ดาวน์โหลดแอป
50% The Mystery of Deaths [Filipino] / Chapter 11: Chapter 11: Estamilia

บท 11: Chapter 11: Estamilia

Mary's Point of View

"I have no involvement in this case!"

Patuloy na nagdadrama si Angelia habang kami ay naglalakad papasok sa police station, habang tahimik lamang ako na nakayuko, umaasa na walang mangyayaring masama rito.

Ipinasok kami sa isang maliit na kuwarto kung saan naroon nakaupo ang isa pang pulis.

"Ano ito?"

Tanong ng pulis. Medyo nasa katandaan na siya ngunit parang malakas pa rin siya.

"Chief! May namatay po sa Vernaz Central High School at sila po siguro ang makakapagpaliwanag kung anong nangyari"

Sagot ng pulis na nasa tabi ko. Lumunok ako sa kaba dahil alam kong wala akong masasabi sapagkat hindi ko alam kung paano namatay si Kristine.

"Ms. Reponzo! Alam mo ba ang pinaggagawa mo ay maaapektuhan sa reputasyon ng ama mo?"

Nakangising pagsalita ng chief na nakatayo na mula sa kaniyang kinauupuan.

"I know! And I didn't witness how our classmate died. Ito pong si Mary ang nakakita kung paano namatay yung classmate namin"

Itinaas ni Angelia ang kaniyang tono sa pagsasalita.

"Ms.? Did you witness the death of your classmate? Paano siya namatay?"

Tumitig sa akin ang chief nang seryoso. Hindi ko alam kung paano ako sasagot dahil hindi ko naman talaga alama kung paano siya namatay.

Marahil na pinatay siya ng babae na nakausap ko sa ikalawang palapag ng library, ngunit kapag sinabi ko iyon ay pagtatawanan na lamang nila ito.

"Hindi ko po alam kung paano siya namatay. Pero nais kong imbestigahan mag-isa ang nangyari sa kaklase ko!"

Tugon ko sa chief. Napatawa naman sa gilid ang mga pulis kabilang na rin si Angelia.

"I'm sorry, Mary but do not risk your life in this mess. Huwag mo nang imbestigahan and my dad, Mr. Jeffrey Anthony Reponzo will be going to do it"

Wika ni Angelia sa tabi ko. Tinitigan ko lang siya at lumingon muli sa chief na seryosong nakatingin sa mukha ko.

"Angelia! Dear!"

Narinig namin ang sigaw ng isang babae. Dito na pumasok ang ina ni Angelia kasama ang alalay nito, na parehong nag-aalala kay Angelia.

"Ma! I was taken here even if I did not do anything wrong! Ako pa nga ang tumawag sa mga pulis!"

Sigaw ni Angelia habang tinutulak-tulak lang ng nanay niya ang mga pulis. Niyakap ng nanay niya si Angelia nang mahigpit.

"You! How dare you involve my daughter in your mess! Akala ko pa naman mabuti kang bata!"

Bigla na lamang akong sinigawan ng nanay niya nang walang dahilan. Ano na naman ang aking ginawa?!

"Chief! Ikulong mo itong babae na ito!"

Dagdag pa niya na dahilan para higpitan pa lalo ng mga pulis ang hawak sa akin.

"Chief! Wala po akong ginagawang masama! Hindi ko alam kung sino ang may gawa pero I promise na gagawin ko ang lahat para malaman kung sino ang gumagawa nito!"

Pagmamakaawa ko habang tumatalon para mabitawan ng mga pulis ang aking braso. Napayuko sa mesa at napaisip ang chief nang husto.

Umaasa ako na hindi ako makukulong kahit na mas malakas ang mga nagpapakulong sa akin.

"Yes chief! I'm with her"

Narinig ko ang isang malalim na boses dahilan para kami'y mapalingon sa pintuan. Laking gulat ko nang makita ko muli si Benedict kasama si Gerald.

"I am also willing to solve the unknown killings in this town, if you give us a chance"

Sabi ni Benedict habang papalapit sa harap ng chief. Akala ko makukulong na ako nito.

"Fine"

Narinig ko ang boses ng nanay ni Angelia na nakatitig sa akin nang galit.

"I am giving you a month to know who is behind this mystery! Kapag hindi mo nagawa on time at the same time, wala ring na-discover sa pagkamatay ng kaklase niyo, idedemanda na kita"

Wika ng nanay ni Angelia sa amin. Medy kinabahan ako dahil sa narinig ko, samanatalang nakatitig sa akin si Angelia nang nag-aalala.

Habang tumatagal, nakakaramdam na ako ng discomfort kay Angelia at hindi ko alam kung bakit.

"Your time starts now!"

Sigaw ng nanay ni Angelia. Binitawan ako bigla ng mga pulis at ako'y nakakagalaw na muli.

"Sige, puwede na kayong umalis!"

Bigkas ng chief at napaupo muli sa kaniyang upuan.

Lumabas nang mabilis si Angelia kasama ang nanay ni Angelia na mukhang galit sa akin. Ano bang mayroon at bakit sila galit?

Napayuko ako sa sahig habang kami ay naglalakad palabas ng police station. Ang ibang mga tao ay nakatitig sa amin nang husto.

"You are in luck. I have found some information on where to start"

Bulong sa akin ni Benedict. Hindi ko namalayan na magkahawak kami ng kamay na dahilan para ako ay mag-blush.

"Sa Barangay Estamilia, may isang mangkukulam na puwedeng mag-alis sa iyo ng sumpa"

Dagdag niya. Lumaki ang aking mga mata nang marinig ko iyon. Dapat pumunta na tayo ngayon, kung gayon kahit na hindi ko pa alam kung anong mayroon sa sumpa ko.

"I need to visit Kristine first. Hihingi ako sa kaniya ng tawad dahil sa iniwan ko siya noon"

Sambi ko sa kanila habang medyo nanginig ulit ang aking boses dahil nagsisimula muli akong maging emosyonal.

"Mamaya mo na siyang bisitahin"

Tugon ni Benedict at hinawakan ang aking kamay. Hinila niya ako paalis ng police station at papunta sa labasan.

Dumiretso kami sa sasakyan ni Benedict kung saan ginamit namin iyon para tumungo sa lugar na kaniyang tinutukoy.

"Bago ka lang dito, Mary, diba?"

Tanong sa akin ni Gerald. Tumango ako at napalingon sa kaniya na nakaupo sa likod ng sasakyan.

"Bakit ba napakaraming nagtatanong sa akin kung bago lang ako dito sa Mastoniaz?"

Ibinalik ko sa kaniya ang tanong. Napangiti sa akin si Gerald.

"Ganito na ang tradisyon bilang mamamayan dito sa Mastoniaz, dahil ayaw naming may makapasok na masamang nilalang dito. Pero ngayon, may mga namamatay na ngunit hindi sila kumikilos para lutasin ang problema na ito. May nakapasok na masamang nilalang nito"

Sagot niya sa akin. Yumuko lamang ako sa aking hita at pinagmasdan ang galaw ng sasakyan.

-•-

|5:45 PM|

Isang oras na ang nakalipas nang makarating na rin kami sa isang barangay sa gitna ng tahimik na kapatagan.

Kakaunti lamang ang mga nagtatayuang gusali at halos walang makita na mga tao rito.

"It looks very quiet"

Wika ni Benedict sa kaniyang sarili habang tinitingnan ang bawat bahay na aming nadaraanan.

"May mga tao doon, oh!"

Sigaw ni Gerald sa likod ko. Napakaingay naman talaga nitong lalaki kapag wala si Juliana.

"Tanungin natin sila kung may kilala silang mangkukulam"

Dagdag pa niya. Sinunod naman ito ni Benedict at inihinto ang kaniyang sasakyan sa tatlong taong nakataklob ng kumot ang kanilang mga ulo.

Nang bumaba kami sa sasakyan ay lumakad nang papalayo ang tatlo sa amin na para kaming kinakatakutan.

"Huwag po kayong matakot. May itatanong lang po sana kami"

Wika ko sa kanila. Nagbulungan ang tatlo. Napansin ko na lahat sila ay babae na nakataklob ang kanilang ulo ng mga tela.

"Ano ho iyon? Huwag lang po masyadong personal yung tanong"

Tanong ng isa sa kanila at dahan-dahang lumapit sa amin.

Siniko ko si Benedict sa tabi ko para siya ang magpaliwanag sa kanila. Napansin ko na medyo nainis siya sa akin na dahilan para matawa nang mahina.

"May kilala po ba kayong tagapag-alis ng sumpa dito sa barangay niyo?"

Magalang na tinanong ni Benedict ang tatlong babae. Muling nagbulungan ang tatlo sa harap namin. Grabe naman itong tatlong ito, parang hindi kami pinaniniwalaan. Lalo tuloy akong nagiging mausisa sa kanila.

Lumingon-lingon ako sa paligid ko at napansin ang isang aso na nakaupo sa gilid ng kalsada.

Dahil napaka-cute ng aso, hindi ko maiwasang lumapit dito. Napaka-cute din ang kaniyang mga tahol na parang bata pa lamang ito.

Hinaplos ko ang makinis na ulo nito na dahilan para ako'y mapangiti.

"Anong ginagawa mo sa Ging-Ging ko?"

Narinig ko ang isang matandang lalaking boses. Napatingin ako sa lalaki na may hawak na mahabang patpat para siya ay makatayo nang maayos.

"Sorry po"

Tugon ko sa kaniya. Tumitig siya sa akin nang seryoso.

"Sino ka at bakit ka naririto sa Estamilia?"

Tanong niya muli sa akin.

"May hinahanap lang po ako. May nagsabi po kasi na sinumpa raw po ako"

Mabilis kong sinagot ang tanong niya na bigla niyang ikinagulat.

"Halika, bilis! Pumasok ka sa bahay namin!"

Bigla niya akong sinamahan tumakbo papasok sa mga puno na aakalain mo'y gubat. Lumingon ako kina Benedict para sila ay tawagin ngunit laking gulat ko nang wala sila sa pwesto nila pati na rin ang tatlong babae. Nasaan sila?

Bumilis ang tibok ng puso ko habang tumatakbo ako at sumusunod sa matandang lalaki, na kasama ring tumatakbo ang kaniyang aso.

Hindi ako malakas kaya mabilis akong pinawisan habang tumatakbo patungo sa bahay ng lalaki.

Nang malagpasan namin ang mga nagsasayawang puno sa hangin ay nakikita ko na ang nag-iisang bahay sa distansiya.

Pagkarating namin sa isang maliit na estruktura ay kumatok kaagad ang matanda habang ako ay naghahabol sa aking hininga.

"Oh, nahanap mo na si Ging-Ging?"

Nagbukas ang pinto ng bahay at nakita ko ang isang matandang babae na may mukhang pamilyar sa akin, na parang nakita ko na.

"Oo! Itong bata na ito, sinumpa siya at kailangan niyang sirain ang sumpa"

Sa pagpasok namin ng pinto ay kaagad na kinuwento ako ng lalaki. Napahinto saglit ang babae at lumingon sa akin.

"Sinumpa ka?"

Tanong niya sa aking na may tonong parang binibiro ako.

"Hindi ko po talaga alam kung totoo po yung sumpa o hindi. I just want to make sure"

Sagot ko sa kaniya nang seryoso. Pumasok kami sa sala kung saan naroon kaming tatlo ay umupo sa isang matandang upuan.

"Siguro katulad mo rin ang isang dalagang sinumpa rin noong nakaraang taon. Alam mo kung anong nangyari sa kaniya? Hindi na siya nahanap kailanman"

Kuwento ng babae sa akin habang umiinom ng kape. Lumapit sa akin ang matandang lalaki at binigyan rin ako ng isang baso ng kape.

"Kung totoo man po iyon, ayoko pong matulad sa nangyari sa kaniya"

Bigkas ko sa kaniya nang kalmado kahit na kailangan kong kabahan dahil sa narinig ko.

"Kung gusto mong masira ang sumpa, may isang mabigat kang gagawin"

Nakangisi niyang pagsasalita.

Napalunok ako sa kaba at dito na ako nagsimulang pagpawisan.

"Pero alam niyo po ba kung anong sumpa ko?"

Tanong ko sa babae. Inisip nang mabuti ang tanong na ito ngunit umiling lang siya sa akin.

"Hindi ko alam pero sa tingin ko, itong sumpa na ito ay papatay sa iyong isip na dahilan para ikaw ay mabaliw"

Sagot niya nang may seryosong mukha. Bumibilis ang tibok ng puso ko habang ang oras ay tumatakbo.

"A-ano po ang gagawin ko para masira ang sumpa na ito"

Tanong ko muli sa kaniya na ikinatahimik ng paligid namin.

"Papatay ka ng pitong tao. Bawat isa ay dapat may nagawang masama na konektado sa 7 Deady Sins"

Pagpapaliwanag niya. Tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang kaniyang sinasabi.

"Ang pitong tao na ito ay maitatawag na 7 deadly sinners. Papatay ka ng tao na nagkamit ng matinding poot sa kapwa niya. O tinatawag na wrath.

Papatay ka ng isang tao na may kahambugan at kayabangan sa kaniyang sarili, o tinatawag nating pride.

Papatay ka ng isang tao na may sobra sa pagkabusog sa kaniyang sarili na tinatawag nating gluttony.

Papatay ka ng isang tao na ubod ng katamaran at nagsasayang ng bawat oras, na tinatawag nating sloth.

Papatay ka ng isang tao na ikinaseselosan ang lahat ng bagay na mayroon ang kapwa niya na wala siya, na tinatawag nating envy.

Papatay ka ng tao na nawalan ng sarili dahil sa katakawan na makuha ang lahat, na tinatawag nating greed.

At papatay ka ng isang tao na matindi ang pagnanasa sa kaniyang kapwa na tinatawag nating lust"

Ipinaliwanag niya ang mga gagawin. Halos hindi na gumalaw ang aking utak dahil sa aking narinig. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.

"Kapag napatay mo sila, ibibigay mo sa akin ang dugo ng bawat isa para maisira na natin ang sumpa"

Sambit niya habang nananatili siyang kalmado kahit na nakakatakot ang mga sinasabi niya.

"Huwag kang mag-alala, hija. Isipin mo na ang lahat ng taong ito ay gumawa ng kasamaan at nararapat lamang sa kanila ang mga puwedeng mangyari sa kanila"

Dagdag niya. Hindi na ako makainom sa baso ng kape na hawak ko.

"Kailangan mo itong gawin para ikaw na ang huling makakatanggap ng sumpa na ito"

Wika ng matandang lalaki habang nilalaro ang kaniyang maliit na aso.

Huminga ako nang malalim dahil dito na magbabago ang katangian ni Mary Carmen Lim. Magagawa ko kaya ito?

"Ako nga pala si Mang Reynaldo. Ano nga pala ang pangalan mo?"

Tanong sa akin ng matandang lalaki. Ngumiti ako bago sumagot.

"Mary po"

Sagot ko habang umiinom sa baso ng kape.

Nagsisimula nang dumilik ang paligid at kinakabahan na ako dahil wala sa aking tabi sina Benedict.

"Alam niyo po ba ang kakaibang mga nangyayari dito sa bayan ng Mastoniaz? Alam niyo rin po ba kung sino ang nasa likod nito?"

Tanong ko kay Mang Reynaldo na ikinatahimik lang niya, hindi ko alam kung bakit.

Tiningnan ko ang mga gamit nila dito sa paligid at nakita ko ang mga papel na nakadikit sa isang bahagi ng pader.

Lumapit ako dito at nakita ang mga sulat na yari sa lingguwahe ng Kastila. Naalala ko bigla ang sulat na nakadikit sa librong The Diary of a Flower.

Hindi kaya alam nila ang nangyayari dito sa bayan ng Mastoniaz?


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C11
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ