mabilis na lumipas ang isang taon . ngunit ang buhay na meron sila esma at arman ay hindi parin nag babago.. sa ganoong paraan parin sila kumikita ng pera.. bagay na hinayaan na lamang nila.. dahil ang kanila paniniwala ng mga panahong iyon ay ang mahalaga lamang ay mabuhay sila... isang araw sa hindi inaasahan.. nang mapadaan si esma sa karenderya ni aling meling kung saan sya dati nagtratranaho.. doon ay may nakita syang isang pamilyar na mukha..at kahit na nasa malayo sya ay alam nyang hindi sya nag kakamali sa kanya nakikita.. at mula doon ay agad nya nga nilapitan ang taong iyon. " ma??? wika ni esma bago sya makita ni mira ngunit di sya pinansin nito. " ma.. ikaw.. nandito ka na pala sa maynila . bakit di ka nag sabi.. kaylan ka pa dumating dito ma" tanong ni esma. " pwede ba.. marami pa kong ginagwa.. umalis kana!" wika ni mira. " ma... di mo parin ba ako napapatawad sa nagawa ko saiyo..ma.. patawarin mo na ako..mis na mis na kita ma" wika ni esma. " naririnig mo ba ang sinasbi mo esma..pagkatapos mo kong iwanan at ipagpalit sa lalaking iyon.. may gana kapang humarap ng ganyan saakin!! " wika ni esma. "ma aamin ko nà kamali ako..pinagsisihan ko na po ang lahat ng iyon" wika ni esam. " pinagsisihan ang ano.. ang maging tulak ng droga( nagulat si esma) o ang kunsintihin ang asawa mong batugan na gumawa ng ilegal.. ha iyon ba ang pinagsisihan mo..ano!! natahimik ka..baka nakakalinutan mo esma may tenga ang lupa at may pakpak ang balita.. nakakahiya ka.. sa isang taong kong nilagi dito sa maynila.. ang dami dami kong nababalitaan sayo sa inyo ng asawa mo....esma.. di ba kayo natatakot.. sa mga ginagwa ninyo..alam mo esma.. ang mabuti pa.. wag kanang muli pang magpapakita saakin baka madamay pa ako sa mga katarantaduhan nyo.. diba tama ako..anu ba ang sabi ko sayo noon.. walang magandang maidudulot yang asawa mo sa iyo... ito ang tatandaan mo... esma.. at makinig ka at itanim mo ito sa kukuti mo... ikinahihiya kita...at sana nga di nalang kita naging anak..at hindi na ko magtataka kung isang araw nasa kulungan na kayo ng asawa mo!!!! umalis kana!!!" wika ni mira bago nya pinagtulakan si esma. ganoon na lamang ang sakit na naramdman ni esma nang kanyang marining ang mga masasakit na salitang binitawan ng kanyang ina.. ngunit wala syang magawa dahil kung tutuusin ay totoo naman lahat ang sinabi mg kanyan ina. mula sa malayo ay nasaksihan nila anghel at zandro ang lahat mg pangyayaring iyon. ngunit alam ni anghel sa sarili nya na wala naman sya magagawa kung di tanggapin na lamang ang mga pangyayari iyon na parte na nag nakaraan. " hindi ko akalain na darating pala sa puntong ganito ang mga magulang ko.. dapat ba akong magalit sa kanila zandro" wika ni anghel. " sa ngayon.. hayaan mo munang malaman ang buong pangyayari.. anghel.. baka doon mas maintindihan mo sila" wika ni zandro