ดาวน์โหลดแอป
90% Faces of Love (Tagalog/Unedited) / Chapter 9: CHAPTER 9:

บท 9: CHAPTER 9:

CHAPTER 9:

Iminulat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang sunod-sunod na pag-alarm nang aking cellphone. It's already six o'clock in the morning and I was felt a bit dizzy. Gayon pa man ay tumayo ako sa higaan at inayos ang aking sarili. I wear crop top suit in high waist shorts. I also put light make up. Lahat nang nasa loob ng closet ko ay si Cooper ang bumili, he knows my taste when it comes to clothes, even if it's a cheap one. Halos iilan lang ang mga damit na mula sa aking bahay.

Nadatnan ko si Cooper na mahimbing na natutulog sa kanyang kama nang makapasok ako sa k'warto nito. He must be tired. Siya ba naman ang namamahala sa dalawang negosyo na tinayo mismo niya gamit ang kanyang pera well, actually not the other one. Siya lang ang namamahala. Minsan kahit ang pinakamasipag na tao ay kailangan din ng pahinga. Kailangan niya ng pahinga.

Habang pinagmamasdan ko si Cooper ay tumunog naman ang aking cellphone. It was a text message from Caliber, ofcourse. I used to save his number dahil siya lang naman ang makulit na tawag sa aking cellphone. Hindi ako mahilig magkabisa kaya sinave ko na lang, baka magkamali pa ako sa susunod.

From: Caliber

Goodmorning.

To: Caliber

What's good in morning kung ikaw agad ang manggugulo sa akin?

From: Caliber

Oh. Minsan ka na nga lang mag-reply ang mean pa.

To: Caliber

Whatever.

I put my cellphone back inside my pocket after sending a text message for him. Hindi na ako nag-abala pang mag-intay nang kan'yang reply, hindi ko rin naman ugali iyon lalo na kung hindi importante. His not even important.

'Hindi importante pero nakatagal sa'yo, kinausap mo pa nang matino.'

Napapikit ako nang mariin. Hindi ito ang gusto kong mangyari, hindi ito ang takbo nang istoryang gusto ko. I don't want to feel this something inside me... lalo na at sa dalawang tao ko ito nararamdaman. Sa isang tao na matagal ko nang kasama, since we were young at sa isang tao na bago ko pa palang nakilala, near a week to be exact. Paano ba ako nakaramdam nang ganito sa isang tao na nakilala ko lang sa loob ng isang linggo?

This is not a fucking love, fuck that love. Kung hindi pagmamahal itong nararamdaman ko ano ito? Paghanga?

Dumarami nang dumarami ang tanong sa aking isipan at kahit isa man lang ay wala akong masagot. I can answer even the hardest question in test paper but not this one. Hindi ang mga bagay na ganito. Ito na yata ang pinakamahirap sagutin sa buong mundo.

"Hey, you okay?"

Napaangat ako nang tingin kay Cooper, kinukusot pa niya ang kan'yang mga mata at gulo pa ang buhok nang tumayo ito mula sa pagkakahiga. Humihigab pa itong umupo sa aking tabi.

"I'm okay," walang gana kong tugon. "Ganito na talaga ako, hindi ka pa ba sanay?" dugtong ko pa.

Paano ko sasabihin sa kanya kung siya mismo ang isa sa mga dahilan no'n? Hindi ko rin ugaling magsabi nang nararamdaman sa ibang tao. Alam niya iyon. But he knew me a lot. Hindi ko naman kayang sabihin sa kanya na isa siya sa dahilan nang pagkagulo ng utak ko. He might end up teasing me non-stop.

"Kilala kita. Kahit hindi ka nagsasabi nang nararamdaman mo, kilala kita. Something's bothering you, babe. What is it?"

"It's nothing."

"You're nothing means something," siguradong tugon nito. Hindi talaga siya maniniwala sa akin, hindi siya maniniwala sa kung ano man ang sasabihin ko lalo na sa puntong ganito. Masyado niya akong kilala. "Okay, kung ayaw mong sabihin, take your time. Pero palagi mong tandaan na nandito lang ako palagi para sa'yo. You can lean on me."

Kumilos siya, kumuha ng damit sa closet at may dala itong tuwalya ng tumungo sa bathroom. Hindi na niya ako sinulyapan pa. Mag-uumpisa na naman ang bagong araw niya.

Muli kong pinikit ang aking mga mata at ninamnam ang tahimik na paligid. Ano bang pino-problema ko? Love? It's just a waste of time. It's not my nature to fall in love, nakalimutan ko na nga rin kung ano ang pagmamahal. So, what's myfucking problem now?

"Let's go?"

Nakatayo na si Cooper sa aking harapan nang magmulat ako ng aking mata. Wala siyang suot na pang-itaas at pinupunasan ang basa niyang buhok. May ilang butil pa ng tubig na lumalandas sa kanyang hubad na katawan. That made him look more sexier.

I squeeze my eyes as I realized what I just thought about. This is not good.

"Where?"

"Resort."

"Why?"

"Ulyanin kana? It's saturday, kailangan nating bumisita sa resort." Umiling-iling pa ito na tila hindi makapaniwala, he even tsk-ed multiple times.

Inerapan ko lang ito sa inasal niya. Kung minsan hindi talaga mawawala sa kanya ang pagiging sarkastiko, lalo na sa mga ganitong pagkakataon at ako pa talaga ang napili niya.

Wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanya. Gusto ko rin namang maglibang para makalimutan ko kung ano man ang problema ko ngayon.

Kalilimutan ko ang aking problema pero ang kasama ko ay ang taong dahilan ng aking problema.

Dalawang oras ang biyahe, depende pa sa traffic, para makarating kami sa resort. Sanay na kami na magpabalik-balik sa Bulacan to visit his resort. His popular resort in Bulacan. Natutulog lang ako sa buong biyahe dahil wala rin naman kaming pag-uusapan ni Cooper, I'm not that kind of friend who talks for everything.

Sinalubong kami ng staff nang makarating kami, it's past ten o'clock in the morning and yet marami ng tao sa resort, ofcourse, it's one of the most popular resort in Bulacan, dinarayo rin ito ng mga turista. Sino ba naman ang hindi darayo sa ganito ka-gandang resort?

Malawak ang resort, may tambayan malapit sa entrance para sa mga taong naghihintay sa mga kasamahan, may fountain din sa gitna niyon. Maliit lang iyon pero napapansin dahil sa magagandang bulaklak na nasa paligid niyon. Para iyong isang maliit na paraiso.

Nang tuluyan kaming nakapasok ay tumambad sa amin ang apat na pool na nakapalibot sa mini-forest. Ang apat na pool, bukod pa ang anim na nasa likod ay public at mura lang ang entrance fee. Kapansin-pansin ang mini-forest dahil sa mga bonsai na nakatanim do'n, nakapalibot din ang mga makukulay na bulaklak. Nakakahanga ang pagkakatayo ng resort na ito, talagang pinag-isipan. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming dumarami ang mga turistang gustong pumunta rito.

Bukod sa public pools ay mayro'n ding anim na private pools na palaging okupado dahil sa dami nang nagrerenta rito. Madami pang reservations. Sino ba namang hindi magrerenta at magsasayang ng pera sa ganito kagandang resort? Full package na.

Malinis ang tubig ng bawat pools dahil limited din ang tao sa isang araw. Gayon pa man, hindi nalulugi ang resort, sobra pa nga. Hindi na ako magtataka kung bakit milyonaryo si Cooper. He knows how to handle a business like this.

"Ilang beses ka nang nakapunta rito pero hanggang ngayon ay namamangha ka parin sa ganda ng paligid." Chin up, he stand straight and been proud of his achievement.

"Proud, huh?". sarkastiko kong tugon. Umupo ako sa isang bench kung saan tanaw ko parin ang paligid. Nandito kami sa mataas na lugar, nandito ang cafe para sa mga taong gustong kumain. Mula rito ay tanaw ang halos kalahati ng resort.

Bukod sa mga pools ay mayro'n din silang café, at mga ibang bagay na p'wedeng pagka-abalahan. In other words, hindi lang ito para sa mga taong gustong mag-swimming.

"Ofcourse, I must be. Nagsimula ako sa wala pero tignan mo ba naman, ang layo na nang narating ko."

He's right. Nasaksihan ko ang lahat nang paghihirap niya para marating kung ano man ang narating niya ngayon. He deserves it though. Nagsumikap siya para rito at dapat lang niyang ipagmalaki iyon.

"Yeah. You must be proud. You jerk." I said sarcastically.

"Siguro dapat kitang dalhin dito nang madalas."

Napatingin ako sa kanyang sinabi, "What, why?"

Hindi niya ako sinagot, sa halip ay pag-iling lang ang natanggap ko mula sa kanya. He's crazy, sometimes.

Muling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Sumimsim ako ng orange juice habang pinagmamasdan ang ganda nang buong paligid. Nakaka-relax sa ganitong lugar. Ilang minuto pa ang lumipas at nanatili kaming tahimik hanggang sa may batang tumawag kay Cooper. It was Ellie, his younger sister. Ten years old.

"Kuya, Cooper." Magiliw itong lumapit sa kapatid at niyakap iyon nang mahigpit, kapagkuwan ay malapad itong ngumiti sa akin. "Ate Cien." Lumapit din ito sa akin upang yumakap. At dahil sanay na ako sa kalambingan ng batang ito ay niyakap ko na lang din siya nang mahigpit. She's too jolly and cute.

"How are you lil sis?" tanong ni Cooper bago guluhin ang buhok nito, agad na sumimangot ang bata at sinamaan siya ng tingin. Ayaw pa naman niyang ginugulo ang kan'yang buhok.

"Kuya, naman e. Look my hair is so magulo na tuloy. You're so annoying naman e," maarteng singhal nito sa kanyang kuya.

Ellie is just ten years old pero daig niya pa ang isang eighteen yeards old kung mag-isip. She's mature.

Nakuha namin ang atensyon ng ibang customer ng biglang humalakhak si Cooper. "Okay, sorry na si kuya. I miss you lil sis." Kinandong niya ang kapatid at sinuklay ang buhok gamit ang kanyang mga kamay. They're cute together, magkamukha talaga sila.

"Okay fine, kuya. By the way ate, you look so stunning parin. You never change. I was like sanaol."

Hindi na ako nagulat pa sa pagiging conyo ni Ellie, she's been like that since then. Nature na siguro niya ang bagay na iyon. Hindi naman pangit pakinggan sa ganya, kabaligtaran pa nga.

"Maganda ka rin naman at may igaganda ka pa. Siguro kapag nagdalaga kana, magagandahan mo pa ako," sabi ko na lang at pilit na ngumiti. I, myself not used to hear some compliment.

"Alam mo ate, you're so very maganda naman but you're smile is so peke." She said frankly. Inaasahan ko na na magiging gano'n siya kaya naman nanahimik na lang ako.

"Lilsis, how's school?" pag-iiba na lang ni Cooper sa usapan. He knows how to handle me in this situation. Alam niya kapag hindi na maganda ang mood ko tungkol sa usapan.

"It's cool. Madali lang ang mga exams at gayon din ang mga quizzes," buong pagmamalaking turan ni Ellie, manang-mana sa kanyang kapatid.

Tumango-tango na lang si Cooper bilang pagsang-ayon. Nagkakasundo talaga ang dalawang ito kapag kayabangan ang usapan. Tss. Magkapatid nga.

"Wala naman bang nanlili---"

"No guys allowed. I'm too bata pa for that kuya," suway muli ni Ellie sa kapatid. "Ikaw. Ikaw ang dapat kong tanungin. Kayo na ba ni ate Cien? I'm a big fan pa naman ng loveteam ninyo. Hashtag Cocien."

Wala talagang preno ang bibig nang batang ito. Sa tuwing pupunta na lang kami rito ay gano'n ang palaging tanong niya. Dati ay hindi ako apektado pero ngayon ay parang malaki ang epekto sa akin no'n. She even think a couple name for Cooper and I, and that's Cocien. Ang batang iyon, ang daming alam.

"Ate, naniniwala ako na kayo ni kuya ang magkakatuluyan bandang huli kaya naman huwag niyo nang patagalin pa. You two are so bagay kaya. Look kuya is so gwapo and you're so maganda naman. Perfect match."

Nag-crossed arms ito at matalim ang mga matang tumingin sa akin.

"Ate Cien, may gusto ka ba sa kuya ko?"


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C9
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ