"Ano na naman ba 'to Daniel?! My god, kelan ba matatapos ang sakit ng ulo ko sayo?" Naiiritang sabi ng baklang palakad-lakad sa harap ni Daniel.
"We can solve this, Herman." Pagpapalubag-loob ng seksing babaeng katabi ni Daniel.
"I know! Nakausap na ni Froilan 'yung binugbog mo at nakaready daw siya na masettle ang problema niyo. Pero ang sinasabi ko, pwede bang mag-ingat ka naman sa susunod?!" Inis na sabi ng bakla na nakapameyawang sa harap ni Daniel.
"Kausapin mo 'yang lalake na yan Felice. Maatake ako. Magpapahangin muna ako sa labas!" Galit na sabi ng bakla at padabog na isinara ang pinto ng opisina.
Nanatili lamang na nakapikit si Daniel habang nakasandal sa sofa.
"Honey, please be careful. Kelan ka ba masasanay sa buhay mo ngayon? This is not like before. Hindi ka na pwedeng pumunta sa kung saan man ang gusto mo." Mahinahong sabi ng babae habang minamasahe ang kanyang ulo. Nagmulat ng mata si Daniel at dahan-dahang inalis ang kamay ng ababe sa noo niya.
"Thanks for the concern, Felice. I promise this will not happen again." Sabi niya dito sabay hawi niya sa buhok ng babae na bahagyang tumakip sa maganda nitong mukha.
Napangiti naman ang babae at dinampian siya nito ng maliit na halik sa labi.
"Nakausap ko na si Karen. Bukas magpapalabas sila ng report na nagkaayos na kayo nung lalakeng binugbog mo. Honey, this should be the last." Ani ng babae sabay sandal ng ulo sa kaniyang balikat.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Matapos ang pakikipag-usap sa manager ay muli siyang bumalik sa kanyang condo kasama si Felice. Personal assistant niya ang babae mula ng magsimula siya sa pagaartista. Kababata niya rin ito. Parang ito na ang tumatayo niyang kapatid sa kanya. Bagama't alam niyang may gusto ang babae sa kanya ay wala siyang pagtingin dito. Pampalipas oras lang niya ito, ika nga.
"Matulog ka na, honey." Mahinang bulong ng babae habang nakapulupot ang mga braso sa kanya habang magkatabi silang nakahiga sa kanyang higaan.
Sinindihan niya ang sigarilyo na hawak habang pinagmamasdan ang natutulog na babae. Ibinuga niya ang usok mula sa kanyang bibig na para bang kaya nitong alisin ang poot na kanyang nararamdaman sa paparazzing nagsisimulang manira ng kanyang buhay.