Kinabukasan ay naging sentro ako ng atensyon ng mga kaklase ko. Pinagkumpulan agad nila akong lahat pagkapasok ko pa lang sa pintuan ng classroom, at panay ang tanong tungkol kay Nico.
"Pa'no kayo nagkakilala, Via? At saan? Kailan?"
"Grabe kaya pala binusted mo sina Marcus at iba pang manliligaw mo dahil gan'ong level pala ang type mo?! I'm sure mayaman rin 'yon ano?"
Hindi ko sila sinasagot lahat. Kinuha ko ang phone at earphones ko para iparating na wala akong balak makipagusap sa kanilang lahat. Badtrip naman kasi si Geraldine, hanggang ngayon wala pa.
"Huy Via! Yuhoooo! May kausap ba kami?" nagwave pa ang isa sa kanila sa mukha ko. Kabanas!
"Syempre naman. Sa course niya pa lang na Architecture, sure namang anak mayaman siya e." narinig kong sabi ng isa sa kanila. Parang kinukurot ang puso ko dahil sa kasinungalingang iyon. Huminga ako ng malalim para ipunin ang kirot na iyon.
"Can you please shut up?" nagulat sila dahil sa pagsasalita ko habang naka-earphones. "Can't you see that I'm not in the mood to talk? Manhid ba kayo?"
Isa-isa silang nagsialisan sa paligid ko kaya naman hindi ko mapigilang mapapikit sa inis at bigat ng loob. Kahit nakaearphones ay rinig ko ang bulungan nila.
"Sungit naman."
"Sama ng ugali."
"Porke maganda, tss!"
Napapikit lang ako lalo. Gusto kong magpanggap na wala talaga akong pakialam sa sinasabi nila, but the truth is, I really care. Malambot lang rin ang puso ko't madaling masaktan.
Naramdaman kong nangilid ang luha ko pero agad akong huminga ng malalim para pigilan iyon. Kinuha ko na lang ang phone ko para totoong magpatugtog. Kanina kasi nagpapanggap lang akong nakaearphone pero pinapakinggan ko pa rin 'yong mga sinasabi nila.
Random kong pinatugtog 'yong playlist ko sa Spotify. Naramdaman ko na lang na tumuloy ang luha ko dahil sa music na unang tumugtog.
"Girl, I've been searching so long
in this world
Tryin' to find someone
Who could be
What my picture of love means to me
Then you came along..."
Agad kong pinunasan 'yong luhang tumulo para walang makapansin sa akin. Ito 'yung kantang pinakinggan namin ni Nico noong isang beses ay sabay kaming sumakay ng bus pa-Maynila. The first time we shared an earphone together.
"When I saw you
I knew you were the one
The girl that I've been dreaming of"
"Via?" napaangat ako ng tingin kay Geraldine na kakarating lang. Doon mas lalong tumulo ang luha ko dahil sa naga-alala niyang mukha. Nagmamadali siyang umupo sa tabi ko para bigyan ako ng akbay.
"What happened?" mahinang tanong niya. Umiling-iling ako.
"I'm sorry," iyan lang ang nasambit ko. "I'm sorry."
"Shh, don't cry too hard. They're watching."
Huminga ako ng malalim saka tumango. Geraldine knows mee to well. Alam niyang never kong gugustuhing malaman ng lahat na umiiyak ako. Ayoko n'on.
Noong nag-break time ay doon ko sinabi kay Geraldine lahat. Lahat-lahat pati 'yong kasinungalingang sinabi ko tungkol kay Nico. Na hindi siya mayaman, na kundoktor siya, at na may gusto ako sa kundoktor na iyon.
Akala ko she will mock him like I think she will, pero nagulat ako dahil niyakap niya lang ako habang nasa garden kami.
"It's okay Via." aniya. "It's okay to fell inlove with someone that's far from this society's standard."
Pinunasan niya ang luhang nasa pisngi ko. Nakatitig lang ako sa mukha niya.
"Saka natural lang na your Mom wants the best for you, pero tingin mo ba hindi ka niya maiintindihan kapag sinabi mong si Nico ang gusto mo?"
Tumatak ang lahat ng sinabing iyon ni Geraldine sa akin. Pakiramdam ko mas lalong gumaan ang dibdib ko magmula noong nagusap kami ni Geraldine. She's a really good girl after all.
Noong maguwian ay tinapik niya ang balikat ko. "Go for it, Via. Go for what your heart is saying."
Nakangiting tinahak ko ang daan papuntang gate pero natigilan ako noong hinarang ako ni Jared. This time ay ako na ang nagsabi kay Geraldine na mauna na siya upang makausap ko na rin si Jared. I think kailangan ko na siyang saktan ngayon, kailangan ko nang sabihin sa kanya ng diretsuhan na hindi ko siya gusto at hindi ko siya magugustuhan.
Pero mukhang alam na niya yata.
"Did you like him?" bungad niyang tanong pagkaalis pa lang ni Geraldine.
Nabigla ako noong una pero noong marealize ko na mukhang nakita niya kami ni Nico kahapon ay huminga ako ng malalim.
"Yes." tuwid kong sagot.
"Why?" tanong niya. Tinitigan ko ang galit niyang mukha. 'Yong maamo at mabait niyang aura ay parang biglang nawala. Napaatras ako ng kaonti dahil doon. "Akala ko ako 'yong gusto mo."
Napasinghap ako dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko ang bikig ng luha sa lalamunan ko. "What the hell are you saying--"
"Inaasar ka nila Geraldine na kinikilig ka sa katext mo, hindi ba? E sino lang bang katext mo?! Ako yung katext mo diba?"
Nansimula nang lumaki ang mata niya dahil sa galit habang nakatingin sa akin at dinuduro ang sarili niya. Nagsisilabasan na rin ang mga litid niya sa leeg.
"Akala ko ba wala kang panahon sa mga gan'on? Ha, Via?!" napapaatras ako habang unti-unti naman siyang humahakbang palapit. "Tama nga si Marcus. Paasa ka lang."
Namalayan ko na lang na lumipad ang sarili kong palad sa mukha niya.
"How dare you! Kailan man ay hindi kita pinaasa! You made up your own hope!"
Pagkatapos ko sabihin 'yon ay lumayas na ako sa harapan niya. Hindi pa man ako nakakalayo ay nagsalita ulit siya.
"Why him?" he said. "Archi lang siya, Law student ako. I got many awards. My Mom and Dad are both lawyers! That guy... he didn't even have his own car!"
Humarap ako sa kanya.
"I don't care. I don't care about status anymore. I don't care about who's rich and who's not." natigilan rin siya dahil sa pagsigaw ko. Siguro I'm so fed up na rin kaya naman hindi ko na mapigilang magtaas ng boses.
I chuckled dahil ang sarap sa pakiramdam. Pinunasan ko 'yong munting luhang kumawala sa gilid ng mata ko. Magmukha nang baliw pero...
"I don't fvcking care anymore."
Saka ako lumakad palayo.