TAG: THRILLER
SYNOPSIS: A TRAUMATIZED OVERSEAS CONTRACT WORKER, JACKY, PLOTS REVENGE AGAINST A STUPOR BUSINESSMAN, WHO SHE BLAMES FOR THE DEATH OF HER FAMILY, BY INTEGRATING.
PROLOGUE:
"Mr. Baldwin, call from Jacky Baldwin, from Japan. Will you accept the call?"
"Y-Yes."
"Daddy kumusta na kayo?, Daddy! Daddy! Daddy!"
"Anak, Jacky, paalam na sa iyo."
"Daddy bakit? Daddy! Daddy!"
"Napagbintangan ako na lumustay ng malaking halaga ng pera ng aking pinapasukang kumpanya na pag-aari ni Mr. Kalmin."
"Bakit po, papaanong nangyari Daddy?"
"Daddy si ate Jacky po ba ang kausap ninyo? Kakausapin ko po si ate, Daddy. Daddy bakit may hawak kang baril?."
"Sorry, Sonny."
"BANG! BANG!"
Dalawang putok ng baril ang tumama kay Sonny ang nadinig ni Jacky sa linya ng telepono.
"Ramon bakit mo binaril ang anak mo?", ang umiiyak na sigaw ni Mrs. Estela.
"HELLO!... DADDY!... DADDY!", ang sigaw ni Jacky sa telephone.
"Estela, asawa ko patawarin mo ako."
Itinutok ni Mr. Baldwin ang baril sa asawa at dalawang putok ng baril ang nadinig ni Jacky.
"BANG! BANG!"
Ang huling putok ng baril na narinig ni Jacky sa linya ng telepono ang siyang kumitil sa buhay ni Mr. Baldwin.
"BANG!"
"DADDY! DADDY! DADDY!"
"TOOT! TOOT! TOOT" (sounds of a hanging phone)
****
Ang nangyaring trahedya sa pamilya ni Mr.Baldwin ay mabilis na kumalat sa mga pahayagan.
"BALDWIN FAMILY FOUND DEAD"
"The family of Ramon Baldwin general manager of 'Hard Steel Corporation' was found dead in their residential house. The authorities are looking for the motive of suicide."
Ang nangyaring suicide sa pamilya ni Mr. Baldwin ay nag-ugat sa pagkabasa niya sa pahayagan na kakasuhan siya ng embezzlement ng kumpanya nila dahil sa hindi maipaliwanag na nawawalang malaking halaga sa pondo ng kumpanya. Hindi nakayanan ito ni Mr. Baldwin kaya nagdecide siyang wakasan ang kanilang buhay.
Sa bahay ni Mr.Kalmin ay pinaguusapan nila ang naunang balita sa lahat ng pahayagan: "GEN. MANAGER OF HARD STEEL CORP. WILL BE CHARGED OF EMBEZZLEMENT."
"Bakit sumingaw ang balitang ito tungkol sa ating kumpanya? Wala pa namang concrete evidence tungkol sa bagay na ito ah."
"Hindi ko nga rin po alam Daddy pero ang hinala ko ay mayroong gustong sumulot sa puwesto ni Mr. Baldwin kaya siguro siya ang nagparating sa media sa problema ng ating kumpanya."
"Siyasatin mo nga ito John at iharap mo sa akin kung sino ang nagbigay ng confidential information na ito sa media."
"Opo Daddy pupunta na po ako ng upisina."
"Valeria ikaw na muna ang bahala dito sa bahay at may kakausapin akong abogado. Kung may tatawag at magtatanong na may kinalaman sa upisina ay huwag kang magsasalita at tiyak mga reporter iyan na gusto lang makisawsaw sa nangyayaring kaguluhan sa kumpanya."
"Victoria tawagin mo ang driver at aalis na ako."
"Opo, Daddy."
"Mga buwisit iyang mga reporter na iyan. Wala pa namang matibay na ebidensya laban kay Mr. Baldwin ay naglagay na kaagad sila sa dyaryo ng ganoong balita. Kasalukuyan pang under audit ang financial conditions ng kumpanya. Kung sino man ang nagpalabas ng information na ito ay tatanggalin ko sa kumpanya."
"Honey kaawaawa naman ang pamilya ni Mr. Baldwin, masyado siyang naapektuhan ng balita at hindi niya ito nakayanang dalhin."
"Iyon nga ang ipinagdaramdam ko dahil isa siya sa aking pinagtitiwalaan sa ating kumpanya. Talagang ang inggit walang naidudulot na buti sa kapwa kundi kamalasan at pagkasawi ng buhay."
"O siya tama na, huwag mo ng masyadong isipin at baka sumakit na naman ang dibdib mo sa mga problema natin."
Habang nagbibihis si Mr.Kalmin ay para itong nahihirapang huminga na napansin ni Mrs. Valeria.
"JOHN! JOHN! Bumalik ka, hindi makahinga ang Daddy mo."
"Nasaan ang driver? Dalhin kaagad natin si daddy sa ospital!"
Sa Hospital.
"Mrs.Valeria obserbahan pa natin si Mr. Kalmin. Sa ngayon po ay mamamalagi muna siya ng isang linggo sa ICU bago natin malaman ang magiging resulta ng lagay niya. Just pray for him and let's hope for his early recovery."
"Salamat po, Dr. Chua."
"John, sobrang dinibdib ng Daddy mo ang nangyari kay Mr. Baldwin at sa pamilya nito."
"Wala na po tayong magagawa Mommy kundi maghintay sa magiging resulta ng lagay ni Daddy."
"Victoria ikaw na muna ang bahala kay Mommy at sasaglit lang ako sa upisina."
"Oo Kuya."
"Mrs. Valeria puwede na muna kayong umuwi sa inyo. Kami na po ang bahala kay Mr. Kalmin. Round the clock po ang gagawin naming check-up sa kanya. Baka po kasi makaapekto sa kalusugan ninyo ang pangyayari at kailangan na rin ninyo ng pahinga."
"Salamat po, Dr. Chua."
"Mommy, tayo na."
Sa Bahay.
Umiiyak si Mrs. Valeria dahil sa nangyayari sa kanila.
"Bakit nangyayari ito sa atin, Victoria?"
"Mommy pumatag po kayo at baka makasama pa sa inyo ang sobrang pag-iisip."
Si Jacky naman mula Japan ay umuwi sa bansa upang alamin ang puno't dulo ng kinahinatnan ng kanyang pamilya, At binuo sa isipan na maghihiganti siya sa pamilya ni Mr. Kalmin. Nalaman din niya sa dyaryo ang balitang nasa ICU si Mr. Kalmin dahil na-stroke ito.
"Sana matuluyan na siya at huwag na siyang magising pa", ang nasabi sa sarili ni Jacky dahil sa matinding galit nito.
Sa Office.
"Cathy, to my office, please."
"Cathy from now on all the reports and letters ay dito mo ilalagay sa table ko."
"Yes, Sir."
"Si Mr. Ramos, papuntahin mo dito."
"Opo."
"Mr. Ramos kumusta na ang audit reports ng kumpanya tungkol sa funds shortage?."
"Sir, hindi pa po tapos. But as soon as we finished it, we'll submit to you the report immediately."
"Good."
"By the way may alam ka ba kung sino ang nagbigay sa media ng tungkol sa vital information ng kumpanya?."
"As of now wala pa akong alam kung sino, pero we will continue investigating it, Sir."
"Okay."
Sa Ospital.
"Dr. Chua nakahanap na ba kayo ng puwedeng caregiver para kay Mr. Kalmin?"
"Wala pa po, pero may kakilala daw po iyong isang nurse natin na caregiver galing Japan at dito na raw mamamalagi"
"Mabuti kung gayon, sige kausapin ninyo at hingan ng bio-data at resume' of working experience at papuntahin mo sa akin, kakausapin ko"
"Opo."
"Kumusta ang pasyente, si Mr. Kalmin?"
"Wala pa rin pong pagbabago Dok."
"Okay, bukas ay alisan na ng mga aparato na nakakabit sa kanya at ilipat sa isang private room"
"Yes, Dok."
Sa office ay kinausap ni Doktor Chua si Mrs.Valeria.
"Mrs. Valeria bukas po ay ililipat na namin si Mr. Kalmin sa private room upang obserbahan siyang mabuti. At maaari na rin po siyang iuwi."
"Salamat po Doktor Chua pero ano po ang lagay ng Mister ko?."
"Mrs. Valeria dapat ninyong malaman na bagama't out-patient na siya ay hindi pa po siya ganap na magaling."
"Ano pong ibig ninyong sabihin Doktor?."
"Nasa condition po siya na na kung tawagin ay 'catatonic', a psychomotor disorder. His ability to move is not normal. And that symptom is called stupor, which means he cannot move, speak, or respond to stimuli. Buhay siya subali't para siyang tuod, nakadilat ang mga mata pero parang walang nakikita at walang naririnig, walang pakiramdam. Basta po nasa kalagayan siyang dapat habaan ang inyong patience Mrs. Valeria."
"I understand Dok, thank you very much."
"Mrs. Valeria, huwag na po kayong mabahala sa caregiver at mayroon na po kaming nakita na puwedeng mag-alaga kay Mr. Kalmin."
"Marami pong salamat."
Sa Canteen ng Hospital.
"Hoy Nancy, papuntahin mo daw iyong sinasabi mong kakilala mong caregiver at kakausapin ni Doktor Chua."
"Oo kakausapin ko at papupuntahin ko na siya dito after lunch."
"Ano nga ang pangalan niya?."
"Jacky."
"Papano mo siya nakilala?."
"Nakatira siya malapit sa amin. Umuupa lang siya ng isang kuwarto doon."
"Saan ba nakatira ang pamilya niya?."
"Ang sabi niya sa akin ay nag-iisa na lang daw siya dahil ang pamilya niya ay namatay sa isang aksidente."
"Ganoon ba? Nakakalungkot naman."
"Pero sino sa palagay mo ang pagsisilbihan niya?"
"Eh sino pa kundi si Mr. Kalmin."
"Ah oo nga pala."
****
"Jacky."
"Ikaw pala Nancy."
"May maganda akong balita sa iyo. Sumama ka ngayon sa akin sa Ospital at kakausapin ka ni Dr. Chua. Hindi ba gusto mong mag-caregiver?"
"Ay salamat Nancy kahit bago pa lang tayong magkakilala ay tinulungan mo ako na makahanap ng trabaho."
"Walang anuman iyon at kapag natanggap ka mayroon ka ng aalagaan, si Mr. Kalmin yung na-stroke at ngayon ay isa ng stupor."
"Ha? Si Mr.Kalmin?"
"Oo bakit? Kilala mo siya?."
"Hindi, nabasa ko lang sa newspaper."
Sa isipan ni Jacky ay parang ibinibigay sa kanya ang pagkakataon at hindi na siya mahihirapan kung papaano malalapit sa pamilya Kalmin, kay Mr. Kalmin, na siyang dahilan ng kamatayan ng kanyang mga magulang at kapatid.
****
Sa Ospital.
"Mrs. Valeria ito po si Jacky, ang pansamantalang magiging caregiver ni Mr.Kalmin."
"Kumusta ka iha?."
"Magandang araw po Mrs. Valeria."
"Salamat at timing ang pagdating mo dahil bukas ay iuuwi na namin ang pasyente at isasama ka na namin."
"Salamat po."
"Mrs. Valeria, paano po e di kayo na ang bahala sa kanya."
"Salamat po Dok."
"Jacky puntahan natin ang pasyente para makita mo."
At pumasok sila sa ICU.
"Ayan Jacky ang kaawaawa kong asawa."
"Sir kumusta po kayo? Huwag po kayong mag-alala at aalagaan ko po kayong mabuti", ang pakunwaring sinabi ni Jacky kay Mr. Kalmin.
Kinabukasan.
"Doktor Chua marami pong salamat."
"Sige po Mrs. Valeria at paminsan minsan ay dadalawin namin si Mr.Kalmin para alamin ang kalagayan niya."
"John mabuti at dumating ka kaagad, nakaayos na ang Daddy ninyo para maiuwi na natin."
"Mommy kumusta po si Daddy?."
"Sa ngayon nasa kundisyon siya na parang hindi tayo nakikita o naririnig kahit gising na gising siya. Wala siyang response sa mga naririnig niya at mga pagkausap sa kanya. Nasaan nga pala si Victoria?"
"Sa bahay na raw po siya maghihintay."
"Eh, John ito si Jacky ang magiging caregiver ni Daddy mo."
"Magandang araw John."
"Kumusta ka Jacky?"
"Mabuti po. Aalagaan ko pong mabuti si Mr.Kalmin."
"O tayo na at naghihintay ang sasakyan malapit sa may exit sa lobby."
"Jacky kunin mo sa kanila ang wheelchair."
"Mrs. Valeria ingat po kayo."
"Sige salamat sa inyo."
Pagdating sa bahay.
"Daddy", at hinalikan ni Victoria sa noo ang ama.
"Victoria siya si Jacky ang magiging caretaker ng Daddy mo."
"Magandang araw Victoria."
"Eh, dito ka na sa amin titira hangga't hindi pa magaling si Daddy."
"Magiging ganoon nga, aalagaan kong mabuti ang Daddy mo."
"Aling Belen nakaayos na ba ang hapag?."
"Opo ma'am."
"O tayo na, kumain muna tayo."
"Mrs. Valeria saan po ang kuwarto ni Mr. Kalwin?."
"Iyong pinto na nakabukas, sige ipasok mo na siya doon. Victoria samahan mo muna si Jacky sa kuwarto ng Daddy mo."
"Opo Mommy"
Sa kuwarto inihiga nila sa kama si Mr. Kalwin.
"Jacky nasaan ang pamilya mo?."
"Wala na akong pamilya. Nasa Japan ako ng maaksidente sila at namatay."
"Oh, I'm sorry."
"Tayo na Jacky at makakain na muna."
"Susunod na ako Victoria at aayusin ko lang ang kumot ng Daddy mo."
"Okay sumunod ka na lang."
Pagkaalis ni Victoria.
"Mr. Kalmin kumusta ka na? Ako si Jacky ang anak ni Mr. Baldwin, natatandaan mo pa ba? Ikaw ang dahilan kaya nagpakamatay ang Daddy ko at idinamay niya si Mommy ko at ang kapatid ko. Narito ako upang maghiganti at isa-isa ko ring papatayin ang pamilya mo at gusto kong ipakita iyon sa iyo, Mr. Kalmin naiintindihan mo?", ang sabi ni Jacky habang nakatitig lang sa kanya si Mr.Kalmin.
"Jacky kumain ka na."
"Opo punta na po ako diyan."
Habang kumakain.
"Ma'am mamaya po ipapasyal ko si Sir sa garden para makasagap siya ng sariwang hangin."
"Sige, bahala ka na."
"Eh, John kumusta sa office? Ikaw na muna ang mangangsiwa ng kumpanya habang may sakit ang Daddy mo."
"Opo at nag-meeting na kami at nagbigay ako sa kanila ng mga instruction. At hinihingi ko ang internal audit report ng kumpanya para malaman ko kung bakit nagkaroon ng malaking shortage sa pondo. Kung saan napunta ang malaking halaga."
"Good!"
"Ma'am Valeria ipapasyal ko na po si Sir sa labas."
Sa labas habang ipinapasyal ni Jacky si Mr.Kalmin ay pinagmamasdan sila ni Victoria mula sa bintana dahil may napupuna itong kakaiba sa mga ikinikilos ni Jacky. Parang may lihim ito na itinatago na hindi pa rin niya mawari kung ano.
Kinagabihan mga alas 9:00 ay nasa kusina si Mrs. Valeria at umiinom ng tubig ng dumating si Jacky. Uminom din ito.
"Hindi ka rin makatulog Jacky?"
"Opo ma'am maalinsangan ang panahon... sobrang init."
Dumating din si Victoria at may kinuha sa refrigerator. Si Jacky umalis na.
Pagkaalis ni Jacky ay kinausap ni Victoria ang ina na lingid sa kanila ay lihim na nakikinig si Jacky.
"Mommy bakit parang iba ang ikinikilos ni Jacky? Hindi mo ba napupuna? At inalam po ba ninyo ang background niya?"
"Wala naman akong napupuna at isa pa tiwala ako kay Dr. Chua. Siya ang nagrekomenda sa akin kay Jacky. At sa tingin ko ay mabait naman siya at inaalagaang mabuti ang Daddy mo."
"Sana po Mommy pero masama pa rin ang kutob ko sa kanya."
Kinabukasan
"Mommy si Dr. Chua po nasa linya."
"Hello Mrs. Valeria may pupunta po diyan na isang nurse upang tingnan ang kalagayan ni Mr. Kalmin."
"Opo sige po Dok."
"Kumusta po si Jacky, ang caregiver ni Mr. Kalmin?."
"Maayos naman po."
"Kasi po i-pull out po namin siya upang ilipat sa ibang pasyente. At iyong nurse na pupunta diyan ang papalit sa kanya upang higit na matingnan ang kalagayan ni Mr.Kalmin."
"Ganoon po ba? Sige po kayo na po ang bahala."
Hindi alam ni Mrs. Valeria ay nakikinig sa usapan nila si Jacky sa extension line kaya nakapag-isip si Jacky na kailangan na niyang isagawa ang kanyang mga balak.
"S**t, masisira pa yata ang plano ko a. Kailangan na akong kumilos kaagad."
Sa kusina, bago matulog si Jacky ay nagtimpla ng dalawang tasang kape at ang isa ay nilagyan niya ng pampatulog. Ibinigay ang isang tasa ng kape kay Victoria.
"Victoria coffee?."
"Salamat Jacky, kailan nga pala nangyari iyong aksidente sa pamilya mo?."
"Anim na buwan na ngayon mula ng mangyari iyon."
"Ha? Kailan lang pala, pero ang nabanggit mo yata noon ay matagal ng nangyari yon."
"Ah, siguro nasabi ko yon dahil sa tindi ng pagdadalamhati ko sa pagkawala ng aking mga mahal sa buhay."
"Sige Victoria inaantok na ako."
At umalis na si Jacky upang magkunwaring matutulog.
Pumasok na rin si Victoria sa kuwarto niya dahil sa antok na kanyang nararamdaman sa pag-inom niya ng kape na may pampatulog na inilagay ni Jacky.
Makaraan ang sampung minuto ay pinasok ni Jacky si Victoria sa kuwarto nito at tiniyak na tulog na tulog na ito.
Si Mrs. Valeria naman ay lumabas ng kuwarto dahil may kukunin sa ibaba ng bahay ng mapansin niya si Jacky na nakatayo sa may hagdanan at siya'y nagulat. Kakausapin pa sana niya si Jacky ng sa isang iglap ay itinulak siya ni Jacky at tuloy-tuloy na nahulog sa hagdanan.
Patay na si Mrs. Valeria ng matagpuan kinabukasan. At habang inilalabas ito ng bahay ng mga kumuhang tauhan ng punerarya ay lihim na nakangiti si Jacky dahil unti unti ng natutupad ang kanyang mga balak.
Walang kamalay-malay sina John at Victoria sa pangyayari dahil hindi sila nagising kahit sa lakas ng kalabog ng pagkahulog ni Mrs. Valeria dahil tulog na tulog si Victoria dahil sa ininom na kape na may pampatulog at si John naman ay lasing na lasing kagabi galing sa birthday ng kanyang kaibigan.
Nakita ni Jacky ang pagdadalamhati ng dalawa sa pagkawala ng kanilang ina at lihim siyang nasisiyahan dahil dama nila ang lungkot na nadama niya noon ng mawala ang kanyang pamilya.
Muling kinausap ni Jacky si Mr. Kalmin.
"Mr. Kalmin nagumpisa na ang aking paghihiganti at ikaw ang huli kong papatayin", ang sabi ni Jacky sa walang katinag tinag na si Mr, Kalmin... nakatitig lang ito kay Jacky na gusto man niyang sabihin na hindi niya kagustuhan ang pagkawala ng pamilya nito ay hindi niya masabi.
****
Dumating ang nurse makaraan ang dalawang araw. Kinausap ito ng magkapatid at pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay sinamahan ni Victoria ang nurse sa Daddy niya at isinagawa ang check up dito.
"Ma'am Victoria, okay naman ang Daddy ninyo babalik na lang ako uli kapag may instruction na si Dr. Chua na palitan ko na ang caregiver ni Mr.Kalmin."
"Victoria, ako na ang maghahatid sa kanya."
"Sige Jacky, gamitin mo na ang kotse para hanggang sa labasan mo na siya maihatid."
Habang palayo na sila sa bahay ay tiniyak ni Jacky kung siya ang papalit sa kanya.
"Ikaw pala ang papalit sa akin?."
"Ah, oo iyon ang sabi ni Dr. Chua. Ililipat ka daw sa ibang pasyente."
"Ganoon ba?"
Nang malapit na sila sa labasan ay inihinto ni Jacky ang sasakyan at nagkunwaring nasiraan sila.
"Ano ba ito at ngayon pa nag-overheat ang makina. Bumaba muna tayo at palalamigin ko muna ang makina."
"Maganda pala ang tanawin dito kahit malayo sa ibang mga bahay", ang sabi ng nurse na nakatingin sa malayo at hindi niya napansin na kinuha ni Jacky ang tire range sa compartment ng kotse at habang nakatalikod ito ay hinataw niya ito sa batok na agad nitong ikinamatay. Hinila niya ang bangkay sa masukal na dako at tinabunan ng mga sanga at tuyong dahon at saka siya nagmamadaling bumalik ng bahay.
****
"Ano na kaya ang nangyari at tatlong araw na ay wala pa ang nurse na papalit kay Jacky", ang nasabi ni Victoria sa sarili na may pagtataka.
"Victoria narito na si Daniel."
"John kumusta na? Tinawagan ako ni Victoria at nagpapasama sa akin sa Ospital at mayroon daw siyang i-verify."
"Ganoon ba? Sige ingat kayo."
"Salamat John... maiba ako John ano na ang update sa pamilya ng manager ng kumpanya ninyo na nagpatiwakal."
"Oo nga wala pa ring masabi ang mga otoridad kundi ang sabi nila na ang maaaring dahilan ay ang hindi malinaw pa na nabalita sa newspaper noon tungkol sa paglustay niya ng pondo ng upisina na ang balitang ito ay nanggaling lang sa isang naiinggit sa kanyang puwesto."
"Daniel tayo na."
"O paano John aalis na kami."
"Okay, bahala ka na sa kapatid kong masyadong masuspetsa."
Natawa lang si Daniel sa sinabi ni John.
Nang nakaalis na ang dalawa ay naupo si John sa sala upang ipahinga ang sarili... at mag relax.
"Jacky kunin mo nga iyong bote ng wine at manonood lang ako ng balita sa TV."
Alam na halos ni Jacky kung bakit pupunta ng Ospital si Victoria, aalamin niya ang dahilan ng hindi pagsipot ng nurse na papalit sa kanya.
Nakailang 'shots' na si John ng lumapit si Jacky kay John na may dalang sariling baso.
"John puwede ba akong maki' shot'?."
"Sure"
At si John pa ang nagsalin ng alak sa baso ni Jacky.
"Umupo ka Jacky para may makausap naman ako habang wala sina Victoria."
At umupo si Jacky ng medyo malapit kay John kaya amoy na nito ang bango ni Jacky at nakalitaw pa ang hita nito na lihim na sinusulyapan ni John. Maganda si Jacky at kahit sinong lalake ay matutukso dito. At habang patuloy sila sa palitan ng istorya sa buhay at siguro sa dami na rin ng naiinom ni John ay napahawak siya sa hita ni Jacky na hindi naman sinansala ng huli hanggang tuluyan ng natukso si John at nahalikan niya si Jacky.
Mag-uumaga na ng dumating sina Victoria at Daniel galing sa isang birthday party na pinuntahan nila pagkagaling sa Ospital.
"JOHN! JOHN!"
"JACKY! JACKY!"
Nang walang sumasagot ay nagtungo si Victoria sa silid ni John, binuksan niya ang pinto at lumabas si Jacky na nakatapal lang ng kumot at tuloy tuloy sa kuwarto nito. Tiningnan niya si John at kumilos lang ito ng pataob sa kama at tuloy na ulit natulog. Isinara niya ang pinto at galit sa kapatid na umalis.
****
May mga dumating na mga pulis at nag-umpisang magtanong at pagkatapos ay umalis na at sa kapaligiran nagimbestiga hanggang sa makarating sa labasan at doon nadiskubre ang bangkay ng nurse na nasa decomposing stage na.
Dahil alam na ni Jacky na malapit na siyang imbestigahan ay kinuha nito ang baril ng ama na kanyang itinago upang gamitin sa kanyang paghihiganti.
Pinuntahan niya si John na nakahiga pa sa kama.
"Sorry John!", at binaril niya ito.
"BANG!"
Pinuntahan naman si Victoria na nakatutok ang baril dito at isinamang pilit sa kuwarto ni Mr. Kalmin.
"Umupo ka diyan sa tabi ng Daddy mo", ang pagalit na sigaw kay Victoria habang itinulak ito kay Mr. Kalmin."
"Ngayon Mr. Kalmin patas na tayo... ikaw ang naging dahilan ng pagkawala ng aking pamilya at ganito rin ang mangyayari sa inyo ngayon."
"Baliw ka na Jacky, sabi ko na nga ba't duda ako sa mga ikinikilos mo, ikaw pala ang anak ni Mr.Baldwin."
"HA! HA! HA!... oo ako nga? Kayo ang mga baliw nagbibintang kayo ng walang katotohanan kaya hindi natagalan ng aking ama ang balita sa dyaryo kaya nagpakamatay ito at idinamay pa ang aking ina't kapatid. Alam mo ba Victoria kung gaano kasakit iyon sa akin? Alam mo ba iyon... HA?", ang mga matatalim na salita ni Jacky ang parang tumutunaw kay Victoria habang iwinawasiwas ang hawak nitong baril. Si Mr. Kalmin naman ay nakatitig lamang kay Jacky na parang hindi alam ang mangyayari sa kanila.
"Ano Mr. Kalmin? Para sa kaalaman mo ako ang nagtulak sa iyong asawa sa hagdanan at namatay. At ang anak mong si John nasa kuwarto niya binaril ko at..."
Hindi naituloy ni Jacky ang iba pa niyang sasabihin dahil nakakuha ng tiyempo si Victoria at sila'y nagpambuno hanggang mabitiwan ni Jacky ang baril at nakuha ito ni Victoria. Biglang nawala si Jacky at ng lumitaw ay may hawak na itong kutsilyo.
"Huwag kang lalapit Jacky kakalabitin ko ang gatilyo ng baril na ito."
"Sige kalabitin mo alam ko naman na isa kang duwag at hindi mo kayang pumatay."
Hawak na mahigpit ni Jacky ang kutsilyo na nanglilisik ang mga mata at unti unting lumalapit kay Victoria, at ng dalawang dipa na lang ang layo nito kay Victoria ay pumutok ang baril at tinamaan ito sa dibdib na kaagad nitong ikinamatay.
Sa pagkakataong iyon ay nagdatingan ang mga pulis na nakarinig sa mga putok habang nagiimbistiga sila sa bangkay ng nurse.
Nadala kaagad sa ospital si John at naisalba ang buhay nito.
Pagkalipas ng trahedyang nangyari, ngayon ay magaling na si John sa tama ng baril at ang kanilang ama na si Mr. Kalmin ay naikikilos na ang mga kamay at ayon kay Dr.Chua, mga isa o dalawang buwan pa ay muling babalik ang lakas nito batay sa pagsusuri ng Ospital.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up!
Have some ideas about my story? Comment it and let me know.
Thank you for reading my story and promise another story is coming, so enjoy reading.