siya." Sagot naman ng isa ko pang kaklase. Malaki katawan? Gwapo? Senior high? Gosh. Pati taga-do'n ay umabot ang beauty ko. Ang ganda ko talaga.

"Okay?" Umupo na ako at nagdalawang isip kung kukunin ko ba o huwag na. But in the end kinuha ko ulit babalik at pinatong ulit sa aking 'mesa. Ilalagay ko na lang ito sa bag ko at 'pag nalaman ko na kung sino nagbigay nito sa akin ay saka ko na lang ibabalik.

After kong ilipat 'yong mga chocolate candies ay naisipan kong pulutin naman 'yong mga nasa sahig na nailaglag ko.

"Kung ilan makukuha ko akin na lang, ha?" Bigla akong napatigil sa pagpulot at tumingin sa taong nagtanong sa akin. 'Andiyan na pala siya, hindi ko namamalayan.

"Excuse me? Bigay raw 'to sa akin at ibabalik ko."

"Do you think na tatanggapin pa niya 'yan? You should claim it, bigay na nga sa 'yo, ibabalik mo pa." Ngisi niyang sabi.

"Walang info kung kanino nanggaling ito. Baka mamaya, mamatay na lang ako kasi may lason 'to."

"You know what? You're such an over-acting person." Umiling-iling na lang ako at hindi ko na lang siya pinansin. Mas mabuti nang huwag nang makipagtalo sa kanya dahil alam kong walang patutunguhan iyon. Itinuon ko na lang ang aking atensyon sa pagpupulot.

Mabilis kaming natapos at nilagay na namin sa bag ko. Ilan minuto na lang ay magsisimula na rin ang aming klase kaya medyo marami-rami na rin kaming estudyante rito.

"Look, Tiger Girl." Tawag niya sa akin. Mabilis akong tumingin sa kanya saka sinarado ang bag ko. Jusko! Mukhang lobo na ang bag ko dahil sa rami ng laman nito.

"Bakit?" Nakita kong kumain siya ng isang chocolate candy. "Ba't mo kinain? Ibabalik ko pa nga sabi 'yan, ah! Iluwa mo!" Hinawakan ko ang leeg niya at sapilitang pinapaluwa. Akala ko nailagay na niya lahat ng hawak niya sa bag ko pero kumuha pa rin ng isa. Hays! Ang kulit talaga niya.

"Aray! Bitawan mo nga 'ko. Isa lang naman kinain ko. Gusto ko lang mapatunayan sa 'yo na walang talaga itong lason, and safe siyang kainin."

"How you so sure? Malay mo, saka lang siya magkakaroon ng effects kapag marami ka na nakakain." Tinanggal ko na ang kamay ko sa leeg niya.

"So? Let me try it, give me more." Nilahad niya ang palad niya na para bang naghihintay na maglagay ako do'n. Asa siyang bibigyan ko pa siya. Slight lang pagiging slow ko kaya hindi niya ako mauuto ngayon.

"Nek nek mo! Hindi ako uto-uto 'no!"

"Isa lang. Please?" Paaawa niya. Jusko! Presence pa ba ni Oliver 'yong nararamdaman ko? Or may masamang lang na espiritu ang sumanib sa kanya?

"Ang rami-rami mong chocolates sa condo mo tapos nanghihingi ka pa sa akin."

"Kakaiba 'yon na sa 'yo. It was my first time to eat that kind of chocolate."

"Ibabalik ko nga kasi, ayoko-" Napatigil ako sa pagsasalita dahil bigla kong naramdaman ang pag-vibrate ng phone ko mula sa bulsa ko.

Napuno ng pagtataka ang aking sarili when I saw the unknown number written on the screen. Sino naman kaya 'to? Imposibleng si Oliver 'to kasi nasa tabi ko lang siya and na-save ko na rin 'yon number niya.

Hinayaan ko na lang siyang tumunog at nilagay na lang ulit sa bulsa ko. Titigil din naman 'yan mamaya. Magsasawa rin 'yan. Mas mabuti nang 'wag sagutin 'yong tawag kaysa patayan siya.

"Why don't you answer that call?" Tanong sa akin ni Oliver.

"Unknown number kasi 'yong nakalagay eh." Kinuha ko ulit sa bulsa ko 'yong phone at iniharap ko sa kanya 'yong screen para ipakita. Tiningnan naman niya ito at kumunot din ang noo.

"Sagutin mo na baka emergency sa relatives mo." Saad niya. Hmm... he had a point naman.

Muli kong iniharap sa akin 'yon phone ko at itinuon ang pansin rito. Nagdadalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ba o huwag na. But in the end ay sinagot ko na rin kasi naisip ko na wala naman mawawala sa 'kin if I answer that call.

"Hello?"

"Hello? I thought you wouldn't answer my call. Thank you." Ramdam ko ang saya niya dahil sa boses niya. Ni-loud speaker ko 'yong phone ko para marinig din ni Oliver.

"Sino 'to? Wrong number ka 'ata."

"No! Ikaw talaga 'yong gusto kong makausap." Napalunok ako bigla ng laway nang sunod-sunod. Pareho kaming nagkatinginan ni Oliver at sumenyas lang siya sa akin na ituloy lang ang pakikipag-usap dito.

Sino naman ito? Hindi familiar 'yong boses niya sa akin, so definitely hindi ko pa siya kilala, halos lahat naman kasi ng kakilala ko ay alam kong 'yong mga boses. But surely, lalaki siya kasi husky 'yong voice niya.

"Ako? Are you sure?" I suddenly feel foreboding and my mind starting to become over think. Ito na naman, nag-iisip na naman ng imposible ang utak ko, tulad ng baka murder 'tong kausap ko at gusto akong patayin. Gosh. Husky kasi 'yon voice niya at sabi niya gusto raw niya ako makausap. Oh my gosh. Hindi naman siguro totoo 'tong iniisip ko. Sadyang tama lang si Oliver at OA ka lang Jamilla.

"Yes!"

"B-Bakit?" Halos nagpipigil ng tawa si Oliver habang nakatingin sa akin, hindi ko na lang siya pinansin kasi alam kong iniisip niya na nagiging OA na ulit ako. Halata siguro sa mukha ko. Naku!

"I just wanted to know your reaction when you saw my surprise. So? Nagulat ka ba? Hehe.." Napahinga ako ng maluwag dahil sigurado na ako na hindi ito murder. The way he speaks is not so scary, 'yong normal lang.

Aksidente akong napatingin kay Oliver na ngayon ay nag-a-ayos na ng ear-phone at nakapoker-face ang mukha.

"Huy! Hindi ka na makikinig?" Mahina kong tanong sa kanya. Umiling lamang siya at tuluyan nang isinuot ang ear-phone niya at pumikit. What happened to him? Samantalang kanina ang kulit-kulit niya then now lumalamig na ulit siya.

Ang hirap talagang pakisamahan itong si Oliver, parang may time limit 'yong pagiging makulitin niya at 'pag natapos na ito ay magiging cold na ulit siya. Hays! Bahala nga siya d'yan, trip niya 'yan, eh.

"Are you still there?" Muli akong napatingin sa phone ko dahil bigla siyang nagsalita.

"Yah. Ano nga ulit tanong mo?"

"Hm.. nagulat ka ba when you see my surprise? 'Yong mga chocolates candies?"

"Slight lang. Ikaw ba ang nagbigay?" Bakit mo tinanong 'yan Jamilla? Surprise niya nga 'yon para sa 'yo. Inaatake na naman ako ng pagiging slow.

"Yes!"

"Naku! hindi ko po ito matatanggap kung kaya't gusto ko sana ulit itong ibalik sa 'yo kas-" Naputol agad ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.

"'Wag! Please, sa 'yo 'yan. 'Wag mong ibabalik."

"Masyadong marami."

"That's fine. Ibigay mo sa mga friends mo or family mo, basta 'wag mong ibabalik, bigay ko 'yan sa 'yo, eh." Nang banggitin niya 'yon word na 'friends' walang-ano-ano ay napatingin ako bigla kay Oliver, ibibigay ko na nga lang sa kanya 'yon haft ng chocolates, since kinukulit niya 'ko kanina.

"Okay? Thank you? But how did you get my number?"

"Your facebook account." Napa-face-palm ako at napakamot ang ulo, 4 years na pala no'n gumawa ako ng account at kailangan ng phone number ko do'n kaya inilagay itong number na 'to, nakakatuwa lang at stay strong pa rin kami ng sim na 'to. Hindi ko naman siya mapalitan kasi importante 'tong number na ito, naibigay ko na rin ito sa mga teachers ko para 'pag may kailangan sila o may sasabihin sila sa akin ay madali kong nalalaman.

"I see.. What's 'your name, then?" Tanong ko sa kanya, gusto ko kasi siyang makilala.

"Rence, not my real name. Hm.. Jamilla may sasabihin ako."

"Ano 'yon?"

Narinig kong huminga muna siya nang malalim bago nagsalita. "Hmm... From now on I'll be your secret admirer 'at pag tumagal magiging boyfriend mo rin." Bumilog ang mga mata ko dahil sa gulat. Gosh! It was my first time to encounter a person like that, akala ko sa mga wattpad lang ang may nagsasabi ng mga ganiyan. Meron din pala in real life.

"Luh? Boyfriend? Hindi nga kita kilala hehe.. Can we meet para makilala pa kita ng lubos? Dito ka rin naman sa school namin nag-aaral? Right?" Tanong ko.

"Yes, kaya nga papatunayan ko sa 'yo na nararapat ako sa 'yo. Then, sa susunod na lang tayo magkita, secret admirer mo nga ako 'di ba?" Bob* Jamilla, baka mahalata niyang slow ka. Argh! Bakit ko pa tinanong 'yon kung secret admirer ko nga siya? "Gusto pa sana kita makausap but our prof is already here na. Bye! Thank you for your time. Sa uulitin."

Pinatay na niya ang tawag kaya naman nilagay ko na agad ang phone ko sa bulsa ko. Sumandal ako sa upuan ko at tumunganga sa labas ng bintana. Gosh! Parang umuulit-ulit sa utak ko 'yong mga sinabi niya.

"Anong sabi niya?" Tumingin ako kay Oliver na ngayon ay nakatingin din sa akin.

"Secret admirer ko raw siya and magiging boyfriend ko rin daw siya sa susunod." Ngumisi lang siya at ginulo ang buhok kong straight na straight. Hala! Ilan beses ko itong sinuklayan para lang maging straight tapos guguluhin niya lang. "Ano ba?!"

"Huwag kang maniwala d'yan, lolokohin ka rin lang niyan." Paano siya nakakasigurado? Hays! Masyado niyang jina-judge 'yong tao, hindi rin naman niya kilala.

"Malay mo hindi."

"Malay mo oo, kinilig ka ba no'n sinabi niya 'yon?" Napatigil at tumingin nang diretso sa kanya saka umiling. Wala akong naramdaman na kilig kahit kaunti.

"See? You'll never like him, unlike me kapag nakikita mo lang ako ay tumatalon na agad ang puso mo." Jusko! Ito na naman po siya, yumayabang.

"Hindi ko pa kasi siya nakikilala baka gano'n. At ang kapal talaga ng mukha mo, hindi ah!" Pinaghahampas ko lang siya pero tila wala siyang nararamdaman dahil tawa lang siya nang tawa. Anong nakakatuwa?

"Defensive."

"Hindi nga kasi! Ano ba?!" Tumigil na ako kakahampas sa kanya dahil 'yong palad ko ang namumula at medyo kumikirot-kirot. Baliktad eh, instead na siya ang masaktan ay ako pa rin pala.

"Hindi na nga kita aasarin, baka maging tayo bigla." Hirit pa niya.

Inirapan ko na lang siya at hindi na pinansin. Gosh. Umiinit na naman ang ulo ko. Itininuon ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana.

Teka nga lang, anong oras na ba at wala pa rin 'yong teacher namin? Late na siya, ah.

"Psst! Ibabalik mo pa ba 'yong mga chocolates?" Tanong ni Oliver sa akin kaya humarap ulit ako sa kanya.

"Hindi na." Ngumiti siya ng malapad sa akin.

"Pahingi." Masigla niyang saad. Hays. Bakit ang kulit niya ngayon? Anong nakain niya?

"Actually I decided to give you the haft of it kasi ang kulit mo." Binuksan ko na ang bag ko at binigay sa kanya 'yong kalahati.

"Salamat!" Masaya niyang pasalamat nang makuha na niya 'yong chocolate candies. Gosh! Para siyang bata na binigyan ng piso para ibili ng lollipop.

"Good morning class. Sorry I'm late." Biglang bati ni Mrs Melina kaya umayos na kami ng upo. "Nawala kasi 'yon Usb ko at hinanap ko pa sa bahay, naka-save kasi dito 'yon i-didicuss ko for this day. So before ako mag-discuss, alam ko na alam niyo na umalis na si Daenice." Tumango-tango lang kami.

Biglang tumama ang tingin niya sa akin at ngumiti, I don't why she gave me that smile so ngumiti rin ako babalik. "Ms. Aravello and Mr. Lee you may now transfer here again." Itinuro niya 'yon upuan kung saan talaga kami nakaupo ni Oliver sa harapan. 'Yon inagawan ako ni Daenice ng upuan.

"Tara na!" I suddenly shock nang hawakan bigla ni Oliver 'yon kamay ko para pumunta agad sa mga upuan namin. Hindi ko na nagawang magpumiglas pa dahil ramdam ko 'yon higpit ng hawak niya.

"Yieeee!" Tukso ng mga kaklase namin nang ikinadahilan ng pag-kulo ng dugo ko. I don't want this, I don't really want this. Ramdam kong unti-unting umiinit ang mukha ko dahil sa kahihiyan na ginagawa ni Oliver. Issue na naman. Hays!

Nang makaupo na kami agad naman niya binitawan ang kamay ko at kumain ulit ng isa pang chocolate. Ang takaw talaga niya.

"Namumula ka." Usisa niya sa mukha ko.

"Hindi ah. Hindi ako kinikilig!" Depensa ko. Bahagya kong tinakpan ang bibig ko dahil huli nang malaman ko kung anong sinabi ko.

"Ha? I'm not saying anything. I've only said is namumula ka." Inirapan ko siya at tumingin kay Mrs. Melina na ngayon ay nag-didiscuss na. "Huli ka na naman." Bulong niya sa tenga ko kaya naman ako ay nagulat. Jusko!

"Tarantado, tumigil ka nga!"


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C21
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ