ดาวน์โหลดแอป
81.48% Finding Sehria / Chapter 22: Chapter 21 - Brothers

บท 22: Chapter 21 - Brothers

Lei

"Okay, ipapaliwanag ko kung paano lalaruin 'to kaya makinig kayong lahat sa akin. Ayoko nang umulit," seryosong saad ko. Nakatingin silang lahat sa akin, listening to me, all ears. Good. 

Nakapalibot kaming lahat sa campfire. Pasado ala-siyete na ng gabi pero nandito pa rin kami sa tabing dagat. Kami na lamang ang tao dito. Correction, hindi nga pala kami tao. And a campfire without a game is boring, so we decided to play Winking Assassin. 

"I'll be the Godfather or mediator. Habang nakapikit kayo, kung sinong tatapikin ko siya ang magiging killer. Ang gagawin ng killer, kikindatan niya kung sino ang gusto niyang patayin. Kapag nakindatan ka niya, sasabihin mo lang 'I'm dead'. At bilang citizen naman, kapag may hinala na kayo kung sino ang killer just raise your hand and point your suspect and say 'I accused'. Dapat merong mag-agree sayo, ang sasabihin naman niya 'I second the motion.' If you guys are correct, sasabihin naman ng killer 'Yes, I am the killer' pero kung mali ang paratang niyo, sasabihin niya 'No, I'm innocent'. Out na kayo sa game pag mali kayo, at itatapon kayo sa dagat. Pag nahuli ang killer, panalo ang citizen at siya ang itatapon sa dagat," mahabang paliwanag ko. Kanya kanya naman silang reklamo dahil sa huling sinabi ko.

"Huwag naman itapon sa dagat, ang lamig lamig ng tubig kaya!" Natawa ko kay Andrea dahil ginaw na ginaw pa rin siya kahit may bonfire na. Magsuot ba naman kasi ng dress. Mukhang napansin ni Azval ang panginginig nito kaya tinanggal niya yung suot niyang red scarf at binalabal dito. Gentleman naman.

"Kalma. Syempre joke lang naman yung itatapon sa dagat. Mamaya pulmunyahin pa kayo, sisihin niyo pa ko," bawi ko. Nakahinga naman sila nang maluwag.

"Tara! Start na!" Glessy exclaimed in an enthusiastic manner.

"Okay, game. Close your eyes. Walang sisilip. Itatapon ko talaga kayo sa dagat kapag nandaya kayo," pananakot ko. Mariin naman silang pumikit lahat. Isa isa ko muna silang tinignan. Sinisiguro na walang mandadaya sa kanila. Pagkatapos tinapik ko ang isa sa kanila.

"Pwede na kayong dumilat. Start na tayo. And please! Huwag masyadong madaldal." Sabay sabay silang tumango na parang mababait na bata. Tapos isa-isa silang nagmulat. 

Ang tahimik. Sobrang tahimik nila. Ang seryoso ng mga mukha nila habang pinapakiramdaman ang isa't isa. Posible palang tumikom ang mga bibig ng mga ito kahit sandali lang. Ang sarap sa tainga ng katahimikan nila. Naririnig lang namin ang mga alon ng dagat na malakas na humahampas sa dalampasigan.

"I'm dead! Aaaaaaah!" Glessy announced dramatically while clutching her chest. Pabagsak pa siyang humiga sa kandungan ni Azure na nakaupo sa kanan niya. Napapagitnaan siya ng kambal. Natawa na lang kaming lahat sa acting niya. Pwede nang mag-artista si bulinggit.

"Ang bilis naman ng killer!" bulalas ni Elliot.

"Tumahimik ka!" suway ni Fina.

Muli na namang tumahimik ang paligid. Wala ulit nagsalita. Ilang minuto ang lumipas nang makita ko siyang mabilis na kumindat. Gusto kong tumawa dahil halatang hindi siya marunong kumindat pero wala pa ding nakakapansin na siya ang killer.

"I'm dead! Sayonara!" Austin declared while gasping for air while leaning his head on Fina's shoulder. Para-paraan ang hayup.

"Come on, killer! Kill me too! I'm ready to die." Paghahamon pa ni Janus at inihilig din ang ulo niya sa balikat ko. Siniko ko siya sa tagiliran para manahimik. 

"Sabing walang maingay. Ililista ko kayo," pagbibiro ni Glessy. Nakahiga pa din siya sa kandungan ng kuya niya habang tahimik na nanunuod.

Nagpatuloy ulit ang game. Bigla na lang nagtaas ng kamay niya si Andrea.

"I accused you!" mariing saad nito. She was pointing at Fina. Tumaas din si Elliot ng kamay niya at nag-second the motion. Ngumisi pa ito na tila siguradong sigurado siya sa paratang niya.

"Sorry guys, I'm innocent," sagot ni Fina at tumawa pa na parang bruha. 

"Yes! May itatapon na sa dagat!" Napasuntok pa sa ere si Austin. Tumayo ito at sinundan ni Janus. Magkatulong silang binuhat si Elliot at nagpunta sa dagat. Pabiro nila itong ihahagis pero di naman nila tinutuloy. Halos maputol na ang litid nung isa kakasigaw.

"Teka! Teka! Mga gago, bakit ako lang itatapon niyo? Uwaaaaaaaah, help!" pagwawala ni Elliot. Tawa lang kami nang tawa habang pinapanuod sila.

Pagbalik nila parang naubusan na ng dugo si Elliot sa katawan. Putlang putla ang mokong. Siraulo kasi yung dalawa. Sinong mag-aakala na Killer Duo din sina Janus at Austin pagdating sa kalokohan?

"Okay, let's continue," anunsyo ko. Tumigil na sila sa kakatawa at nagseryoso ulit. Ang natitira na lang sina Azval, Janus, Azure at Fina. 

"Aha! I accused you!" Napapalakpak na lang si Fina sa sobrang tuwa nang mahuli niya si Azure na kumindat kay Janus. Nagsecond the motion naman si Azval.

"Ikaw pala, kuya! Huli ka!"

Nahihiyang ngumiti na lang si Azure. Pinalakpakan ng lahat si Fina dahil panalo ang citizen. Tumayo pa ang gaga at kumaway kaway na parang Beauty Queen. Lakas din ng saltik ng isang 'to.

"O, tara! Uwian na!" pag-yayaya ko.

"Hala, huwag muna. Isang game pa! Babawi ako," pagkontra ni Elliot. Nagkanda-haba haba pa ang nguso nito. Mukha siyang duck.

"Tulog na yung isa," turo ko kay Glessy. Ang himbing na ng tulog nito habang hinahaplos ni Azure ang mahabang buhok niya.

"Antuking bulinggit," natatawang komento na lang ni Fina.

Gustuhin pa man namin magstay, nagpasya na lang din kaming umuwi.

******

Pagod na pagod kaming lahat nang makabalik sa condo. Punong puno kami ng buhangin sa katawan kaya napagalitan pa kami ng mama ni Janus nang umupo kami sa sofa. Maglinis daw muna kami ng mga katawan namin at magpalit ng damit. 

I took a quick shower and changed into my pink unicorn onesie. Naisipan kong tawagan muna si mama kaya lumabas muna ako ng kwarto. Malakas kasi ang signal sa sala kaya dun na lang muna ako. Saktong kalalabas lang din ni Azure mula sa kwarto ni Glessy.

"Lei," nakangiting bati nito. "Hindi ka pa ba matutulog?"

"Maya maya na. Maaga pa naman. Tatawag muna ko kina mama. Ikaw?" 

Umiling ito. "Hindi pa din ako inaantok. Magbabasa muna siguro ko. Sige, una na ko," paalam nito bago magtungo sa katabing unit namin. Doon kasi talaga nag-sstay ang mga boys. Pasaway lang talaga sina Austin kaya madalas natambay sa unit namin. Todo bantay na lang ang mama ni Janus sa amin. 

"Don't tell me you have a crush on Azure? You've been looking at him since we were at the beach."

Napalingon ako sa likuran ko. Kabute talaga itong boy kidlat ko. Bigla na lang sumusulpot. Malakas kong pinitik ang noo niya. Siraulong 'to. Pagseselosan pa si Azure.

"Baliw mo po. Naiinggit lang ako, wala kasi akong kapatid. Parang ang sarap kasi nilang maging kuya. Nakikita ko kasi kung paano nila alagaan si Glessy," pag-amin ko. Hinila ko siya papunta sa sala at umupo sa sofa. Nasa mga kwarto na ata nila yung iba, marahil nagpapahinga na dahil sa pagod.

"Yeah. Azure and Azval are really good brothers. I grew up with them until I was 14," pagtutuloy ni Janus.

Kaya pala close sila. Mas close siya kay Azure, actually.

"I remembered, I was crying on the day we left for U.S. I don't want to be separated with them, they're like the brothers I never had. I convinced them to come with us but they decided to stay here to find their sister," pagkukwento niya. "I was a bit upset. Maybe I was jealous too, that if they find their sister they'll forget about me."

"But it didn't happened right? Close pa rin naman kayo hanggang ngayon."

I saw him smiled. His eyes twinkled with adoration. He's not good with words. He's not good at expressing his feelings too, pero ramdam ko naman kung gaano kahalaga sa kanya ang kambal.

"Nandito na naman kayong dalawa sa sala? Magsibalik na kayo sa kwarto niyo at matulog." Biglang dumating ang mama ni Janus. Muntik pa kong mapatili dahil sa itim na clay mask sa mukha niya. Akala ko may mumu, pretty mumu to be exact.

Napakamot na lang sa likod ng batok niya si Janus nang ipagtabuyan siya palabas ng nanay niya.

"Goodnight!" paalam ko bago bumalik sa kwarto ko. Nakalimutan kong tatawagan ko nga pala si mama. Bukas na nga lang.

*****

Hating-gabi nang magising ulit ako dahil nauuhaw ako. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko para hindi makagawa ng ingay. Pupunta sana ko sa kusina pero nakakarinig ako na may nag-uusap sa sala kaya napasilip ako dito. Kasama ng mama ni Janus ang mga magulang ni Austin. Nandito na pala sila? Anong oras kaya sila dumating?

Mukhang ang seryoso ng usapan nila. Babalik na sana ko sa kwarto ko kaso umiral ang pagiging tsismosa ko. Patawad po, tito at tita.

"Sigurado akong masasaktan sila kapag nangyari yun," nanlulumong saad ng papa ni Austin. Napapailing-iling pa ito.

Ano kayang pinag-uusapan nila?

"But it was bound to happen. Sooner or later. I knew it, my gut feeling was right." Malalim na napabuntong hininga na lang ang mama ni Janus.

"Si Sehria ang pinakamasasaktan sa kanilang lahat, lalo pa't kailangang mawala ang isa sa kanila para tuluyang magising ang kapangyarihan niya."

Nahigit ko ang paghinga ko nang hindi ko namamalayan. Nakagawa ito ng tunog kaya napatingin sila sa direksyon ko. Gulat na gulat sila nang makita nila ako.

"Lei! Kanina ka pa ba diyan?" Austin mom's asked nervously. 

"A-Ano pong ibig niyong sabihin? Bakit kailangang may mawala? Anong meron kay Sehria? Pwede bang ipaliwanag niyo sa akin ang lahat?" My voice is shaking as I demand for an answer.

Umiwas sila ng tingin. Silence. Tanging katahimikan lang ang sinagot nila sa akin. Mukhang wala silang balak sabihin sa akin ang mga pinag-usapan nila. But if it's about us, hindi ba may karapatan kaming malaman kung anong itinatago nila sa amin?

Hanggang kailan ba ako maghahanap ng sagot? Hanggang kailan ba ako mangangapa sa dilim. Hanggang kailan ba sila maglilihim sa amin? Pagod na pagod na ko. Lunod na lunod na ako sa mga katanungan sa isip ko.

"I'm sorry, Lei. Sa tamang panahon, malalaman mo ang lahat sa tamang panahon," malungkot na hinarap ako ng mama ni Janus. Hindi ko na namalayan ang paglapit niya sa akin. Sa isang kumpas ng kamay niya unti-unting nagdilim ang paningin ko.

Third Person's POV

"Sadreen! Anong ginawa mo!" Natatarantang tanong ng ina ni Austin nang biglang mawalan ng malay si Lei.

"Don't worry. Pinatulog ko lang siya at binura ang alaala niya ng mga sandaling ito. Mahihirapan din naman tayong sagutin ang mga katanungan niya. Mas mabuti na ito. Less talk, less mistake," tugon ni Sadreen sa kaibigan.

Napatango na lang ang ama ni Austin bilang pag-sang ayon. Wala silang kamalay malay na bukod kay Lei, ay may iba pa palang nakakarinig ng buong pag-uusap nila. Napatakip na lamang siya ng kanyang bibig. Tila isang masamang panaginip ang mga nalaman niya. Marahas siyang napailing, dahan dahan siyang bumalik sa kwarto niya na may mabigat na dinadala sa kanyang dibdib. Sa isang iglap, tila gumuho ang mundo niya.

******

"Sarap ng tulog natin ah?" pang-aasar ni Fina sa kaibigan dahil nahuli ito ng gising.

Naabutan ni Lei na nag-aagahan na sa lamesa ang mga kaibigan niya. Napadako ang tingin niya sa mga magulang ni Austin na kasama din nilang nag-aagahan.

"Good morning po," bati niya. Ngumiti sa kanya ang mag-asawa na parang walang nangyari. Umupo siya bakanteng upuan sa tabi ni Glessy.

"Good morning bulinggit! Para sa akin ba yan?" tanong ni Lei kay Glessy. Abalang abala ito sa pagpapalaman sa tinapay.

"Hindi no! Gumawa ka ng sa'yo," tugon ng kaibigan. Binelatan pa siya nito kaya pabiro na lang niya itong inirapan.

"Kuya," tawag ni Glessy kay Azval. Gulat na gulat si Azval na napatingin sa nakakabatang kapatid. Halos masamid pa siya sa kapeng iniinom niya.

"T-Tinawag mo kong kuya?" Gustong lumundag ang puso niya sa saya. Sa kauna-unahang pagkakataon narinig niya rin ang kapatid niya na tawagin siyang kuya.

Matamis na ngumiti si Glessy at tumango. Parang maiiyak pa si Azval habang tinatanggap ang tinapay na inaabot sa kanya ng kapatid.

"Kuya Azure," baling naman ni Glessy kay Azure. Nagpalaman din siya ng tinapay at inabot ito sa kanya. Malugod na tinanggap ito ni Azure, bakas din sa mga mata nito ang labis na saya.

"Salamat, Sehria." Gumanti rin siya nang isang matamis na ngiti sa nakababatang kapatid.

"Anong nakain mo bulinggit? Ang sweet ng bibi na yan," panunukso ni Lei kay Glessy habang sinusundot ang tagiliran nito.

"Sweet naman talaga ko!" Pinandilatan niya si Lei para itigil nito ang pangingiliti sa kanya. "Basta simula ngayon, susulitin ko na ang bawat araw na kasama ko kayo," makahulugang wika pa nito. Tila naantig silang lahat dahil sa mga binitawan nitong salita.

"Group hug!" Sabay sabay nilang sigaw. Tumayo si Lei at ang mga kaibigan niya para ikulong ang isa't isa sa isang mahigpit na yakap.

Hindi nila napansin ang malungkot na pagngiti ng isa sa kanila. Batid niya na ang kasiyahan na ito ay panandalian lamang. Walang kamalay malay ang mga kaibigan niya sa mga sakit at pait na ihahain sa kanila ng kapalaran.


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C22
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ