Simula noon, ginawa niya ang lahat para pabagsakin si Will at Al. Hindi niya tinantanan ang mga ito hangga't hindi niya nararamdaman ang tagumpay.
At nagtagumpay nga siya. Napabagsak niya ang kumpanya ni Will at napaghiwalay pa niya ang dalawa.
Ngayon ay hawak na niya ang bola. Hindi siya papayag na makawala pa si Al sa kanya. Gagawin niya ang lahat upang maialis ang pagkamuhi sa kanya ng dalaga.
"I'll get your things, Al. If that's what you want." Ani niya dito habang nakataas ang isang braso sa ulo ng dalaga habang nakasandal ito sa pader.
"Good." Masungit naman nitong ani saka siya itinulak at paika-ika na naupo sa tabi ng higaan nito.
"Just tell me what you need. I'll call para mag-order." Wika nito saka na siya iniwan sa silid. Napabuntong-hininga na lamang siya at lihim na nagpasalamat na hindi na humaba pa ang usapan nila.
Napagpasyahan niyang mag-shower dahil simula ng marating niya ang lugar ay hindi pa siya nakapagpalit ng damit. Pero dahil may sugat ang paa ay maingat ang ginawa niyang paggalaw. Ngunit dahil nabasa ang tiles ay dumulas iyon at tuluyan siyang nawalan na panimbang at napasigaw. Bumagsak ang hubad niyang katawan sa bathtub.
"Are you ok, Al?" Mabilis na nakapasok si Troy sa shower room at napatili siya habang pilit inilulubog ang katawan sa ilalim ng tubig ng bathtub. Buti na lang at nalagyan na niya agad iyon ng liquid soap kaya agad na lamang niyang pinabula upang matakpan ang kanyang kahubaran.
Agad namang natatawang pumikit si Troy.
"Are you ok?" Pag-uulit na tanong nito na iminulat ang isang mata at palihim na sumulyap kay Al na ulo lang ang nakikita mula sa bathtub.
"Yes! You get out!!!" Nanggagalaiti niyang singhal dito. Naiiling namang lumabas si Troy.
"Close the door, Troy!" Pahabol niyang bilin dito ngunit tila hindi iyon narinig ng lalake dahil dire-diretcho lang ito.
Agad na siyang nag-shower at napakagat ang labi ng makitang walang tuwalya doon. Napabuga siya sa hangin.
"Troy! Troy!" Mabigat sa loob na pagtawag niya sa lalaki. Narinig naman niya ang mga yabag nito.
"Please don't look at me! Bring me a towel!" Utos niya dito na lihim na nagdarasal na wag sanang topakin ang lalaki.
Pumasok ito ng shower room na tinatakpan ng palad ang mata habang ang isang kamay ay inabot ang tuwalya sa kanya.
"Tumalikod ka!" Muling utos niya dito na agad namang ginawa ng lalake.
Mabilis niyang ibinalot ng tuwalya ang sarili habang nakahawak sa balikat ni Troy para hindi siya mawalan ng panimbang dahil isang paa lang ang gamit niya sa pagtayo.
"You're good?" Tanong nito.
"Yes." Sagot naman niya.
Humarap ito sa kanya saka siya binuhat.
"W-wait!!" Saway niya dito ngunit mabilis na siya nitong naiupo sa tabi ng higaan.
"So where are your clothes?" Maaliwas ang mukhang tanong nito.
Napapikit siya ng maalalang wala nga pala ang mga bagahe niya.
"I get it." Mabilis na ani ni Troy saka lumabas. Agad din itong bumalik dala ang isang white na t-shirt.
"This is your shirt." Nakataas ang kilay na tanong niya dito na iladlad ang binigay na t-shirt.
"Kesa wala kang maisuot. Kung magtutuwalya ka lang hanggang mamaya ay baka ma-tempt na ako, Al." Nakangisi nitong ani na may langkap na banta ang tono saka siya tinitigan ng malagkit.
"You- get out!" Inis na singhal niya dito sabay bato ng isang unan na agad naman nitong nailagan at natatawa siyang iniwan at isinara ang pinto.
Napahinga ng malalim si Al sa harap ng salamin. Buti na lang at makapal ang tela ng tshirt dahil wala na siyang ibang suot sa ilalim nito.
Dahil kumakalam na ang sikmura ay paika-ika siyang lumabas ng kwarto. Naabutan niyang nagluluto si Troy. Iniwan muna nito ang ginagawa saka siya inalalayang makaupo.
"So you know pala how to cook." Ani niya habang pinapanuod itong masiglang nagluluto.
"Yes, I do. Here. It's done." May pagmamalaki nitong wika habang iniaahain sa kanyang ang mainit na sinigang na agad niyang hinigop ang sabaw.
"It tastes so good!" Hindi niya mapigilang bulalas ng matikman ito.
"Great, you like it. So...tonight siguro is the night na we forget everything that happened in the past that hurts us?" Tanong nito habang pinagmamasdan siyang kumakain.
Napaangat naman siya ng ulo at sinalubong ang matiim nitong titig sa kanya.
"It's easy to say that, Troy..But of course,
I also want that." Sagot naman niya saka ibinalik ang atensyon sa pagkain kaya hindi na niya nakita ang kakaibang kislap ng mata ni Troy.
Tila nabunutan ng malaking tinik sa dibdib si Troy ng marinig ang sinabi ng babae. Akala niya kasi ay mahihirapan at matatagalan pa siya bago mapalambot ang puso nito.
Matapos nilang kumain ay inalalayan na niya ito patungo sa CR at sabay silang nag-toothbrush, pagkatapos ay binuhat na niya ito pahiga sa higaan.
"What are you doing?" Natatawang tanong ni Troy ng makitang nilalagyan ni Al ng unan ang pagitan nilang dalawa.
"Ok na 'to para sure. Eto lang t-shirt ang suot ko, Troy! I don't wear anything under this!" Paliwanag niya dito ngunit napahinto siya nang ma-realize na mukhang may hindi tama sa nasabi. Napatitig siya kay Troy na namumula ang mukha, leeg, at mga tainga. Dahil may pagkamestizo ito ay kitang-kita niya ang pamumula nito. Mas tumiim ang pagtitig sa kanya habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggng paa na tila ba ini-imagine ang kanyang sinabi.
"My God, Al!" Bulalas nito na tila hinahabol ang paghinga. Agad itong tumayo mula sa pagkakahiga at nagtungo sa CR.
Napabuga siya sa hangin at naningkit ang mata sa isipin kung anu ang maaring ginagawa ng lalaki sa loob ng banyo. Naiinis na tumayo din siya sa pagkakahiga at kinuha ang jacket ni Troy at isinuot.
Patakbo siyang lumabas ng resthouse at hinayaan salubungin siya ng kadiliman at malakas na simoy ng hangin. Nang makita niya na medyo nakalayo na siya sa bahay ay huminto siya. Saka siya sumigaw ng malakas na malakas na parang doon niya lang maibubuhos ang inis.
Samantala, hiyaan na lamang ni Troy na dumaloy ang malamig na tubig ng shower sa kanyang katawan. Maaring ito lamang ang makapagpapaalis ng init ng katawan ng biglang dumaloy sa kanya ng katabi si Al sa kama kanina lalo pa sa sinabi nito na wala itong ibang saplot kundi ang tshirt na suot. Napapikit siya at napahinga ng malalim.
Napabuntong-hininga siya ng makitang wala si Al sa higaan. Matapos magbihis ay lumabas siya ng bahay upang hanapin ito. Napahinto siya ng marinig ang mga sigaw nito.
"I hate you! I hate you! I hate you, Troy!!!!!" Naririnig niyang sigaw nito na umaalingawngaw sa buong isla.
Nakuyom niya ang kamao at saka siya napapikit at hinahamig ang sarili. Ano ba ang dapat niyang gawin upang sa susunod na isigaw ng babae ang pangalan niya ay hindi na dahil namumuhi ito sa kanya? Sa isiping iyon ay lumamlam ang kanyang mga mata habang nakatuon ang paningin kay Al na papabalik na.