ดาวน์โหลดแอป
15% Just Hold Onto Destiny's Grasp / Chapter 9: Visit

บท 9: Visit

"YAY!" biglang inagaw ni Abram ang librong binabasa ko. Nakapuwesto pa rin ang kamay ko kung paano ang hawak ko sa libro, at gulat na tumingin sa kanya.

I'm still reading! Napalunok ako nong inalis niya ang bookmark ng libro ko! Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko. Siguradong matindi ang paghahanap ko mamaya.

Tumikhim siya at binuksan ang libro.

"Tinanggal niya ang damit ko pagkatapos ay napapikit ako ng mariin nang maramdaman ko ang malaking kamay niya sa kanang dibdib ko," pagbabasa niya. Umuwang ang labi at nanlalaki ang matang tumingin sa akin. Napasinghap naman ako sa narinig.

"H-Hoy! Saan nanggaling ang binasa mo? Walang ganyan, ha!" depensa ko sa kanya at inaagaw ang libro ngunit nilayo niya sa akin.

I swear there's nothing like that, and it's not even an erotic novel!

Nagpipigil pa siya ng ngiti no'ng una ngunit nang hindi niya makayanan ay tumawa siya ng malakas habang nakaturo sa mukha ko ang kamay niya.

"Your reaction is priceless, Damien! Sana talaga vinideo ko para may pagtatawanan ako!" tawa-tawa pa na sabi niya sa akin at sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Your joke is not even funny, Abram. Don't do that again," I seriously said. Pagkatapos, hinablot ang libro kong hawak niya.

Umupo muli ako sa sofa at hinanap kung saang chapter na ako. Limang chapter na lang din ako at matatapos ko na.

Naramdaman ko ang paglubog ng sofa sa kanan ko kaya alam kong katabi ko na si Abram at mang-aasar na naman ito.

"Miss Keyl? Is it Caelian's pen name?" Sigurado akong nakaguhit na sa labi niya ang pinaka nakakaasar na ngiti niya. Hindi ako lumingon, bahala siya sa buhay niya.

Yes, its true. I'm reading the book that she bought me.

"Hindi ka naman mahilig sa libro dati, diba? Ayaw na ayaw mo magbasa, mas gusto mo pa manood kesa magbasa ng libro. Pero ngayon, author lang si Caelian naging book worm ka na," may panghihinala at may halong pang-aasar na sabi niya.

Hindi ba pwedeng magbago ang gusto ng isang tao? May bayad ba 'yon? Hindi ko pa rin siya pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa. Maubos sana ang laway niya kakadada.

"Alam ko na kung saan nakatira si Caelian," nagpintig ang tenga ko sa narinig ko at mabilis akong lumingon sa kanya.

Sumalubong sa akin ang nakangising aso na mukha niya.

"Bakit ba atat na atat kang malaman kung nasaan nakatira si Caelian, ha? Bakit gusto mo na bang umakyat ng ligaw?" curious na tanong niya sa akin at may halong panunukso.

Bumuntong hininga ako at sumandal sa sofa, ibinaba ang libro sa hita ko.

"Gusto ko siyang makita dahil may gusto akong sabihin sa kanya," sagot ko sa kanya na malayo ang tingin.

"Ng nararamdaman mo?" duktong niya at tiningnan ko siya na nakakunot ang noo.

"Ang harot mo, Abram;" hindi mapigilang usal ko sa kanya.

Ngumisi siya sa akin, "Atleast sayo lang haharot at ibubuka ang bulaklak," sagot niya sa akin at napangiwi ako.

"Basta may importante akong gustong ko sabihin sa kanya," seryoso na sagot ko.

Dalawang linggo na ang nakakalipas at patuloy pa rin ako sa paghahanap kung saan nakatira si Caelian.

Sa totoo lang, ito ang dahilan kung binuksan ang libro niya dahil umaasa ako na nakasulat do'n ang address ng bahay niya ngunit wala pala. Ayaw niya nga ipagkalat na nakita ko siya sa mga fans niya, umasa pa kaya akong may address do'n sa libro niya? Saka sabi ni Abram, hindi naman daw talaga nilalagay ang address ng author sa libro.

"Tinutukso lang kita sa kanya, Damien. Pero konti na lang maniniwala na akong may lihim na pagtingin ka sa may maikling buhok na iyon," seryosong sabi niya sa akin.

"Lihim na pagtingin? Agad-agad? Ewan ko sayo, Abram, maghanap ka ng makakausap mo," sagot ko sa kanya at tinuloy ang pagbabasa ko. Mas maganda ng pagtuunan ko ng pansin ang libro dahil kahit papaano may matutunan ako kesa sa bibig ni Abram puro harot lang.

"Magma-mango shake ako at gagawa ng snacks, maghanap pala ng kausap, ha. Sige manigas at magutom ka diyan!" sambit niya sa akin at dinuro pa ako. Sumimangot ako sa sinabi niya at binalik na lang muli ang paningin ko sa libro.

Masarap gumawa at magluto si Abram, 'yong mga luto niya ay 'yong mga luto na hahanap-hanapin mo sa sobrang sarap kaya malaking panghihinayang ang nararamdaman ko ngayon. Gustong gusto ko kasi ang luto ni Abram.

Wala akong nagawa at nagpatuloy na lang sa pagbabasa hanggang umabot ako sa last chapter ng libro.

"Maghanap ng kausap, ha. Sinong nganga ngayon?" sabi ni Abram pagkalabas galing kusina, may dala siyang isang mango shake na nakalagay sa baso at cookies sa plato.

Sasagot pa sana ako nang marinig namin na may kumakatok sa mini gate namin. Sabay kaming napalingon ni Abram do'n at binalik ang tingin sa isa't isa na parang pinaparating kung sinong bisita iyon ngunit itinaas niya lang ang balikat niya.

Sino naman kaya ito? Pareho kaming walang inaasahan na bisita na darating.

"Ako na ang pupunta," pagpresinta ko at inilapag ang librong kakatapos ko lang basahin sa maliit na lamesa na nasa gitna.

Lumabas na ako sa bahay namin, mula rito may nakita akong isang babae na nakatalikod at naka-dress siyang kulay pink. Nakikita ko dahil mini gate lang ang meron kami at hindi man ganon kalaki kaya makikita mo pa rin ang nasa labas. Umuwang ang labi ko nong humarap siya puwesto ko ngunit idinikit ko muli at nginitian siya ng tipid. Binuksan ko na ang gate at nginitian ko pa siya lalo.

"Heizelle, w-why are you here?" hindi ko na natago ang tono na pagtataka sa presensya niya.

Umayos naman siya ng pagkakatayo at inayos ang buhok papunta sa likod ng tenga niya. Pinaikot niya pa ang tingin sa bahay bago muling nagtagpo ang tingin namin.

"Dito ka pa rin pala nakatira, akala ko lumipat na kayo ni Abram ng bahay," imbes na sagutin ang tanong ko ay ito ang sinabi niya sa akin.

Pilit na napatawa naman ako. "Hindi man kami lumipat. And why I'll do that?"

"Maybe because of me? For moving on?" sagot ni Heizelle at napataas ang kilay ko. "Kidding!" natatawang dugtong niya at tumawa na lang din ako.

"Let's go inside," anyaya ko sa kanya at magiliw siyang pumasok sa loob. Sinira ko muna ang mini gate bago kami sabay na naglakad papasok sa bahay.

"Nandiyan si Abram?" tanong niya sa akin.

"Oo, nasa loob," sagot ko.

"Ah! Ouch!" mabilis akong napalingon kay Heizelle nang marinig ko ang pagdaing niya.

"Anong masakit?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa braso niya.

"'Y-Yong paa ko, masakit," nahihirapan na sabi niya kaya inilipat ko ang tingin ko sa paa niya. Naka-heels pala siya kaya pala medyo tumangkad siya.

Iniluhod ko ang isang paa ko at hinawakan ang paa niya para tingnan.

"Bakit ka naman kasi nag-heels? Sana nag-sandals ka na lang para komportable ka maglakad," sermon ko sa kanya at nakita kong may paltos siya.

"I'm sorry, g-gusto ko lang naman kasi maging presentable," sagot niya sa akin.

"Wala ka naman sa TV show para maging sobrang presentable, Heizelle. Sa bahay ka lang naman pupunta," seryosong sabi ko sa kanya. "Tatanggalin natin 'to," paalam ko at tinanggal ang strap ng heels niya.

Pagkatapos kong tanggalin ang sapatos niya ay kinuha ko ito at saka ako tumayo. Tiningnan ko ang paa niyang nakatapak na ngayon, maputi at maliit ang paa ni Heizelle. Inalis ko sa paa ko ang tsinelas at inusog 'yon gamit ang paa ko papunta sa kanya, "Ayan isuot mo muna" sambit ko.

"T-Thank you," tumango lang ako bilang sagot.

"Kaya mo bang maglakad? Puwede kang humawak sa akin kung nahihirapan ka," seryoso ko pa rin sabi. Kahit naman kasi sinaktan niya ako noon, may awa pa rin naman ang puso ko.

"P-Pwede?" gulat at may halong saya na tanong niya sa akin.

"O-Oo naman," nawiwirdohan na sagot ko sa kanya.

Nahihiya pa siyang itaas ang kamay niya kaya ang ginawa ko ay kinuha ko ang kamay niya at pinahawak sa pulsuhan ko. Nakaramdam ako ng konting kuryente ngunit hindi ko na lang pinansin at inalalayan siyang maglakad. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin at aaminin kong naiilang ako roon.

"Sinong bisita—" napatigil si Abram sa pagsasalita nang makita niya ang kasama ko.

"H-Hi, Abram. Kumusta?" pilit na pinasaya ni Heizelle ang boses niya at bakas dito na nahihiya siya.

"Kanina, ayos lang pero ngayon....never mind," walang emosyong sagot ni Abram. "Hindi naman sa nanghihimasok ako o ano, bakit ka napapunta rito? Anong meron?" bakas ang pagtataka sa boses ni Abram at ito rin ang tanong ko kanina, kaya pareho na kaming nakatingin kay Heizelle ngayon.

"Ah! Oo nga pala!" Mukhang ngayon palang niya naalala kung ano ang pinunta niya rito. May kinuha siyang container sa bag niya at hinarap sa akin. "Gusto ko lang magpasalamat dahil pinaupo mo ako sa table niyo nong minsan, sana tanggapin mo ito." Hindi mapunit ang ngiti sa labi niya at napaka-sinsero nito. "Chicken macaroni salad. It's your favorite, right?" Ngumiti ako ng tipid sa kanya at tinanggap ang dala niya.

"Salamat, hindi ko expect na magluluto ka pa nito dahil para sa akin, maliit na bagay lang naman 'yon kaya sana hindi kana nag-abala," napakamot pa ako sa ulo ko habang sinasabi iyon.

"K-Kaya nagluto rin ako kasi na-miss kong magluto para sayo," nakayukong sabi niya at nagkatinginan kami ni Abram.

Na-miss niyang magluto para sa akin? What? Is that a joke or not? Tinitigan ko siya pero wala akong makitang pambibiro sa mukha niya.

Para mawala ang awkwardness ay pilit na natawa ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa binitawang salita niya. Nakita ko si Abram na napailing-iling. Even him, he can feel the awkwardness around us.

"Classic macaroni salad ang paborito ni Abram," biglang sabi ni Abram na seryosong nakatingin kay Heizelle.

"Ah, ganon ba? Akala ko chicken macaroni salad, pero hayaan mo kahit ano man ang lutuin ko basta ako ang nagluto, magugustuhan iyon ni Damien, diba?" nakangiting usal niya at lumingon sa akin, isang ngiti na lang ang isinagot ko sa kanya.

"Kainin na natin ang hinanda niyong dalawa, ano sa tingin niyo? Heizelle, makisabay ka na lang sa amin," nakangiting anyaya ko at tulad ng sinabi ko ay sabay-sabay kaming kumain tatlo.

"MASARAP ba?" tanong ni Heizelle sa akin, palabas na kami ngayon ng bahay.

"Oo," pero mas masarap kung Classic Macaroni salad 'yon, sagot ko at ngumiti sa kanya. "Kumusta ang paa mo? Masakit pa ba?" tanong ko sa kanya at sumilip pa sa paa niya bago tumingin sa kanya.

Tiningnan niya rin ang paa saka nakangiting tiningnan ako. "Hindi naman masyado masakit, salamat pagpapahiram sa akin ng tsinelas, ibabalik ko na lang sa susunod."

"No, its fine, you can have it," I answered her. Inayos niya muli ang buhok niya papunta sa likod ng tenga niya.

Binuksan ko na ang mini gate namin. Magkaharapan na kami ngayon.

"Tatawag pa ba ako ng tricycle?" tanong ko sa kanya. Wala naman kasi akong kotse para mahatid siya.

"Hindi na. Susunduin ako ng b-boyfriend ko," sagot niya at napatango naman ako.

"Mabuti alam niya rito?" usal ko habang nakatingin sa harapan ko saka ako lumingon sa kanya. "Kailan mo pa siya naging boyfriend?" tanong ko, hindi pinapahalatang interesado.

"Mag-iisang taon na kami niyan next week," sagot niya at napataas ang kilay ko.

"Ah...matagal na pala kayo, 'no?" tango-tango kong sabi.

"Pero mas matagal tayo," sambit niya na nakatingin mismo sa mga mata ko.

Natigilan ako at bago ko pa malaman ay sinalubong ko rin ang mga mata niya. Sa totoo lang 'yong mata niya ay maraming sinasabi na hindi ko alam kung ano tinutungkulan. Naputol lang ang titigan namin nang may narinig kaming busina ng kotse.

"Nandiyan na pala siya," mahinang usal ni Heizelle habang nakatingin sa kotse. Lumabas doon ang boyfriend niya na ang ganda ng pagkakangiti.

"Hi babe!" bati ni Heizelle. Lumapit si Heizelle sa kanya at sinalubong naman siya ng boyfriend niya ng yakap pagkatapos ay hinalikan sa noo.

"Anong ginagawa mo rito sa bahay ng kaibigan mo?" tanong ng lalaki bago bumaba ang kamay sa bewang ni Heizelle.

"Nag-thank you lang ako sa kanya at nagbigay ng pagkain," mabilis na sagot ni Heizelle.

"Uwi na tayo?" tanong ng lalaki at sunod-sunod naman tumango si Heizelle.

"Okay. Mauna ka munang pumasok sa loob. But before that, kiss mo muna ako," malambing na sabi ng lalaki sa kanya na parehong kamay ay nasa bewang niya.

Halatang nagdadalawang isip pa si Heizelle ngunit sa huli ay sinunod niya rin ang lalaki, tumingkayad si Heizelle at hinalikan ang lalaki sa labi. Aalis na sana siya nang hawakan ni Teajay ang batok niya at mas pinatagal pa ang halik habang masamang-masama ang tingin niya sa akin.

Nag-ngitngit ang mga ngipin ko. Gusto ko siyang sapakin at basagin ang mukha ngunit pinigilan ko ang emosyon ko.

"I love you, hintayin mo na lang ako sa loob, ha?" malambing na sabi niya sa babae habang sapo ang mukha nito sa kamay saka niya hinalikan sa noo. Tumingin muna sa akin si Heizelle at yumuko bago siya pumasok sa loob ng sasakyan.

"Anong pumasok sa utak mo at hinalikan mo siya sa harapan ko? Wala ka bang respeto sa girlfriend mo, ha?!" galit na galit na sabi ko kay Teajay. Sobra ang pagkakakuyom ng kamao ko at kapag hindi na ako nakapagpigil ay tatamaan siya nito.

"Girlfriend ko nga, diba? Kahit halikan ko siya sa harapan mo o mag-make out man kami sa harap mo, wala kang paki alam dahil girlfriend ko siya! Pagmamay-ari ko siya!" sigaw ni Teajay pabalik sa akin at nagpintig naman ang tenga ko sa sinabi niya kaya mabilis ako lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kuwelyo.

"Anong sinabi mo?! Girlfriend mo lang siya! O kahit mag-asawa na kayo, kailangan mo pa rin siyang respetuhin!" nanggigigil na sigaw ko sa pagmumukha niya.

"Talagang sayo pa nanggaling ang salitang respeto?!" sambit niya at tinulak ako palayo sa kanya. "E, ikaw nga hindi marunong rumespeto sa taong may karelasyon na! May boyfriend na nga't lahat umaaligid ka pa!" sigaw ni Teajay, kung galit ako ay mas doble ang galit niya sa akin.

"Hindi ako umaaligid sa girlfriend mo. Kung iniisip mong inaagaw ko siya sayo, aba! Mag-isip ka ulit dahil wala akong plano," seryoso at hindi inaalis ang tingin sa kanya. Napa-asik lang siya sa akin at nagbigay lang ng nakakaasar na ngisi.

"Kahit hindi sabihin sa akin ni Heizelle, alam kong ex-boyfriend ka niya at hindi simpleng kaibigan lang," mahinahon ngunit mahahalata ang galit na sabi ni Teajay.

"Kaya kung may respeto ka sa relasyon namin, please lang lumayo ka sa girlfriend ko. Masaya na kami, huwag mo na sana guluhin at sirain," sambit niya saka niya ako tinapik sa balikat at sumakay sa loob ng kotse niya.

ความคิดของผู้สร้าง
SHECULAR SHECULAR

Ginigilgil mo si Damien, Teajay! Hahaha! Haba naman kasi ng hair ni Heizelle! Grabe!

Osya, next chapter na tayo. See you!

-shayyymacho

Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C9
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ