Ano nga ba ang tunay na nais ng puso ko ngayong darating na kapaskuhan?
Nais ko makadalo tuwing pasko sa makulay at masaya na pagtitipon ng pamilya namin; sa partido ng aking ina.
Paano ko nasabing makulay at masaya?
Sapagkat, mayroong kainan, mga palaro, raffles at exchange gift na hindi mawawala.
Matupad ang pangarap ko...
Ano nga ba ang pangarap ko?
Sa totoo ang pangarap ko ay nahahati sa tatlo:
Pagarte (Pagaartista)
Pagguhit (Fashion Designing: Kung ito mayroon na nga akong brand na ginawa Fashion Maker at mayroon na rin akong FB page, Instagram at TikTok nito, Animator: tagadrawing ng comics, tagagawa ng logo o tagagawa ng mga cartoons o animated na napapanood sa TV or internet.)
O di kaya naman ay Pagsulat (pagiging Journalist, pagsulat ng novela o di kaya ay script ng drama).
O kahit isa man lang sa mga ito ay aking maabot o makamtan.
Di man sa ngayon,
Maaaring sa paglipas ng panahon.
Kaya hiling ko sa maykapal...
Tulungan akong pagyamanin kung anong mayroon sa ngayon
Tulungan akong yumup-yop habang maikli pa ang kumot.
Tulungan akong huwag mawalan ng pagasa
Ihayag sa akin ng maaga ano bang nakahaing plano nya para sa akin.
Upang di umasa kung walang pagasa,
Sa mga pangarap na nais ko at ng puso ko.
Ituwid sa mga pagkakamali.
Dagdagan ang pananampalataya
At higit sa lahat ay dalisayin ang puso.
Para sa ikaluluwalhati nya.
Papuri sa kanya ko lamang iaalay.
Isa pa sa nais ko ihayag sa bawat isa ay...
Ang pasko ay di laang basta-basta pagtitipon.
Reunion, sama-sama, kasiyahan tulad ng kapistahan.
Kundi ang tunay na diwa nito ay ang...
Kapanganakan ng Panginoong Jesu-Cristo
Na syang nagalis at nagpalaya sa atin sa ating mga kasalanan.
Kung ipinagdiriwang natin ang pasko ng pagkabuhay,
Gayun din naman ang pasko ng Kapanganakan ng Panginoong Jesu-Cristo.
At sana huwag itong makalimutan ng bawat isa.
Huwag sana tayong nakafocus sa kung anong ibibigay, maibibigay natin o matatanggap natin,
Sa araw ng kapaskuhan...
Maging sa emosyon na ating madarama.
Kundi sa tunay na kahulugan nito
At ito ay ang kapanganakan ng Panginoong Jesu-Cristo.