ดาวน์โหลดแอป

บท 18: 17

"You really look pretty tonight."

"Sinungaling." Bulong ni Myla saka umismid. Kanina pa nagpapaulit-ulit sa isipan niya ang sinabing iyon ni Darwin. Ngunit kung kanina ay kakaibang init sa dibdib ang nararamdaman niya sa tuwing magri-replay sa isip niya ang sinabi nitong iyon, ngayon ay nanggagalaiti na siya. Lalo pa at hindi kaaya-aya sa paningin niya ang tanawin sa kanyang harap.

Kasalukuyang nagsasayaw sa gitna ng court na iyon na siyang nagsisilbing dance floor ang isang parehang nagsasayaw sa saliw ng malamyos na tugtugin. Maraming pareha naman ang nagsasayaw sa gitna ngunit sa partikular na parehang iyon lamang nag-iinit ang ulo niya.

Ang lakas ng loob ng Darwin na iyon na utuin siya kaninang nasa bahay pa sila ngunit ngayon ay abala naman itong makipagsayaw sa ibang babae. At nagkataong ang babae pang kasayaw nito ng mga oras na iyon ay si Angelica. At habang ang dalawa ay mukhang nag-e-enjoy sa paglalandian ng mga ito, heto siya at tutubuan na yata ng ugat sa pagkakaupo sa gilid habang hawak ang isang baso ng juice. Maging ang Lola niya ay may sarili ding grupo ng mga kaibigan. Napabuntng-hininga siya. Kung bakit kasi nakasama-sama pa siya roon?

"Hi."

Bahagya siyang nagulat sa pagsulpot ng isang lalaki sa bakanteng upuang nasa tabi niya. Nilingon niya ito. Gwapo ang lalaki at wala sa mukha nito na taga-roon din ito. Mukhang taga-Maynila din itong gaya nila ni Darwin.

"Hello." Ang tanging sagot niya rito at nginitian ito.

"Nagbabakasyon din ba kayo rito?" tanong nito.

"Ahm yeah..." sagot niya kahit wala naman talaga siyang balak na makipag-usap dito ng matagal. Ngayon pa lang kasi niya ito nakita at hindi siya komportable rito. Dagdag pang halata sa aura nitong may pagka-presko ito.

"Ako rin eh. Kaya wala akong kilala sa lahat ng mga tao rito. Ako nga pala si Jeff." Inilahad nito ang kamay sa kanya. "And you are?"

"Myla." Sagot niya saka tinanggap din ang pakikipagkamay nito. Bahagya siyang nainis nang pisilin pa ng lalaki ang palad niya.

"Nice to meet you, Myla." Nakangising sabi nito nang hindi pa rin binibitiwan ang kamay niya. "You have a beautiful name by the way. Bagay na bagay sa magandang tulad mo."

Okay, that line was too overused and definitely disturbing. Tama siya ng hinala sa lalaki. Nag-uumapaw ang ka-preskuhan nito sa katawan.

"Ahh... Thanks." Magalang na sabi niya kahit pa naaasiwa na siya rito. Dahan dahan din niyang binawi ang kamay niyang wala na yatang balak bitawan nito.

"Wanna dance?" bigla ay tanong nito.

Halos buo na ang pasya niyang tanggihan ito nang saglit na magawi ang tingin niya kay Darwin. Hawak pa rin nito sa mga bisig si Angelica habang nagsasayaw ngunit nakatuon na ang tingin nito sa kanya. Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito.

Bigla parang nagbago ang ihip ng hangin. Bakit nga ba siya nagpapakabulok sa isang sulok ng kasiyahan habang ang Darwin na iyon ay masayang nakikipagsayaw sa kung sinu-sinong babae. Tinaasan niya ng kilay si Darwin saka muling nilingon ang lalaking nasa tabi pa rin niya.

"Sure." Pagpayag niya rito.

Maya maya pa ay iginagaya na siya ng lalaki sa gitna ng dance floor. At nang lumapat ang palad nito sa beywang niya ay bahagya siyang kinilabutan. Parang gusto niyang magsising pumayag siyang makipagsayaw sa lalaki. Ngunit nang magawi ang tingin niya kina Darwin at Angelica ay biglang nawala ang pagsisisi niya. Binalewala niya ang kakaibang pakiramdam na dulot ng lalaking kasayaw at nagawa pa niyang isukbit din sa balikat ng lalaki ang mga braso saka sumabay sa pagsasayaw nito. Lumawak namang lalo ang pagkakangiti ni Jeff kasunod niyon ay ang paghapit pang lalo nito sa beywang niya. Lalo siyang nakaramdam ng kilabot.

"J-jeff---"

"Do you know that you're so beautiful?" mababa ang boses na sabi ng kaharap.

"J-jeff, lumayo ka muna ng---"

"And you're also very sexy, baby." Dugtong nito at sa gulat niya ay unti-unting bumaba ang kamay nito mula beywang niya. Hindi lang pala ito presko kung hindi may pagka-manyak din ito.

"Bastos---!" hindi pa man niya natatapos ang pagtatalak sana at ang napipintong panggugulpi sa lalaki ay may kung sino nang nag-alis ng kamay nito mula sa likod niya at marahas itong inilayo sa kanya.

"Touch my girlfriend again and you're good as dead, you hear me?" mababa ngunit mariing sabi ni Darwin. Hawak pa rin nito ng mahigpit ang kamay ni Mark. At kung nakakamatay lamang siguro ang tingin, malamang na hindi na makakauwi pang buhay ang lalaki dahil sa tinging ipinupukol ni Darwin dito.

"C-chill, pare. Hindi ko naman alam na may boyfriend siya. At siya naman ang nagbigay ng motibo." Depensa ng lalaking nababahag na yata ang buntot.

May pumitik naman sa sentido niya. Ano ang sinasabi nitong nagbigay siya ng motibo?

"Excuse me? So sa akin mo pa pala balak isisi ang kamanyakan mo?" inis na sabi niya at akmang susugurin na ang lalaki nang may pumigil sa beywang niya. Darwin's arm was already planted at her waist keeping her in place.

"Get out of here." Malamig na sabi ni Darwin sa lalaki. Hindi naman na kinailangan pang ulitin ni Darwin ang sinabi dahil nagkukumahog nang tumalilis ang bastos na lalaki.

"Bitawan mo nga ako." Sabi na niya nang wala na sa paningin nila ang lalaki. Kung kanina ay inis siya ngayon ay bwisit na siya. Minsan na nga lang siyang nakipag-sayaw, sa manyak pa siya napadpad.

Tinanggal niya ang braso nito mula sa beywang niya saka naglakad nang palayo ngunit hindi na siya nakalayo pa dahil muli nitong hinapit ang beywang niya at sa pagkakataong iyon hinila pa siya nitong paharap dito. Agad niyang nailapat ang mga palad sa dibdib nito upang kumuha ng balanse. Kasabay niyon ay ang di maipaliwanag na pagwawala ng dibdib niya.

"Not so fast, lady." Narinig niyang sabi nito.

"B-bitawan mo nga ako, ano ba?!" asik niya rito nang bahagyang mahimasmasan sa pagkagulat.

"Later. Pagkatapos ng isang tugtog." Sabi nito at lalo pa siyang hinapit saka bahagyang gumalaw katugma ng malamyos na tugtugin.

"At sinong may sabing papayag akong makipagsayaw sa'yo?" balik niya rito bagaman nanghihina na rin siya. Iyon ang epekto ng pagkakalapit nila nito nang mga oras na iyon.

"Come on. You've been watching me dance all night. It's high time you get your dance with the prince." Nang iangat niya ang tingin dito ay sinalubong siya ng nakakalokong ngiti nito.

"Prince? Sino, ikaw? Patawa ka ha!" sarcastic na sabi niya rito.

"Sino pala? Iyong manyakis mong kasayaw kanina?" kunot ang noong tanong na nito. "Nice taste, by the way." Pumalatak pa ito.

"At anong ibig mong sabihin? Na ginusto kong makipagsayaw sa manyakis na 'yon?" taas ang kilay na tanong niya rito. "Excuse me lang 'no? Wala namang nakalagay sa noo niya na signboard na 'manyakis ako!' at lalong hindi ako manghuhula kaya hindi ko alam na may lahing kriminal pala ang isang 'yon."

"Kaya nga dapat hindi ka basta-basta na lang sumasama sa kung sino. Ang tanda mo na, hindi mo pa alam ang rule na 'yon?" sagot pa rin nito sa kanya.

"Hindi naman kasi ako sumama sa kanya kung saan. Malay ko bang gagawa siya ng kalokohan sa harap ng maraming tao." Hindi patatalong balik pa rin niya rito. "At bakit ba pinapangaralan mo 'ko? Tatay ba kita? Balikan mo na lang iyong ka-date mo, pwede ba? Baka hinahanap ka na n'on." parungit niya rito.

"Sinong ka-date?" pa-inosente pang tanong nito.

"Iyong si Angelica. Kanina mo pa kasayaw 'yon 'di ba? Baka bigla niya akong gyerahin dahil kasayaw ko ngayon ang boyfriend niya." Paismid na sagot niya.

Saglit itong natigilan sa sinabi niya ngunit kasunod naman niyon ay ang nakakalokong ngiti nito. Napalunok siya. Parang hindi niya gusto ang kung anumang itinatakbo ng isip nito.

"Wait, are you jealous?"

Bigla siyang naubo sa tanong na iyon.

"J-jealous? Ako! Ha-ha! Patawa ka 'no! Bakit naman ako magseselos?" pagtanggi niya bagaman ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Jealous? Siya? Not a chance.

Eh bakit ka namumula?

Bakit ba pati ang sarili niyang utak ay kinokontra na siya? Iniiwas na lamang niya ang tingin kay Darwin sa takot na may mapansin ito sa kanya. Ngunit nagulat siya nang bigla na lang itong tumawa. Kasunod niyon ay ang paglapat ng mga daliri nito sa pisngi niya.

"Aray!" daing niya nang basta na lang nitong pisilin ang pisngi niya. "Ano ba---!"

Lumipad mula sa isip niya ang iba pang sasabihin nang pag-angat niya ng tingin rito ay sumalubong ang mga labi nito sa mga labi niya. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito ngunit saglit lamang iyon. Dahil gaya nang halikan siya nito noon nasa hardin sila, parang naliliyong napapikit siyang muli. At parang may sariling isip na umangat ang mga kamay niya sa batok nito. She started answering his kisses. His kisses were making her forget about anything else but him. At pakiramdam niya ay eksperto na siya roon.

Bumalik lamang siya sa huwisyo nang marinig niya ang palakpakan at paswitan sa paligid. Nanlaki ang mga mata niya at agad na lumayo rito. Ngunit hindi siya nito hinayaang makalayo sa halip ay hinigpitan din ang pagkakahapit sa beywang niya. At para maitago ang sarili ay isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Nakakahiya! Nagpadala siya sa kung anong mahikang taglay ng lalaking ito at ni hindi na niya inalintana ang dami ng taong nasa paligid niya. She must be nuts!

Hinampas niya ang dibdib nito. Ngunit sa halip na masaktan ay mukhang natuwa pa ito. Ramdam niya ang pagyugyog ng balikat nito tanda ng pagtawa nito. Nagagawa pa nitong tumawa samantalang gusto na niyang kainin siya ng lupa dahil sa kahihiyan!

"Bwisit ka talagang bakulaw ka!" inis na sabi niya rito kahit pa nakasubsob pa rin ang mukha.

"I'm sorry, bansot." Dinig pa rin niya sa boses nito ang pagtawa.

"Nakakainis ka talaga! Ano nang gagawin ko? Shet! Nakakahiya! Badtrip ka talaga!"

"Relax, okay?" sabi nito at umangat ang mga braso nito at tuluyang pumulupot sa katawan niya. Saglit siyang natigilan. "I'll take care of everything." kasunod niyon ay ang pagdampi ng kung ano sa buhok niya. "I'll take care of you."


Load failed, please RETRY

สถานะพลังงานรายสัปดาห์

Rank -- การจัดอันดับด้วยพลัง
Stone -- หินพลัง

ป้ายปลดล็อกตอน

สารบัญ

ตัวเลือกแสดง

พื้นหลัง

แบบอักษร

ขนาด

ความคิดเห็นต่อตอน

เขียนรีวิว สถานะการอ่าน: C18
ไม่สามารถโพสต์ได้ กรุณาลองใหม่อีกครั้ง
  • คุณภาพงานเขียน
  • ความเสถียรของการอัปเดต
  • การดำเนินเรื่อง
  • กาสร้างตัวละคร
  • พื้นหลังโลก

คะแนนรวม 0.0

รีวิวโพสต์สําเร็จ! อ่านรีวิวเพิ่มเติม
โหวตด้วย Power Stone
Rank NO.-- การจัดอันดับพลัง
Stone -- หินพลัง
รายงานเนื้อหาที่ไม่เหมาะสม
เคล็ดลับข้อผิดพลาด

รายงานการล่วงละเมิด

ความคิดเห็นย่อหน้า

เข้า สู่ ระบบ