Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko.
Why wouldn't I recognize it right away?
Marami akong bagay na naaalala involuntarily tungkol kay Nico tuwing nakikita at kasama ko si Topher...
at ang dahilan ay dahil magkahawig ang dalawang ito.
Magkapatid sila?
Ngayon ko iyon lubos na napagtanto lalo na ngayong magkatabing nakatayo sa harapan ko ang dalawa. Naramdaman ko ang bikig ng lalamunan habang pinagmamasdan ang ngiti ni Nico kay Topher. Hindi ko alam kung anong dapat gawin... hindi pa rin ako makapaniwala na ngayon ay nasa harapan ko na siya...
"Via...?"
Natauhan lamang ako noong marinig ang pagtawag sa akin ni Topher. Maligayang nakaakbay na siya kay Nico habang ang kamay ni Nico ay kanina pa pala nakalahad sa aking harapan. Doon ay napatayo rin ako at pinilit ring ngumiti.
"I'm V-Via..." inabot ko ang kamay niya. Pinilit kong alisin ang panginginig ng aking tinig. "I-I..."
"You said earlier na may kakilala kang Garcia na Engineer din, so magkakilala ba kayo ni Kuya?" Napatingin ako kay Topher dahil sa tanong niya, pagkatapos ay napatingin ako kay Nico na tahimik lang ring nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot ko. "Y-yes... I mean n-no... I, uh, met him yesterday... sa bus, pa-Buenavista." Tumingin ako kay Nico. "R-right?"
Natagalan bago sumagot si Nico.
"Oh... so you are that girl," aniya.
Napatingin lang sa aming dalawa si Topher ng nalilito, pero kalaunan ay pinalis niya iyon at iniba na ang topic.
"Anyway..." ani ni Topher. Umupo na si Nico sa tabi ng kapatid niya. "Kuya what do you want? It's my thank you treat."
"Any hot chocolate drink na lang." Aniya. Pagkatapos noon ay nawala na lang sa harapan namin si Topher upang umorder ng inumin ni Nico. Doon ay kaming dalawa na lang ang naiwan sa lamesa.
Bakabibinging ingay ang nangibabaw. Pakiramdam ko ay rinig na rinig ang malakas na hampas ng tibok ng dibdib ko. Pasimple ko siyang tinignan habang ang tingin niya ay na kay Topher.
He's so different now. Ibang iba sa Nico na nakilala ko noon. He's so professional, so good looking, an engineer indeed, hindi katulad noon na simpleng tshirt at sapatos lang...
Natauhan ako sa pagtitig sa kanya noong magtama ang mga mata namin. Nagpanic ang sistema ko kaya naman agad na nagbukas sara ang bibig ko.
He chuckled...
"Don't worry, I won't tell him..."
Natigilan ako sa sinabi niya. He smiled again noong mahalatang confused ako. "Na... umiiyak ka kahapon."
Bahagyang bumilog ang mata ko dahil sa sinabi niya. Bago pa ako makapagsalita ay dumating na agad si Topher upang samahan kami.
Ilang minuto akong lutang, sipping my coffee like there's no tomorrow. Siguro dahil wala akong mapanghugutan ng lakas sa ngayon dahil ito lang ang hawak ko. Mabuti na lang at naging busy ang dalawa sa paguusap.
"I did everything I can na pagtakpan ka, pero kilala mo naman si Mommy." Ani ni Nico. "She wants to talk to you now."
"Kuya..."
Habang ginagawa nila iyon ay hindi ko maiwasang tapunan ng tingin si Nico. Compared to Topher he's a bit matured, like a real Kuya. Gan'on pa rin ang buhok niya, may bangs kung saan umaabot hanggang sa makakapal niyang kilay na lalong nagdedepina ng kagandahan ng mukha niya.
Mas lalo ring lumawak ang balikat niya. Mas lalong nadepina ang panga. All this years... all those six years na iniisip ko kung paano na siya, all those six years I thought he's having a hard time.
Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng kaonting bitterness sa loob ko. Inis at lungkot, naghalo-halo na. Sinamahan na rin siguro ng pride. All those years na I spent my days thinking about him, while he's living his best life without me... even on his memories.
It felt so fucking hurt. Ramdam ko yata hanggang sa kaibuturan ng buto ko ang sakit.
I take a glance at him again and everytime I'm doing it, hindi ko maiwasang magkaroon ng bikig sa aking lalamunan. I think I shouldn't be here...
I have to leave...
Magsasalita pa lamang ako noong maunang magsalita si Topher.
"Via, I just need to go to JCG. Can you come with us too?" Napaawang ang bibig ko.
"Why?" Why? I need to go. I don't want here anymore...
"I just need to talk with my Mom. After that I'll drive you home. Please?" Inabot ng free niyang kamay ang kamay kong nasa table.
Automatic na napunta kay Nico ang tingin ko. Doon ay nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin.
"Okay."
Naglakad na nga kami palabas ng coffee shop at papunta sa JCG Firm. Hindi naman ito ganoon kalayo kaya ayos lang maglakad. Ilang minuto pa ay tumambad na sa amin ang malaking letra na umiilaw.
Tiningala ko ang building at palagay ko ay nasa labindalawang palapag ang kompanyang ito.
JOHN CHRISTOPHER GARCIA
Iyon ang sumalubong sa amin pagkapasok namin sa rotating glass doors. Malawak ang lobby at halos wala na ring tao dahil oras na ng uwian. Napatingin ako sa orasan at nasa 7PM na rin pala.
"Si Mom, nasa office ni Dad." Ani ni Nico noong nasa lobby na kami.
"Okay." Sagot ni Topher sabay tingin sa akin. "Kuya, can you accompany her for a while?"
What...?
"T-topher..." nasambit ko dahil sa pagkapanic. Don't tell me iiwan niya ako dito kasama si Nico? I can't... I still can't...
Napangisi si Topher dahil sa paghabol ko sa kanya.
"Saglit lang ako." Aniya, "Balik ako agad after." Saka siya pabirong kumindat at humalakhak. "Kuya ha?" Aniya pa bago tuluyang naglakad palayo...
Now, I'm all alone with... him...
Ilang minuto pa akong natuod sa kinatatayuan ko habang tinatanaw ang paglayo ni Topher. Iyon ay dahil hindi ko pa kayang lingunin ang lalaking nasa likuran ko.
Isang tikhim ang narinig ko sa likod dahilan para mapalingon ako sa kanya.
Tumambad sa akin ang kunot niyang noo at igting na panga. Umiwas siya ng tingin saka itinuro ang sofa hindi kalayuan.
"Babalik rin iyon agad, huwag kang magalala." aniya habang nakapamulsa. "Umupo muna tayo doon."